Chapter 3. Breakfast
"BAKIT may dala-dala kang maleta?" nagtatakang-tanong kay Ice ni Jasel sa kaniya nang pumasok siya kina-Martes-an. Dumiretso siya sa opisina nito para ipatabi ang dala niyang luggage.
"Ampunin mo muna ako," tipid na sagot niya.
"I thought you don't want to?"
"Dalawa... o isang linggo lang naman," pamimilit niya. Hindi niya kasi laging naaabutan si Jervis tuwing magpupunta siya roon, gaya na lamang kagabi, nakakain na sila ng dinner at lahat-lahat ay wala pa rin iyo. Umuwi na naman siyang bigo. Kaya heto, nakaisip siya ng solusyon.
Hindi siya sigurado kung ano ba'ng ginagawa niya. She just wanted to spend time seeing him while he's still here. Kahit isang linggo, o saglit lang. Magta-tatlong buwan na kasi ito sa Pilipinas pero ang huling kita niya rito ay noong umiyak siya dahil nakita niya si Noel. At dalawang buwan na ang nakalipas mula noon!
Nakalalasing ba ang mga halik ng lalaki dahil hinahanap-hanap niya iyon sa kaniyang pagtulog? Para siyang mababaliw kaiisip kung paano nitong sinakop ang kaniyang labi na animo'y pag-aari nito. His intensekisses kept on haunting her even in her wildest dreams.
"Doon ka na lang kasi tumira," suhestisyon ni Jasel.
"Hmm... Let's see. Kaya nga pagbakasyunin mo muna ako."
Mukhang napaniwala naman niya si Jasel kaya pumayag ito. Nagkuwentuhan pa sila saglit nang may maalala ito.
"Don't stay closer with Kuya."
Ngumisi siya. As if magagawa niyang lapitan si Jervis, eh, hanggang titig lang naman siya sa lalaking iyon, at, kaunting biro na may gusto siya rito.
"Sige na, baka mapagalitan ka ng dragon kapag nagtagal ka pa rito," taboy nito sa kaniya.
Doon pa lamang niya namalayang malapit nang oras ng trabaho, kaya patakbo siyang lumabas at lumulan sa lift para bumalik sa post niya.
"Ice, kanina ka pa hinahanap ni Sir!" tarantang bulalas ng kasamahan niya sa trabaho.
Kasalanan niya, nagpa-late siya ng ilang minuto. She readied her ears as she knocked on the door.
"Come in."
Suminghap pa muna siya bago pinihit ang seradura at pumasok sa opisina. Pumikit siya nang mariin pagkasarado sa pinto saka humarap dito.
"I'm sorry, may idinaan lang kasi ako kay Jasel. Mag-o-overtime na lang ako..." kaagad na sambit niya habang nakayuko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi dahil alam niyang masasabon na naman siya dahil sa tardiness niya. Oo, ganoon katindi ang boss niya kapag nasa trabaho. Na dapat lang naman.
Napakirot siya nang humalakhak ito.
Good mood yata.
Nagmulat siya't ngumisi pero kaagad din iyong tumabingi nang makilala kung sino pa ang nasa loob ng opisina.
Si Jervis na prenteng nakaupo sa couch, naka-de-kwatro, at diretsong nakatingin sa kaniya. A ghost of smile formed in his lips, too.
"Am I really that strict?" her boss said in between his laughter.
Napanguso siya. Nakaramdam ng kaunting hiya, hindi kay Kieffer kundi kay Jervis. Baka isipin nito, sinasamantala niya'ng matagal-tagal na siya sa trabaho o malapitsiyasa boss.
"Kung alam mo lang," magaang komento na lang niya.
Lalong lumakas ang tawa nito.
"Good mood ka yata?"
"Oo, ito kasing si Jervis, kinukwento iyong ginawa nila ng babaeng nakasama namin sa club kagabi."
"Nag-club ka na naman?" kunot-noong tanong niya. Kaagad na humakbang palapit sa tapat ng mesa at bahagyang lumapit sa mukha nito. "You reek of alcohol! May meeting ka ng lunch!" paalala niya rito.
"Just cancel my meeting. No. Clear my schedule today."
She groaned. "Pero kailangang i-close mo na iyong deal with the Korean investors," she reminded him.
"I know, I know," sumusukong anito at tumayo. "I'll take a shower first."
Nakangising tumango siya. Bago pa ito makalayo ay lumapit siya sa drawer at binuksan ang pangalawa. Kumuha siya ng pain reliever medicine doon. For sure he had hangover.
"The best ka talaga!" puri nito at dumiretso sa isang connecting door kung saan may sarili itong kwarto roon at banyo.
Now, she's left with Jervis. Oo nga't gusto niya itong makita pero hindi sa trabaho.
She groaned when she remembered what Kieffer mentioned earlier.
"...ito kasing si Jervis, kinukwento iyong ginawa nila ng babaeng nakasama namin sa club kagabi."
Napangiwi siya nang makaramdam ng hindi pamilyar na kirot sa kaniyang dibdib.
"Nasa club ka pala kagabi, kaya pala wala ka sa inyo," she opened the topic. Wala kasing mangyayari kung patuloy lang itong magmamasid sa kaniya habang inaayos niyaang gamit sa mesa.
"You're really that close with your boss?" That's more of a statement than a query.
Tumango siya. "He's my friend, too. It's handy. Kasi nagkakasundo kami sa trabaho."
"Do you like him?"
"Of course! Hindi naman kami magkakasundo kung hindi. Saka hindi ko naman iyan pagtiya-tiyagaan kung hindi ko gusto."
Nagtagis ang bagang nito. Teka, bakit sa kaniya napunta ang usapan?
"So... uh, kagabi..." panimula niya. "Sino iyong kasama mo? Ano'ng ginawa ninyo?" she tried to sound casual as she sat down on the couch in front of him.
"Just an acquaintance," pagtatapos nito sa usapan.
"Not your girlfriend?"
"No."
"Oh, so you don't do girlfriend, huh?" she commented. "Saan kayo nagpunta?"
"Why are you asking?"
"I..." don't know.
"What?" malat ang tinig na tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. "Am just curious," palusot niya.
Mataman siya nitong tinitigan bago sumagot. "We weren't together the whole night, I only hailed a cab for her, and I went back to the club to pay my tab. I went home by eleven," paglilinaw nito sa mga ginawa kagabi.
By eleven? Sayang, she should've had stayed longer. Bandang alas diyes kasi siyang umuwi.
"Bakit sinabi ni Kieffer..."
"We only danced, and drank," seryosong hayag nito.
"Okay," tipid na sagot niya pero parang gusto nang mangiti.
"Have you eaten your breakfast?"
Umiling siya.
"Let's go." Tumayo ito.
Nag-angat siya ng tingin. "Huh?"
"We'll eat."
Sino ako para tumanggi?
Sa sikat na coffee shop sila nagpunta, at um-order siya ng tatlong pancakewith strawberry syrup at hot milk. Ito nama'y um-order ng hot coffee.
"Mahilig ka pala sa kape?" komento niya.
"Kapag gusto ko lang," sagot nito. "Wala ka na bang ibang gusto?"
"Ikaw." She blinked twice. "I mean, wala na. Baka nga hindi ko maubos ito. Hindi naman kasi talaga ako nag-aalmusal. Usually biscuit at gatas lang. Tapos, lunch na," esplika niya.
"Ginugutom ka ng boss mo?"
Agad na umiling siya. "Kieffer has nothing to do with my eating habits."
Tumango lang ito at kumain na rin.
Sana'y laging ganoon. Iyon ang unang beses na niyaya siyang kumain ni Jervis sa labas. At, iyon din ang unang beses na nakasama niya ito ng silang dalawa lamang.
Ganito pala ang pakiramdam, para akong lumulutang sa mga ulap.
She composed herself and asked, "Ano pala'ng ginagawa mo sa office?"
"I just visited..."
"Close kayo ni Kieffer, 'no? May pagbisitang nagaganap, e," komento niya't kumunot ang noo nito.
"You don't call him 'Sir'?"
"Minsan'Boss' o 'Sir'. Pero wala namang kaso sa kaniya kung first name basis kami. Mas madali pa nga iyon. Walang ilangan."
He pursed his lips and coldly stared at her. "If you like him that much, why don't you tell him?"
Napamaang siya.
"Don't mind it. Kumain ka na," taboy nito sa usapan at inuman ang kape.
Siya'y saglit na natulala; naguluhan.
NANG lunch break ay pinuntahan ulit ni Ice si Jasel sa opisina nito, pero nagpaalam itong aalis na. She's assigned to go to Tagaytay branch of the hotel.
"Bakit kaya?" bulong niya sa sarili habang kumakain sa restaurant ng hotel lmao kasabay ang tatlo niyang kasamahan sa trabaho. Libre ang pagkain ng mga empleyado sa restaurant, may lugar doon na para sa mga employees lamang.
"Wala na naman sa sarili," pabirong komento ni Mentos, kasabayan niya ang lalaki noong interview, ito ay bilang assistant manager habang siya'y bilang isang sekretarya.
"Hindi ka pa ba nasanay?" si Lumiere na ginatungan ang sinabi ni Mentos.
"Kaysa naman kay Celine na araw-araw lutang," baling ng mga ito sa katrabaho nilang si Celine.
"Ha?" tanong ni Celine nang marinig ang pangalan. Doon sila nagtawanang lahat dahil mukhang lutang na naman ito. Araw-araw, mayroon itong lutang moments.
"Pero maiba ko, ang hot ng kaibigan ni Sir Kieffer, 'no?" anang Lumiere.
"True! Akala ko noon, si Sir na ang pinaka-handsome dito. Mayroon pa pala," sabad naman ni Celine.
"Hoy, ang kakapal ng mukha ninyo, he's my jowa!" nakangising bulalas niya. Mukhang si Jervis ang tinutukoy ng mga ito. Wala namang ibang hot and handsome na kasama si Kieffer kundi ito.
"Lalayo pa ba kayo! Nandito ako, girls!" biro ni Mentos at f-in-lex ang muscles nito sa biceps.
Dahil siya ang katabi nito ay pabiro niyang pinisil-pisil iyon.
"'Oy, in fairness, firm!" komento niya at inulit ang pagpipisil sa muscle nito na lalong pini-flex ni Mentos.
Isang tikhim ang nagpatigil sa kaniyang ginagawa. Nang lumingon siya sa bandang likuran ay tumambad sa kaniyang paningin ang buckle ng sinturon, at nang nag-angat ng tingin ay hindi siya nagkamali, naamoy niya ang pabango nito kaya kinutuban na siyang si Jervis iyon. Wala sa sariling naikumpara niya ang muscles nito kay Mentos. Walang-wala ang kay Mentos sa jowa niya!
"H-hello po, Sir," nauutal na bati ni Celine na sinundan ni Lumiere. Laglag ang panga niyang titigan ito. Isang hakbang lang nito ay masasandalan na niya ang bandang tiyan ng lalaki.
The abs! Absolutely yummy—
"Are you done eating? Let's go. Pinapasundo ka ni Kieffer," masungit na wika nito kaya naputol ang pagpapantasya niya rito.
Tapos naman na siyang kumain kaya sumunod siya. Nakauunawang tumango ang mga kasabayan niyang kumain.
"Huwag mo nang dalhin ang tray mo, Ice Ice baby—"
Hindi natapos ni Mentos ang sasabihin nang kinuha ni Jervis ang tray kung nasaan ang pinagkainan niya at kaagad na tumalikod kung papunta sa lalagyanan ng mga pinagkainan. Tahimik na sinundan niya ito.
"Uh, thanks," she mouthed.
Lahat nang nadaanan nila ay napapatigil sa ginagawa at napapalingon sa kanila, o mas tamang sabihing lumilingon kay Jervis. He just stood out even if he's not doing anything.
"Saan tayo pupunta? May gagawin daw ba?"
"Wala," prenteng sagot nito nang lulan na sila ng lift.
"Ha? Akala ko ba pinapatawag ako?"
Hindi ito kumibo at iginiya lang siya sa office ng kaniyang boss.
"Ice? Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ni Kieffer sa kaniya.
Kumunot ang noo niya.
"Isasama mo siya sa meeting mo," sabad ni Jervis.
"Huh?"
"Isasama mo siya."
Natigilan si Kieffer at pagkuwa'y ngumisi saka bumaling sa kaniya. "Oo nga pala, nakalimutan kong sabihing isasama kita."
Naguguluhan siya. Akala pa naman niya makakapag-petiks o relax siya ngayong hapon. "Okay, Sir. I'll just go to the powder room," paalam niya at umalis na sa opisina para makapag-toothbrush at retouch na rin.