Chereads / I'm (Still) Into You / Chapter 3 - Breathe

Chapter 3 - Breathe

Chapter 1. Breathe

NASA simbahan si Ice nang mahagip ng kaniyang paningin ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Paano niyang nakakalimutan, ito lang naman ang ex-boyfriend niyang luko-luko. Hindi lang luko-luko, manloloko pa. Nang sila pa nito'y hindi iilang babae ang kinita nito sa kaniyang likuran, at kung kani-kanino inilabas ang tawag ng laman.

He promised not to hurt her, not to make her cry, but in the end, he did.

At first she didn't know she's being cheated on. Ni hindi siya makapaniwalang nadala siya nito sa mabubulaklak nitong mga salita. Na kahit ipinagkasundo na ito sa iba ay siya pa rin ang pipiliin nito dahil matagal na silang magkakilala't may relasyon. Pero napakarami pala nitong babae! Kung hindi pa sila nag-break, hindi niya malalaman ang mga kalokohan nito nang sila pa. Ang dahilan pa nga nito noong mag-break sila'y ipakakasal na nga ito sa iba.

Nalaman niya ang totoo nang hindi nakatiis ang isa nitong naka-sex at ikinanta ang lahat ng nalalaman tungkol dito. At kahit break na sila, kinompronta niya kung totoo ba'ng lahat ang nalaman niya. Umamin ito.

Sa alaalang iyon ay umakyat sa kaniyang ulo ang lahat ng inis niya. Na kaagad ding naglaho—napalitan ng sakit at pait—nang mamataan niya ang babaeng napangasawa nito, karga-karga ang isang supling na maingat na kinuha ng lalaki. Hindi niya kailangang hulaan kung tama ba ang hinala niya dahil mabilis na humalik ang babae sa labi nito.

Natulala siya't wala sa sariling tinahak niya ang daan palabas. Sa dinami-rami ng simbahan sa Maynila, roon pa talaga naisipang magsimba ng mga ito. Why were they there anyway?

How long had it been again? A year? Four years? Yeah, four freaking years. And here she was, still single and hurting while he's already happily married. Why's life sometimes unfair? Hindi siya ang nanakit, hindi siya ang nanloko, pero bakit hindi rin siya ang naging masaya ngayon?

Pinara niya ang walang laman na cab at nagpahatid sa Nieviera's Condominiums, kung saan nakatira ang best friend niya.

"Miss, okay ka lang ba?"

Hindi niya nilingon ang driver at tumango siya. Pero sino'ng niloloko niya? She's not okay.

Inabutan naman siya ng tissue at hinayaang umiyak nang umiyak habang hinahatid siya nito sa paroroonan.

Nang umibis sa sasakyan ay nagbayad siya ng pamasahe, she didn't even get her change because she's still so damn hurting and she wanted a hug from her friend.

Yes. A hug. A comforting hug. That's what she needed now.

Mabuti't kilala na siya sa gusali kaya hindi na niya kailangan ng pass. Bilin iyon ni Jasel sa security staffs mula nang maging matalik silang magkaibigan ng huli.

Pagkarating sa sixteenth floor ay patakbo siyang pumunta sa unit ng kaibigan. She had an access in their place. High-tech ang security lock at alam niya ang passcode, kaya kahit kailan niya gustong magpunta roon ay makakapunta siya.

Nang ma-unlock ang pinto ay tuloy-tuloy ang pagpatak ng kaniyang luha. Hindi na siya sigurado kung ano ba'ng rason ang iniiyakan niya.

Napansin niya si Jasel na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. Tumayo ito nang makita siya't nag-alala nang mapahagulgol siya. She really felt really heavy after seeing her ex-boyfriend's happy family.

"Hey, what happened?"

"Nakita ko siya... Nakita ko sila..." Yumakap siya sa kaibigan. "Nakita ko si Noel, kasama ang asawa't anak." She gulped. "'Tangina, Jase, akala ko naka-move on na ako. Akala ko okay na ako. P-pero nang kitang-kita kong masaya siya, hindi ko naiwasang mainggit," sunod-sunod na bulalas niya, halos hingalin at sumunok na.

Bahagya siyang kumalas sa yakap. She gasped for air just to cry her heart out again.

"Pakiramdam ko, n-naiinggit ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa gusto kong ako... ang nasa tabi niya, o... kung naiinggit akong masaya na siya. Kasi, hindi ba? Ang unfair. Sana... ako... r-rin..." Sininok-sinok siya.

Lalo siyang napahagulgol, at mabilis na nagpuntang kusina si Jasel para ikuha siya ng maiinom.

"Tahan na, Ice," naluluha na ring alu ng kaibigan.

"Pinangakuan ako pero bakit hindi niya ako pinakasalan?" hinagpis niya. She wasn't even sure if she meant that because years ago, though she loved him, she's still thankful that they broke up since she came to know he's an asshole. Kaya hindi niya alam kung ano ba talagang iniiyakan niya. Pero sigurado siyang nasaktan siya sa nakita.

"Masayang-masaya na siya sa iba. Samantalang ako, heto... hindi ko magawang maging masaya rin." She felt bitter about everything. "He promised me forever, but he married another..."

"Akala ko ba, okey ka na? And, don't you have a fiancé already?"

Bumusangot siya. Naalala niyang idinahilan niya iyon noong pilit na ipinapakita niyang naka-move on na siya. Nang malaman kasi niyang ikakasal na ang kaniyang ex-boyfriend ay hindi man lang siya umiyak gaya ng inasahan niya.

"Move on? That's bullshit! Kung naka-move on na ako, bakit ako umiiyak nang ganito? Ang sakit... Ang sakit-sakit pa rin." Kinabog niya nang paulit-ulit ang kaniyang dibdib. "And that fiancé? He's non-existing for me."

Her friend sighed sympathetically.

Napadako ang tingin niya sa isang pamilyar na bulto. There he stood, watching her intently. His gazes were piercing, too. Nagtagis ang bagang nito habang nakatingin sa kaniya.

She stared at him as if she's begging for him to come and make her feel better.

Para siyang nakalutang nang lumapit siya rito saka walang sabihing hinigit ang batok at kinintalan ng halik sa labi.

Hindi ito tumugon, bagkus ay umigting ang mga panga nito kasabay ang pag-igting ng mga ugat nito sa braso at leeg. Wala sa sariling napahawak siya sa magkabilang matitigas na braso nito, at muli'y napahagulgol.

"I can't even please other men anymore. I don't attract them because I am too shattered." She cried and gripped his arms tightly. Kahit masakit na ang kamay niya ay hindi niya iyon inalis. Kung hindi pa nito pilit na inalis ang mahigpit na hawak niya sa mga braso nito'y hindi siya matitinag.

Wala na siyang nagawa kaya niluwagan niya ang pagkakahawak at naisandig ang noo sa matipuno nitong dibdib. Doon ay patuloy siyang umiyak.

She felt miserable for crying.

"Jase," he called out his sister. "Kumuha ka ng Advil sa penthouse."

"O-oo, Kuya," nauutal na ani ng kaibigan at tumalima.

Doon siya parang binuhusan ng malamig na tubig at sa isang iglap ay tumigil sa pag-iyak. Suminok-sinok siya nang napagtanto ang nangyari't pagak siyang natawa.

This couldn't be happening! And based on what she sorted out, she just kissed the man in front of him, and he didn't react at all.

No way! It's her first time kissing him but why did it have to be like this?

"Panaginip lang ito, hindi ba?"

Humiwalay siya napansing basa na ang damit nito sa parte kung saan siya sumandig.

"Apparently, this is not a dream, Fraulin Ice."

His low cold baritone gave her shivers down to her spine. Now, she wasn't sure if she's trembling because of crying for hours, or because of his presence. Just as before, she became nervous whenever he's around.

Napakurap-kurap siya't pinunasan ang pisngi gamit ang kaniyang palad. Ano na ba'ng iniiyakan niya? Her mind became hazy, forgetting the reason why she cried. Masyadong inokupa ng lalaking ito ang kaniyang isipan.

She's not crying anymore but her heart wanted to escape from her ribcage for beating violently.

He's here! He's really here...

She noticed he's only wearing a black sando and his gym shorts that made his muscles screamed effortlessly. Mukhang nagwo-work out ito nang dumating siya't naistorbo 'ata.

While ogling at his well-toned body, she's suddenly pinned on the wall and he claimed her mouth intensely. She blinked twice, then, she found herself responding to his aggressive kisses.

Nagpakawala siya ng impit na ungol nang bahagya itong humiwalay.

"You can't please any other men, huh?" madilim na untag nito at hinalikan ulit siya.

She's kissing him back with an equal amount of desire he was giving. Again, she groaned to protest when he cut the kiss.

"You don't attract other guys?" he sarcastically exclaimed, and he claimed her mouth once more. Ngayo'y mas mapusok ito at hindi na niya mapantayan ang pagnanasang pinalalasap nito sa kaniya. It's so ravishing that she's wanting more, and her knees felt weak.

She's catching her breath when he finally ended the kiss.

When she met his eyes, she saw anger... and excessive desire lied in there.

She bit her lower lip to stop herself from pulling him closer.

This guy... No, this man... had always been making her heart go crazy.

Lumayo ito kaya naiwan siyang nakatulala at nakasandal sa pader habang sumisinghap na. Her breathing wasn't normal anymore. At nang bumalik ito ay may dala nang isang baso ng tubig.

She couldn't calm herself now. She was hyperventilating; trying so hard to gasp for air. Nasobrahan na naman siya sa pag-iyak kaya nanikip ang dibdib niya't nahirapang huminga.

Iginiya siya nito papalapit sa sofa. "Sit down." Ibinaba nito ang hawak na baso ng tubig sa may mesita.

Ngunit ayaw sumunod ng katawan niya.

Napamura ito't hindi nagdalawang-isip na ibuhos ang laman ng brown paper bag na nasa mesita at mabilis na bumalik sa kaniya. She was now breathing into the bag repeatedly to ease her rapid, uncontrolled breathing. Ilang sadali pa'y bahagya nang kumalma ang paghinga niya pero napapasinghap pa rin siya.

"Sit down now."

"I'm fi—"

"Ang tigas talaga ng ulo mo!" Dumagundong ang boses nito pero hindi pa rin siya natitinag. Matigas man ang tinig nito'y nababakas pa rin ang matinding pag-aalala.

Nang hindi siya tumalima ay hinila siya't dinala sa gym room. Pinaupo siya sa mat at doon ay minasa-masahe nito ang kaniyang likuran habang naka-Indian seat siya.

"You have to relax."

Ilang sandali pa ay maayos na ang pakiramdam niya.

"Now, lay down on the mat and close your eyes as you breathe slowly. Just relax." Before he started walking away, he added, "Magpahinga ka muna."

"Jervis..."

Napatigil ito sa paglalakad, hindi pa ito gaanong nakalayo nang bumaling sa kaniya at seryoso siyang tinitigan.

"S-salamat," nauutal niyang untag.

"Thank me when you already moved on."

Napakagat-labi siya at pilit na inalala ang dahilan ng pay-iyak. Ah, oo, iyong ex-boyfriend nga pala niyang luko-luko.

Kinapa niya ang kaliwang dibdib, kung saan malapit ang puso, masakit pa rin iyon pero hindi dahil sa nakita niya sa simbahan. Masakit iyon dahil sa sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Parang gusto pa ring kumawala ng kaniyang puso.

Ilang sandali pa'y nakatulog siya.

Pagkagising ay ilang minuto pa siyang naglagi roon bago napagpasyahang lumabas na. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig dahil nauhaw siya. Naabutan niya ang kaibigan na nagluluto ng pagkain.

"Ayos ka na?" tanong kaagad nito nang mapansin siya.

Tumango siya habang hinihilot ang sentido. Nasobrahan nga siya sa pag-iyak hanggang sa sumama na ang pakiramdam niya.

"O, gamot," bulalas nito at inabot iyon sa kaniya.

"Girl's Scout ka talaga, my friend."

"Hindi ako, si Kuya. Boy Scout. Scout leader pa nga iyan noon," sambit pa nito.

Huh?

Mukhang nakuha ni Jasel ang pagtataka niya kaya nagsalita ulit ito.

"Siya ang nagpakuha ng gamot sa penthouse, remember?" wika nito't umiling-iling. "Hindi ko naalalang may mga gamot din dito. At imbis na mag-elevator ako kanina, I climbed up the stairs! You're crying hysterically, at nataranta na nga ako kaya hindi ko na nahintay ang pag-akyat ng mga elevator."

Napangiwi siya. "Sorry na kaagad."

"O, ito ang corn soup. Ininit ko na. Mabuti na lang at nakapagluto na si Kuya kaya may pagkain na."

Wala sa sariling napangiti siya. "Nasaan siya?"

"Nasa kwarto niya."

"Tawagin ko?"

"Bakit?"

"Uh, kakain na?"

"Alas tres na ng hapon. Nakakain na iyon kanina pa."

"Ibig sabihin, hindi ka pa kumakain mula kanina?" Nakonsensiya tuloy siya.

"Hinihintay kitang magising. Nag-aalala ako sa iyong gaga ka, eh. Matagal na noong huling mag-hyperventilate ka." Ganoon kasi siya sa tuwing nagiging sobrang emosyonal paminsan-minsan. Kinakapos ng hininga.

Sobrang malapit siya sa kaibigan at itinuturing na niya itong kapatid. Nag-iisang babae lang kasi siya sa apat na magkakapatid; bunso pa. Kaya nang makilala si Jasel at naging matalik na kaibigan ay ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa Maykapal na binigyan siya nito ng kapatid na babae sa katauhan nito.

"Kumain na nga tayo. Magda-drama ka na naman kapag hindi kita pinigilan."

Napanguso siya at pumwesto na sa hapag.

"Huwag ka nang umuwi. Dito ka na matulog."

Tumango siya. Pabor sa kaniya iyon dahil wala naman siyang gagawin sa bahay lalo't day off niya. Si Jasel nama'y fixed weekend ang off kaya may pasok ito bukas.

"Isama natin ang kuya mo sa party?" suhestisyon niya.

Nagtaas ng kilay si Jasel. "Ano'ng party?"

"Slumber party!"

"Walang party. Netflix and chill lang, then, sleep."

"Basag trip ka naman... Kahit na. Isama pa rin natin ang kuya mo nang magka-moments kami."

"Wala iyon mamaya. May date."

Napabusangot niya. Hindi talaga nito pagbibigyan ang kapritso niya.