Isang linggo lang si Berna na nakaupo bilang presidente ng kompanya ni Raymond, nakapagsara na agad sya ng isang malaking deal.
Natuwa lahat ng shareholders.
Sa kanila, iisa lang ang mahalaga, big deal, big money at pag maraming big deal syempre maraming money.
Kaya ng lumusob si Caren sa Shareholders meeting ng kompanya nagulat sya sa nakita nya. Masayang nagtatawanan ang mga shareholders.
"At mukhang malapit na rin ma close ni Ms. Ruiz ang susunod na deal! Hehe!"
"Actually, formality na lang ang kailangan!"
Sagot ni Berna, which is true dahil nakapirma na talaga yung client at waiting na lang for announcement.
"Hahaha!"
Dumadagundong ang masayang tawanan ng lahat.
"Ano 'to? Anong nangyayari?"
Tanong ni Caren kasunod ang lawyer nya.
"Caren, iha, good news! Halika, mabuti at nakarating ka!"
Sabi ng isang babaeng shareholder na kasing edad ng ama.
"Tita Gayle, ano pong nangyayari? Bakit po mukhang masaya kayo?"
Tanong ni Caren
Nagtungo sya kasama ang lawyer nya para humingi ng tulong sa mga shareholders na maibalik sa kanya ang pagiging presidente ng kompanya.
Nakatanggap sya ng message na may gaganapin na shareholders meeting kaya naisip nyang magantang pagkakataon ito.
Pero nagulat sya sa naabutan nya.
"Oh, Caren, mabuti at nakarating ka? Pero sino yang kasama mo?"
Tanong ni Berna.
"Nandito kami ng client ko para maibalik sya sa pwesto nya bilang presidente ng kompanya nya!"
Sagot ng lawyer nyang si Brix, pero sa nakikita nya, maging sya ay hindi rin kumbinsido.
"Narito kayo para kontrahin ang desisyon ni Raymond, ang may ari ng kompanya?"
Tanong ni Berna.
Pero halatang inaasahan na nya ito.
Naramdaman ni Brix na inaasahan na ni Berna ang move ni Caren.
"Ano ba ang nangyayari Caren, bakit mo sinusuway ang kagustuhan ng ama mo?"
"Oonga Caren, para ito sa ikabubuti ng kompanya!"
"At saka pansamantala lang naman ang appointment ni President Ruiz, kaya ano bang problema?"
"Tama ba na gawin mo pa ito makipag agawan ng pwesto na hindi iniisip ang kapakanan ng kompanya?"
Sa mata nila selfish act ang ginagawa nya.
Nagulat si Caren.
Kelan lang ang mga taong ito rin ang nagsabi sa kanyang 'nasa likod mo lang kami!' ay sila rin ngayon ang nagsasabing 'hindi nya iniisip ang kapakanan ng kompanya!'.
Nangingilid ang luha ni Caren sa inis.
Walang nagawa si Caren at sa mga oras na ito maging sya ay pinagdududahan na rin kung karapat dapat nga ba syang maging presidente gayung wala pa naman syang naiambag sa kompanya?
Samantalang si Berna ay isang linggo pa lang nakapagclose na agad ng isang malaking deal.
Patakbong lumuluha palabas si Caren.
*****
Agad na nagtungo kay Edmund si Eunice at Kate ng malaman nila ang nangyari and to their surprise, tinawanan lang sila ni Edmund.
"Hahahaha! Ang bagal nyo kasi eh!"
Sagot ni Edmund sa gitna ng mga papeles na binabasa nya.
"Daddy naman eh, your mocking us!"
"Hahahaha!"
Lalong tumawa si Edmund.
Tiningnan lang sya ng dalawa na hindi makapaniwala na pinagtatawanan sila ni Edmund.
"Tito Ninong ano o ba ang dapat namin gawin? Please help!"
"Kaya nyo yan! May tiwala ako sa inyo!"
*****
Simula ng bumalik sila sa TAMBAYAN restaurant hindi na umalis si Kate sa computer. Seryoso ito sa ginagawa, ni magbanyo ay hindi pumasok sa isip nya.
"Ate Kate magpahinga ka naman!"
Sabi ni Eunice.
Sobrang nagaalala na sya sa Ate Kate nya.
"Naguguluhan kasi ako e, hindi ko sya maintindihan!"
"Pero sabi ni Daddy huwag mong pakialaman ang Perdigoñez International, malalalaman nya tyak yang ginagawa mo!"
"Hindi naman ang Perdigoñez ang hinahack ko si Berna!"
"Ano bang hinahanap mo?"
"Ang past nya. Gusto kong makilala sya ng husto para may idea tayo sa next move nya!"
Hindi inaasahan ni Eunice na seseryosohin ng sobra ni Kate ang challenge na 'to.
"Ate Kate buti pa ishare mo sa akin ang nadiscover mo."
"Ganito kasi yun! Nakulong si Berna pero ginawan ni Uncle Gab ng paraan para makalabas sya at maiurong ang demanda nya. Pero pag labas ng kulungan, wala na ang lahat sa kanya!"
"Anong wala? As in wala ..... LAHAT?!"
Gulat na tanong ni Eunice.
Ang condo na binabayaran pa lang nya ngayon ay binawi ng Perdigoñez International sa kanya. Binayaran ito ng buo ng Perdigoñez International sa realty at binabayaran naman nya ng installment sa Perdigoñez International.
Ang kotse nya na sa kompanya rin ay binawi at ang pera nya sa banko ay naka freeze.
"Kung ikaw si Berna, anong gagawin mo?"
Tanong ni Kate kay Eunice.
"Hahanap ako ng paraan para maibalik ko ang dapat na sa akin tapos saka ko babalikan ang mga taong naging dahilan kung bakit nawala ito lahat sa akin!"
Sabi ni Eunice.
Nagulat si Kate sa sagot nya.
"That's it!"
Masayang sabi ni Kate
"Ha?"
Nalilito tanong ni Eunice.
"Kasi, diba sabi mo gustong makuha ni Berna ang Tulip Company? Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kinuha ni Berna ang posisyon ni Ate Caren, anong dahilan nya? Diba?"
"Tama! saka according to Brix temporary lang ang paghawak nya sa posisyon ni Ate Caren, so ano ang reason nya bakit kailangan nyang gawin?"
"A stepping stone! Sa company ni Tito Raymond gusto nyang magstart!"
"Kailangan natin makausap si Tito Raymond!"
*****
Ito ang unang beses na makarating si AJ sa Hacienda Remedios.
"Napakalaki pala nito!"
Gulat sya dahil sa sobrang laki, hindi abot ng tanaw nya.
"Sabi ng Tito Fidel mo, andyan pa daw ang katiwala ng Hacienda Remedios na si Jose. Sya ang pakay natin!"
Sinulyapan nya ng tingin si AJ, kita sa binata ang tuwa na parang bata. Ni bahid ng kaba hindi makikita sa kanya.
'Para syang bata nagpunta sa team park!'
Alam nyang hindi sya basta basta makakapasok sa Hacienda kaya dinala sya ni Atty. Rico sa bahay ni Jose.
Wala duon si Jose.
"Sino ba kayo at anong kailangan nyo sa asawa ko?"
Kinakabahan na tanong ng asawa ni Jose.
"Isa akong kaibigan ni Jose at ito ang .... pamangkin kong si Mel!"
Hindi alam ni AJ kung bakit sya pinakilala ng ganito ni Atty. Rico pero sumakay na lang sya.
'Mas maigi nga ito na wala silang malay kung sino ako!'
"Ano ang kailangan nyo? Wala dito ang asawa kong si Jose!"
"Matagal na kaming hindi nagkita ni Jose, kaya naisipan kong makipagkita sa kanya para ipakilala ang pamangkin ko bago sana kami bumalik pamaynila."
Naniwala naman ang asawa ni Jose kaya pinatuloy nya sila kaya laking gulat nito ng paguwi nya ng bahay nakita nya si AJ.
"Jesusmaryosep!"