Chereads / I'm (Still) Into You / Chapter 10 - Lutang

Chapter 10 - Lutang

Chapter 8. Lutang

NAPANGUSO si Ice habang nasa tapat siya ng penthouse ni Jervis kinabukasan. Narinig niya kasi kagabi ang kaibigan niyang si Jasel na kausap nito ang kapatid habang naghuhugas ng pinagkainan. Naka-loudspeaker ang cellphone nito.

"SO, diyan ka muna sa penthouse mo habang nandito si Ice?" tanong ni Jasel. Napangiwi siya. Mukhang iniiwasan siya ng lalaki dahil sa nangyari.

"Yes," tipid na sagot nito. Pati boses nito sa cellphone ay pinabibilis ang tibok ng kaniyang puso.

"How about Milka?"

"You know we're not together, Jase. I declined the marriage."

Her eyes widened. If they're not together, he should've had just told her awhile ago!

Bago pa makahalata si Jasel na nakikinig siya ay hahangos-hangos siya nang lumapit sa fridge para kumuha ng maiinom. She yawned to make her acting perfect, too.

"O, Ice! K-kanina ka pa?" natatarantang tanong nito at mabilis na pinatay ang tawag kahit basa ang kamay nito.

Umiling siya at nagkunwaring nagkakamot ng ulo. Hindi niya ito hinintay na makarating kanina, nagkulong siya sa kwarto at nagpanggap na tulog. Naglagay siya ng note sa pinto na huwag siyang iistorbohin dahil gisto niyang matulog nang mahimbing, kahit ang totoo'y umiyak na naman siya.

"Namumugto ang mga mata mo," pansin nito.

"Nasobrahan 'ata ako sa pagtulog," palusot niya.

Tumango ito. "Kumain ka na."

Agad siyang tumalima at kumain na parang walang namumuong plano sa isipan niya. Sa taas lang naman ng building na iyon ang penthouse ni Jervis. She knew. Minsan na siyang nakarating doon. Noong ipa-bless nito iyon dalawang taon na ang nakalilipas.

HETO siya ngayon, bahagyang pinapadyak-padyak ang kaliwang paa sa pader katabi ng pintuan ng penthouse ni Jervis. She decided to apologize by cooking a delicious breakfast for him. Sopas iyon at talaga namang ipinagmamayabang niya ang lasa. Namana pa niya ang specialty na iyon sa kaniyang lola.

Maaga siyang gumising kanina at sumabay kay Jasel. Papasok ito sa trabaho habang siya'y dumiretso sa palengke para bumili ng mga pang kakailanganing rekados.

Alas diyes na ngayon at wala siyang pakialam kung napagod siya sa pagluluto. Nilagay niya sa tupperwear ang sopas para hayaang lumamig iyon. She then took a quick shower so she could go the Jervis' penthouse already.

"Iiyak-iyak pa kagabi, ang daming ka-drama-han, pero marupok namang pala talaga," kastigo niya sa sarili.

Bababa na lang sana ulit siya pero naalala niya ang nilutong sopas. She cooked it with love kaya nararapat lang na kainin iyon ni Jervis. Lakas-loob siyang nag-doorbell at ilang sandali ay bumukas iyon. She was welcomed by Jervis' just woke up look. At wala itong suot na pang-itaas! Mukhang mas masarap pang titigan ang abs nito kaysa sa sopas na niluto niya, ah.

"G-good morning," nauutal na aniya. "Nagluto ako ng sopas."

Natigilan ito pero saglit lang iyon. "Ayaw ko ng sopas."

Napawi ang ngiti niya sa panlalamig nito.

"Para sa iyo talaga ito. Pinagluto kita," ulit niya. She sniffed, and smelled like alcohol mixing on his addicting musk scent.

Nag-inom ito kagabi? Saan? Sino'ng kasama nito?

"Ilalagay ko na lang sa loob," bale-wala niya sa isipan.

Agad na hinarang ni Jervis ang katawan sa pintuan at halos nauntog siya sa matitipunong dibbib nito. "Don't go inside."

Nangunot ang noo niya. Kung ano-ano'ng bagay ang naisip niya. Bakit ayaw nitong papasukin siya sa loob? Ano'ng mayroon? Sino?

"Bakit?" ang tanging natanong niya.

"Bumaba ka na," utos nito.

"M-may kasama ka ba sa loob? Ayos lang. P-pagsaluhan ninyo itong sopas. Masarap ang pagkakaluto ko rito. Sakto! Perfect ding pampawala ng hangover..." pagpapagaan niya sa usapan.

Mataman lang siyang tinitigan nito. Napakagat-labi siya. Too much for fighting for her feelings, eh?

"Ilalapag ko na lang dito. Hindi naman marurumihan ang sopas, nakatakip ang tupperwear," dagdag pa niya. Iyon lang at nilapag niya sa gilid iyon. Dinamihan niya ang serving para sana saluhan ito sa pagkain. Pero mukhang iba ang makakasalo nito. Ayos lang. Basta matikman nito ang niluto niya.

Mabilis siyang tumalikod para makalayo. Kailangan niyang mag-recharge, masyadong nasaktan ang damdamin niya.

"What do you mean?" tanong nito sa kaniya pero hindi na siya sumagot.

Patuloy lang siyang naglakad papalayo pero natigil ang paghakbang niya nang hawakan nito ang braso niya. Pilit siyang ngumiti bago pumihit paharap dito.

"Bababa na ako."

"Wala akong kasama sa loob," matigas na sambit nito, hindi pa rin binibitawan ang pagkakahawak sa kanang braso niya.

"Ah, may binili siguro saglit, 'no? S-sige na. Bababa na ako. Call of nature," dahilan niya at pilit na binawi ang braso.

"Dito ka na magbanyo."

"Ay, h-huwag na. Nangingilala ang wetpu ko, eh!" Dinaan niya sa biro ang sinabi at nagpaalam na. Ayaw niyang pumasok sa penthouse dahil baka may makita siyang mas makakasakit sa kaniya.

Hindi na siya nito pinigilang lumayo at bumaba na ng palapag.

Ilang minuto ang nakalipas ay napagpasyahan niyang kainin ang sopas na tinabi niya para sa kanila ni Jasel mamayang gabi. Pero hindi niya malasahan ang sarap ng luto niya dahil wala siyang ibang nalalasahan kundi ang pait na kaniyang nadarama.

For almost an hour, she stayed in the kitchen. Pagkatapos ay inabala niya ang sarili sa panonood ng TV. Nang makauwi na si Jasel ay kaagad na niyaya niya itong mag-dinner.

"Girl, uuwi na pala ako bukas, ah, maraming salamat sa pag-ampon," saad niya sa gitna ng pagkain.

"Huh? Why?"

Ngumiti siya ng mapakla. "Me time," aniya na lang.

"Ice naman, may 'Me Time' ka naman dito. Solo mo ang kwarto, tapos soundproofed pa. Sige, magbabayad ka na rin ng renta sa akin," tumigil sa pagsasalita ang kaniyang kaibigan nang mapagtantong seryoso siya sa naging desisyon. "O, sige, basta bukas lagi ang condo para sa iyo," sumusukong anito.

"Thanks," naluluhang aniya.

Habang patuloy na kumakain ay naramdaman niya ang ibang tao roon sa condo. Alam niyang si Jervis iyon dahil kakatwang pamilyar na sa kaniya ang presensya nito.

"Kuya, kumain ka na rin dito," yaya ni Jasel. Saglit siyang natigilan pero hindi nagpahalata. Nagpatuloy lang siya sa pagkain.

Umupo si Jervis sa tapat ng pwesto niya at nagsandok na ng pagkain. Jasel stood up to peel off some fruits.

Ramdam na ramdam niya ang paninitig nito pero ipinagsawalang-bahala niya iyon. Nagpanggap siyang abala sa pagkain kahit ang totoo'y wala na siyang ganang kumain.

Bakit ito nandoon?

Nagustuhan kaya nito ang sopas niya?

Pinakain ba nito iyong kasama nito sa penthouse?

Pero ang sabi nito'y wala itong kasama...

Nakauwi na ba ang babae nito bago pa siya pumunta?

Pero bakit hindi siya nito pinapasok—

"'Uy, Ice, lutang ka na naman. Tinatanong ka ni kuya kung gusto mo raw ba ng sunkiss," pukaw ni Jasel sa atensyon niya.

Sunkiss?

Wala sa sariling lumingon siya sa labi nito at naalala ang halik na pinagsaluhan nila kagabi. Hindi na ba masusundan iyon? She heard he's not in a relationship with that Milka... Pero paano kung ibang babae pala?

Kaagad na umiling siya para iwaglit ang isipan.

"How about an apple?" he asked her.

"Huh?"

"Kulang ka ba sa tulog, girl? Bumalik ka na nga sa kwarto mo. Ako na ang bahala rito," sabad ni Jasel at kinuha niya ang pagkakataong iyon para makaalis doon.