Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 385 - Sa Tingin Ko .... IKAW!

Chapter 385 - Sa Tingin Ko .... IKAW!

BLAG!

Bigla na lang may nahulog na nagmula sa kung saan kay Domeng kaya na out of balance ito, nagpagewang gewang at kung saan saan humawak.

Hindi nya napansin na marami syang natabig at isa isa itong nahulog sa kanya hanggang sa natumba sya at bumagsak sa isang mababang pader na may nakausling bakal. Natusok ang hita nya at pumalahaw ng sigaw dahil sa sakit.

"Waaaaaahhh! Ahhhhhh! Ahhhhh!"

Pero, kasunod nuon ang mga hollow blocks at semento saka bakal na nahulog sa kanya. Nahatak kasi nya ang isang lubid at nadala lahat ng iyon ng bumagsak sya.

Dahil sa dami ng alikabok na nagkalat, hindi na nila nalaman kung anong nangyari kay Domeng.

Nang mapawi na ang alikabok, agad naman lumapit si Rosemarie, nagaalala sa asawa pero pinigilan sya ni Fidel.

"Teka lang Misis, huwag ka munang lumapit! Hayaan mo munang linisin ng mga tauhan ko ang paligid. Baka kasi maapakan natin sya ng hindi natin namamalayan!"

At nilinis nga ang paligid hanggang sa tumambad nakahandusay na si Domeng, na walang malay.

Hindi nakayanan ni Rosemarie ang itsura ng asawa. Maliban sa nakatusok ang binti sa bakal, puro galos ang katawan at mukhang nabalian din yata ng tadyang.

"Juskupo!"

"Teka Misis, buti pa huwag ka ng lumapit at baka delikado, mas mabuti siguro ay tumawag tayo ng ambulansya!"

At inilayo ni Fidel si Rosemarie sabay kunwari tumatawag ng ambulansya pero iba ang tinatawagan nya.

"Huwag na po kayong magalala Misis, nakahingi na po ako ng tulong, darating na yun. Pasensya na po sa nangyari sa asawa nyo, hindi po namin sinasadya, ang kulit po kasi ng asawa nyo, kakalat kalat!"

Sabi ni Fidel.

"Naintindihan ko po Sir Fidel. Ako nga po ang humihingi ng pasensya sa inyo sa kakulitan ng asawa ko!"

Nahihiyang sabi ni Rosemarie.

Hindi maintindihan ni Fidel pero nakakaramdam sya ng tuwa sa puso nya habang pinagmamasdan nya si Rosemarie.

"Uhm, kung gusto mo, tutal wala pa naman yung ambulansya, tulungan na muna kita dito sa mga gamit mo. Mukha kasing hindi mo na kayang magbike sa kalagayan mo. Ipahihiram ko sa'yo yung trak!"

At tinawag nito ang isang tauhan at inutos na ilagay sa trak lahat ng gamit ni Rosemarie. Konti na lang naman ito, mga malalaki at mabibigat gaya ng kama, sofa eskaparate, cabinet at gas range. Nahakot na kasi nya ang maliliit at madaling dalhin na kasya sa sidecar.

"Maraming maraming salamat po Sir!"

"Huwag mo na akong tawagin Sir, Fidel na lang! Baka magalit pa yang asawa mo pag narinig nyang tinatawag mo akong Sir!"

"Pasensya na po ... Mang Fidel!"

Hindi maintindihan ni Fidel kung maiirita sya o hindi.

'Jusmiyo naman! .... Mang Fidel talaga?'

Nakatatlong balik na ang trak sa paghahakot pero wala pa rin ang ambulansya na tinawagan ni Fidel.

Magiisang oras ng nanduon si Domeng at naantala na sila.

'Oras na para alisin na 'tong buteteng 'to!'

Muli nyang tinawagan yung pulis na kausap nya kanina para magtungo na sa site.

"Buhay pa ba yan?"

Tanong ng kagawad na kasama ng pulis pagdating nya sa site.

Dumaan muna pala ito sa baranggay para humingi ng tulong sa pagpunta sa site.

"Mukha pa namang humihinga!"

Sabi ng pulis.

"Oh, wala pa ba yung ambulansya?"

Tanong ni Fidel.

"Sir, naligaw daw po sila!"

Sagot ng kagawad.

"Haaay, paano ba namin ito matatapos kung kakalat kalat pa rin yan, dyan!"

Sabi ni Fidel.

"Huwag po kayong magaalala Sir Fidel, padating na yun!"

Sabi ng kagawad habang ang pulis ay nagiimbestiga na sa nangyari.

"Mukhang aksidente ang nangyari. Tauhan mo ba yan?"

Tanong ng pulis.

"Hindi trespassing yan. Araw araw nagtutungo dito para manggulo kahit na nilagyan ko na ng bawal dito ang mga hindi worker dahil delikado!"

Sagot ni Fidel sabay turo ng karatulang nagsasabing:

Danger, construction site.

Non worker not allowed.

"Ganun ba, pwede kayong magfile ng complain laban sa kanya!"

Sabi ng pulis.

"Paano naman ang mga nasayang kong gamit?"

Pwede nyo rin syang pagbayarin. Trespassing sya kaya wala syang laban!"

Sabi ng pulis.

Ang pulis na ito ay kababata ni Fidel pero walang nakakaalam na close sila. In fact kahit sila hindi nila alam na close dila dahil lagi silang nagaasaran at nagpipikunan.

Kinausap ni Fidel si Rosemarie.

"Misis, pasensya na po kung kailangan kong mag file ng complain laban sa asawa nyo, para hindi na ulit magtungo ang asawa nyo rito at para hindi na sya madisgrasya at makadisgrasya!"

Paliwanag ni Fidel.

"Naintindihan ko po Mang Fidel, alam ko naman pong mali ang asawa ko, pero hindi ko po alam kung papaano ko po mababayaran sa mga nasira ng asawa ko!"

"Misis, may plano naman po akong bayaran ang ipinagpatayo nyo ng bahay, kakaltasin ko na lang duon ang mga nasirang materyales."

Nangiti na rin si Rosemarie dahil kahit papaano may matitira pang panggastos nila.

'Haaay grabe itong babaeng ito! Hindi ko akalaing may natitira pa palang martir na asawa!'

*****

Gamit ang helicopter, sinundo ni Eunice, Kate at Mel si AJ mula sa farm.

Pero this time, may license na sila Kate at Eunice magpalipad ng chopper.

"Next time AJ Dude, tayo naman ang magaral magpalipad para may license din tayo!"

Sabi ni Mel kay AJ.

"Oo tama ka dyan Mel Buddy. Magagamit natin ito sa business! Ang mahal kaya ng bayad kung ibabagage ko yan sa airplane!"

At itinuro nito ang kahon na naglalaman ng mga condiments na paninda nya.

"Oy AJ, hindi libre ang ang pag da drive ko ng chopper sa'yo nuh! Ano ka hilo?"

Sabi ni Kate na syang pilot ngayon.

"Oonga naman! Bayaran mo ang si Kate MyLabs ko!"

"Oo na!"

"Hahahaha!"

"Milky, anong plan mo ngayong andito ka na sa Maynila?"

Tanong ni Eunice

"Idadaan ko muna ito sa TAMBAYAN restaurant, namimiss ko na ang TAMBAYAN natin eh. After a few days susundan ko si Tito Fidel sa Hacienda Remedios!"

Sabi ni AJ.

"Milky Honey, pwede bang huwag ka na munang magpakita sa TAMBAYAN?"

Sabi ni Eunice

Nagtataka si AJ pati si Kate at Mel nagtataka din.

"Bakit naman Coffee Honey ko? May problem ba?"

At ikinuwento ni Eunice ang dahilan kung bakit.

"Sissy may stalker ka? Halah!"

Sabi ni Mel na kinabahan

"Eunie, bakit ngayon mo lang sinabi 'to?"

Inis na sabi ni Kate, nagaalala sa pinsan.

"Sino yun Coffee? May idea ka ba?"

Tanong ni AJ na sobra ding worried.

"Hindi! Mukhang hindi ako! Sa tingin ko .... IKAW!"

"HA?"