Chereads / I'm (Still) Into You / Chapter 19 - Screech

Chapter 19 - Screech

Chapter 17. Screech

HINDI napigilan ni Ice ang malakas na pagtawa sa tinuran ni Jervis. Pero hindi rin maitatangging para siyang kinikiliti.

"Akala ko ba hindi sagot ang pagtatanan? Ha?"

Umungol ito bilang protesta. "Ayaw mo ba? We can go back—"

"No, of course not!" agap niya. "I mean, gusto ko. It was originally my plan, remember?"

He just smirked when she grinned.

"Nauna pa ang kasal sa pagtatanan. Mapanigurado ka rin, 'no?"

Ngumisi ito. "Gusto kong bago tayo lumayo ay dala-dala mo na ang pangalan ko, Mrs. Jervis Guevara," he uttered.

Ah, heavens.

Fraulin Ice Tiglao Guevara. Ain't it nice to hear that name?

Humilig siya sa braso nito at nagpasyang magpahinga na muna. Alam niyang hindi pa agad-agad na mapo-proseso ang mga dokumentong kasal nila, pero may tiwala siyang ire-register iyon ni Jervis, o ng kung sino mang inatasan niyang mag-rehistro sa marriage papers nila para maging legal na silang mag-asawa. Kung minsan talaga, iba ang nagagawa ng pera. Dahil kung walang yaman ang huli, panigurado'y hindi nito masosolusyonan ang biglaang pagpapakasal nila. At hindi siya dapat mag-alala dahil sigurado naman siyang hindi ilegal ang ginawa nito. Gumamit lang ng koneksyon, pero dadaan pa rin naman sa legal na mga proseso.

Hindi na rin niya inalam kung saan sila lalapag ni Jervis. Ang importante ay kapiling niya ang lalaki.

Nang magising siya'yabala sa pagse-cellphone si Jervis, naka-connect ito sa WiFi ng eroplano.

"Busy?" pansin niya dahil hindi nito namalayang gising na siya. Sumiksik siya sa rito't hindi makapaniwalang nakaramdam ng pagnanasa kahit na sakay sila ng eroplano.

Napalunok siya.

"You're already awake," untag nito at pinatay ang cellphone.

"What are you doing?" she asked when she noticed he turned his phone fast.

"None, just listening to music," kaila nito. Halatang may tinatago sa kaniya't medyo balisa ito.

Hindi siya kumibo't napalitan ng kuryosidad ang pagnanasang bumalot sa kaniyang katawan kani-kanina lang.

He frustratingly turned on his phone and shown her the screen. Isa iyong video kung saan nakatali ang isang lalaki sa isang upuan at may mga dugo sa iba't ibang parte ng katawan nito.

"Putangina! Pakawalan mo ako!" sigaw ng lalaki sa video.

Nakatakip ang mukha nito pero kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Her eyes widened in horror.

"Kuya!"

Natutop niya ang bibig nang lumitaw si Sinned sa video, nakakakilabot ang mga ngisi.

"Fuck you, Guevara! Iuwi mo rito ang mapapangasawa ko, kung hindi, mamamatay itong bayaw ko," parang demonyong hayag ni Sinned.

"Jervis!" Base sa nakikita niya sa screen, isa iyong video call at kasalukuyang hawak ang Kuya France niya.

"Ice, sweetie, come to me if you want to see your brother alive," dagdag ni Sinned kahit boses lang niya ang narinig nito. Damn that man! Kung kailan maayos na ang lahat ay saka pa biglang sumulpot.

Kaagad na pinatay ni Jervis ang tawag.

"Bakit mo pinatay?!" singhal niya. "Paano kung saktan niya ulit si kuya France? Jervis naman, e! Kailangang mailigtas si Kuya!" naghihisteryang aniya.

"No, we're not going back. Nakatawag na ako ng—"

"Ibalik mo! Kailangang makabalik tayo sa Pilipinas! Mahal kita pero mahal ko rin ang kuya ko. Hindi ako mapapanatag kung may mangyayaring masama sa kaniya dahil sa pagsama ko sa iyo."

Natigilan ito. Nang tingnan niya ang mga mata nito ay puno iyon ng sakit.

"Do you regret coming with me?"

Umiling siya sa kabila ng matinding kaba at takot na nadarama para sa kaniyang kuya. "Pero hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba ito o hindi sa oras na mapahamak ni isa sa pamilya ko," pagpapakatotoo niya.

Matagal na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Matamang tinitigan siya nito habang siya'y napayuko na lamang.

"Babalik tayo. Pero hayaan mong ako ang gumawa ng paraan. I can't let you go to that heartless lawyer, Ice," desisyon nito.

Lawyer? Pero wala siyang panahon para isipin pa iyon. Pumayag siya at tumayo ito. Hula niya ay sasabihin nito sa piloto na bumalik sila ng Pinas. She checked the time. Halos apat na oras na silang nasa himpapawid kaya nasisiguro niyang malayo-layo na sila.

"You will stay in the penthouseand you're not going to make any impulsive move, okay?" matigas na bilin nito.

Tumango siya at hinigit siya nito ng yakap.

"Don't cry, Fraulin Ice. We will save your brother," he softly whispered as if he's soothing her. She didn't even realize she's already sobbing.

Sa buong durasyon ng flight ay hindi mapakali si Ice.

Pagkarating ng Manila Airport ay dumiretso sila sa Nievieras', sa penthouse ni Jervis.

"You'll stay inside, okay? Pinatawag ko na rin kay Jasel ang ilan pang mga bodyguards na magbabantay sa iyo, they're just around and they won't disturb you," sambit nito nang makapasok na sila sa loob ng penthouse.

"Aalis ka?"

"I have to, babe. Nasabihan na ako kung nasaan ang location ng kuya mo. I'll go in Bulacan now."

"Sasama ako."

Tumanggi ito. "Ayokong mapahamak ka."

"But who'll be with you?"

"Wala, pero nando'n na ang mga awtoridad. We already alerted them," paliwanag nito.

Mabilis na yumakap siya rito. "Can't you just stay here, too? Kaya na ng mga awtoridad iyon. May tiwala ako sa kanila lalo pa't ikaw ang umalerto sa kanila..."

"Ice," tila nahihirapan nitong sambit.

Bumuntong-hininga siya't marahang tumango. Pero kung siya ang masusunod, hindi na niya ito paaalisin. Kinakabahan siya at natatakot na baka may mangyaring masama rito. Pero natatakot din siyang may mangyaring masama sa kuya niya, at hindi siya mapapanatag kung walangkikilossa kanila para iligtas ito.

"Don't worry, I'll be right back."

Kinintalan siya nito ng halik bago umalis. Kahit madaling-araw na'y hindi nito sinayang ang oras.

"FUCKING Hipolito! Hawak niya ang kapatid ni Ice!" nanggagalaiting saad ni Jervis habang kausap sa cellphone ang kakilala niyang private investigator. May sarili itong agency at ito rin ang nagpadala ng bodyguards para kay Ice. Nakilala niya ang huli dahil kaibigan ito ng kapatid niya, kaya may koneksiyon din siya sa private intelligence agency na pagmamay-ari nito. He even knew that man who's claiming to be Ice's fiancé. Just like Kieffer Sandoval, nakilala niya ito sa security agency na pagmamay-ari rin ng kausap niya sa kabilang linya.

"Totoo pala ang tsismis na may shotgun wedding ka kaninang hapon," komento nito. Hindi siya sumagot. This wasn't the time for them to have a chitchat.

"Kailangang kumilos na tayo."

"Sinned is our friend, I don't think—"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Herrera?! Haven't you watched the video?" sigaw niya. Maging siya'y hindi makapaniwalang ang lalaking iyon ang sinasabing fiancé ni Ice. At hindi niya ito kaibigan!

"Chill, man!"

"Are you taking this situation lightly? 'Tangina, magbabayad ako ng malaki basta mailigtas ang kapatid ni Ice!"

"Pull over! I think I know where to find them."

Mabilis na napa-preno siya. Mabuti na lamang at wala na siya sa highway at walang gaanong sasakyan sa parteng iyon ng Bulacan.

"You think? You have to be sure! Ang sabi mo'y sa Calumpit na-locate si Sinned?!" Kung kailan malapit na siya sa Calumpit, Bulacan ay saka nito sasabihing wala roon ang pupuntahan niya. He even requested back ups and they're already on standby at the location.

"Well, I'm just a human, too. Humans make mistakes."

Marahas na napamura siya. He really felt that the latter wasn't taking the situation seriously.

"You need to go back to your wife." Sumeryoso ang tinig nito.

"What do you m—fuck!"

He step up the gas when he realized what did he mean. Mabuti na lamang ay madaling-araw pa kaya walang gaanong traffic siyang nadaanan. Halos mga malalaking truck ang kasabayan niya sa kalsada.

"Hey, Guevara," tawag ng kausap niya sa kaniya. Hindi pa rin nito pinapatay ang tawag. "Slow down!"

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa asawa ko!"

"Shit! Magdahan-dahan ka sa pagmamaneho, kung gano'n!"

"'Tangina! Anong dahan-dahan? Buhay ni Ice ang nakasalalay rito!"

"That's why you have to calm down! Fucking shit! Slow down!"

Alam nito iyon dahil may tracker ang sasakyan niya. Ito ang nagsasabi kung saan siya dapat pupunta kanina. Mabilis ang pagmamaneho niya kanina pero mas mabilis ngayon kahit wala pa ulit siya sa expressway.

"Hang in there, my baby," bulong niya nang mas binilisan pa ang pagtakbo.

A loud screeching sound was the last thing he heard before he lost his control of the steering wheel.

Bumangga ang sasakyan niya dahil sa isang sasakyang ilegal na tumawid sa isang intersection. Kaagad niyang napansin iyon kaya pinihit niya sa ibang direskyon sasakyan. Ngunit napakabilis ng kaniyang pagmamaneho kaya nang tapakan niya ang preno ay malakas ang naging impact niyon at tumama ang sasakyang minamaneho niya sa poste.