Chereads / I'm (Still) Into You / Chapter 9 - Love

Chapter 9 - Love

Chapter 7. Love

"KUYA, mag-usap tayo," tawag kay Jervis ni Jasel nang mahimbing pa rin ang tulog ni Ice. Ala una na ng madaling-araw at ayaw niya sanang iwanan ang babae pero mukhang seryoso ang kapatid niya.

They went outside, at the hospital garden. Walang gaanong tao roon, at umupo siya sa isang bench habang nanatiling nakatayo ang kapatid niya sa harapan at nakapamaywang.

"What do you want to talk about?"

"What did I see earlier?" diretsong tanong nito. Mukhang nahimasmasan na't naalala na naman ang naabutan kanina.

"Umuwi ka na't magpahinga."

"Kuya, I saw you kissing my friend, and you're just telling me to go home?" matigas at sarkastikong sagot nito.

"Nakarami kangnainom. Lasing ka lang," katwiran niya.

"Hindi na ako lasing, at alam ko ang nakita ko. Bakit mo siya hinalikan?"

"Akala mo lang. Nakatalikod ako sa iyo, baka naisip mo na hinalikan ko siya—"

"This isn't the first time I caught you," putol nito sa sasabihin niya. Natigilan siya. "Noong una, akala ko lasing lang ako. But now that I thought of it, you really kissed her while we were both dead drunk and lying on the sofa! Kuya, you are creepy!"

Napaangat siya ng tingin sa kapatid niya at nagtagis ang kaniyang bagang.

"Kung sa akin kaya may manghalik habang tulog ako, magugustuhan ko?"

"Why the heck would someone kiss you on your sleep?"

"Exactly my point!" Medyo tumaas na ang boses ng kaniyang kapatid. "Kuya naman... Kaibigan ko si Ice. Huwag mo na siyang kantiin. Huwag mo nang lapitan pa kung katawan lang niya ang habol mo." Napangiwi pa ito habang pinagsasalitaan siya. Hindi kailanman siya pinangatwiran ng kapatid. Ngayon lang.

"I like her, Jase," mababa ang tinig na pag-amin niya. Napangiwi ulit ito.

"No, you don't like my friend. You're curious because she kept on telling she likes you. But you see, she's just kidding."

"I'm not."

Pero hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Maybe you only want to bed her."

"I know you're being overprotective with Ice, Jase, but believe me when I say I like her. I'll prove it to you. Hindi ako titira sa condo habang nandoon siya. I'll stay at my penthouse," desisyon niya.

NAGISING si Ice na parang may paulit-ulit na kumakatok sa ulo niya. Nanatili siyang nakapikit dahil pilit niyang inalala ang nangyari kagabi, at nagmulat lang nang maalalang yumakap siya kay Jervis.

"O, gising ka na pala," si Jasel iyon. Kasalukuyang kumakain ng prutas. Luminga-linga siya sa paligid at napansing nasa ospital siya.

"Bakit ako nandito?"

"Kawa-walwal mo iyan."

Nasalo niya ang ulo. Oo nga pala, naglasing siya. Naalala na naman niya si Jervis, kung saan nakayakap siya rito. "Ang kuya mo?"

"Wala, hindi umuwi."

"Binuhat mo ako?"

Saglit itong natigilan saka tumango. "Adrenaline rush kaya kita nabuhat. And, duh! Mas malaki kaya ako sa iyo, at magaan ka lang na bansot ka."

May katwiran ito. Hindi na niya pinansin ang huling salita dahil may katotohanan namang may kaliitan siya. "Kailan daw ako makakalabas?" tanong na lang niya.

Dang, her head was tearing apart because of hangover!

She sighed disappointingly right after.

Panaginip lang pala ang kagabi. Ibig sabihin... doon pa rin sa babae nito natulog ni Jervis. Parang mas sumakit lalo ang dibdib niya ngayon kaysa sa kaniyang ulo.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng kaibigan niya at tumayo ito.

Marahan siyang tumango, at bumalik ito sa kinauupuan nito sa monobloc na nasa tabi ng kama.

"Wait mo lang si Doc., may ihahabilin lang tapos gorabels na tayo. Okay na ang discharge papers mo, nabayaran na ni Ku—ko na."

Masakit ang ulo niya kaya tumango na lang siya at nahiga ulit. "Mukhang hindi muna ako iinom ng alak ng ilang linggo. Traumatising itong pangyayaring ito," biro niya pa.

"Don't me! Baka nga next week lang, ikaw pa ang magyaya."

Ngumisi lang siya. "Bakit mo pa ako isinugod sa ospital? Alam mo namang ganito ako malasing?"

Saglit itong natigilan. "Ah... baka lasing na rin ako kaya hindi na nakapag-isip nang maayos."

"Sabagay..."

Nang makauwi sila ay maghapon siyang nagpahinga. Jasel went to the groceries. Sasamahan niya sana ito pero ayaw nito. Magpahinga na lang daw siya.

Ngayo'y bagot na bagot siya at nagpasyang pumanhik sa veranda. Natigil siya nang daanan niya ang kwarto ni Jervis at wala sa sariling dinala siya ng mga paa sa tapat niyon. Pinihit niya ang seradura at binuksan ang pinto ng kwarto. She's welcomed by his musk scent. It was an addicting scent for her. Intoxicating.

Hindi na siya nagtaka kung hindi magulo ang kama nito. Wala naman ito roon at hindi umuwi. Malinis din ang kwarto nito, halatang lalaki ang may kwarto dahil sa mga display. May basket ng basketball ito sa pader malapit sa closet at may mga display na iba't ibang wine bottle sa cabinet sa tabi ng hanging TV. The walls were painted in midnight blue, the curtains were wine in color. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag kaya hindi niya na gaanong maaninag ang ibang mga bagay sa kwarto.

She entered inside and closed the door. Lumakad siya palapit sa kama at humiga roon. His scent was all over especially on his bed. He hugged his pillow and smelled it. Wala sa sariling humigpit ang yakap niya sa unan nito at dahan-dahang hinila ng antok.

Alam niyang ilang minuto na siyang nakatulog nang bahagya niyang naramdamang may lumapat sa kaniyang noo at kaniyang labi. Ilang sandali ang nakalipas ay nagmulat siya at may nakitang bulto na gumagalaw sa bandang closet ng kwarto.

She got up and tried to focus her eyesight in there. Nakapatay kasi ang ilaw at tanging mapusyaw na liwanag galing sa night lamp ang nagsisilbing liwanag ng kwarto. Did she turn that on?

Tumigil sa maingat na pagkuha ng kung ano sa closet ang bultong naaninag niya.

"Jervis?" tawag niya rito habang kinukusot-kusot ang mga mata.

"Sorry if I woke you up."

Dumiretso siya ng upo."I... Uh, sorry, nakatulog ako. Ano kasi...Ah, oo! I was only trying to tidy up y-your room as my way of saying thank you," utal-utal na palusot niya.

"It's alright. You can sleep here. I won't be here all the time." malamig na untag nito.

"Huh? Saan ka pupunta?"

He didn't answer. He just resumed putting his clothes on the duffel bag.

"Pupuntahan mo iyong Milka?"

Still, no answer. He's back at being cold to her na naman.

"Magaling nga siguro sa kama. Pakakasalan mo na ba?" mababa ang tinig na tanong niya

Marahas na suminghap ito pero hindi siya nito sinagot.

"Sigurado ka na bang pakakasalan mo siya? Hindi kaya nabibigla ka lang? Nape-pressure?"

Hindi pa rin ito sumagot.

"Magaling ba talaga siya sa kama?" maliit na tinig na tanong niya pero hindi pa rin ito kumibo, mukhang nainis sa kaniya.

Silence means yes, right? Napakagat-labi siya habang pinipigilang humikbi. Walang masama kung sumubok pa siya, 'di ba? Hindi pa naman huli ang lahat. Hindi na niya naisip kung tunog desperada at mababa na siya sa sumunod niyang tanong.

Tumikhim siya. "Ayaw mo ba'ng tumikim ng ibang putahe?"

Ano ba'ng pinagsasabi ko?

"I'm a grown up. You might want to try me before you settle dow—"

Napakislot siya nang pabalyang sinipa nito ang pinto ng closet at sa isang iglap ay nakalapit na nakalapit na sa kaniya. Halos umisod ang kama sa lakas ng pagkakatama nito roon nang tumukod ito. Siya nama'y na-i-balanse ang kaniyang katawan kaya hindi tuluyang napahiga dahil naitukod niya ang magkabilang siko sa malambot kama. Bumaba rin ang isang strap ng suot niyang spaghetti-strapped sando. Even in the dim lights, she could see his veins protruding on his temple and his neck out of... anger?

"W-why are you mad? We are both adult h-here..." nauutal na aniya.

"Really?" he sarcastically exclaimed.

"Y-yes—"

Naputol ang sasabihin niya nang marahas siya nitong hinalikan at walang ingat ang mga kilos nito. Binuka nito ang hita niya at sadyang idiniin nito ang tuhod sa pagkababae niya. Her silk shorts didn't help her block the intense feeling. Ilang beses siyang napaungol sa kakaibang kiliting naramdaman niya nang ang marahas at mapaghanap nitong halik ay nahaluan ng kalumayan.

"Jervis..." She's not feeling violated, probably because she actually wanted him to do this.

Marahas itong napamura at mabilis na humiwalay sa kaniya. "You don't even know how to kiss properly."

Bigla siyang nakaramdam ng hiya nang mapagtanto ang nangyari.Napatulala siya sa kisame habang hinahabol-habol ang paghinga.

"We are both adult but you aren't that type of woman, Fraulin Ice," malamig at seryosong sambit nito.

"I wouldn't know. I haven't had sex. I just thought w-we can do it since... I don't know. N-nalilito ako."

Jervis closed her legs and looked intently at her hooded eyes. Mapupungay ang mga mata nito nang titigan siya. Nag-iwas siya ng tingin at nanatili ang paningin sa kisame.

What did I just do?

"I'm sorry," panimula niya nang mapagtantong below the belt ang mga sinabi niya kanina. "You have a girlfriend. I shouldn't have said that. Maybe I should just ask some single m—" Nagulat siya nang hinampas ni Jervis ang kama sa magkabilang gilid kung saan siya nakapwesto. Nakaibabaw na ulit ito sa kaniya ngayon.

"Subukan mo!" nagbabantang bulalas nito.

Nangunot ang kaniyang noo. Bakit na naman ito nagagalit?

"Wala namang masama roon. I'm single and I just h-have to make sure that the man I will ask is single, too." matapang na katwiran niya. Kailangan na niyang makahanap ng ibang lalaki ngayon. Kung hindi ay habambuhay siyang mag-iisa dahil ang kaisa-isang lalaking gusto niya ngayon ay may iba na.

"If I do you now, would that fulfill your damn curiosity?" tanong nito. Naramdaman niya ang paninigas ang braso nito.

"I don't know... Maybe?" But, wouldn't that be cheating?

Napalunok siya sa naisip. She didn't know, but if that's going to be cheating, then, she should stop now. She'd never engage herself, or tolerate cheating.

"Then, I will fulfill your fucking curiosity! Don't look for another man, Ice!"

He buried his face on her neck and nipped some of her skin. Para siyang nalulunod sa nakaliliyong sensasyong nadarama. She wouldn't have stopped him from doing those things her if only she didn't feel guilty.

"S-sandali, hindi ako makahinga..."

"Fuck!"

Agad na lumayo si Jervis at pinaupo siya.

"Breate normally," utos nito.

She was hyperventilating because of too much emotions again. She closed her eyes and focused on her breathing. She got it. Hindi na kailangan ng brown bag or kahit anong first aid. She just have to calm herself and breathe properly.

"I'm okay, don't worry," agap niya. Tumayo naman ito, tila may hinahanap kaya sumunod siya. Nakarating sila sa ibaba, diretso sa kusina.

"Fucking brown bags! Where are the damn bags when I need those?" natataranta at nagagalit na sabi nito.

"Hey, ayos na ako. See?" tawag niya sa atensyon nito.

Tumigil ito sa pangangalkal at nilingon siya. Nang masigurong maayos na nga siya ay humakbang ito papalayo at sinundan niya ito. Mukhang lalabas ito.

"Huwag ka na lang umalis," untag niya. "Please?" pakiusap pa niya. She just wanted to see him more before he got married.

Hindi ito kumibo at mataman siyang tinitigan. Ang akala niya'y nakita niya ang kagustuhan nito na manatili roon. Pero nagkamali siya nang tumalikod na ito at tuluyang lumabas ng unit.

She sighed. Maybe it's time for her to raise the white flag. Suko na siya. Hindi niya makukuha ang loob ng isang taong may napupusuan nang makasama sa habambuhay.

At siya nama'y habambuhay nang mag-iisa.

She didn't care if she'd mend another heartbreak. Naka-move on nga siya kay Noel noon, na naging ka-relasyon niya ng matagal na pahanon, kay Jervis pa kaya na hindi man lang niya naging boyfriend?

Muli siyang napabuntong-hininga na animo'y tatangayin ng hangin ang sakit, at ilang sandali lang ay nanlabo ang kaniyang paningin.

"Damn these tears!"

Gusto lang naman niyang maramdamang mahal din siya ng taong mahal niya... pero hindi mangyayari iyon dahil hinding-hindi masusuklian ni Jervis ang damdamin niya. Paulit-ulit na niyang paaalalahanin ang sariling may mahal kasi itong iba.

Bakit ba ganoon kasakit ang magmahal?

Isasakripisyo niya ang sariling damdamin at ibabaon na lamang iyon sa limot.

Ngumiti siya nang mapakla.

"Sino'ng niloloko ko?" puno ng sakit at kirot ang kaniyang dibdib nang sambitin iyon.

Dahil sa puntong iyon ay alam niyang hindi lamang pagkagusto at pagkamangha ang nararamdaman niya para sa lalaki. At hindi siya sigurado kung makakalimutan nga ba niya nang tuluyan ang damdamin para rito.

But if he'd be happy with the woman he chose to spend the rest of his life with, she wouldn't mind sacrificing her own feelings for his happiness.

That was the love she knew. Sacrificing.