Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 386 - Syempre Si Coffee Muna

Chapter 386 - Syempre Si Coffee Muna

"Anong ibig mong sabihin na AKO, Coffee?"

Tanong ni AJ.

"Hindi pa kasi ako sure pero the last time na maramdaman ko yung creepy feeling na may nagmamasid sa akin, napansin ko yung taong grasa na nakatambay malapit dun sa TAMBAYAN!"

"Alin dun Sissy? Tatlo yung taong grasang madalas tumambay dun, minsan nga lampas pa ng lima, pinapaalis lang ng mga nagpatrol duon."

Napapaisip na tanong ni Mel pilit na dinidifferentiate ang bawat taong grasa.

Kung titingnan kasi halos parepareho ang itsura nila, puno ng grasa ang mukha na sobrang kapal hindi mo talaga makikilala kung sino sila at yung iba, parang wala na sa katinuan.

"Yung matanda na may dalang saklay!"

Sagot ni Eunice.

"Yung laging pumupwesto sa kabila, sa may tapat?"

Tanong ni Kate.

"Oo Ate Kate, pero minsan lumalapit din sya dun sa may parking lot ng TAMBAYAN!"

"Hindi ko sya nakikitang lumalapit! Duon ko lang sya laging nakikitang nakapwesto sa may tapat!"

Sabi ni Mel.

"Ako din!"

Sabi din ni Kate.

"Ako, meron times na nakikita ko sya sa malapit sa kotse ko!"

Sabi ni AJ.

"Talaga, Milky, nakikita mo rin sya sa mas malapit?"

Tanong ni Eunice.

"Oo Coffee! Why, what's the problem? Anong problema dun sa matandang taong grasa?"

"The last time kasi, nagtataka lang ako ng makita ko syang may hawak na dyaryo, parang seryosong nagbabasa!"

Sabi ni Eunice.

"Well nakakapagtaka nga kung titingnan mo dahil most of the taong grasa is may mental problem."

Sabi ni AJ

"Malay mo trip nya lang magbasa!"

Sabi ni Mel.

"Why Eunie, may nakita ka bang kakaiba dun sa matandang taong grasa?"

Tanong ni Kate

"Yes! The way he holds and read the news paper parang .... parang .... he reminds me of Lolo Lemuel!"

Sabi ni Eunice.

"Yung taong grasa na may saklay na matanda, si Lolo Lemuel?"

Sabi ni Kate na hindi makapaniwala.

"Ang tibay ng lolo mo!"

Biro ni Mel.

"Hindi ko sya lolo at wala akong pakialam sa kanya!"

Sabi ni AJ.

"Lately, hinahanap ko yung matandang taong grasa sa paligid ng TAMBAYAN pero hindi ko na sya nakikita, kaya hindi ko ma confirm kung sya nga!"

"Baka nakatunog?"

"Pwede ring dahil hindi na nya nakikita si Milky kaya hindi na sya tumatambay duon!"

"Baka alam na nya na wala si AJ dito sa Maynila, nabasa nya!"

"Sa tingin ko mas magandang magtungo ako ng TAMBAYAN para lumitaw sya!"

Sabi ni AJ.

"Pero ... baka kung anong gawin nun sa'yo!"

Nagaalalang sabi ni Eunice.

Nangingiti naman si AJ.

'Mahal na mahal talaga ako ng Coffee ko! Sobra sya kung magalala!'

"Okey, Coffee, Honey, don't worry too much! Hindi na ako pupunta ng TAMBAYAN! Pero ..... natitiyak kong madadalas ang pagbabasa ng dyaryo ng taong grasa na yun!"

"Bakit?"

"Ang dami kasing pulitikong umaaligid lately, lalo na yung Congressman Mendes! Nakakainis nga ang kulit!"

Matapos kasing idemanda ni Fidel si Mayor dahil pumayag itong mapunta ang lupain nya kay Domeng, maraming pulitiko ang nabulabog.

Isa na roon si Congressmen Arturo Mendes Jr.

Ang father ni Cong. Mendes ay ang dating Governor ng Quiñoza Valley ay malaki ang utang na loob kay Don Aaron. Ito ang tumulong sa political career ng ama nya simula pa nung umpisa.

Kaya ngayon biglang sumulpot ang isang tagapagmana ni Don Aaron, hindi nya palalagpasin ang pagkakataon na magpakilala dito.

Ang hindi alam ni Congressman Mendes, kilala na sya ng kampo ni AJ na isa sa tumutulong kay Leon para angkinin at maghari harian sa Hacienda Remedios.

"Kelan ka pupunta sa Hacienda Remedios, AJ?"

Tanong ni Kate.

"Next week, tatapusin ko muna lahat ng ito saka may mga kakausapin pa akong mga ilang tao before ako humarap kay Mang Nardo!"

Ang tinutukoy nya ay ang mga lulutuin nya at ibebake nya para kay Eunice.

'Syempre si Coffee muna bago ang iba!'

"Pwede ba akong sumama?"

Tanong ni Eunice.

"Hindi! Next time na lang pag wala na yung mga asungot sa hacienda!"

*****

Sa isang center malayo sa Kamaynilaan.

Masaya si Raymond, hanggang tenga ang ngiti, finally nag reach out na rin sa kanya ang anak nyang si Caren.

Wala syang mapaglagyan ng sobrang galak nya. May ilang araw na ring pabalik balik si Caren dito at minomonitor ang progress nya.

Sa ngayon nagagawa na nyang makapagsalita pero hindi pa maayos at ang kamay nya ay naiiaangat na rin kaya naisusulat na rin nya ang gusto nyang sabihin.

'One day makakalakad na ulit ako at maibabalik ko na ang lahat!'

'Mapapakasalan ko na rin si Berna!'

Maya maya bumukas ang pinto.

Ang akala nya ay may nakalimutan lang ang anak nyang si Caren kaya ito nagbalik. Pero laking gulat nya ng makita kung sino ang pumasok.

Si Edmund.

"Hello my friend, mukhang masaya ka?"

Nagbago ang expression ng mukha ni Raymond at napalitan ng pagkabalisa.

"Hannnyong .... ggggawwwa ... mm .. ddddto?"

Uutal utal na tanong ni Raymond.

"Oh, bakit, ayaw mo ba akong makita?

Balita ko malaki na raw ang improvement mo!"

Iiling iling ito, halatang nagpapanic at pilit na inaabot ang pindutan para tawagin ang nurse pero mabilis si Edmund, hinablot nya agad ito at inilayo sa kanya.

Tapos ay nilapitan sya ni Edmund at hinawakan ang magkabilang kwelyo.

"Hayup ka Raymond, akala mo hahayaan kitang basta mo na lang ipamimigay ang 10% shares mo sa kung kani kanino lang? HA?"

Nanlilisik ang mga ni Edmund sa galit.

Gustong sumagot ni Raymond pero hindi nito magawang makapagsalita. Gusto nyang magpaliwanag.

"Kung akala mo magagago mo ako, nagkakamali ka! May usapan tayo, ibibigay ko sa'yo ang negosyo ni Lemuel kapalit ng shares mo sa NicEd diba?! So anong karapatan mong ibigay ito sa iba?"

"Nasa iyo na ang kompanya pero ang 10% shares mo hindi mo pa ibinibigay sa akin!

"Nang dahil lang sa nababaliw ka sa babaeng yun kalilimutan mo na ang usapan natin pati ang pagiging magkaibigan natin?!"

Gigil na gigil si Edmund, gustong gusto na nyang sapakin si Raymond pero pinipigilan nag sarili.

"Aaah, Aaah, Aaah!"

Itinuro nito ang papel at ball pen at inis na initsa ni Edmund sa kanya.

{ Pasensya na Pare, diko naman gustong mangyari ito. Ayoko lang iwan ako ni Berna kaya nagawa ko ito! Sorry Pare}

Hindi na nakapagpigil si Edmund at susuntukin na talaga nya si Raymond pero ...

"HUWAG!"

Related Books

Popular novel hashtag