Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 387 - You're So Naive!

Chapter 387 - You're So Naive!

"Tito Edmund please, maawa kayo kay Papa, huwag nyo po syang saktan!"

Pakiusap ni Caren kay Edmund ng makita nitong susuntukin na ang ama.

Bumalik ito dahil may nakalimutan syang sabihin sa ama. Gusto nyang sabihin na gusto na nyang makabalik sa posisyon nya bilang presidente ng kompanya. Pero nagulat sya ng maabutan roon si Edmund at inaaway ang ama.

Pinigilan ni Edmund ang sarili ng makita si Caren.

"Kung akala mo, aalis ako dito ng hindi mo naibibigay ang pinagusapan natin, nagkakamali ka!"

Sabi ni Edmund kay Raymond. Galit.

"Tito Edmund, tungkol po ba saan ito, ano po bang dahilan bakit gusto nyong saktan ang Papa ko?"

Umiling iling si Raymond, nakikiusap ang mga mata kay Edmund na huwag sabihin sa anak nya.

"Bakit, natatakot kang malaman ng anak mo ang katarantaduhan mo?"

Nangiinis na tanong ni Edmund.

Kinuha ni Edmund ang papeles at iniabot kay Raymond.

"Pwes, pirmahan mo yan!"

Utos nito kay Raymond

Natataranta si Raymond, tumatanggi. Ayaw nyang pirmahan ang papeles.

Alam nyang pag ginawa nya 'to katapusan na nilang dalawa ni Berna at hindi nya ito mapapayagan. Ito lang ang dahilan kaya nagagawa nyang manatili si Berna kahit papaano.

{Please Edmund, antayin mo muna akong gumaling}

Kinuha ni Caren ang papeles na gustong papirmahan ni Edmund at binasa.

"Tito Edmund, ano po 'to? Bakit nyo po pinupwersa si Papa na ibigay sa inyo ang shares nya sa NicEd?"

Nagtatakang tanong ni Caren na may halong pagduda.

"Pinupwersa? Pinalalabas mo bang inaagrabyado ko itong tarantadong tatay mo?"

"Pero bakit nyo po sya pinilit eh obivious naman na ayaw nya!"

"Dahil ang shares nyang yan ang kabayaran sa kompanyang binigay ko sa kanya! Yan ang usapan namin! Pero ayaw ng magaling mong tatay dahil yan ang ginagamit nya para hindi sya iwan ni Berna!"

Paliwanag ni Edmund na ikinabigla ni Caren.

Papa totoo po ba 'to? Ano po bang plano nyo, ibigay kay Berna ang shares nyo sa NicEd?"

Umiling iling si Raymond tapos at sumulat.

{ Wala akong balak na ibigay sa kanya ang shares, gusto ko lang gamitin yun para hindi nya ako iwan }

Nabigla si Caren, hindi makapaniwala.

Akala nya si Berna ang naghahabol sa ama at ginagamit lang ni Berna ang Papa nya para matupad ang ambisyon nya.

Nasisiraan ka na ba Raymond?!"

Singhal ni Edmund

"Akala mo ba hindi alam ni Berna na inuuto mo lang sya para mapasunod? Hindi mo kilala si Berna, hindi sya TANGA! Gagawa at gagawa ng paraan yun para makuha nya ang gusto nya! At ang gusto nya ay ang shares mo ng NicEd para maging director sya!"

"Tito Edmund, nalilito po ako, bakit po gustong makuha ni Berna ang shares ni Papa sa NicEd?"

"Ano pa, para gamitin nya sa paghihiganti nya sa Perdigoñez International!"

Mas lalong nalilito si Caren, halatang walang alam sa nangyayari.

Naririnig nyang pinaguusapan nila Kate at Eunice ang nangyari kay Berna pero hindi nya ito binibigyang pansin dahil wala syang pakialam.

"Bakit naman sya maghihiganti, ano namang karapatan nyang maghiganti e sya naman ang may kasalanan?"

Iritang sabi ni Caren.

"You know what's your problem Caren, you're so NAIVE! Hindi lahat ng nababasa mo totoo, madalas gawa gawa lang!"

"Ibig nyo pong sabihin inosente si Berna sa paratang sa kanya?"

Tumahimik lang ang dalawang lalaki, pareho nilang alam ang totoo na si Berna ay biktima lang ng pulitika sa kompanya.

Merong isang nasa mataas na posisyon na ayaw na umangat pa ang career nya.

Wala ng gana ng magpaliwanag si Edmund. Kung gustong malaman ni Caren ang totoo sya ang tumuklas. Isa lang ang pakay ni Edmund, ang makuha ang shares ng NicEd kay Raymond sa ayaw nya at sa gusto.

Napansin ito ni Caren. Hinarap nya ang ama.

"Papa please po iwan nyo na po si Berna at ibalik nyo na po ako sa pagiging presidente! Pangako ko pong gagawin ko ang lahat para mapabuti ang kompanya!"

"Mapabuti? Hahahahaha!"

Napahiya si Caren sa pagtawa ni Edmund.

"Tito Edmund, alam ko pong hindi ako magaling pero, kaya ko naman pong pagaralan ang lahat!"

"Pagaralan? Hindi mo ba alam na kung hindi dahil kay Berna, bankrupt na ang kompanya nyo?"

Hindi makapaniwala si Caren. Ang alam nya maayos naman ang pamamalakad nya.

"Bakit hindi ba sinabi sa'yo ng tatay mo kung bakit nya inilagay si Berna sa posisyon mo? Para sagipin ang nakalubog nyong kompanya!

Isang taon kang naupo dyan ni hindi mo man lang nalaman na may magnanakaw sa kompanya nyo, binibenta lahat ng contract nyo? Pero si Berna nasupil nya yun at nagawan ng paraan na makapagdeal sa loob lang ng isang linggo?!"

Bawat salita na binibitawan ni Edmund, tumutusok sa puso ni Caren. Nanliliit na sya.

'Ano ba ako tanga? Well experienced si Berna, ano nga bang laban ko sa kanya?'

{ Caren, gusto ko tulungan mo si Berna. Learn from her! Tuturuan ka nun}

"Gusto nyo pong tanggapin ko ang pagiging assistant ni Berna?"

Naiiyak na si Caren. Gusto ng Papa nya na ibaba nya ang pride nya.

Tumango si Raymond.

Hindi alam ni Caren paano sasagutin ang ama. Hindi nya alam kung makakaya nya ang kalupitan ni Berna at ang mas hindi nya alam kung makakaya nya ang mga bulung bulungan sa paligid.

Hindi ba nakakatawa at nakakahiya na ang dating presidente at anak ng may ari ng kompanya ma de demote?

"Ngayon, nasabi mo na rin at napaintindi sa anak mo ang problema mo, oras na para pumirma!"

"...dahil kung hindi ka pipirma, ako mismo ang gagawa ng paraan para tuluyan ng gumuho ang kompanya mo at mawawala sa'yo ang lahat!"

"Seryoso ako Raymond, hindi mo naman siguro gugustuhin na maging kaaway ako?"

Wala ng magawa si Raymond. Kilala nya ang kaibigan nyang ito. Mabait itong kaibigan pero malupit na kaaway at ayaw nyang mangyari ang huli.

Pinirmahan nya ang papeles.

*****

Sa isang sulok ng bangketa, makikita ang isang taong grasa na may hawak na dyaryo na pinulot nya sa isang basurahan.

Seryoso nyang binabasa ang isang article tungkol sa isang tagapagmana na biglang sumulpot.

Nangiti ang taong grasa.

"Nagbalik na ang apo ko!"

"Hahahahaha!"

At dumadagundong ang halakhak nya sa kapaligiran na ikinabahala ng lahat.

"Ayan na naman sya, tumatawang magisa!"

"Bakit ba hindi na lang dalhin sa mental yan? Nakakatakot na, baka mangagat!"

Related Books

Popular novel hashtag