Chereads / I'm (Still) Into You / Chapter 18 - Shotgun

Chapter 18 - Shotgun

Chapter 16. Shotgun

INILAYO si Ice ni Jervis saka sinuntok nito ang mukha ng lalaki. Hindi niyon napaghandaan ang suntok nito kaya napaatras ang kapitbahay niya ng ilang hakbang sa lakas ng pagkakasuntok ni Jervis.

"Anong nangyayari rito?" pupungas-pungas na tanong ng kuya France niya. Totoo ngang nandoon ang kambal niyang kuya!

"K-Kuya?"

Sumeryoso ang kuya niya at tiim-bagang na tiningnan si Jervis.

"Iyan ba ang lalaking pinatulog mo sa apartment mo, Fraulin?" ang kaniyang Kuya Franco na kasunod lamang na lumabas ng kaniyang Kuya France. Kahit kambal ay magkaiba ang itsura ng dalawa.

"Fiancé ko si Jervis," sagot niya.

"Hindi ka na nahiya sa fiancé mo," sabad ni France sa usapan. Diniinan nito ang salitang fiancé habang tinutulungang makabangon ang lalaking sinuntok ni Jervis.

"Mawalang-galang na, pero ako ang pakakasalan ng kapatid ninyo," buo ang loob na nagsalita si Jervis.

"Shut the fuck up!" her brother, France, shouted and punched Jervis' face. Napatili siya'tsiya't mabilis na pumagitna.

"Uuwi tayo ng Aplaya ngayon din. Pag-uusapan natin ang kasal ninyo ni Sinned," matigas na utos ng kaniyang kuya France.

"Hindi ako magpakakasal sa kaniya! I don't even know him."

"Iyan lang ba ang dahilan mo, Fraulin?" mahinahong tanong ni Franco. "You can get to know each other after you get married."

Sunod-sunod na umiling siya't napakapit sa braso ni Jervis.

"Naghihintay na ang chopper sa helipad ng Sandoval Hotel," sabad ng kapitbahay niya, na Sinned ang pangalan. He never met him before! At kahit nakilala niya ito bilang kapitbahay niya'y hindi siya pakakasal dito.

Dahil naipagkaloob na niya ang damdamin kay Jervis noon pa man.

"Hindi," she said with conviction. "Magpapakasal kami ni Jervis."

"Uuwi tayo," si France.

"Buntis ako, Kuya, at si Jervis ang ama!" pagsisinungaling niya.

Ngumisi lang ng nakakaloko si Sinned. "Pananagutan kita."

Marahas na nagmura si Jervis. "She is mine!"

Nakuha nitong lalo ang loob niya, nakaramdam siya ng kiliti at haplos sa kaniyang puso, kahit pa sa ganoong sitwasyon.

Hindi na niya narinig ang sagot ng kaniyang mga kuya nang hinila siya ni Jervis papalayo roon. Agad na nakasakay sila sa sasakyan nito at pinaharurot iyon palayo.

Ilang sandali pa ay ginagap nito ang kaniyang palad habang nagmamaneho.

Now, what?

"Pasensya ka na sa nangyari kanina," panimula niya.

"Magpapakasal ka sa akin, hindi ba?"

Mabilis na tumango siya.

"We're getting married now."

Maang na napatitig siya rito at may tinawagan ito sa cellphone. Tahimik na nakinig lamang siya sa usapan. Ni-loudspeaker nito ang phone.

"Hey, man! Buti naisipan mong tumawag? Balita ko, ilang buwan ka nang nasa Pinas—"

"Mayor."

"What is it?" Sumeryoso ang nasa kabilang linya.

"You're a mayor and a judge. I need you on my wedding today. We'll be there by three."

Napasinghap siya sa tinuran nito. Hindi niya inakala na ganoon ang magiging kahihinatnan ng pagpapakasal niya sa lalaking mahal niya. She had a dream wedding, but she didn't mind anymore as long as it's Jervis.

"Damn you, Guevara! Is it a shotgun wedding?"

May pinag-usapan pa ang mga ito bago tuluyang tinapos ang tawag.

"I'll marry you again once we settled everything," masuyong bulalas nito nang makarating sila sa airport.

"No, Jervie, everything about you is my dream now. Kahit saan, kahit kailan, pakakasal at pakakasal ako sa iyo," madamdaming untag niya.

He smiled and the back of her hand. "I really love you."

She smiled sweetly.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong niya nang mapansing sa VIP sila dumaan.

"Trust me, babe," sagot lang nito.

Sumakay sila sa isang private jet. "Is this yours?" she asked in awe when they sat down.

Umiling ito. "This is my Uncle's," sagot nito. Kung ganoon, mali pala ang hula niya na ito ang may-ari niyon. "Mine is an airplane, my friend borrowed it that's why we're using Uncle's jet plane," he casually replied. Napatango-tango siya at nang mapagtanto ang sinabi nito ay nagulantang siya.

"Ganoon kayo kayaman?!" bulalas niya. Nanlalaki ang mga matang inilibot niya ang paningin sa loog ng jet. "Hindi na ako magtataka kung may share ka sa airport na ito o kung may yate ka rin ba. Para kumpleto, may mga sasakyan kang panghimpapawid, panglupa, at pandagat." Idinaan niya sa biro ang pagkamangha at umimom ng tubig.

"Yes, I have."

Nasamid siya. "You have what?"

"Everything that you mentioned. Are you hungry? What food would you like to eat?" iwas nito sa usapan pero hindi niya nabalewala iyon.

"Seryoso?!"

Nahihiyang tumango ito.

"Pero buti hindi kayo sa isang mansiyon o villa nakatira? Feeling ko ganoon ang level ng yaman ninyo, e. O, hacienda, ganoon."

"We have. Pero gusto ni Auntie na sa condo kami tumira noon. They're worried about our security. Pero sigurado naman akong safe sa hacienda," he replied. Tumahimik siya para pakinggan pa ang sasabihin nito.

Oo nga pala.

"Kalaunan ay pumayag kami ni Jasel dahil sina Uncle ang tumayong guardian namin noon."

Ah, yes, she remembered now. Naikwento na ni Jasel noon. "But I think it's better if you stayed at your home. At least, tipid, hindi ba? You didn't have to buy units," she commented.

"My uncle's wife owns the Nievieras', Ice," kaswal na kaswal na banggit nito.

Wala sa sariling napainom siya ng tubig. Akala niya rati, mayaman na sila dahil sa café, milk tea shops, at ang bagong bukas nilang bakeshop sa probinsya. Pero parang barya lang pala ang yaman nila sa yaman ng mga Guevara.

"Nakakalunod. Grabe. Kidnap-in na lang kaya kita?"

"You already kidnapped my heart, babe," anas nito, nakangisi.

Parang sinilaban siya at uminit ang magkabilang pisngi niya. "Ang corny mo!" Bahagya niyang tinampal ang braso nito.

Sa pag-uusap nila ay panandalian niyang nakalimutan ang dahilan kung bakit biglaan ang naging desisyon nila ngayon.

I'm sorry, brothers. I love Jervis so much and I will choose him no matter what happens.

BAGO mag-alas quatro ay nakarating na sila ng Tuguegarao Airport ni Jervis gamit ang isang private jet. Sa munisipyo sila dumiretso. Pagkarating doon ay nakahanda na ang mayor at nagsilbing witnesses ng kasal nila ang dalawang bodyguards nitong mga kakilala rin pala ni Jervis.

The people who witnessed their wedding congratulated them. Ilang sandali pa ay lumapit ang isang bodyguard kay Jervis.

"Okay na ang lahat," ani nito kay Jervis. Tumango ito at tinapik ang balikat ng bodyguard.

"Let's go, babe," masuyong bulong nito sa kaniya at nagpagiya siya rito nang umalis sila.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya nang mapansing bumalik sila sa Tuguegarao Airport para lamang ihatid sila sa Clark International Airport.

This time, they're riding on an empty airplane. Ilang cabin crew ang naroon, ang piloto ay nagsalita, maririnig sa speakers.

"Best wishes to the newlywed!" bati nito matapos magsalita ng ilang mga paalala bago mag-take off ang eroplano. Nakapwesto siya sa may bintana sa kaliwang parte ng eroplano at kitang-kita niya ang tanawin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya ulit pagka-take off ng eroplano.

Ginagap ni Jervis ang palad niya and inilapit ang mukha nito sa bandang kanang tainga niya. He kissed her ear and slightly nipped it.

"Itatanan kita," malat ang tinig nito nang sambitin ang mga katagang iyon.