Chereads / I'm (Still) Into You / Chapter 4 - Pillow

Chapter 4 - Pillow

Chapter 2. Pillow

APAT na taon na ang nakaraan mula noong masaktan nang todo-todo si Ice. Ang lalaking una niyang minahal mula pagkabata,ang lalaking nangakong ihaharap siya sa altar, ang una niyang halik, unang nobyo, ay matagal na pala siyang pinaiikot.

She didn't cry that day she confronted Noel. She never talked to her after that, too.

Just like that, their long-term relationship had ended. Totoo nga'ng hindi lahat ng nagkarelasyon noong high-school ay nagkakatuluyan sa huli.

Inabala niya ang sarili sa pag-aaral. Bumaba ang grades niya kung kailan graduating na siya. But still, she's thankful because she graduateddespite of mending her broken heart. She was smart enough to weigh what's more important, and that was her studies at that time.

The main reason why she chose to work in Manila than to manage their booming businesses in the province was because she wanted a new environment so she could finally move on. Hindi niya magagawa iyon kung hahayaan niya ang sariling makulong sa nakaraan, lalo pa't kahit saang bahagi siya lumingon sa lugar nila ay maaalala niya ang lalaki. Iilang dipa lang ang layo ng bahay nila sa tinitirhan nito, at alam ng lahat ang tungkol sa kanila.

Isang magandang bagay na dumating sa kaniya matapos ng hiwalayang iyon ay ang pagkakaroon ng matalik na kaibigan. Jasel Sam helped her get over that jerk. Natuto siyang uminom at p-um-arty, parang coping up na rin niya noon. Also, she became workaholic during workdays, and it helped her a lot to occupy her mind.

(Two Years Ago...)

HIGIT isang taon nang magkaibigan sina Ice at Jasel noong alukin siyang tumira sa condo nito.

"Wala naman si Kuya, kaya pwede ka sa condo. Wala akong kasama," dahilan pa nito. Nasa opisina siya nito nang buksan nito ang usapin tungkol doon. She never met his brother before. Pero bukambibig ng kaibigan niya.

"Ano ka ba, ayos na sa akin ang tinitirhan kong apartment. Paano ako matututo kung aampunin mo ako?"

"Then, pay the rent."

"Alluring... but still, no." Duda siyang tatanggapin nito ang kaniyang bayad kung sakali.

"May access ka na sa unit, kilala ka sa building. Kulang na lang ay ang pagtira mo roon. Kaya bakit ayaw mo?"

"Hmm... I still want to be alone kasi. Me time," kibit-balikat na palusot niya.

"Bahala ka nga."

Iyon lang at hindi na siya nito kinibo. Hindi bale, lalambingin na lang niya mamaya; mag-s-sleepover siya sa condo nito.

Hinayaan niyang huwag siya nitong kausapin hanggang mag-out na siya sa trabaho. Sa huli'y umuwi siya at naligo, nagpalit ng maong na shorts, at ruffled sleeveless pink top. She only wore her flat sandals, too. She grabbed a bottle of her tequilas. Mag-iinuman sila't hahayaan niyang maglabas ito ng hinanakit sa kaniya. Kung mayroon man.

Pagkabukas ng pinto ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa condo saka hinanap ang kaibigan. Wala ito sa sala at kusina. Mukhang walang balak na kibuin siya kaya hindi nito sinasagot ang pagtawag niya sa ngalan nito.

She opened the bottle of Patrón Silver so she'd let her friend have a shot already once she saw her. Weird, pero weakness nito iyon, kaya iyon ang kadalasan na iniinom nila kapag gusto nilang mag-tequila. At isa pa, favorite nito ang brand na dala niya. Na naging favorite niya rin dahil, well, ito ang nagturong uminom sa kaniya.

Bago pumanhik sa kwarto ay naisip niyang tingnan ito sa gym. At parang may nagbara sa lalamunan niya nang may makitang isang lalaki na nagwo-work out doon.

His muscles were flexing as he's pulling the resistance bands, but he stopped doing that the moment he noticed her presence. Then, he stood up. Kunot na kunot ang noo nito nang tingnan siya, pero hindi niyon nabawasan ang kagwapuhan ng lalaking ngayo'y nasa harapan niya—papalapit sa kaniya. Napalunok siya at napakapit sa hawak na bote ng tequila.

Sino kaya ang lalaking ito? Bisita ni Jasel? Hindi kaya...

"B-boyfriend ka ba ni Jasel?"

Tumigil ito sa paglapit sa kaniya.

"I'm not a burglar, if that's what's on your mind." Paano'y iyon ang nabasa niya sa mga mata nitong ang ganda ng kulay.

He's freaking topless, too! His chest was a bit hairy and his six—no, eight-pack abs—were well-toned. His biceps looked...Hmm... Oh, so strong.

Hindi pa nakatulong ang pawis na nang-iinggit sa kaniya. Nakakahiya pero dumaan sa isip niya na sana'y naging pawis na lang siya.

"Who are you?" his low cold baritone."What are you doing here?"

Dang! Boses pa lang nito, nakakauhaw na. Wala sa sariling tinungga niya ang hawak na bote ng tequila't hindi alintana ang ginawa, basta kailangan niya nang makainom ngayon. Halos ngumiwi siya nang gumuhit ang mainit likido mula lalamunan, pababa sa kaniyang sikmura.

Napapikit siya at nang magmulat ay mataman pa ring nakatingin sa kaniya ang lalaki. Nababakas ang iritasyon dito.

"G-gusto mo?" nauutal na alok niya. The alcohol wasn't kicking in yet. Sadyang nakalalasing lang ang paraan ng paninitig nito sa kaniya. Bakit kaya ito parang naiinis?

Hindi niya pinansin iyon at napadakong muli ang paningin niya sa katawan nito. Nagmumura ang muscles!

He's smoking hot and masculine. He was godlike.

Tumungga ulit siya sa bote bago pa mapunta sa makamundong pagnanasa ang kaniyang isipan. This man in front of him may be her best friend's boyfriend so he's off limits. Inulit-ulit niya ang pagtungga sa bote habang pilit na iniiwasang magtama ang mga mata nila ng mala-Adonis na lalaking ito. May iba siyang nadarama sa tuwing magtatama ang paningin nila, ni hindi niya iyon naramdaman sa naka-relasyon niya noon. Iyon ba'ng para siyang nakukuryente't kinikiliti rin.

Sa isang iglap ay nakalapit ito at inagaw ang bote sa kaniya.

"Who the hell are you? What are you doing here? How did you get inside?"

"Pwedeng isa-isa lang?" she slurred. Now, the tequila was kicking in. "Boyfriend ka ba ni Jasel?"

Nairita na naman ito at nawala ang bahagyang pangingislap ngmga mata.

"I'm not. Now, answer my questions," he demanded.

Ngumuso siya. Hindi ito boyfriend ng kaibigan niya! Wala sa sariling inaagaw ang bote ng tequila rito.

"Stop drinking, you'll get wasted in no time."

She growled when their skin touched a bit. Mukhang naramdaman nito ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa kaya hinayaan nitong maagaw niya ang tequila. Walang sabi-sabing tinungga niya iyon—halos pangalatihan na niya sa loob lamang ng ilang sandali. She gobbled up once more. At habang umiinom ay nagtama ang mga mata nila, at napagtantong ilang dangkal lang ang layo nilang dalawa sa isa't isa. Wala sa sariling naibuga niya ang iniinom sa matipuno nitong katawan.

Napamura siya at agad na nilapag ang bote saka nilapitan ang lalaki. Nahihilo man ay pinunasan niya ang likidong sumaboy sa dibdib nito. Pero parangkinalat niya lalo ang tequila sa pag-itaas na katawan nito, at mas lalo niyang naramdamang totoo ngang matipuno ang lalaki. Mahihiya ang ilang modelo sa ganda ng tikas ng katawan nito.

She gulped as her touches became slower. She suddenly felt the urge to touch him more; to feel him. Unconsciously massaging his bare masculine chest lightly. Her senses heightened as she done that.

Ang lalaki'y ilang beses na napasinghap, hindi alam kung patitigilin siya o hahayaan.

Sa huli ay pinigilan siya nito. He grabbed her wrist and held it tightly.

Nang mag-angat ng tingin ay kitang-kita na naman niya ang iritasyon sa mukha nito. "Who are you?"

"Aray..." reklamo niya nang dumiin ang hawak nito. Doon bahagyang lumambot ang ekspresyon nito at napatingin sa kamay niya. Lumuwag ang higpit niyon, bakas na bakas ang diin ng pagkakahawak nito.

Bahagya siyang lumayo dahil parang napapaso siya rito. Nang mapagtanto ang ginawa ay mabilis na kumaripas siya ng takbo palabas ng gym at naghilamos sa lababo sa kusina. Medyo pumipintig na ang ulo niya sa sakit niyon. Oo nga't natuto na siyang uminom noon, pero hindi niya kayang tunggain nang tuloy-tuloy ang tequila! Talagang kaagad siyang malalasing sa ginawa.

"'Oy, Ice, kanina ka pa ba riyan?"

Si Jasel iyon na may yakap na dalawang brown paper bag. Mukhang may binili ito sa groceries kaya wala pala ito roon kanina.

Umiling siya. "Kadarating ko lang," aniya at akmang papasok sa kwartong inookupa niya sa tuwing makikitulog siya roon.

"Wait," awat ni Jasel. "Are you drunk already?" she asked.

Umiling ulit siya. "Just a little tipsy."

Tumagos ang mga titig ni Jasel sa kaniya. "O, Kuya, umiinom ka na agad? Kauuwi mo lang, a. Magpahinga ka muna."

Napatuwid siya ng tayo. Kuya?!

"By the way, this is Ice, my best friend. Iyong lagi kong kinukwento sa iyo," pakilala ng kaibigan sa kaniya. "Fraulin Ice Tiglao."

Kinabahan siya na 'di niya mawari nang tumango ang lalaki. Baka sabihin nito kay Jasel ang kagagahan niya kanina.

"Your friend forgot this," malamig ang tinig na anito.

"Nagkakilala na pala kayo," nakauunawang untag ng kaibigan. Para siyang inugat sa kinatatayuan dahil hindi siya makalingon sa lalaki. On her peripheral vision, she saw him put the bottle on the kitchen top. And he was now wearing a black sando.

"I'll just take a shower and go," paalam nito. Doon siya pumihit at nagtatakang tiningnan ito. It's seven in the evening and it's impossible to have a business meeting at this time. Not unless...

"May date ka?" wala sa sariling tanong niya.

He tilted his head and stared at her. "Yes... I have," matamang sagot nito sa kaniya.

Simula nang makilala niya si Jervis ay hindi na niya napigilan ang matinding atraksyon dito. She had been very vocal about her adoration and attraction towards him whenever she had the chance to do so. Pero ang siste'y ginagawa niyang biro kaya hindi ito naniniwala, gayon din ang kaibigan niya.

(Present Time)

SA loob ng dalawang taon ay ilang beses lamang na nakita ni Ice ang lalaking pumukaw sa interes niya mula nang mag-break sila ng ex-boyfriend niya. Sumatotal ay mga dalawa o higit na tatlong linggo lamang. Madalas kasi ito sa Italya, kung saan nagsimula ang winery business ng mga Guevara, at kung umuwi'y minsan lang maglagi sa tinitirhan.

"Nasaan ang kuya mo?" she asked one Sunday noon when she went to her friend's place. Una niyang naisip ay baka kasama nito ang boss niya. Nang makita niya si Jervis sa opisina noong nakaraang buwan ay nalaman niya kay Jasel na magkaibigan pala ang dalawa at business partners pa ang mga ito. Ang Guevara's Cellar Vineyard and Winery kasi ang sumu-supply ng mga wines sa mga hotel ng Sandoval sa loob at labas ng bansa.

"May party 'atang pupuntahan mamaya. Baka hindi na naman dito matulog."

"Linggo-linggo na lang?" busangot na komento niya. Sinadya na nga niyang makitulog doon tuwing day off niya,pero hindi pa rin niya maabutan ang lalaki. Sa susunod na linggo, pagkauwi niya'yroon siya tutuloy. Tingnan lang niya kung hindi pa niya ito matiyempuhan.

"Hayaan mo na, six months naman 'ata siya rito."

"Wow, that's longer than his previous stays," aniya, natuwa sa narinig. Pero bumusangot din nang maisip na hindi naman sila madalas na magkita.

"Yes, hindi na nakatanggi kay Uncle."

Ang tinutukoy nitong uncle ay ang kumupkop sa mga ito nang maulila labing-apat na taon na ang nakaraan dahil namatay ang mga magulang nang mabangga ang kotseng sinasakyan ng mag-asawang Guevara. The late couple were like angels... They sacrificed their lives to save those people who were riding the bus back then. Kung hindi raw hinarang ng mga magulang nina Jasel at Jervis ang sasakyan sa truck na pumalya ang preno ay ang bus ang mababangga.

Kaya nga ba noong mga panahong iyon ay ang Uncle ng mga ito ang may hawak sa ibang businesses ng Guevara noong wala pang awtoridad at kakayanan si Jervis na manduhan ang mga iyon. He's just seventeen, and needed to learn and study more.

"Bakit siya pinagbakasyon nang ganito katagal? Buti pumayag?"

Naiiling na tumawa ang kaibigan. "They want him to settle down. It's about time. He's thirty-one."

"You mean, humahanap siya ng mapapangasawa ngayon?" pilit niyang pina-kaswal ang tinig. She almost wanted to voice out that she's single and available. That she'd gladly volunteer to be Jervis' wife.

"Kabi-kabilaan kasi ang mga babae niya. Gusto na raw ng mga apo ni Auntie."

"Hindi mo masisisi si Jervis, may ibubuga naman kasi," she commented and drank her shot.

"Why aren't you calling him 'Kuya'?" nakataas ang kilay na tanong ni Jasel.

"Hindi ko naman siya kuya," pamimilosopo niya.

"Best friend mo ako, at kuya ko siya. He's way older than you. You should treat him like your brother."

"Paano kung ayaw ko?"

"Oh, please, Ice, wala akong time sa jokes mo."

"But I'm not kidding, Jase. I like your brother. I'm attracted to him since the first time we met."

Jasel just rolled her eyes and looked at her as if she's not believing her.

"Why?" tanong niya. Tumayo lang ito at kumuha pa ng maiinom. They had been drinking for hours now so she's a little bit tipsy. This time, dalawang bote ng flavored beer ang kinuha nito. Mukhang tutunggain naman nila ang mga bote ngayon. Tinabi niya ang shot glass.

"Ayaw kita para kay kuya. Hindi dahil sa masasaktan ka lang. Ayaw kong magkaroon tayo ng barrier kung sakaling maging kayo at maghiwalay rin kalaunan."

Inagaw niya rito ang nabuksang bote at tinungga iyon. "Grabe ka! Hiwalayan agad. Crush ko lang naman. Harmless iyon."

"Basta! I don't want you to end up with my brother on the bed only."

Why was she serious? Idinaan niya sa biro. "Fuck buddy kaagad? Crush nga lang. Parang high school crush, ganoon."

"Inaantok na ako," biglang paalam nito. Mukhang ayaw nang humaba pa ang usapan. "I'll go upstairs. Ikaw na ang bahalang magligpit dito."

When she was alone, she frustratingly pulled her hair and drank the beer until she feel asleep on the sofa.

Nalingat siya na parang nakalutang siya hanggang sa lumapat ang katawan sa malambot na kutson. Wala sa sariling sininghot niya ang paligid at naamoy niya ang bango ng lalaki. Oddly, his scent was familiar to her.

"Jervis..." her voice was hoarse.

Naramdaman niya ang paglapat ng kung anong malambot na bagay sa kaniyang labi, na kung hindi siya hinihila ng antok ay pipilitin niyang magmulat para tingnan kung ano iyon.

In the end, she peacefully slept thinking that the soft thing touched her lips was just the pillow, and she hugged it tightly.