Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 427 - Pagod Na Akong Matakot!

Chapter 427 - Pagod Na Akong Matakot!

Ngunit ..... sino nga ba ang tinutukoy ni Gene na dragon?

Kagabi ng biglang nag set ang timer ng bomba, takot ang rumehistro sa mukha ng lahat.

Panic ang sumunod na nangyari.

Aminado si Gene na kahit na isa syang retired general at marami na ring gera ang sinugod, nakaramdam pa rin sya ng takot. Hindi para sa sarili kungdi para sa mga mahal nya.

Pinilit nyang pinakalma ang sarili.

"Teka sandali, huwag kayong magpanic!"

Sigaw ni Dong.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Kailangan na natin umalis dito, bilis!"

Natatarantang sabi ni Belen.

"Oonga naman po Sir, nagtitiktak na yung bomba, ayokong magpirapiraso ang katawan ko! Dyan na po kayo!"

Sabi ni Matt.

"TEKA! Kalma lang! Naka set ang timer ng alas dose kaya huwag kayong magpanic! Hindi pa yan sasabog. Pagnag panic kayo baka lalo tayong magkasakitan."

Paliwanag ni Dong na pilit ding pinakakalma ang sarili.

"Paano kami hindi magpapanic, bomba pa rin yan! Jusko Edmund ang mga bata gisinging mo! Dali!!!"

Sabi ni Nichole.

Hahakbang na sana si Edmund ng mapansin nyang andun na ang dalawang anak nyang sila Eunice at Earl, pati ang mga anak ni Nadine na sina Kate at Khim at sila Mel and AJ.

"Sinong bang mga bata ang tinutukoy mo, eh andito na naman lahat?"

Tanong ni Edmund.

May katwiran naman si Nichole, sinong hindi magpapanic pagnakakita ng bomba, gumagana man yan o hindi.

Yun pa kayang nakikita mong umaandar ang timer?

Pero kailangan nilang maging mas mahinahon sa ganitong pagkakataon at yun ang gustong sabihing ni Dong.

May panahon pa sila, mahaba pa.

"Saka, sigurado ka bang alas dose yung timer, hindi 12 minutes?"

Naiiyak na tanong ni Nadine.

"Oo iha, tama sya alas dose pa ito sasabog. Mas mainam nga na huwag tayong magpanic, baka sa sobrang panic natin makaiwan tayo ng kasama!"

Si Gene na ang sumagot para maniwala sila.

Nabawasan naman ang kaba ng lahat.

"Naintindihan ko pong hindi tayo dapat magpanic pero mas makabubuting makaalis na po tayo agad dito para sa safety ng lahat.

Sabi ni AJ.

"Tama si AJ, iistart ko na ang chopper para makaalis na agad tayo dito!"

Sabi ni Edmund.

"Samahan na kita Edmund!"

Sabi ni Gene at sabay silang umalis.

"Mabuti pa siguro, bumalik tayo sa mga silid natin at kunin ang mga importanteng gamit na madadala natin! Mukhang hindi natin madadala ang lahat!"

Sabi ni Fidel.

***

Tiyo, hangang apat lang ang maisasakay ko at sa inyo po tatlo. Kailangan siguro unahin muna natin ang mga babae at mga bata at si Tiya Belen, sa akin nyo na po sya isakay!"

Sabi ni Edmund habang papunta sila kung saan nakaparada ang chopper.

"Okey iho, naintindihan ko! Si Nadine, Kate at Khim ang isasakay ko at sa'yo naman sila Nichole, Eunice, Earl at si Belen!"

Hindi man gusto ni Gene ang mawalay sa Giliw nya, wala syang magagawa, maliit lang ang chopper nya na pagaari ng kapatid nyang si Joel, kumpara sa helicopter ni Edmund na pagaari ng ama nitong si Luis.

Tyak nyang hindi papayag si Nadine na mawalay sa mga anak nya sa ganitong pagkakataon.

At isa pa, kahit may license to flight itong si Kate at Eunice, hindi nila ito pinapayagan na mag maneho ng chopper kapag madilim.

Nagkasundo na sila, buo na ang desisyon nila, kailangan maialis agad ang mga babae at mga bata tapos ang natira ay kotse naman ang gagamitin.

Pero, hindi nila inasahan ang maabutan.

Nakabukas ang fuel tank nito at mukhang inalis lahat ng jetfuel na laman.

"Anak ng .... "

Inis na sabi ni Edmund napasipa pa ito sa hangin sa inis. Nanggigil sa inis.

"Sige Edmund, ilabas mo lahat ng inis mo, pero pakibilisan mo lang at kailangan na nila tayo."

Sabi ni Gene.

Pinagsisipa ni Edmund ng makailang beses ang gulong ng helicopter hanggang maubos ang nararamdaman nitong galit.

"Tara na po Tiyo, kailangan na nating bumalik!"

Nanlilisik man ang mga mata, mas kalmado na ngayon si Edmund.

***

Handa na ang lahat, nasa ibaba na ang mga ito, dala dala ang mga ilang gamit at pangangailan nila, inaantay na lang dumating ang dalawa.

"Ready na ba? Bakit parang hindi ko pa naririnig ang tunog ng elesi?"

Tanong ni Belen

"Pasensya na, but we need to change plan, hindi pwede ang mga chopper!"

Agad na sabi ni Edmund.

"Ha?"

"Bakit?"

"Kasi wala itong gasolina!"

Sagot ni Gene.

Shock ang lahat.

'Ano bang kamalasan ito?'

'Jusmiyo, ayaw ko pang mamatay!'

Sabi ng isip ni Matt.

Naiinis na rin ang lahat, feeling nila kinokorner na sila.

'Lintek na, sino ba ang mastermind sa mga nangyayari sa amin?'

"Ganunpaman, kailangan pa rin nating lumikas!"

Sabi ni Gene.

"Yung mga sasakyan na lang ang gamitin natin!"

Sabi ni Edmund.

Pero ... hindi pa sila nakakalabas may padating ng isang kasamahan ni Dong.

"Dong, mukhang delikado sa labas, may nakita ring bomba sa labas!"

"Jusmiyo!"

"Ano na, pwede na po bang magpanic?! Huh?!"

Sabi ni Matt.

"Kung sino man ang nagplano nito wala syang balak na palabasin tayo dito ng buhay!"

Sabi ni Kate.

"Kate ano ba? Tumahimik ka na muna, please!"

Naiiyak na sabi ni Nadine habang akap ang bunso nya at si Kate.

"Pero, kailangan pa rin nating subukang makaalis, kaya tara na!"

Sabi ni Gene.

"Tama! Kailangan nating makaalis dito kahit anong mangyari! So pleeeaaase ... TARA NA PO!"

Pagmamakaawa ni Matt na puno ng takot ang dibdib gusto ng maihi sa takot.

"HINDIIII!!!"

Nagimbal ang lahat ng madinig nila ang sigaw ni Eunice.

"Anak, anong hindi? Pwede ba hindi ito ang oras ng kalokohan. Tara na mga bata, bitbitin nyo na ang mga gamit nyo papuntang sasakyan!"

Sabi ni Nichole.

"Sorry po Mommy pero hindi po ako aalis dito! Pagod na po akong matakot!"

Galit na sabi ni Eunice.

"Anong hindi ka aalis? Utang na loob Eunice, huwag mo akong galitin! Tara na sabi eh!"

Galit na sabi ni Nichole sabay hawak sa kamay ni Eunice.

Tinabig ni Eunice ang mga kamay ng ina at saka lumayo dito.

"Kung gusto nyo pong umalis, umalis na po kayo. Hindi po ako sasama! Hindi ako magpapadala sa pananakot ng sinumang may pakana nito! Lalaban ako!"

"EUNICE!!!"

"Anak, hindi dito ang tamang lugar para magisip, kailangan nating makaalis dito, kaya tara na!"

Galit na rin si Edmund.

"Eunice mamatay tayo kapag nag stay tayo dito, kaya tara na!"

Naiiyak na si Nichole.

"Kahit na lumabas tayo, wala ring katiyakan na hindi tayo mamatay. Kaya, kung mamamatay man ako ngayon, sisiguraduhin kong isasama ko ang may pakana nito!"

Galit na sabi ni Eunice. Namumula ang mga mata nito sa galit.

Kinilabutan si Belen ng madinig ang sinabi ni Eunice.

'Jusko, pareho silang magisip ng Papang!'

'Ang mga sinabi nya, yun din ang mga huling salita na sinabi ng Papang bago ito namatay!'

Walang nakakaalam sa huling sandali ng ama nya kundi sya at ang bodyguard nito na ama ni Gene.

Ang ama ni Belen ay ang Lolo Berto ni Eunice. Lolo nya ito sa tuhod at kilala ito na isang malupit ngunit matuwid na Mayor ng bayan ng San Roque.

Dragon ang bansag sa kanya ng mga kalaban nya nuon.

*****

Nangingiti na lang si Gene habang binabalikan ang mga nangyari kagabi.

"At nagising na nga ang dragon. Hehe!"

Usal nito.

"Hahaha!"

Natawa na lang si Fidel sa sinambit ni Gene.

"Bakit ka natatawa dyan? Sa tingin mo ba kinakalawang na ako dahil matanda na ako?"

Tanong ni Gene

"Hindi General! Kahit na may katandaan ka na, wala pa rin makakatalo sa kakisigan mo at kagalingan mo, pero .... aaminin kong maganda ang plano ni Eunice. Magaling syang strategist!"

"Isa syang Perdigoñez, nasa dugo nya ang pagiging magaling, katulad ng namayapa nyang Lolo sa tuhod, si Mayor Berto!"

Malaki ang paghanga ni Gene sa Lolo Berto ni Eunice.

"Sana lang umayon sa plano ang lahat!"

Sabi ni Fidel.

"Huwag kang magalala, tuso man si Congressman Matsing, hindi nya kaya ang pagiging genius ni Eunice!"