Chereads / I'm (Still) Into You / Chapter 20 - Faux

Chapter 20 - Faux

CHapter 18. Faux

MATINDING kaba ang nadarama ni Ice habang pabalik-balik siya ng lakad sa sala. Hindi siya mapakali dahil nag-aalala siya sa pagpunta ni Jervis ng probinsya. Kahit ibinilin nitong huwag siyang lalabas ay ginawa pa rin niya.

Sumakay siya ng lift at bago magsara ang pinto ay may pumigil doon. Isang lalaking hindi bulky ang katawan pero halatang bugbog sa workout ang gumawa niyon.

"Miss, pasensya na pero ang bilin ni Boss, hindi ka pwedeng lumabas."

Napangiwi siya nang mapagtantong isa ito sa mga bodyguards na sinasabi ni Jervis.

"Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko," malamig ang tinig na sambit niya.

"Pero—"

"Subukan mo akong hawakan! I'll sue you harassment," matigas na wika niya nang akmang hahawakan nito ang kaniyang braso.

Nagtaas ito ng dalawang kamay at pumwesto sa sulok ng lift hanggang sa makarating sila sa palapag kung nasaan ang condo unit ni Jasel.

"Ilan kayong nakabantay sa akin?"

"Ako lang."

Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ito. Akala ba niya'y marami ang naka-gwardya sa kaniya?

Nang makalabas sila ay lumayo na ulit ito, may kinausap sa cellphone.

Tuloy-tuloy na pumasok siya sa condo para hanapin ang kaibigan. Pero laking gulat niya nang may marinig na nagtatawanan sa sala, at mas nagulat siya nang makilala ang mga ito.

"Kuya Franco, Jasel... Kuya France?!" Her brother was perfectly fine!

Sabay-sabay na lumingon ang mga ito sa kaniya. Nasurpresa.

"I-Ice!" si Jasel.

"Ano'ng ibig sabihin nito?"

"Fraulin, let me explain," malambot na tinig ng kaniyang kuya France.

"Hindi, Kuya! Bakit ganito? Hindi ba't hawak ka ni Sinned? My husband went to Bulacan to rescue you!"

"Your husband!" si Jasel. Natutop nito ang bibig.

Halos maiyak siya sa galit pero pilit niyang pinakalma ang sarili.

Dumating si Sinned at bumati. Pero nang mapansin siya'ytumahimik ito.

"Ano'ng...?" nanghihina niyang tanong.

"Ice, gusto lang naming umuwi kayo. Alam kong hindi kayo uuwi kaya naisip kong kasabwatin ang bodyguard mo na i-peke ang pag-kidnap sa akin..." panimula ng kaniyang kuya France.

"Bodyguard!" she exclaimed.

Bumuntong-hininga si Franco, "Yes, Fraulin Ice."

"You told me he's my fiancé!"

"We lied."

"Why would you do that?"

"Manila is a wild city, and you never grew up here. Kaya naisip naming kapag sinabi naming engaged ka na ay hindi ka na titingin sa iba," esplika pa ni Franco. All this time, she thought that they're marrying her of to a stranger because they're thinking she couldn't move on from Noel!

"Wala kayong karapatang pangunahan ako! And now you're telling me that this man is my bodyguard?" singhal niya.

"Sinned has been your bodyguard since you moved out. He's with the other guys, so whenever he's busy, there's still someone who's checking on you."

"I don't need protection!"

Umiling si Franco. "Hindi kami mapakali na mag-isa ka rito at ginugulo ng ex-boyfriend mo."

"Ano'ng ginugulo? Nag-asawa na iyon, Kuya!"

"Nag-asawa nga. Pero lagi ka pa ring pinupuntahan sa apartment mo; sinusundan ka. Kung hindi lang siya tinakot ni Sinned na ipapakulong ay hindi siya titigil," anang kaniyang Kuya France. "Takot lang niyang ma-eskandalo, masisira ang pangalanniya."

"And I told him I'm your fiancé, too," sabad ni Sinned.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"At ikaw rin, Jasel?" nasasaktang bumaling siya sa kaibigan. Halos sumiksik ito sa sofa.

"I'm sorry..."

"Don't blame her. Pinakiusapan lang namin siya na huwag kang sabihan. Kailan lang niya nalaman, noong nagpunta kami ni Sinned sa hotel para hanapin ka," sabad ng kaniyang Kuya Franco. "Si Jasel ang nakaharap namin. Surprisingly, she knows Sinned."

"We were classmates before," untag ni Jasel.

"But that doesn't validate your lies! Your wrongdoings!" Nanginginig ang kalamnang sigaw niya.

"I'm sorry..." tanging nasambit ng kaibigan. Hindi makapaniwalang umiling-iling siya at bahagyang napaatras sa mga ito. Akmang tatayo ang kaibigan nang pigilan niya ito.

"Huwag n'yo akong lalapitan!"

Sunod-sunod na doorbell ang namayani. Nang pagbuksan ng pinto ay ang bodyguard niyang nakasabay sa lift ang nandoon.

"Stone, bakit?" Jasel asked.

Sinamaan niya rin ng tingin ang baging dating. Kasabwat din pala ito.

"Your brother... Damn it!"

Matinding kaba ang kaniyang naramdaman, sa sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib ay mapanakit na iyon.

Lumapit siya sa bagong dating. She gripped on his forearms tightly and asked, "Ano'ng n-nangyari?" garalgal ang tinig na tanong niya.

Marahas itong nagmura.

"Stone, ano?!" garalgal na rin ang tinig ni Jasel.

"He... met an accident," halos pabulong na hayag nito. Nagsinghapan ang mga taong naroon.

Pakiramdam niya'y nasira ang lahat sa kaniya. Lumuwang ang pagkakahawak niya sa magkabilang braso ng lalaki at mabilis na napaupo siya sa sahig. Natulala.

"It's my fault! Kasalanan ko ito! Dapat hindi na ako pumayag! Dapat hin—"

Hindi niya nasundan ang sinasabi ng kaibigan nang mapahagulgol siya.

"Hindi na sana ako nagpumilit na bumalik pa para iligtas ka!" hiyaw niya kay France habang sinusuntok-suntok ang sariling dibdib. Gusto niyang tumayo, gusto niyang kumaripas ng takbo para puntahan si Jervis, pero hindi niya maramdaman ang katawan niya.

Napayuko siya sa sahig habang patuloy na humahagulgol.

"I'm sorry... I'm sorry..." si Jasel sa pagitan ng pag-iyak.

Napahawak siya nang mahigpit sa binti ng kaniyang bodyguard at tiningala ito.

"Dalhin mo a-ako sa k-kaniya..." nanghihinang pagmamakaawa niya. "D-dalhin mo ako sa asawa ko..."

"Ice, you don't have to beg," ang kaniyang Kuya France.

"Shut up!" Nanlilisik ang nga matang tiningnan niya ang mga ito.

They stayed still; feeling so guilty.

"Ano? Masaya na kayo?!" hiyaw niya. Naghihisterya siya at marahas tinaboy ang mga kamay na umalalay sa kaniya.

"Isa ka pa!" pansin niya kay Sinned. "Matatanggap ko pa iyong nagpanggap kang fiancé ko, pero pati kidnapper, pinatos mo? Magkano ba ang binayad sa iyo ng mga ito?!"

"I'm sorry..."

"Sorry nang sorry! May magagawa ba iyang sorry ninyo para pabalikin nang ligtas si Jervis dito?!"

Hinimatay si Jasel at dinaluhan ito ng kaniyang Kuya Franco.

"Dalhin mo ako kay Jervis," matigas na untag niya sa lalaking nagngangalang Stone. Tumango ito at iginiya siya palabas.

Akmang bubuhatin siya nito dahil halos hindi niya maihakbang ang mga paa pero pinigilan niya.

He just sighed and supported her balance while striving. Pero saglit lang iyon. Adrenaline rush na rin siguro kaya niya nagawang makalakad nang maayos.

Halos magkapanabay silang nakarating sa ospital nina Jasel na nagkamalay na. Tulala ito at hindi makausap nang maigi.

Kasalukuyang nasa O.R., o Operating Room si Jervis at ino-operahan. Hindi malinaw sa kaniya kung ano ang nangyari, basta't dalangin niya ay mailigtas ang kaniyang asawa.

Lumabas ang isang medical staff, hinahanap ang pamilya ni Jervis. Kaagad siyang lumapit.

"Marami ang dugong nawala sa kaniya, kailangan ng blood transfusion. But his blood's rare and it'll take time if we wait from the blood bank. We might lose him," diretsong hayag nito. Mabilis na umiling siya at lumapit kay Jasel.

"Jase," wika niya. "Your brother needs you..." pagmamakaawa niya. Tulala pa rin kasi ito nang magsalita ang nagpakilalang neurosurgeon.

Doon ay parang natauhan ang kaibigan at inulit niyang kailangan ng dugo ng kuya nito.

"W-we have the same blood type! I'll donate every drops of my blood just to make sure he will be saved!" bulalas nito at sumama sa medical personnel. Ang neurosurgeon ay nagpaalam na rin para makabalik sa O.R.

Gusto niyang makahinga nang maluwag pero alam niyang hindi pa rin dapat dahil sisimulan pa lang ang operasyon.

Please be fine, my Jervis. We will still spend our lifetime together...