Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 378 - What Is Our Goal?

Chapter 378 - What Is Our Goal?

Oras na para bumalik si AJ sa farm kasama si Lola Inday.

Sa pangungulit ni Eunice sa ama, nakumbisi nya itong sila ang maghatid sa maglola.

Batid ni AJ na busy ang schedule ni Edmund kaya hiyang hiya ito malaman na ihahatid sila.

Ayaw nyang pumayag nung una pero ano bang magagawa nya ng mismong si Edmund ang nag approach sa kanya.

"Alam kong nahihiya ka pero hindi ko pwedeng hayaan na ihatid kayo ni Eunice! Hindi yan papayag na hindi sumama at makita ang farm!"

Sabi ni Edmund.

"Sir, pasensya na po sa abala!"

"Huwag mong, isipin yun, may utang ka sa akin! Tara na!"

May dahilan din naman si Edmund kaya sya pumunta at yun ay ang makita ang winery ni Jaja. Baka kasi may natitira pang wine duon.

Namangha sila ng makita ang farm at ang progress nito simula ng hawakan ni AJ.

"Mukhang may plan kang buhayin muli ang winery!"

"Meron po Sir, pero matatagalan pa po yun! Ngayon pa lang po kami magtatanim ng puno ng ubas, medyo natagalan sa green house, medyo na busy po eh!"

Isinama ni AJ si Edmund kung nasaan ang winery at hindi sya nagkamali, meron pa ngang wine duon.

"Nakita ko po ito sa tulong ni Tito Fidel. Naka sealed po at nakasemento ito ng makita namin. Secret hiding place daw po nila Papa ito, sinadya para kung sakaling magkaproblema!"

Kumuha si AJ ng dalawang bote.

"Sir, para po sa inyo! Ito pong isa regalo ko at ito pong isa ang utang ko!"

"Wow! Ibig mo bang sabihin, si Jaja ang gumawa nito?"

"Yes po! Yan po ang huling alak na ginawa nya bago sya namatay at isinilid nila dito ni Tito Fidel!"

"Mabuti at hindi ito nakita nung huling namahala dito!"

"Kasi po, hindi po halata na may ganito dito. Akala kasi nila hanggang duon lang ang pader!"

"So ibig sabihin, may 25 years na 'tong alak na 'to! Hehehe!

Salamat AJ, hindi ako mahihiyang kunin 'to at very very rare ito! Hahahaha!"

Hindi masidlan ang saya ni Edmund lalo na ng libutin nya ang buong farm.

"Nakakatuwa ang Daddy mo parang bata!"

Sabi ni AJ kay Eunice.

"Ewan ko ba dyan kay Daddy bakit sobrang saya ngayon! Siguro dahil dun sa wine na ibinigay mo!"

Nangiti lang si AJ tapos ay hinawakan ang kamay ni Eunice at saka hinalikan.

"Mamimiss kita!"

Sabi ni AJ

"Yun naman pala, gusto mo dito na ako tumira?"

"Ikaw talaga Coffee, puro ka biro!"

"No Milky, hindi ako nagbibiro! Handa kong iwan ang lahat at tumira dito kasama mo, sa piling mo!"

"Talaga Coffee? Gusto mong tumira dito?"

Nakangiting tanong ni AJ.

Tumango si Eunice.

At hindi na napigilan ni AJ ang sarili, binigyan nya ito ng halik na puno ng pagmamahal na tinugon naman ni Eunice.

Pakiramdam nila sila lang ang naroon at nalimutan na ang mga nasa paligid.

"Ehem!"

Napatigil ang dalawa sa kanilang mainit na paghahalikan.

"Respeto naman! Andito ko oh!"

*****

Pagkatapos na mabigong makabalik ni Caren sa pwesto nya bilang presidente ng kompanya, muli syang bumalik sa opisina para kausapin si Berna.

And this time handa na syang makipagtuos kay Berna, sa tulong ni Atty. Brix, alam na nya ang karapatan nya.

"Berna, wala akong pakialam kung busy ka! Sagutin mo nga ako, saan mo itinago ang Papa?"

"Itinatago? Who says na itinatago ko sya?"

Sagot ni Berna na hindi man lang sya tinitingnan dahil busy sa dokumentong hawak.

"Wala sya sa bahay! Malamang natunugan mo na pupunta kami kaya inilipat mo sya agad!"

Singhal ni Caren.

"Sino bang may sabi sa'yo na nasa bahay nyo ang Papa mo?"

Sagot ni Berna na busy pa rin sa ginagawa.

Ikinainis ito ni Caren.

"Pwede ba Berna, huwag na tayong maglokohan! Alam ko na nastroke ang Papa pero bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Kaya hindi ako naniniwalang umalis basta basta ang Papa! Anong ginawa mo sa kanya?"

"Anong ginawa ko? Bakit hindi ang sarili mo ang tanungin mo, anong ginagawa mo at ngayon mo lang nalaman na nastroke pala ang Papa mo?"

Sarkastikong tanong ni Berna sa kanya.

Napipikon na si Caren.

"Ikaw ang kasama nya sa Boracay kaya natitiyak kong may ginawa ka sa kanya kaya sya na stroke!"

Sa puntong ito ibinaba na ni Berna ang ginagawa nya at tiningnan ng diretso si Caren.

"Anak ka nya diba? Pero ..... may pakialam ka ba talaga sa ama mo? Your just a spoiled brat na walang pakialam kung buhay pa ang ama mo o hindi!"

May riin ang bawat salita ni Berna.

"Ms. Ruiz, pwede ba huwag mo naman pagsalitaan ng hindi maganda ang client ko, kung hindi..."

Sabat ni Brix.

"Kung hindi ano Attorney? Bakit hindi yang client mo ang pagsabihan mo na bago nya ako pagbintangan ng kung ano ano, alamin muna nya ang buong katotohanan!"

Natahimik si Brix.

"Walanghiya ka Berna huwag mong ibalik sa akin ang sisi!"

"Bakit tinatamaan ka dahil totoo? Naisip mo man lang ba Little Caren kung saan ka pupulutin kung natuluyan ang tatay mo?"

May halong pangiinis na sabi ni Berna.

Napatigil si Caren at lumabas ang luha na kanina pa nya pilit na pinipigilan dahil tinamaan talaga sya sa sinabi ni Berna.

Pero hindi pa din tumigil si Berna.

"You know what's your problem Caren? Lumaki ka sa layaw kaya masyado kang kampante!"

Nagdidilim na ang paningin ni Caren at gusto nyang lusubin si Berna pero inawat sya ni Brix.

"Tama na Caren, huminahon ka!"

May kinuhang sulat si Berna at iniabot sa kanila.

"Eto, pinabibigay ng tatay mo!"

Inilapag nya ang sulat sa lamesa tapos ay muling bumalik sa ginagawa.

"Ano 'to? Sa tingin mo ba maniniwala pa ako na sa Papa ko galing ang sulat na 'to?!"

"Wala akong pakialam kung naniniwala ka Caren, busy ako at marami pa akong aayusin!"

At sumobsob ulit ito sa trabaho.

"Tara na Caren, umalis na tayo dito!"

Aya ni Brix.

Kailangan na nyang mailayo si Caren dito at baka ano pang magawa nya. Obvious naman na pinipikon talaga sya ni Berna.

Tiningnan ni Caren ng matalim si Berna na busy na sa mga papers.

Pangalawang beses na ito na ipinaramdam ni Berna sa kanya na wala syang kwenta. Bakit nya ito ginagawa? Hindi nya alam.

Inaayos nya ang sarili, tumikod at umalis.

"Next time do your homework!"

Pahabol ni Berna sa dalawa

Nabigo na naman sya.

*****

Nagngingitngit sa inis si Kate ng makarating sa kanya na nabigo na naman sila.

Ilang araw syang nagpuyat, ni halos hindi kumakain o umiinom ng tubig man lang. Masyado syang natagalan sa paghahalukay ng buhay ni Berna at kung hindi nya nakita ang pirma nya sa isa sa ospital sa aklan, hindi nya malalaman ang nangyari kay Raymond.

In short masyado syang nagaksaya ng panahon kay Berna. Kung nag focus lang sya ng mas maaga kay Raymond, baka nalaan agad nila ang kalagayan nito.

"Ate Kate, please calm down! Bakit ba masyado kang affected? Kung si Ate Caren nga hindi affected eh!"

Sabi ni Eunice.

"Paano ako hihinahon pakiramdam ko nababasa nya tayo! Saka anong ibig mong sabihin na hindi affected si Ate Caren? Syempre affected yun tatay nya yun!"

Nagtatakang tanong ni Kate.

"Ate listen, ang mission natin e tulungan si Ate Caren pero hanggang saan ba ang pagtulong na 'to? Saka, paano natin sya matutulungan kung hindi sya kikilos! I mean, feeling ko masyado ng inaasa ni Ate Caren sa atin ang lahat, kaya hanggang saan ang pagtulong na 'to Ate Kate? Ano ba ang GOAL natin?"

"Goal?"

"Ate Kate ang goal ba natin ay pabagsakin si Berna? Yan ba ang dahilan kaya ganyan ka kaaffected? Pero hindi natin laban ito, laban ito ni Ate Caren kaya dapat lang hands on sya dito!"

Huminahon si Kate. Naintindihan nya ang ibig sabihin ni Eunice. Ang totoong dahilan kaya sila natatagalan dahil sa kakulangan ng impormasyon. Isang taon ang nakalipas pero walang alam si Caren sa nangyayari sa ama.

Simula ng nagasawa sya ganito na si Caren at dalawang taon na syang kasal kaya dalawang taon na rin syang ganito.

Dumaan ang pasko, bagong taon at birthdays hindi man lang nya naisip ang ama at nagkaroon lang sya ng interes ng tanggalin sya sa pwesto.

"Ate Kate, naalala mo ba ang sinabi ni Daddy? Ang bagal daw natin! Sa tingin ko alam ko na ang gustong mangyari ni Daddy kaya gusto nyang tulungan natin si Ate Caren!"

"Ang ibig mong sabihin .... "

"Yes Ate Kate, we need to set a goal!"