Chereads / I'm (Still) Into You / Chapter 22 - All

Chapter 22 - All

Chapter 20. All

ICE was trembling as she watched her husband being attended by the medical personnel.

Lagpas kalahating oras ang itinagal ng pagche-check up ng mga ito kay Jervis at puro tango at iling lamang ang naisagot nito sa ilang mga katanungan noong una. Hindi pa kasi ito nagsalita nang mahaba-habang mga pangungusap dahil anang doktor ay medyo tuyo pa ang lalamunan nito.

Marami-rami nang tinanong gaya na lamang ng kung nakikita ba nito ang mga bagay roon, o kung naririnig ba ng lalaki ang mga boses, at ilan pang mga katanungang pwedeng sagutin sa pamamagitan ng pagtango at pag-iling.

Unang tinanong ay kung kumusta ba ang kalagayan nito, na kung may masakit ba?

Gumaan ang kaniyang pakiramdam nang umiling ito.

Hindi niya ito iniwan habang naghihintay pa sila ng oras dahil may ite-test ulit kay Jervis para masiguro na magiging maayos ang recovery nito.

Ilang oras lang ay dumating ang neurosurgeon at tinanong ulit ng kung ano-anong bagay si Jervis.

"Alam mo ba kung anong taon ngayon?" the surgeon asked again.

He answered accurately.

"Ano'ng pangalan mo?"

"Jervis... Jervis Guevara," sagot nito.

Hindi niya mapigilang mangiti. Everything seemed to be normal because he answered all of the questions correctly.

"Kilala mo ba siya?" Lumayo nang bahagya ang doktor at sinenyasan siyang lumapit sa kama. Kanina pa kasi siya nasa paanan niyon at tahimik na nagmamasid.

Matagal bago sumagot si Jervis.

Kinabahan siya. Paano kung nagka-damage ang utak nito? Kung nagka-partial amnesia ito gaya ng nababasa niyang posibilidad na mangyari kapag nagising ang pasyente galing sa pagkaka-comatose? Paano kung hindi na siya nito makilala kailanman?

Umiling siya para iwaglit ang mga hindi kaaya-ayang bagay sa kaniyang isipan.

Nang magtama ang paningin nila ng lalaki ay mataman itong nakatitig sa kaniya. Parang kinakabisa nito ang bawat sulok ng kaniyang mukha.

"Jervis?" ang doktor.

Napasinghap siya nang matamis na ngumiti ang kaniyang asawa at tumulo ang ilang butil ng luha sa mga mata nito.

"W-what's wrong? Bakit s-siya umiiyak?" natatarantang baling niya sa neurosurgeon. He just knowingly smiled to her and her gazes went back to Jervis. He's still smiling to suppress his tears.

"Of course, I would never forget the beautiful and lovely face of my wife," his baritone was hoarse.

Napapikit siya mang mariin at nagpasalamat na hindi siya nito nakalimutan. Na mukhang maayos na talaga ang lagay nito. Mabilis na umupo siya sa gilid ng kama at bahagyang yumuko para yakapin ang lalaki.

"Pinakaba mo ako," lumuluhang aniya.

"Huwag kang umiyak, buhay ako." Nakuha pa nitong magbiro.

Nag-angat siya ng tingin at bahagyang tinampal ang braso nito. Mahina lang iyon pero baka nasaktan niya ito. "S-sorry," agap niya.

"I'll just come back later. Magra-rounds din naman ako," nang-uunawang untag ng neurosurgeon.

"Sandali," si Jervis. Humarap ang doktor dito. "May pag-uusapan pa tayo."

"Focus on your recovery first."

Iyon lamang at umalis na ito.

"You know each other?"

Tumango ito at mabilisang inilahad sa kaniya ang dahilan ng pag-uusapan ng mga ito.

"Ano ba iyan! Mas inuna ko pa ang tsismis!" pabirong sambit niya.

He smirked. Then, seriously asked her, "What were y-you thinking a while ago?"

Sinaad niya ang mga hindi kaaya-ayang bagay na naisip.

"Silly, you were just overthinking," puna nito.

She smiled faintly. "You can't blame me. Tadtad ng nagka-amnesia si ganito o nagka-damage sa utak si ganiyan ang mga dramang pinapalabas sa telebisyon. At isa pa, nabasa ko rin na posibleng mangyari iyon."

Sandaling katahimikan ang namayani. "Paano kung nakalimutan nga kita?"

Agad na lumungkot ang mukha niya.

"Forget it. That won't ever happen. I'm sorry, I asked."

Umiling siya.

"I love you, alright? I love you so much. Let's n-not think about that situation. It'll never be happen, babe."

Pinili pa rin niyang sagutin ang tanong nito. "Yes, I can't really imagine that. But if you forgot about me, I'd do everything just to make you fall for me all over again. Kahit sungitan mo pa ako, papalitan ko ng paglalambing ko. Kahit umalis ka ng bansa, susundan at susundan kita. Hindi ka marunong manligaw kaya ako ang manliligaw sa iyo. I will always let you feel my presence. I'll only surrender to love. Kahit masaktan mo ako ng ilang ulit na hindi mo naman sinasadya, aalalahanin ko ang mga panahon na pinasaya mo ako. Kahit na mambabae ka—"

Napatigil siya at hinihingal saka kumunot ang noo. Kumuyom din ang kaniyang mga kamao.

"Kahit mambabae ka..."Sinamaan niya ito ng tingin dahil mukhang tuwang-tuwa ito sa reaksyon niya. "Ano'ng nakakatawa sa pambababae mo? May balak ka ba?! Subukan mo! Puputulin ko iyang kaligayahan mo!"

Malakas na natawa ito na agad ding humina.

"Hey, huwag mo munang bibiglain ang sarili mo," nag-aalalang untag niya.

"You're really cute when you're getting pissed off. Gusto kitang pugpugin ng halik."

Napanguso siya. Sumobra kasi ang pag-iisip niya, ayan tuloy, nadala siya ng kaniyang emosyon.

"Ikaw kasi. Huwag mo nang babanggitin ulit iyon, ah? Baka atakihin ako sa sobrang galit."

"Can you lay here b-beside me?" He stretched his arms so she could lay there.

Gusto niya pero tumanggi siya. "Mahina pa ang katawan mo. Paos ka pa nga," pansin niya sa boses nito.

"I doubt that. When I was asleep, I could feel all of your careful and loving touches, babe," turan nito.

Namula siya. Pati ba ang paglilinis niya sa pribadong parte ng katawan nito ay naramdaman nito?

He grinned. Mukhang alam nito ang tumatakbo sa utak niya.

"At first, I really couldn't control my body. My mind knows I'm being touched, m-my heart knows whenever it's you who's touching me. Ikaw lang ang nakapagpababaliw sa akin sa tuwing hinawakan mo ako. I tried so hard to control my body but my brain wouldn't allow me," panimula nito. "I also heard you lamenting... I'm sorry if I hurt you."

Umiling siya. "Huwag mo nang alalahanin pa iyon. Let's only focus on your fast recovery, okay? And don't talk anymore, I can barely hear you."

Namamaos pa kasi ito't nauutal.

He nodded and stared as their hands intertwined.She felt thay familiar electricity between them. Iyon din ba iyong nakababaliw na pakiramdam ni Jervis sa tuwing nagdadainti ang mga balat nila?

Lumapit siya rito at pinugpog na halik ang iba't ibang parte ng mukha nito, pagkuwa'y magaan na halik sa labi.

"I miss you..." bulong niya.

"I really miss you."

Kaysarap pakinggan ang mamutawi sa bibig nito.

Hindi na siya makapaghintay na gumaling ito nang tuluyan para magawa na nila ang mga bagay na kanilang inaasam-asam.