"Pareng Jose, kamusta?"
Biglang tayo ni Atty. Rico ng makita ang namumutlang si Jose at kinamayan ito.
"Long time no see Pare! Eto nga pala ang pamangkin kong si Mel!"
Pagpapakilala nya kay AJ.
Sinadya nyang dalhin dito si AJ para makita sya ng personal ni Jose, sa utos ni Fidel.
Alam kasi ni Fidel na mas mabuting magkakilala sila ni Jose at AJ para may mata sila sa loob ng Hacienda Remedios.
Ang kailangan na lang ay makumbinsi si Jose.
Hindi nakapagsalita si Jose, tinititigan lang si AJ.
Sa itsura nito, mukhang nakuha na nila ang pakay nila.
"Magandang gabi po Tito Jose!"
Buong ngiting bati ni AJ
"Jose!"
Hinampas ni Atty. Rico ang balikat nito para magising.
"U-Uhm, magandang gabi din sa inyo!"
"Ano bang nangyayari sa'yo dyan Jose? Para kang nakakita ng multo!"
Sabi ng asawa nya.
"Con, pwede ba iwan mo muna kami ng mga bisita ko!"
Sabi ni Jose sa asawa.
Sinuguro muna nyang nakaalis ito bago nya hinarap ang mga bisita.
"Anong ginagawa mo rito? At ... at .... "
"Wala, na miss lang kita kaibigan! Ano bang balita dito, bakit parang busy ata kayo?"
Tanong ni Rico.
Naintindihan ni Jose ang gusto mangyari ni Rico, ayaw nyang ipaalam ang totoong identity nila kahit sa asawa nya, kaya pinilit nyang kumalma.
"Abala kasi si Don Leon ngayong na ipahanap yung nagpapanggap daw na anak ni Sir Jaja! Kayo, ano naman ang sadya nyo sa akin?"
"Wala po Tito Jose, gusto ko lang po kayong makilala ng personal!"
Sabi ni AJ.
'Grabe, pati mannerism nya katulad na katulad ng kay Don Aaron!'
Nangilid ang luha ni Jose ng makita ang mga ngiti ni AJ.
'Parang nabuhay si Don Aaron sa kanya!'
'Ngayon naniniwala na akong anak nga sya ni Sir Jaja!'
*****
Sa bahay ni Raymond.
"Nagpunta ang anak mo sa board meeting at may kasama sya."
Kwento ni Berna kay Raymond.
"Isang lawyer! Gusto nya raw kasing maibalik sa kanya ang posisyon nya. Mukhang natututo na anak mo, sino kayang tumutulong sa kanya?"
Tahimik lang na nakikinig si Raymond sa kwento ni Berna.
"Kaya lang .... hindi sya pinagbigyan ng board, gusto mong malaman kung bakit?"
Huminto pa ito na parang nagaantay ng sagot kahit alam nyang hindi nakakapagsalita si Raymond.
Parang gusto nyang mag sink in muna ang bawat sinasabi nya para maintindihan ni Raymond.
"Kasi .... nakapag close ako ng malaking deal na hindi kayang gawin ng anak mo! Naisip mo ba ang kahihinatnan ng kompanya mo pag nagtagal itong walang pumapasok na deal?"
Naintindihan ni Raymond ang ibig sabihin ni Berna. Mahina pa si Caren at walang pang gaanong alam sa paghawak ng negosyo.
Yung maipanatili ni Caren na nasa ayos ang kompanya sa loob ng isang taon, it's a good progress pero hindi sapat.
Dahil sa mundong ginagalawan ng business, mapagiiwanan ka kapag ganun lang ang progress mo. Babagsak ang negosyo at mauuwi sa wala ang pinaghirapan nya at sa huli si Caren ang masisi ng lahat.
'Kung hindi lang sana nangyari sa akin ito, nagabayan ko sana sya ng husto!'
Nangingilid ang mga luha ni Raymond.
"Sooner or later malalaman na rin nya ang nangyari sa'yo, ano ngayon ang plano mo?"
Ito ang huling tanong na iniwan ni Berna at ito rin ang tanong na nagbigay takot kay Raymond.
Sinong ama na magugustuhan na makita sya ng anak nyang ganito?
*****
True enough nahalungkat na ni Kate ang medical records ni Raymond at sinabi nya ito agad kay Caren.
"Ate Caren, alam mo bang na stroke si Tito Raymond?"
"ANO? ANG PAPA?! KELAN?"
Nagaalalang tanong ni Caren.
"Last year, sa Aklan!"
"Last year?"
Yun ang panahon na nagbakasyon si Raymond sa Boracay kasama si Berna.
Magdadalawang buwan pa lang syang nanganak nuon ng magpaalam ang ama patungong Boracay at ibigay ang pamumuno ng kompanya.
Masaya syang tinanggap yun dahil sa napaka laking tiwala ng ama sa kanya.
Ang hindi nila nalaman ay ang dahilan kung bakit nagpunta ng Boracay si Raymond at Berna.
Sa Boracay kasi sila ikakasal at gusto ni Raymond na ilihim ito sa anak.
May plano rin si Raymond na duon na sila tumira sa Boracay at iwan ang lahat kay Caren. Mamumuhay sila ng masaya ni Berna.
Pero nangyari ang hindi inaasahan. Na stroke sya.
"Kaya pala simula ng dumating sya galing Boracay, hindi na kami nagkausap. Kapapanganak ko pa lang nuon sa baby ko pero hindi man lang nya kami na miss ng apo nya!"
Halatang may tampo sa tinig ni Caren pero ngayon alam nya na ang dahilan, na giguilty naman sya dahil wala syang alam sa pinagdaraanan ng ama.
"Ate Caren, bakit hindi ka agad humingi ng tulong nung una? I mean, hindi ka ba nakakaramdam ng inis dahil hindi ka makapasok sa sarili mong bahay at hindi makita ang Papa mo?"
Tanong ni Eunice na nangingilid na rin ang luha.
Dahil kung sa kanya mangyari yun susugurin nya sino man humadlang sa kanya na makapasok at makita lang ama.
Ganun kahalaga ang Daddy nya sa kanya at nakita iyon nila Caren at Kate.
Hindi inaasahan ni Kate na magiging emosyonal si Eunice sa natuklasan nila.
'Ako kaya, anong mararamdaman ko pag nangyari yun kay Daddy?'
Tanong nya sa sarili.
Hindi na nakapagsalita si Caren, nakaramdam sya ng hiya. Tampo ang dahilan kaya hindi nya nilapitan ang ama.
Nagtatampo sya dahil hindi man lang sya inaalala ng ama nung mga panahon na nahihirapan sya sa baby nya at pagma manage ng kompanya. Nangungulila sya sa kalinga nya.
Hindi nya maintindihan kung bakit sya tinitiis ng ama na tila wala itong pakialam.
Pero dahil sa pride, hindi man lang sya gumawa ng aksyon. Sanay kasi sya na kapag nagtatampo, ang ama ang unang lalapit sa kanya. Pero hindi nangyari kaya lalo syang nainis. Sinuklian nya ang ginagawa ng ama sa kanya, tinikis nya ang ama.
'Kung nalaan ko lang agad ....'
Naluha na lang sya.
"Ate Caren, panahon na para magkita kayo ni Tito Raymond!"
Sabi ni Kate.
Sa tulong ni Brix, nakapasok syang muli sa subdivision at naibalik na ang karapatan nya sa bahay, karapatang ipinamana sa kanya ng ina.
Kaya wala silang nagawa ng pumasok sya dahil sa kanya ang kalahati ng bahay na iyon.
Pero laking gulat nya ng hindi makita ang ama sa bahay na yaon.