Parang nakakita ng multo si Lemuel ng makita si Belen, ang babaeng minsan nyang pinagnasahang maangkin.
'Anong ginagawa ng babeng 'to dito at bakit magkasama sila ni AJ?'
Napatulala si Lemuel hindi ito nakagalaw, hindi nya tuloy napansin ang palusob na si Belen at nagulat na lang sya na nasa harapan na nya. Napaatras sya.
"Walanghiya kang lalaki ka! Hayup ka, hindi mo ba tatantanan ang pamilya ko?"
PAK!
Sabay suntok kay Lemuel at sipa. Napaatras ito kaya natumba.
Maging ang mga nasa paligid nagulat din sa ginawa ni Belen at hindi alam ni AJ kung aawat ba sya o hindi.
Kanina, pagsakay nila ng sasakyan isa lang ang bilin ni Belen kay AJ.
"Kahit anong mangyari, huwag mo akong aawatin! Maliwanag?"
Nanlilisik ang mga matang sabi ni Belen kay AJ, kaya ngayon paano naman nya ito aawatin?
Nang tumumba si Lemuel, nagpatuloy lang si Belen, pinagtatadyakan nya ito at kinuha pa ang baston ni Lemuel at pinagpapalo sya.
"Hayup ka, nasaan ang apo ko? Anong ginawa mo sa kanya?"
Tuloy sa paghampas si Belen.
"Belen pwede ba tumigil ka muna, wala among ginagawa sa apo mo! Inimbitahan ko lang sya dito para tulungan ako kay AJ, para kausapin ako!"
Paliwanag ni Lemuel na nakahiga na sa semento at pilit na sinasangga ang bawat palo at tadyak ni Belen. Pero tumatama pa rin sa kanya.
"Sinong maniniwala sa pinagsasabi mo? Anong inimbitahan ka dyan? May inimbitahan bang pwersahang kinuha?!"
"Berto, ano ba gumawa ka ng paraan, alisin mo 'tong mabangis na babaeng 'to!"
Tila nagising naman si Berto, agad na tumalima.
"Itigil nyo yan kung hindi babarilin ko kayo!"
Utos ni Berto kay Belen sabay tutok ng baril.
Pero tiningnan lang sya ni Belen ng matalim at muling bumalik sa ginagawan pananakit kay Lemuel. Wala itong pakialam kung may nakatutok na baril sa kanya.
"Hayup kang demonyo ka, akala mo ba mapipigilan mo ako? Hindi kita titigilan hangga't hindi mo itinuturo kung nasaan ang apo ko!
Walanghiya ka, pati apo ko idadamay mo sa mga kalokohan mo! Nasaan ang apo ko, nasaan si Eunice?"
"Berto ano pang ginagawa mo, pigilan mo sya!"
Sigaw ni Lemuel kay Berto habang si AJ naman ay pinipigilan ang isang tauhan, yung nagbukas ng gate.
Lumapit na si Berto kay Belen para pigilan ito.
"Isa ka pang hayup ka! Bitiwan mo ako!"
BANG!
Nagulat na lang sila ng madinig ang putok ng baril.
Si Edmund dumating at binaril ang lalaking pinipigilan ni AJ.
Nagulat si AJ, hindi nya akalaing ganito kalupit si Edmund.
'Grabe ang lupit nya! Kailangan maging katulad ako ni Sir Edmund ng sa ganun maproteksyunan ko din si Coffee Honey ko!'
Si Berto naman ay nagulat ng biglang may humablot sa dalawang kamay nya at saka binigyan sya ng suntok at ibinalibag sya.
Si Gene
"Ang lakas ng loob mong hawakan ang asawa ko!"
Sinong nagbigay sa'yo ng karapatan?"
Singhal nito kay Berto.
Namutla si Berto ng makilala si Gene.
'Teka sya si General Santiago, ang malupit na heneral? Anong ginagawa nya dito?'
Napatingin si Berto kay Belen.
'Kung ganun, sya ang asawa ni General at yung dinukot naming si Eunice ang apo nila?'
'Jusko, ano ba 'tong napasukan ko?'
BANG!
Aaagh!
Nagulat na lang sila ng biglang barilin ni Edmund si Berto.
"Bakit mo binaril?"
Tanong ni Gene kay Edmund.
"Dahil pinakialaman nila ang anak ko! Huwag kang magalala hindi ko naman sila pinatay."
Hinarap nya si Berto.
"Sa susunod, tandaan mo ang mukhang ito dahil pag inulit mong pakialaman ang pamilya ko, sisiguraduhin kong tutuluyan na kita!"
Tapos ay hinarap nya si Lemuel na patuloy pa ring sinasaktan ni Belen.
"Nasaan ang anak ko?"
Tanong ni Edmund kay Lemuel.
"Edmund, hindi ko sinaktan ang anak mo at wala akong intensyong masama!"
BANG!
"Aaaaahhh!"
Binaril nito ang isang paa ni Lemuel.
"NASAAN. ANG. ANAK. KO?"
"Nanduon sa taas. Na kay Berto ang susi!"
Walang kaabog abog na ibinigay ni Berto ang susi.
Walang kamalay malay si Lemuel na wala ng tao sa silid. Ano kayang gagawin ni Edmund sa kanya pag nalaman nyang wala na sila dun?
Kinuha ni Edmund ang susi at sinundan sya ni AJ.
"AJ apo, huwag kang umalis, tulungan mo ako! Pakiusap, dalhin mo ako sa ospital!"
Tawag ni Lemuel kay AJ.
"Apo? Hindi mo ako apo!"
Sagot ni AJ.
"Ikaw si Allan at dugo ko ang dumadaloy sa'yo kaya kahit ano pang sabihin mo, ikaw ang apo ko!"
Sabi ni Lemuel.
"WALA. AKONG. PAKIALAM!"
At tumalikod na ito, sinundan si Edmund.
Pero walang tao sa silid.
Nagpupuyos sa galit si Edmund, buti na lang nag text si Reah.
[Sir Edmund ligtas na po si Eunice papunta na po kaming ospital. Hinimatay po si Lola Inday]
~Reah
Napakunot ang noo ni Edmund.
'Langya, feel na feel ko pa naman magpaka superhero sa anak ko ngayon ... wala na pala, naunahan ako ni Reah!'
"Sir Asan po sila?"
Tanong ni AJ na kaakyat lang.
"Wala na sila, papunta ng ospital. Nilusob daw si Manang Inday dahil hinimatay!"
"PO?!"
Hindi na muling nagtanong si AJ, dali dali itong bumaba at sumakay ng sasakyan para sundan sila Eunice.
*****
Sa ospital.
Nagmamadaling bumaba si AJ at patakbong pinasok ang ospital.
Naruon nadatnan nya si Eunice at sila Kate Mel at Earl.
Agad syang inakap ni Eunice ng makita at umiyak ito ng umiyak.
"Milky, thank God your here! Si Lola, si Lola .... huhuhu!"
"Sorry Coffee, na late ako. Kamusta na si Lola?"
"Heart attack daw! Huwag kang magalala AJ magiging okey sya."
Sabi ni Kate
"Sorry, sorry Milky, hindi ko nagawang alagaan si Lola gaya ng bilin mo!"
"Shhhh, tahan na, huwag kang umiyak, wala kang kasalanan."
'Ako ang may kasalanan dahil naging mahina ako! Pinabayaan ko si Lola Inday at si Coffee na masaktan ng taong yun!'
'Mananagot ang taong yun sa lahat ng ginawa nya!'
Pero ang taong tinutukoy ni AJ ay nagawa pa ring takasan ang mga taong may hawak sa kanya.
Ipinaubaya na sya ni Gene sa mga pulis.
Dahil sa katandaan, at may tama pa ang mga paa nito, hindi nila masyadong hinigpitan ang pagbabantay kay Lemuel.
Bingyan sya ng first aid at isusugod na lang sana sa ospital pero bago dumating ang ambulansya, nagawa nyang takasan ang mga bantay nya.
Ang buong akala ng pulis na nagbabantay sa kanya ay nasa ambulansya ito, pero huli na ng malaman nilang nawawala na pala ito.