Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 379 - Hindi Natin LABAN

Chapter 379 - Hindi Natin LABAN

"Bakit?"

Tanong ni Kate.

Nung simula pa lang ang tanging nasa isip nya ay tulungan si Caren na mapabagsak si Berna, yun ang alam nyang dapat nilang gawin, kaya bakit? Bakit nila kailangan mag set ng goal, hindi ba yun ang goal nila? O yun ang akala nya.

"Dahil Ate Kate, hindi natin LABAN ito!"

Sagot ni Eunice.

Tama si Eunice, hindi nga nila laban ito, kundi laban ni Caren kaya bakit sila nagpapakahirap dito.

Ano bang mapapala nila kung mapabagsak nila si Berna. Tyak na imbis na mapabuti mapasama pa ang nangyayari.

Tyak na hindi mapapabuti ang kompanya kung nagawa nilang patalsikin si Berna.

Natahimik si Kate, nagiisip habang si Brix naman napanganga sa dalawa.

Masyado na syang pinahahanga ng dalawang ito, nanliliit na sya. Kung tutuusin, dapat sya ang gumagawa ng pagiimbestiga pero .... mabagal ang development nya hindi tulad nila na mabilis kumilos.

Hindi nya alam na hacker si Kate pero alam nyang marami itong koneksyon.

"Brix anong masasabi mo?"

Tanong ni Kate.

"Ha? Ako? Ano bang sasabihin ko? Sige pagpatuloy nyo lang ang ginagawa nyo! Andito lang ako makikinig!"

Tahimik itong naupo, kuntento lang na nakinig.

"Brix seriously, ano ba ang next move nyo ni Ate Caren?"

Tanong ni Eunice.

"Well according to her magiging busy muna daw sya sa asawa at anak nya."

Sagot ni Brix

"Why? Sumusurender na ba sya?"

Iritang tanong ni Kate.

Bakit ba feeling nya sila lang ang seryoso sa ginagawa nila?

Nung una hindi nya ito nararamdaman dahil masyado syang focus malaman ang katotohanan. Ngayon mas open na ang mind nya.

"Kasi after nyang mabasa ang sulat na iniwan ng Papa nya, naisip nyang bigyan ng pansin ang asawa nya at anak."

Paliwanag ni Brix.

"Ano ba ang nakalagay sa sulat ni Tito Raymond na binigay ni Berna? Sure ba sya na sulat nga ng Papa nya yun?"

"Sabi sa sulat, huwag nya na muna daw syang gambalain dahil nagpapagaling pa sya at pansamantala, hayaan muna ang pamamahala ng kompanya kay Berna habang nagpapagaling pa sya. Maguusap daw sya pagbalik nya. Mas makakabuti daw na bigyan nya na muna ng pansin ang asawa at mga anak nya!"

Salaysay ni Brix

"That's it? I mean wala syang planong ifollow up kung totoo ang nasa sulat? Hindi man lang ba nya na mimiss ang tatay nya na hindi nya nakikita ng isang taon?!"

Tanong ni Eunice.

"Well, andyan naman daw kayo to do that! But I think the real reason is, natatakot sya kung ano ang gagawin pag nakita nya kung ano ang kondisyon nya."

"Natatakot? Bakit? Saan? Sa responsibilidad?"

Nagkatinginan na lang ang dalawa.

"Well, mahirap magalaga ng matanda, lalo na ang bedridden. I think she's not physically and emotionally ready!"

Sagot ni Brix.

Ito ang pagkakaintindi ni Brix sa client nyang si Caren which is true kaya mas minabuti nyang mag focus sa asawa at anak nya.

Hindi makapaniwala si Kate at Eunice.

"Ikaw Brix ano sa palagay mo ang dapat gawin?"

"Kung ako, syempre mas gusto kong makita si Sir Raymond para malaman kung bakit nya ginagawa ito!"

Sagot ni Brix

"No, we don't need to do that! Obviously alam na natin na hindi pa kaya ni Ate Caren ang mag manage ng company at sinisave lang ni Tito Raymond ang business nya."

Sabi ni Kate.

"Pero bakit sya inilalayo ni Berna sa kanya?"

Tanong ni Brix.

"I don't think na inilalayo ni Berna si Tito Raymond, my guess is siguro ayaw lang nya na makita sya ni Ate Caren sa ganuong kalagayan!

Ikaw na rin nagsabi, hindi physically at emotionally ready si Ate Caren sa madadatnan nya sa ama at sino ba ang mas nakakakilala sa kanya?"

Sagot ni Eunice.

"Ang totoong tanong is bakit si Berna? Ano ang nasa isip ni Tito Raymond at ipinagkatiwala nya ito lahat sa kanya?"

Ito ang tanong na laging kumukutiltil sa isip ni Kate.

"Dahil gusto nyang gumanti!"

Sagot ni Eunice

Nagkatinginan si Eunice at Kate at napangiti sila.

Mukhang naintindihan na nila ang gustong mangyari ni Berna. Sa pagkakataong ito alam na nila ang dapat gawin.

Napakamot naman sa ulo si Brix.

"Hindi ko kayo masundan."

Natawa na lang ang dalawa.

Sa tulong ng Lolo Joel nya nalaman ni Kate ang nangyari sa Boracay.

Magpapakasal na dapat ang dalawa pero hindi natuloy dahil nga nastroke si Raymond.

Nang malaman ito ni Kate ang akala nya, ikinagalit ito ni Berna kaya gusto nyang makuha ang posisyon ni Caren pero hindi pala.

Ang totoong dahilan kaya hindi natuloy ang kasal ay dahil sa, tumanggi si Berna.

Nung araw na sinabi ni Raymond ang balak nya kay Berna, bumili ito ng tiket pabalik ng Maynila, dinamdam ito ng husto ni Raymond na naging dahilan kaya sya na stroke isama pa ang hindi magandang health nito.

Simula ng mabyudo si Raymond nangulila na sya sa pagmamahal. At ang relasyon nila ng anak nyang si Caren ... well hindi sila close.

Nag kanya kanya silang buhay simula ng mamatay ang Mama ni Caren. At mas lalo syang nangungulila ng magasawa na ang anak. Magisa na lang sya sa bahay kaya madalas gabi na ito umuuwi.

Kaya labis labis ang saya nya ng dumating sa buhay nya si Berna, sa sobrang saya ayaw na nya itong mawala sa buhay nya kaya binalak nya itong pakasalan.

Pero, hindi nya inaasahang tumanggi si Berna.

Hindi nya mahal si Raymond bakit nya pakakasalan?

Pero aminado syang masaya sya at nakita sya ni Raymond nung mga oras na gutom sya at walang masisilungan, kinupkop sya ni Raymond ng walang pagaalinlangan.

Magkaganunman ng malaman ni Berna na nastroke si Raymond, hindi nya ito iniwan hanggang sa makauwi ng Maynila.

Pero nuknukan ang tigas ng ulo ni Raymond! Ayaw nyang ipaalam sa anak ang nangyari sa kanya. Ayaw nyang maging burden dito pero si Berna naman ang nahihirapan sa huli.

"Hindi tama ito sya ang anak mo kaya dapat lang na sya ang magalaga sa'yo!"

Pero hindi nya kaya ang tigas ng ulo ni Raymond kaya pinabayaan na nya ito sa gusto nya.

Pero ng mapansin ni Berna na pahina na ng pahina ang kompanya nya, kinausap na nya ng masinsinan si Raymond.

"Kung ayaw mong pulutin sa kangkungan ang anak mo at ang kompanya mo, panahon na para kumilos ka! Tutulungan kitang isalba ang kompanya mo pero tulungan mo ang sarili mo!"

Naiinis na si Berna, hindi na nya gustong magalaga ng matandang matigas ang ulo kaya binigyan nya sya ng ultimatum.

Kaya ngayon si Raymond na sa isang center para magpagaling.

Nagulat si Brix ng madinig ang kwento.

"May pinagmanahan pala yang si Caren!"

"Ate Kate, I think alam ko na kung ano ang goal natin!"

"Yes, Eunie! We need to make Ate Caren a better person!"

Related Books

Popular novel hashtag