Chapter 19. Tayo
ILANG oras din ang itinagal ng operasyon at sa durasyon na iyon ay taimtim na nananalangin si Ice na sana'y maligtas si Jervis. Si Jasel ay nagpapahinga na rin dahil marami-rami rin ang ibinigay nitong dugo sa kapatid. Si Jervis ay under observation pa.
At hindi pa rin gumigising.
"Akala ko po ba successful ang operasyon? Bakit hindi pa siya gumigising?" natatarantang tanong niya sa neurosurgeon, nasa Intensive Care Unit, o ICU sila, kung nasaan si Jervis. The surgeon calmed her down, nagpasyang igiya siya sa opisina nito para magpaliwanag.
"Being in coma will allow his brain to heal from the severe swelling and internal bleeding, Mrs. Guevara," paliwanag nito. Gusto niyang mapanatag pero hindi pa rin gumigising si Jervis.
"Ilang araw ang itatagal?"
"Two to four weeks."
"Ganoon katagal?" nanghihinang bulalas niya. Pakiramdam niya'y para na rin siyang lantang-gulay sa nalaman.
"Maswerte siyang kinaya niya ang operasyon. It's a miracle that we didn't lose him despite of what happened. We just have to wait patiently for him to fully recover and regain his consciousness," mariing paliwanag ng doktor.
Tumango siya. Wala siyang magagawa kundi ang magtiwala sa surgeon. Ito ang mas may nakakaalam sa injury ni Jervis.
Ayon dito'y namaga ang utak ni Jervis dahil sa matinding impact ng pagkakabangga ng sasakyan nito, at dahil na rin sa mabilis ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. If it wasn't because of the airbag, he could had had died at that moment. Idagdag pa na naka-seatbelt ito kaya hindi tumilapon ang katawan. But still, the impact was strong enough to injure his brain.
Pakiramdam niya'y nanghina siya nang puntahan ang silid ni Jervis, may kung ano-anong aparato ang nakalagay sa bugbog nitong katawan. Napaluhod siya sa gilid ng kama at ginagap ang kamay ng lalaki.
"Gumising ka na, please... Hindi ko kayang makita na ganiyan ka. Parang wala akong buhay..." nasasaktang sumamo niya.
Almost two weeks after, Jervis was still the same. Hindi pa rin ito nagigising. Jasel left the country out of guilt. Nilunod nito ang sarili sa pagte-take over ng kompanya ng mga Guevara. But their uncle didn't allow her to manage those completely. She's also seeing a consultant to help her realize that what happened was just an accident. Na hindi nito kailangang sisihin ang sarili.
Siya nama'y sa ospital na naglagi. She resigned from her work but Kieffer, her boss, didn't allow her. Binigyan na lamang siya nito ng indefinite leave para asikasuhin ang asawa.
"Good morning, my husband," masiglang bati niya kay Jervis. Ayaw niyang marinig nitomg nalulungkot siya. "Darating ang physical therapist mo mamayang hapon, ima-massage ang katawan mo para hindi manigas ang muscles m."
Pumunta siya saglit sa banyo para kunin ang basin. The nurses taught her how to bathe him. Noong unang mga araw ay ang mga ito ang naglilinis sa katawan ng lalaki, pagkuwa'y nagpaturo siya ng basics para siya nang umasikaso niyon.
"I'll clean your body para malinis at mabango ka pa rin," untag niya at sinimulan ng hilamusin ang katawan nito gamit ng basang bimpo. Bahagya niya ring minasahe ang extremities nito. She also called for help para tulungan siya sa pagpalit ng damit nito. Mabigat si Jervis at hindi niya kakayaning gawin iyon mag-isa lalo pa't wala naman talaga siyang background tungkol doon. Baka sa bawat pagbiling niya sa katawan nito ay may matamaan pala siyang muscle o ano.
Nang matapos ay nagpaalam na ang nurse. Nagpasalamat siya rito bago ito umalis.
She started telling Jervis about how she couldn't wait to be with him and have a family with him.
"I miss your gentleness, love. I miss your voice. I miss all of you..."
Hinaplos niya ang nahihimbing nitong mukha.
"Kahit manumbalik ka na lang katulad ng dati, kahit huwag mo na akong pansinin, I'll be fine. Basta gumising ka lang, hmm?"
Nang sambitin niya iyon ay hindi niya napigilan ang maluha. It had been days since the last time she cried and everything just bottled up.
"Sorry, hindi dapat ako umiiyak, baka m-marinig mo." Hindi niya rin napigilan ang humikbi at pumiyok nang magsalita. Napakagat-labi siya para pigilan ang malakas na paghikbi. Sa huli'y ginagap niya ang palad nito.
Hinalik-halikan niya ang kamay nito habang paulit-ulit na pinaparating dito kung gaano niya ito kamahal.
Nang hapong iyon ay dumating ang physical therapist nito. Halos isang oras ding nagtagal ang pagma-massage nito sa katawan ni Jervis.
"Ma'am," tawag ng therapist sa kaniya. "Dito po, tuturuan ulit kita ng basic massage para gawin mo sa kaniya tuwing umaga."
Agad na tumalima siya. Mas mainam iyon. Tapos na nitong masahiin ang kaniyang asawa.
"Paano ba?" she asked curiously.
"Ganito."
He showed him how to massage his upper extremities. She gave full attention with every movements he was teaching her. Ngayong tinuruan siya ay napagtanto niyang mali pala ang ginagawa niyang pagmamasahe rito, pero wala naman daw kaso iyon dahil nakatutulong din naman sa sirkulasyon ng dugo ni Jervis.
"Sige po, Ma'am, ipagpatuloy n'yo iyan. Tama iyan."
Napangiti siya at bumaling sa asawa. "Paggising mo, mamasahiin din kita lagi 'pag galing ka ng trabaho. Para ma-relax ka."
Nakangiting nakatingin sa kaniya ang physical therapist habang kinakausap niya si Jervis.
"Syempre, alam kong pagod ka sa trabaho, kaya bilang asawa mo, pagsisilbihan kita. Kaya gumising ka na, ha?" untag niya, pinipigilang lumungkot. Nagpatuloy siya sa pagmamasahe sa kaliwang braso't kamay nito.
"Ganiyan din po ang gawin n'yo sa mga hita niya't binti."
Nasisiyahang tumalima siya. She'd massage Jervis like this every single day. If she had to take care of him forever, she would do so.
Sinimulan na niyang masahiin ang binti nito, paakyat sa hita. Inulit niya rin iyon sa kabila.
"M-ma'am!" gulantang na tawag sa kaniyang atensiyon ng physical therapist.
"Hmm?" she asked without looking at him. Focused siya sa pagmamasahe.
"Ma'am, just continue. I'll call the doctor!"
Nagtatakang lumingon siya rito habang minamasahe ang kanang hita ni Jervis nang mapadako ang paningin niya sa mga daliri nito sa kamay. Gumalaw iyon nang bahagya, hindi isang beses, kundi paulit-ulit. Ganoon din ang sa isang kamay nito. Bumilis ang tahip ng kaniyang dibdib.
Nanlaki ang mga mata niya nang mahagip ng kaniyang paningin ang pagkalalaki nito, kahit nakasuot ng hospital gown ay halatang-halata na tayong-tayo iyon!
"Oh, my God, Jervis!" bulalas niya. Nahinto siya sa paggalaw at pagmamasahe rito, nanatili lang na nakalapat ang mga palad niya sa hita nito.
Parang isang pelikula na bumagal ang lahat nang bumaling siya sa medyo namayat nitong mukha, partikular na sa mga talukap ng mata nitong unti-unting nagmulat.
Gulat na gulat ma'y walang pakundangan ang galak niya nang magtama ang mga paningin nila. Napangiti siya't napakagat-labi para pigilan ang pag-agos ng luha.
He smiled at her. That's where she lost it and cried out of happiness. She never felt that relieved, grateful, and alive in her whole life.