Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 433 - Kalabang Walang Mukha

Chapter 433 - Kalabang Walang Mukha

SINO????!!!!"

"Attorney: "?????"

'Hindi ba nya alam na sya ang may gawa ng lahat ng ito?'

'Naka video kaya ng sabihin nyang sya ang naglagay ng mga bomba sa Hacienda Remedios, pati ang ginawa nyang pagtorture at pagkamatay ni Lemuel sa bakuran nya naka video rin at marami pang iba, bakit ngayon tinatanong nya kung sino?'

'Baka susunod naman sabihin nito, naposes sya kaya nya nagawa ang mga yun para matakasan ang kaso nya!'

"Congressman, hindi ko maintindihan, sino bang pinaghihinalaan nyo?"

Pero walang syang maisip kundi si Aaron Raquiñon o si Fidel o si Leon.

Ngunit ang lahat ng naiisip nya ay walang kakahayahang mahalungkat ang baho nya hanggang sa pinakaugat nito.

Hahayaan ba ni Kate na ma trace sila ni Eunice.

At hahayaan ba ni Gene na matrace din sya. Neknek nya!

'Imposible! Hindi sila!'

"Kung sino man ang taong yun, natitiyak kong makapangyarihan sya para makontrol ang lahat!"

'Posible kayang ang mga Perdigoñez o isa sa mga kalaban ko sa negosyo o sa pulitika?'

Pero hinala lang ang magagawa nya sa ngayon dahil walang ebidensya na magpapatunay na involve ang mga pinaghihinalaan nya, lalo na ang Perdigoñez na pangalawa sa makapangyarihan sa bansa.

'Kailangan kong malaman kung sino ang taong may pakana sa lahat ng ito!'

***

Makailang araw.

"Mendes may dalaw ka!"

Sabi ng guard.

"At sa wakas may dumalaw din!"

Nakangiti itong sumama sa guard.

"Mabuti naman at naisipan mo na akong dalawin!"

Inis na sabi ni Mendes.

"Kuya, hindi ako pwedeng magtagal, kailangan kong makaalis agad, marami akong ...."

"Kararating mo lang gusto mo ng umalis? Ngayon ka nga lang nagpakita kahit alam mong lampas isang linggo na akong nakakulong, tapos sasabihin mo gusto mo ng umalis? Mahiya ka naman!"

Galit na sabi ni Mendes na may halong pangungutya.

"Pasensya na Kuya."

"Makinig ka, ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan sa negosyo ng pamilya kaya makinig ka!"

Ang negosyong tinutukoy nito ay ang mga ilegal transaksyon nya.

"Pero Kuya ... hindi ko makakaya ang gusto mo! Hindi ko makakayang ihandle ang mga negosyong sinasabi mo.."

"Huwag kang magalala, ikaw lang ang gagamitin ko pero ako pa rin ang mamumuno! Kaya huwag ka ng maraming arte dyan! Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang masusunod! Ikaw ang mag mamanage ng negosyo ng pamilya sa labas para malaman ng kalaban na hindi pa naglalaho ang negosyo ko. Wala kang karapatan tumanggi dahil nakikinabang ka rin naman dito diba?"

Mabigat ang loob na tumango ito.

"At isa pa nga pala! Hanapin mo kung sino ang may lakas ng loob na kumalaban sa akin. Kailangan kong makilala ang taong iyon para magkaron sya ng mukha! Kailangan kong makilala kung sino ang kumakalaban sa akin!"

"At gawan mo ng paraan na makalabas ako dito! sa legal man na paraan o hindi, kailangan kong makaalis agad dito!"

"Okey Kuya, gagawa ako ng paraan para makatakas ka!"

'Siguro mas mabuting makalabas itong taong ito para hindi sya na ang humawak sa mga ilegal nyang negosyo!'

'Ayoko ngang kawakan yun!'

Kinikilabutan pa ito habang iniisip ang mga ilegal transaksyon ng Kuya nya.

Sya si Angelina Flores Romulo, ang kapatid sa ama ni Mendes.

Walang sino man ang nakakaalam na magkapatid sila dahil hindi Mendes ang apelyido nito nung dalaga pa sya.

Hindi kasi alam ng tatay nya na nagkaroon sya ng anak sa nanay nitong si Angela.

At sya rin ang Vice Mayor sa bayan ng San Miguel kung saan lumaki si Eunice.

*****

Finally nakipagkita na rin sya!"

"Sinong tinutukoy mo Eunie?"

Tanong ni Kate kay Eunice.

"Si Vice Mayor Romulo, nakipagkita na rin kay Mendes!"

"Good, so what's your next move?"

"Abangan ang pagtakas ni Mendes at wasakin ang lahat ng ilegal transaksyon nito, lalo na ang organ trafficking, completely!"

Simula kasi ng makulong si Mendes, may pumalit sa kanya na isa sa tauhan nya. At hindi ito nagustuhan ni Mendes.

Ang ama nya ang nagsimula nito kaya pamilya nya lang ang may karapatang mamuno dito. Kaya nya ipinatawag agad ang kapatid nyang si Vice Mayor Romulo.

"Bwisit na Waldo yun, anong karapatan nyang maghari sa pagaari ko? Pinaghirapan namin ng Papa yun!"

Malaki ang sindikato nya at maraming ilag sa grupo nila dahil takot kay Mendes.

Alam ni Kate na magaling sya pero mas mabilis mag isip si Eunice sa kanya. Sya ang nakatuklas ng relasyon ni Mendes sa Vice Mayor Romulo dahil sa isang kutob.

Kaya ang meeting ni Mendes at Vice Mayor Romulo, matagal ng inaabangan ni Eunice.

At ang planong pagtakas ni Mendes ay napaghandaan na rin nila Eunice at Kate bagay na ikinagulat ni Gene.

"Diba sabi ko sa inyo, itigil nyo na ang ginagawa nyo at hayaan na lang ang mga otoridad ang gumawa nito?"

"Grampy, gusto lang naman po namin tuluyan masugpo ang mga sindikato!"

"Hindi nyo rin po naman siguro gustong magkaroon ng isa pang Allan di po ba?"

Naintindihan ni Gene ang mga bata kaya wala syang nagawa kundi tumulong kesa naman hayaan nyang ang mga ito ang mismong gumawa ng plano nila. Delikado. Baka malaman pa ni Mendes kung sino ang nasa likod ng mga nangyayari sa kanya.

*****

Buong saya ni Mendes ng makatanggap sya ng tawag galing kay Vice Mayor Romulo para sabihing maghanda ito makakalabas na sya, ngayong gabi.

"Hehehe! Ayun naman pala eh, may pakinabang na rin ako sa'yo!"

"Pero Kuya sana, pag labas mo, ikaw ng magmanage sa negosyo mo. Hindi ko talaga kaya eh!"

"Haaay, napakahina mo talaga! Hindi ko alam kung paano kita naging kapatid? Okey sige, bilisan mo ng kumilos at inip ma akong lumabas!"

Kinagabihan, tulog na ang lahat pero hindi si Mendes. Nagaantay sya ng oras.

'Ang tagal naman!'

Ala una, himbing na ang lahat ng bumukas ang selda ni Mendes ng kusa. Dahan dahan syang lumabas.

Sumunod ay bumukas ang pinto ng kulungan na iyon ng kusa at muli, lumabas sya.

Walang humarang sa kanya, wala syang nakita nagbabantay sa daraanan nya. Hangang sa makalabas sya ng building na iyon.

"Sir, sakay na po!"

Sabi ng driver.

Walang kaba na sumakay ito.

"Ikaw ba ang ipinadala ni Angelina?"

"Sir, saan nyo po gustong magpunta?"

Hindi ng driver ang tanong nya bagkus ay nagtanong ito.

"Dumiretso ka lang at sasabihin ko kung saan ka dadaan!"

Sa hideout ng mga sindikato dumiretso si Mendes na ikagulat ng lahat.

"Boys, miss me? Hehehe!"

"Boss?"

Hindi makapaniwala ang mga tauhan nya lalo na si Waldo.

'Lintek na, paano nakalabas ang demonyong ito?'

"Bakit, akala nyo siguro hindi na ako makakalabas? Hehehe!"

"Boss, welcome back! Tamang tama ang dating nyo may mga mga bago tayong huli, andyan ready na for cutting kasi may delivery tayo, mamaya!"

Bwelo agad ni Waldo.

"Good! Mabuti naman at hindi ninyo pinabayaan ang negosyo KO habang wala ako!"

Ipinagdiinin nya talaga ang 'KO' para iremind kay Waldo at sa mga tauhan nya na sya ang tunay na pinuno nila.

Dinala sya ni Waldo kung saan naroon ang mga batang dinukot nila.

Duon maririnig ang iyak at pagmamakaawa ng mga bata.

"Inumpisahan nyo na ba ang pag cut?"

"Yes po Boss! Pangalawa na po ang nasa loob!"

"Magaling! Ayusin nyo at baka magreklamo ang mga kliyente!"

Masayang masaya si Mendes sa pagbabalik nya.

"Walang gagalaw, taas ang mga kamay!"

Gulat ang lahat sa biglang pagdating ng mga special agents.

Si Mendes ... sinubukan tumakas.

"At saan ka naman pupunta?"

"Chief, musta po!"

Akala ni Mendes malaya na sya, hindi nya akalaing ilang oras pa lang balik kulungan na agad sya.

Ni hindi man lang nya nagawang mag inom ng alak.

Sa pagkakataong ito, mas lalong tumibay ang ebidensya laban sa kanya.

Wala syang kamalay malay na sinadya pala syang pakawalan para sya mismo ang magturo sa mga otoridad kung saan naroon ang kuta ng mga sindikato.

Ito ang hiniling nila Kate at Eunice kaya sila lumapit kay Gene.

At si Vice Mayor?

Tuluyan na syang dumistanya kay Mendes, mahirap na.

At si Mendes, ..... mababaliw na sa kaiisip kung bakit nabulilyaso na naman ang plano nya.

"Sino? Sino ka ba talaga, kalaban ko na walang mukha? Bakit hindi mo ako labanan ng harapan?!"