Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 364 - Guniguni?

Chapter 364 - Guniguni?

"Lola, okey lang po ba kayo?"

Tanong ni Reah kay Lola Inday na tila nababalisa.

"Okey lang ako, Ineng, si Eunice ang intindihin mo huwag ako!"

Sagot ni Lola na tila hapong hapo.

"Opo Lola babalikan ko po agad sila pagnasiguro kong okey na po kayo!"

"Si-Siguraduhin mong i-ililigtas mo sya, ipangako mo, Ineng!"

"Opo Lola, ililigtas ko po sya kahit anong mangyari kahit ikamatay ko pa po, pero kailangan ko pong unahin muna kayo dahil hindi po papayag si Ms. E kung hindi ko po kayo uunahin iligtas! So please Lola wala na po tayong oras sumama na po kayo sa kanya!"

May sasabihin pa sana ito pero nagulat na lang si Reah ng biglang mawalan ito ng malay.

"Lola! Lola!"

Pilit na ginigising ni Reah ang matanda.

"Jusko po Lola ano pong nangyayari sa inyo? Bakit ngayon pa po kayo hinimatay?"

Sabi ni Rex

"Baka sa sobrang tensyon ng mga nangyayari kaya hindi na nya nakayanan. Rex mabuti pa buhatin mo na sya at ialis na dito, dalhin mo kaagad sya sa ospital, okey!"

Utos ni Reah

Tumango naman si Rex.

'Juskolord sana walang nangyari kay Lola, hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Ms. E pag may nangyari sa kanya!'

"Rex magiingat ka sa mga bantay!"

Paalala ni Reah.

Samantala, nasa baba lang si Berto sa may pool at mula sa pool tanaw ang balkonaheng kinaroroonan nila.

Nililibot nito ang paligid sa utos ni Lemuel para masigurong walang ibang naroon.

Wala ng mga kasambahay si Geraldine dahil isa isang pinaalis ni Lemuel.

Gusto ni Lemuel sila lang dalawa ni Geraldine at gusto rin nyang pagsisilbihan sya nito.

May nagpupunta na lang doon para maglinis pero umaalis din sa hapon.

Pero kahit walang kasambahay si Geraldine, marami naman itong mga aso na pinakakawalan nya pag gabi.

At maingay sila ngayon dahil sa presensya ng mga bantay saka nasa kulungan ang mga aso dahil baka sagpangin sila.

Maya maya, may napansin si Berto sa may balkonahe.

'Parang may gumagalaw sa banda ron.'

Saktong naiakyat na sa taas ni Rex si Lola Inday. Sa bubong nya ito dinala para hindi mapansin ng mga bantay at mga aso.

Muntik na silang makita ni Berto kung inangat lang nya ang tingin nya.

'Grabe Lola ang bigat nyo po!'

Sabi ni Rex sa walang malay na matanda.

Hindi maialis ni Berto ang tingin sa balkonahe.

Nakaramdam sya ng kutob kaya inakyat nya ito.

May hagdanan patungong balkonahe mula sa labas pero bago makaakyat si Berto, nai lock na ni Reah ang pintong bakal nito pati ang sliding door na salamin.

'Kailangan ko ng magmadali!'

Sabi ni Reah habang nakikita nya ang anino ni Berto na pinipilit sumilip sa salamin.

Sinubukang buksan ni Berto ang bakal na pinto pero naka lock ito at ng sinilip nya, wala naman syang maaninag.

Pero hindi pa rin maalis ang kutob ni Berto.

Sa loob, dali daling binalikan ni Reah ang dalawa.

"Okey na ba si Lola?"

Tanong agad ni Eunice kay Reah ng pumasok ito.

"Nailabas na sya ni Rex! Kailangan na po natin magmadali dahil mukhang nakita ako ni Berto kanina!"

Hindi na sinabi ni Reah kay Eunice na hinimatay ang matanda.

Dali dali silang lumabas ng silid pero bago umalis...

"Teka.."

Sabi ni Eunice.

"Bakit Ms. E?"

Nagtatakang tanong ni Reah.

Ikandado mo ulit ang pinto!"

Reah: "???"

"Let them think na nasa loob pa rin kami!"

Sabi ni Eunice.

Hindi alam ni Reah kung bakit naisip ni Eunice yun pero sinunod din nya.

Pagka lock narinig nila ang boses ni Lemuel.

"Berto kamusta sa labas may napansin ka bang kakaiba?"

"Tara na bilis!"

Sabi ni Reah sa dalawa.

Tyak nyang aakyat si Berto para masiguro ang kutob nya.

At nagmamadali silang nagtungo sa balkonahe pero mukhang may bantay na roon mula sa baba, nakaupo ito sa isang lounge chair na tila nagapahinga.

Kumaway ang nasa tabi nito.

Mamukhaan naman ni Reah kung sino yung kumaway, isa sa shadow guard ni Eunice.

"Mukhang pinatulog na sya ni Bee."

"Boss naka lock po ba palagi yung pinto sa may balkonahe?"

Dinig ni Reah tanong ni Berto kay Lemuel.

"Oo pati bakal may lock .... "

Sagot ni Lemuel pero hindi na nya nadinig dahil isinara na nya ang pinto.

"Huwag mong kalimutang ilock!"

Paalala ni Eunice.

At binuksan ulit ni Reah para ilock.

Nadinig nyang may mga yabag na paakyat.

'Mukhang paakyat na sya!'

Inilock na rin nito ang bakal na gate.

Nasa taas na si Berto ng hatakin si Brenda pataas.

"Aayyy!"

Nadinig iyon ni Berto at nagmamadali itong nagtungo sa balkonahe para buksan pero naka lock ito.

Isa isa nyang binuksan ang lock tapos ay lumabas ng balkonahe.

Walang tao.

Tumingin sya sa paligid ligid at nakita nya sa may side ng pool ang isa sa mga tauhan na nakaupo na tila nagpapahinga sa lounge chair, kumaway pa ito.

Walang malay si Berto na pinatulog na ng isa sa shadow guard ni Eunice ang kasama nya at sya ang dahilan kaya nito nagagawang kumaway. Ang bodyguard ang nagtataas ng mga kamay nito.

Napapikit na lang si Berto.

'Guni guni ko lang ba yun?'

Ang hindi nya alam, nasa ibaba lang ng balkonahe sila Eunice at Reah, nagtatago.

Tumalon sila matapos maramdaman ang pagbukas ng sliding door.

Hindi na kasi nila nagawang maiakyat si Eunice sa bubong kaya hinatak na ito ni Reah para tumalon

dahil wala ng oras.

"Berto ano ba yun? May nakita ka ba?"

Tanong ni Lemuel na nasa taas na pala sumunod sa kanya. Nagaalala sya.

"Wala po boss, naniniguro lang po!"

Sagot ni Berto.

Paano ba nya sasabihin eh wala naman syang nakita.

"Boss pwede ko bang mahiram ang susi ng silid, chechekin ko muna ang mga bihag natin."

Iniabot naman ni Lemuel ang susi tapos ay isinara at inilock na muli ni Berto ang pinto ng balkonahe.

"Kailangan na nating umalis, bago nila malaman na wala na kayo dun!"

Pabulong na sabi ni Reah kay Eunice.

Kaya dahan dahan silang humakbang papalayo sa balkonahe tapos ay umakyat ng puno papunta sa kabilang bahay kung saan sila dadaan papalabas.

TOOOOOOT TOOOOOOT

Nasa mismong silid na si Berto para buksan ang lock ng pinto ng madinig nila ang walang tigil na busina.

"Ano yun? Baka si AJ na yun, pero bakit kailangan nyang bumusina ng ganun? Haaisst nababaliw na ba sya, gusto nya bang madinig sya ng mga kapitbahay?"

Sabi ni Lemuel na mas lalong nataranta.

Berto: 'Malamang!'

Dali dali silang bumaba pero bago bumaba chineck muna ni Berto ang pinto ng silid.

'Naka lock!'

"Hoy, ano bang ginagawa mo, bakit hindi mo buksan yang gate?"

Tanong ni Lemuel sa tauhan nya ng matiyak na si AJ nga ang dumating may kasama itong driver.

Babae.

Laking tuwa ni Lemuel ng makitang bumababa ng sasakyan si AJ.

"AJ, apo, sa wakas nagpakita ka na rin! Hahahaha!"

Pero naputol ang saya nito ng lumabas sa sasakyan ang isang babaeng hindi nya inaasahang makita.

Na umid ang mga dila nya at gulat na gulat ng makilala kung sino ang driver.

Si Belen.