Nabuwag ng tuluyan ang sindikato ni Mendes.
Mas lalong humigpit ang seguridad sa kanya pero dahil sa patong patong na kaso, hindi agad umusad ang kaso.
Hiniling ni Mendes na tapusin muna lahat hearing ng mga kaso nya bago sya hatulan kaya ang kaso nya, umabot ng tatlong taon.
Bagay na hindi nagugustuhan ni Edmund.
*****
"Ano? Pakiulit nga ang sinabi mo Eunice!"
Tanong ng nagimbal na si Edmund sa anak nya.
"Dad, ang sabi ko po, I'm running for mayor this election."
Sagot ni Eunice.
"Nababaliw ka na ba?"
Tanong ni Edmund pero sa itsura nya, mukhang sya ang nababaliw.
"Nope Daddy, Serious po ako!"
Lalong napraning si Edmund.
"Pwede bang ipaliwanag mo sa akin kung ano ang pumasok sa isip mo at naisipan mo ito?"
"Well, first ayaw kong manalo si Vice Mayor Romulo and second ... bored na ako sa position ko, ayaw ko ng maging CEO ng NicEd!"
Nanggigil sa galit si Edmund.
"Naintindihan kong gusto mong pigilang maging mayor si Romulo pero bakit pati pagiging CEO mo idinadahilan mo?"
"Nakakabored na po kasi, Dad, gusto ko ng mag resign sa position ko but I know naman po na hindi nyo ako papayagan, that's why I think na this is a good opportunity for me to get out from NicEd. Andyan naman po si Earl!"
Paliwanag ni Eunice.
'Grabe 'tong anak ko, lahat ng CEO nakikipagpatayan ma maintain lang ang posisyon nila pero sya .....'
'Haaaist! Mababaliw ako sa batang 'to!'
"But Eunice, that is not enough reasons to run for politics!"
"That is enough reasons for me! ... and a good one!"
Napatingin si Edmund sa asawa.
Si Nicole na kanina pa tahimik at pinagmamasdan lang ang mag ama nya, nagulat sa tingin ng asawa.
Tingin na nagpapasaklolo.
"Huwag nyo akong isama sa pinaguusapan nyo, pwede ba?"
Sabi ni Nicole.
"Honey ...! Ikaw ang nanay, bakit hindi ka kasi nagsasalita dyan?"
Tanong ni Edmund.
"Well, Honey dear, kasalanan mo 'to! You made your daughter as what she is now, THE BEST OF THE BEST! Kaya nag tataka ka pa?
Saka may point naman ang anak mo! Hindi naman kasi nya gustong maging CEO ng NicEd, napilitan lang sya so it's time na palayain mo na sya!"
Sagot ni Nicole.
"Palayain? Bakit nakakulong ba sya?"
"Yes po Daddy, that's what I feel. Nakakulong po at nasasakal na po ako, so please let me free from this punishment!"
"Punishment?"
'Grabe! punishment na ba ngayon ang pagiging CEO?'
"Pero Eunice naman, utang na loob, kailangan mo ba talagang pumasok sa pulitika just because of this?
Kung nabubuhay ang Lolo Berto ko, tyak na hindi papayag yun! Ayaw nun na pumasok ang isang babae sa pulitika dahil delikado!"
Naalala nya ang kwento ng Tiya Belen nya na gusto rin nitong maglingkod sa bayan ng San Roque pero mahigpit syang tinututulan ng ama nito na lolo ni Edmund.
"Daddy, kung nabubuhay po si Lolo Berto ilang taon na po kaya sya ngayon?"
Inosenteng tanong ni Earl.
Gustong matawa ni Nicole pero pinigilan nya baka lalong umusok na sa galit ang asawa.
"Dad, I know your worried, pero buo na po ang pasya ko!
At saka .... nakapag pasa na po ako ng candidacy!"
"WHAT??!!!"
Kahapon ang final submission ng candidacy at nag pasa si Eunice sa last minute.
"Nagsubmit ka pero ngayon mo lang sinabi?"
"Busy po kayo, kahapon eh, ayaw nyong paistorbo!"
"Waaaaaahhh! Mababaliw na ko!"
"Teka, what about AJ? Anong sabi nya?"
"Okey lang po sa kanya, susuportahan daw nya po ako sa gusto kong gawin!"
"Pero Iha, diba may plan na kayong magpakasal, naka ready na nga lahat! Bakit, hindi nyo na lang ituloy ang plano nyo at kalimutan na ang pulitika? Hah?"
"Sorry Dad, but we can't! We promise you diba, after five years!
Three years pa lang po ang nakalipas may two years pa po! Paulit ulit nyo nga pong nireremind si Milky ko diba?"
Gustong magalit ni Edmund sa sarili.
'Jusko naman, bakit ko ba nasabi yun, nuon?'
'Kung hinayaan ko silang magpakasal ni AJ malamang may anak na sila. Hindi siguro magiging padalos dalos itong si Eunice sa mga desisyon nya kapag may pamilya nya sya!'
Pero kahit anong mangyari, ayaw talaga ni Edmund na pumasok si Eunice sa pulitika.
"Ah, basta! Hindi ako makakapayag na pumasok ka sa pulitika! End of discussion!"
Pero sa huli wala ding nagawa si Edmund. Si Eunice din ang nasunod.
"Haaaiisst! Hindi talaga ako mananalo sa argument sa anak ko!'
'Kung sabagay, experience din ito, wala namang kasiguraduhang mananalo sya sa election dahil individual candidate sya, di tulad ng iba na may partido!'
Pero nanalo si Eunice.
"Waaaah! Nanalo sya! Nanalo ang anak ko! Bakeeet?!"
"Huy, Edmund, umayos ka nga dyan! Imbis na magsaya ka para kang baka kung makaatungal dyan!"
Sabi ni Nicole.
"Yan kasing anak mo e .... hindi na nakikinig sa akin! Sabi ng huwag pumasok sa pulitiko pero hindi nakikinig! Waaaah!"
"Huy ano ba? Tumigil ka nga at nakakahiya! Inauguration ng anak mo bilang Mayor ng San Miguel, nakakahiya pinagtitinginan ka na ng mga tao!"
"Bakit ba? Sa nagaalala ako e! Yun ngang wala pa sa pulitika ang anak ko dami higpit na ng pagbabantay ko dahil lagi dyang nspapasok sa gulo kahit hindi nya gusto, ngayon pa kaya?"
"Waaaaaahhh!"
'Hindi maari ito, kailangan isang term lang sya!'
*****
"Kuya, I lost!"
Malungkot na sabi ni Angelina Romulo kay Mendes.
"Ano?! Natalo ka ng isang bagito? Ano ka naman? Ang hina mo naman!
Ang akala ko pa naman kahit papaano may namana ka sa amin ng Papa? Nakakahiya ka!"
May halong pangungutya ng sabi ni Mendes.
Napikon si Angelina.
'Bakit ba ako nagpapakagagong sunod ng sunod sa taong ito na obvious naman walang pakialam sa akin?'
'Kahit kailan hindi ako trinatong kamaganak nito kundi isang bagay na pwede nyang pakinabangan!'
Ilang beses nya ng tinalikuran ang taong ito pero sa huli hindi nya magawa dahil kahit papaano kapatid nya ito.
Pero sa huli na realize nyang wala pala syang kwenta sa paningin ng taong ito.
"Pasensya na Kuya kung hindi ako kasing galing mo!
Huwag kang magalala huli na 'to!"
"Yan! Tama yan! Huwag kang umastang parang talunan dyan! Ngayon, tapos na ang eleksyon, siguro naman makakapag concentrate ka na sa pinahanap ko sayo? Kailangan ko ng makita ang taong dahilan ng pagbagsak ko .... "
Pero hindi natapos ni Mendes ang sasabihin nya.
"HINDI!"
Galit na sabi ni Angelina.
Napatigil si Mendes at halata ang pagkairita sa mukha ng maputol ang pagsasalita nya.
"Anong hindi?"
Tanong ni Mendes kay Angelina.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Huli na 'to! Ibig sabihin, ito na ang huling beses na magkikita tayo! Tapos na ako at pagod na ako sa mga utos mo!"
Sabi ni Angelina.
"Anong pinagsasabi mo? Baka nakakalimutan mo ang utang na loob mo? Kaya kung inaakala mong magagawa mo akong takasan nagkakamali ka!
Pagaari kita tandaan mo yan, kaya wala kang karapatang humindi!"
Galit na sabi ni Mendes.
Tumayo na si Angelina, wala na itong pakialam sa sasabihin ni Mendes. Wala na rin itong pakialam kung ano ang mangyari sa kanya.