Chereads / I'm (Still) Into You / Chapter 11 - Shave

Chapter 11 - Shave

Chapter 9. Shave

KINABUKASAN ay sabay nang pumasok sa trabaho sina Ice at Jasel. Ang luggage niya ay dinala na rin niya para hindi na niya balikan pa mamaya. May mga iniwan na naman siyang gamit sa condo unit para kung sakali mang makitulog siya ng ilang araw ay may gagamitin siya.

"Dapat iniwan mo na lang iyan, marami ka namang damit sa apartment mo," pansin ni Jasel nang pababa na sila ng sasakyan.

"Okay lang naman." Nagkibit-balikat siya.

Pinatabi niya muna ulit iyon sa opisina nito bago dumiretso sa palapag kung nasaan ang opisina ng boss niya.

"O, bakit ka pumasok? Ang sabi ni Sir, naka-sick leave ka ng dalawang araw yata, o tatlo," pansin ni Celine sa kaniya.

"Huh?"

"Mapapagalitan ka pa niyan kapag nakita ka. Umalis ka na't magpahinga. Na-confine ka raw noong nakaraan, e," anang Mentos. "Kumusta na pala?"

"Maayos na ako. I can work now."

"Ice," mababang tinig na tawag sa kaniya ni Kieffer. Nang lingunin niya ito ay seryosong nakatingin sa kaniya.

"O, Boss, kumusta?"

Hindi ito ngumiti. "Nasabihan na akong na-ospital ka. Go on, take your leave. Kahit isang linggo pa. Bayad iyon."

"Wala naman akong gagawin. At maayos na talaga ako," katwiran niya. She just got drunk, there's no need to have a sick leave.

"Kapag nagpumilit ka, tatanggalin kita sa trabaho."

Nanlaki ang mga mata niya. "You can't do that! Don't overreact."

"I can." He ignored her last sentence.

She sighed her defeat.

Bakit aayaw pa siya? Isang linggong bayad siya sa trabaho kahit hindi naman siya papasok. Pero tatlong araw lang. Hindi niya kaya iyong isang linggo lalo pa't wala naman siyang gagawin. "Okay. Three—"

"Isang linggo, Tiglao."

"Alright. One week," sumusukong aniya.

Bumaba siya sa palapag kung nasaan ang opisina ni Jasel at nagpaalam na sa kaibigan. Inggit na inggit pa ito sa leave niya. Magpa-file din daw ito ng leave next month dahil trip lang nito, at nang makapagbakasyon din. Said she wanted to go in Marseille, France.

Sumakay siya ng cab at umuwi sa apartment na tinutuluyan niya. Isang linggo siyang mabuburyong doon? No way! She got up and decided to go to the mall. Sa salon doon. Magpapa-trim ng buhok at treatment na rin.

Pero pagkarating niya sa paboritong salon ay maraming nasa waiting list. Nagpa-reserve na lang siya para bukas.

Ang ending ay nanood siya ng sine. Hindi mawala sa isipan niya noong huling nag-sine siya kasama si Jervis. Sayang, pagkakataon na sana niya iyon pero tinulugan niya lang ang lalaki.

Ilang beses na bumuntong hininga siya habang nakatutok sa big screen ang kaniyang paningin.

Nang matapos ang pelikula ay nag-window shopping siya ng mga gamit pambahay. Balak niyang palitan ang carpet saka ang kutson ng kaniyang kama. Mas gusto niya ng makapal at malambot na kutson ngayon. Nasanay yata ang likod niya sa magandang klase ng kutson sa unit ng magkapatid.

Nagtagal din siya sa Department Store kaya nang lumabas siya ay nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Uuwi na sana siya nang may magbigay ng flyer sa kaniya, wala sa sariling binasa niya iyon.

Isang bagong bukas na Korean Spa House malapit sa mall! She always wanted to try to go to a Jjimjilbang (찜질방). Iyong mag-s-spa siya magdamag gaya sa napapanood niyang Korean drama, kaya napagpasyahan niyang doon matutulog ngayong gabi.

Habang naglalakad papuntang terminal ay napansin niyang may sumusunod sa kaniya. She was surprised when she thoughtshe saw Noel, her ex-boyfriend, just a few meters away from where she was.

Napakurap-kurap siya pero lumiko ang lalaki sa parking lot, kaya napailing siya. She must be mistaken.

Ilang beses na ring inakalang nakita niya ang lalaki noon, pero palaging nagkakamali siya. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit inakala niyang maaaring may pagtingin pa siya sa huli. But, she knew better. Matagal nang si Jervis ang napupusuan niya.

Pagkarating sa spa house ay kaagad siyang inasikaso. They gave her a key to a locker on where to put her belongings. Iniwan niya ang hand bag at cellphone sa locker. Tanging wallet lang ang dala niya. Ayos din namang wala siyang dalang damit kasi kasama na sa babayaran sa spa ang pampalit ng damit at may mini-laundry rin doon para malabhan ang suot niya ngayon.

Namangha siya sa loob ng spa. Hindi niya inakalang may ganoon din pala sa Pilipinas. Hindi siya maiinip dahil may TV naman sa parang pinaka-lobby niyon. Pero doon muna siya sa arcade. She never played those before kahit sa mga arcade games sa mall. Parang gusto niyang subukan ngayon. Halos isang oras siya roon at nang matapos ay napagpasyahan niyang pumasok na sa isang hot spring. Hindi niya namalayang nagtagal siya roon. It was relaxing and refreshing to take a dip.

Soft opening pa lamang pala ng Spa House at hindi pa ganoon karami ang guests. Pero hula niya'y papatok kaagad iyon sa masa kapag nag-grand opening na.

Nakipagkwentuhan siya sa nakasabayang niyang maganda at sexy na babae roon. Bigla ay nanliit siya sa laki ng hinaharap nito. Isa kasi siya sa mga hindi gaanong binayayaan ng mayayamang dibdib. Sakto lang. Kaya lagi siyang napagkakamalang teenager. Pero ayos lang, maganda pa rin siya. Ha!

"Ano'ng gagawin mo kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo?" biglang tanong nito.

She just sighed and said, "I'll sacrifice my feelings for his happiness."

"Dakila ka! Pero ako, habol nang habol sa kaniya kahit pinagtatabuyan na niya ako..."

Somehow, she felt bad for the woman. Kung tutuusin ay ang ganda nito, oo't halos magkasingtangkad yata sila pero mas maganda ang hubog ng katawan nito, kaya bakit ito inaayawan ng lalaking mahal nito? She sighed. You could never really have it all, eh?

"Enjoy ka lang sa spa, nag-drama na ako. The next time you come back, libre ko na."

Umiiling-iling na natawa siya sa biglaang pagsigla nito. Pero sa loob niya'y alam niyang pinipilit lamang nito iyon.

Hatinggabi na yata nang matapos siya sa mga gusto niyang gawin. Gusto pa sana niyang kumain pero inantok na siya. Naglatag siya ng mat at doon na hinila ng antok.

Kinabukasan ay alas otso na siyang nagising. Parang gusto niya pang mag-extend.

"Hello po, Ma'am, may promo kami ngayon. Less fifty percent sa second day ng stay ninyo kung gusto n'yo pa pong mag-extend. Thirty percent off naman po sa susunod na balik ninyo basta itago n'yo itong card," anang cashier nang magbabayad na siya.

Tempting, yet she declined. Ngayon kasi niya balak na bumili ng kutson at carpet. "Next time na lang, may gagawin pa kasi ako," she declined the offer.

She hailed a cab and went straight to the mall. She bought the carpet and her desired bed foam. Pina-deliver na lang niya iyon at bukas-makalawa ay maihahatid na sa apartment na tinutuluyan niya.

Nagpa-hair cut na rin siya at treatment. Ang dating hanggang baywang na alun-alon buhok ay halos hanggang balikat na lang niya. She also asked the hairdresser to dye her hair in a shade of blue. Pero washable naman ang kulay kaya humigit-kumulang tatlong linggo lang ang itatagal ng kulay asul na buhok niya bago lumitaw ang kulay tsokolate na pinakulay niya ng permanente.

Nag-shopping din siya ng damit at nagpalit na roon sa mall. Parang gusto niyang mag-club ngayong gabi.

First, she ate dinner at a fast-food restaurant. Ayaw na niyang uminom ng walang laman ang tiyan. Pagkatapos ay nag-taxi siya papuntang club. Dahil sa traffic ay lagpas alas nueve na siyang nakarating sa venue.

"Grabe, kahit weekdays, ang daming tao!" bulalas niya sa bartender nang makaupo siya sa stool. Binitiwan niya ang hawak na paper bag, kung nasaan ang mga damit niya, sa sahig malapit sa pwesto niya.

"Sikat din kasi sa mga foreigner, Ma'am," sagot naman nito. She nodded. Totoo naman kasi iyon.

"One mug of flavoured beer, please, lemon," order niya. Ayaw muna niya ng hard liquor ngayon.

Doon lang siya naupo sa high chair sa may bar counter. Pinanood niya ang mga nagsasayawan sa dance floor habang unti-unting iniinom ang beer.

Nagtagal pa siya ng halos dalawang oras doon. Hindi na siya umiinom at nililibot na lang ang paningin.

It was almost midnight when she decided to go home already.

Kahit paano'y tinamaan siya sa ininom. Mukhang hindi pa yata siya dapat uminom ng kahit anong nakalalasing na inumin.

She sighed when she paid her fare to the cab driver.

Pupungas-pungas siya nang makarating sa apartment. Sa taas ng gusali ang inookupado niya dahil mas madaling makarating sa rooftop at magsampay sa tuwing naglalaba siya. Nasa fourth floor ang inuupahan niyang apartment. Studio type lang iyon pero mas maluwang kaysa sa mga normal na paupahan. Idagdag pa na soundproofed kaya nakakatulog siya nang mahimbing kahit p-um-arty ang mga kapitbahay niya.

Bahagya siyang nakayuko at kinakalkal ang susi sa kaniyang handbag nang halos mapatid siya ng kung ano. Handa na niyang sipain o sikmatin kung ano iyon nang mapansing binti ng tao iyong nasipa niya. Nakasandal ito sa pader at nakatuwid ang isang paa habang ang kaliwa'y naka-bend at nakayuko ang ulo ng kung sino mang iyon.

Dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang makilala ang lalaki. Ano'ng ginagawa nito sa tapat ng apartment niya? At natutulog ba ito?

Tumalungko siya para gisingin si Jervis. Niyugyog niya ang balikat nito. Napangiwi siya nang mag-angat ito ng tingin. He looked terrible and he reeked of alcohol.

"Ice..." namamaos na untag nito. Bahagyang minulat ang mga mata at nang makita siya'y kaagad itong nagmulat. "Ice!" bulalas nito at niyakap siya.

Nagulat man ay hinayaan niya ito. Damn, he really smelled alcohol. Pero nandoon pa rin ang nakalalango nitong amoy-lalaki.

"Hoy, Kapitbahay! Boyfriend mo ba iyan?" bulalas ng kapitbahay niyang madalas niyang makitang nasa ibaba sa tuwing pauwi siya galing trabaho. Bahagya lang siyang lumingon dito.

Hindi siya sumagot at nag-aalalang hinagod ang likuran ni Jervis. Bahagyang nanginginig ang mga balikat nito.

"Ang ingay niyan kagabi nang mapadaan ako, kinakalampag ang pader, akala yata pinto," pagbibigay-alam lang nito at iniwan na sila.

Ilang sandali niyang hinayaang ganoon ang posisyon nila ni Jervis. Halos marinig niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya, pati nito.

"Ayos ka lang ba?"

"I'm sorry if I cried. I was so scared that I might lost you already," panimula nito.

"A-ano? Bakit?" naguguluhang tanong niya.

"Pinuntahan kita sa condo pagkauwi ko galing ng bar kagabi pero wala ka. Jasel told me you already went home. But, you weren't here..."

"Bakit...?"

"I went to the police station to report that you're missing. They just said I should wait for a day when I told them you've been away for hours." Mataman itong nakatitig sa kaniya. "I went back here... and waited."

She's lost of words. Bakit nito gagawin ang mga bagay na iyon?

"Pumasok ka muna," sambit niya at tumayo na. Tahimik lang itong sumunod sa kaniya.

Dumiretso siya sa tapat ng fridge para ikuha ito ng maiinom. Pinagsalin niya ito ng tubig sa baso.

"Uminom ka muna," alok niya.

"Pwedeng pa-banyo?" tanong nito kaulanan.

Tumango siya. "Mag-shower ka na rin. I have a spare toothbrush in there, makikita mo, sealed pa. Aabutan na lang kita ng twalya at damit. Ang baho mo na, e," pagpapagaan niya sa usapan.

Namula ito at nahihiyang tumango.

She never imagined that he had that side. Ang tingin niya kasi rito ay perpekto, hindi kailanman makagagawa ng mali. And now that she's looking at him, she realized that nobody was really perfect.

She decided to cook food for him. Nagbukas siya ng corned beef at ginisa iyon. She also cooked instant mushroom soup. Iyon lang kasi ang mayroon siya roon. Nagsaing din siya ng kanin sa rice cooker.

Halos kalahating oras ito sa banyo at nang lumabas ay presko na uling tingnan at gwapong-gwapo.

Suave.

Iyong nga lang, bitin ang suot nitong pajama at halos maging cropped top ang oversized niyang t-shirt dito. Napangiwi ito nang makitang halos litaw ang puson nito. Ganoon ang agwat ng katawan nito sa maliit niyang katawan.

"Kain na habang mainit-init pa ang sabaw."

Kaagad itong umupo sa hapag at kumain. Naawa siya dahil halata na wala pa itong kain dahil kahit mainit-init pa ang sabaw ay kinutsara na nito iyon para makakain.

"Dahan-dahan, baka mapaltos ang dila mo," pansin niya.

Kinuha niya ang maliit na de-bateryang handfan at tinutok iyon sa pagkain ni Jervis.

"Palamigin muna natin nang kaunti."

"Hindi ka kakain?"

"Busog pa ako," aniya. "Kumain ka lang."

Bumuntong-hininga ito at magpatuloy sa pagkain.

"Where have you been? Bakit wala ka magdamag? Did you have a one night stand?" sunod-sunod na tanong nito matapos ng ilang subo.

Imbis na ma-offend ay umiling siya. "Naku, hindi, ah. T-in-ry ko lang naman iyong Spa House..." At isiniwalat nito ang ginawa niya.

Unti-unting umaliwalas ang mukha nito at maganang kumain.

"May hiwa ang panga mo," pansin niya sa maliit na hiwa nito.

"Nasugatan lang kanina," tipid na sagot nito at tinapos na ang pagkain.

Ito na rin ang nagligpit ng pinagkainan habang nagsa-shower siya.

Wala sa sariling kinuha niya ang razor at nag-shave ng buhok sa kilikili at sa maselang parte ng kaniyang katawan.

"Bakit ko naisipang mag-shave ngayon?" puna niya pagkatapos, at nang maisip ang kanina pa niya tinataboy sa isipan niya ay namula siya.

Then, she realized one thing...he had stubble awhile ago and his face was clean right after taking a bath. Iyong maliit na hiwa na lang ang nasa bandang panga nito... na sinabi nitong masugatan kanina.

Kailan naman iyon nasugatan kung maghapong tulog ito sa tapat ng apartment niya?

Natutop niya ang bibig at wala sa sariling napalingon sa kulay pink niyang razor na nasa lalagyan sa lababo. Pakiramdam niya'y umakyat lahat ng kaniyang dugo sa mukhaniya nang mapagtantong ginamit iyon ni Jervis.