Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 363 - Magandang Pagkakataon

Chapter 363 - Magandang Pagkakataon

'May bantay sa taas, may bantay sa baba at yung isa, nasa labas nagbabantay.'

'Ang bantay sa taas ay kasama nila Ms. E sa loob ng silid.'

Mula sa lugar kung saan nagkukubli si Reah ay kita nya lahat ng galaw nila lalo na si Lemuel na kasalukuyang may tinatawagan.

'Mukhang si Sir AJ ang sinusubukan nyang tawagan.'

'At mukhang hindi pa sya sinasagot!'

Sabay kuha ng phone sa bulsa.

'Bakit mo kasi itinapon ang phone ni Ms. E? Ayan tuloy ayaw kang sagutin ni Sir AJ!'

Kanina, nakita nya itong tinapon at pinulot naman nya. Pero hindi nya sigurado kung gumagana pa ang phone, may basag kasi.

Mabuti na lang at nagawang kopyahin ni Lemuel ang numero ni AJ kanina. Shinare nya ito mula sa phone ni Eunice.

Simula ng dumating sila sa bahay ni Geraldine sinusubukan na nyang kontakin si AJ, pero hindi nya makontak. May tatlong oras na rin ng huli silang magkausap.

'Bakit hindi ko sya makontak? Asan ka na AJ?'

Si AJ ay kasalukuyang nasa Tandang Mansion ngayon at kausap nila Belen, Nichole at Gene. Naruon din ang mga bata, si Kate, Mel at Earl, pinaplano nila ang dapat gawin.

Walang nagawa ang matatanda ng magpumilit ang mga batang sumama sa usapan.

Hindi pinapansin ni AJ ang kanina pa tumatawag sa kanya dahil hindi naman ito nakarehistro.

"AJ Dude sino ba yan, kanina pa tawag ng tawag? Sagutin mo na kaya at baka importante!"

Sabi ni Mel.

"Hayaan mo sya, magsasawa din yan!"

Sagot ni AJ.

"Teka AJ, patingin nga ng numero!"

Curious na sabi ni Kate.

Tiningnan ni Kate ang numero at natiyak nyang kay Lemuel ito.

Mula ng ihack nya ang phone ni Eunice, pati phone malapit sa kanya nagawa na rin nyang pasukin at isa na ang numerong ito.

"Bakit Kate anong problema?"

Tanong ni Nichole.

Kilala nya ang pamangkin nyang ito, mana sa nanay nyang si Nadine ang galing nito sa pag hahack kaya tyak nyang may dahilan kaya gusto nyang makita ang numero.

"Kanina po kasi Tita Ninang, yun pong cellphone ni Eunice ay tinapon nya sa kalye, siguro po dahil nakasalubong nya si Tito Ninong natakot syang baka matrace sya! At sa numero pong ito ishinare ng phone ni Eunice ang number ni AJ kaya nagawa kong ihack din ito.

Mukhang ito po ang numerong gamit ni Lolo Lemuel!"

Paliwanag ni Kate.

"Ibig sabihin may posibilidad na sa damuhong Lemuel ang numero na yan?"

Sabi ni Belen.

Napatingin si Gene sa apo.

'Jusmiyo, ang galing ng apo ko!'

Nasisiyahan si Gene pero kinakabahan at the same time.

'Kung magiging part nga sya ng forensic specialist gaya ng ambisyon nya, magiging malaking asset sya pero magiging sobrang delikado ang buhay nya!'

"Bro AJ, I think you should answer it, so we will know!"

Sabi ni Earl ng makitang muling tumatawag ang numero.

Nakita kasi nya na sobrang kinakabahan na ang Mommy nya.

Tumango naman ang lahat bilang pagsangayon sa sinabi ni Earl at saka tumahimik para bigyan ng time si AJ na makipagusap.

"Hello, Sino 'to?"

Tanong ni AJ.

"AJ, ang Lolo Lemuel mo 'to! Asan ka na ba bakit hindi kita makontak?"

Tanong ni Lemuel sa kabilang linya.

Tila nabawasan ang pagaalala nito dahil finally sinagot na rin ni AJ ang tawag.

"Naka airplane mode kasi ang phone ko!"

Sagot ni AJ.

Naiinis sya sa taong ito kaya hindi nya magawang mangupo, pakiramdam nya hindi sya deserving na igalang.

"Bakit sumakay ka ba ng eroplano?"

Nagtatakang tanong ni Lemuel.

"Diba sabi nyo dumating ako sa loob ng apat na oras? Narito na ako sa Maynila at papunta na ako dyan! Siguraduhin nyong nasa ayos silang lahat or else!"

At ibinaba na nito ang phone.

"Aba't .... loko yun binabaan ako!"

"Well hindi na yun mahalaga, ang mahalaga papunta na sya! Hahahaha!"

Pero bigla nyang naalala si Edmund.

'Kailangan walang maging aberya sa pagdating ni AJ!'

Si Berto na lang ang inaasahan nya ngayon, alam nyang mapagkakatiwalaan ito.

Pinuntahan nito si Berto na kasalukuyang nagbabantay sa tatlo.

"Berto, ikandado mo itong silid para hindi sila makatakas. Mas kailangan kita sa baba!"

Utos ni Lemuel.

Kita na sa mukha nito ang pagkataranta.

Lihim naman na nangiti si Eunice.

Agad namang tumalima si Berto at sumunod na sa kanya sa pagbaba.

'Ayos, umalis ang bantay, mas magandang pagkakataon ito!'

Sa isip ni Reah.

"Checkin mo ang paligid baka may nakasunod sa atin!"

Dinig ni Reah na utos ni Lemuel kay Berto.

Private subdivision ito at mahigpit ang mga gwardya kaya natitiyak ni Lemuel na walang basta makakapasok kapag hindi residence.

Pero magkaganun man, kita pa rin ang pagkataranta sa mukha at kilos ni Lemuel.

'Pagkadating na pagkadating ni AJ, aalis kaagad kami at iiwan sila. Ilalayo ko si AJ sa kanila!'

'Kailang maunang dumating si AJ bago malaman ni Edmund kung nasaan ako, kung hindi .... '

Ayaw ng isipin ni Lemuel ang posibilidad na gawin ni Edmund sa kanya.

Habang abala si Lemuel sa baba, abala din si Reah. Nasa harapan na sya ng pinto ng silid kung saan naroon sa loob sila Eunice. Pinagaaralan nya ang kandado ng susi.

Matapos pagaralan may kinuha itong tools sa bulsa at sinimulang buksan ang lock na walang ingay.

Click!

'Bukas na!'

Bago pinihit ang doorknob, sinilip muna nya kung nasaan ang mga tao sa baba at kung nakabalik na si Berto.

Wala pa.

Dahan dahan nitong ipinihit ang binuksan ang pinto at laking gulat ni Lola Inday at Brenda.

"Ms. E, kailangan na po nating tumakas! Alam na po ni Sir Edmund ang lahat at inutusan nya akong itakas kayo!"

Pabulong na sabi ni Reah.

"Hindi! Unahin mo muna si Lola, masama na ang lagay nya! Iligtas mo sya!"

Sabi ni Eunice.

"Hindi Eunice hindi ako makakapayag!"

Sabi ni Lola Inday.

Tiningnan ng matalim ni Eunice si Reah.

Kilala nya ang alaga nyang ito, hindi ito nakikipagtalo at may katigasan din ang ulo.

Kaya ...

"Lola tara na po!"

Sabi ni Reah kay Lola Inday.

"Hindi! Hindi ako makakapayag, unahin mo muna si Eunice!"

Sabi ni Lola.

"Utang na loob Lola nagmamakaawa po ako, kailangan na po nating umalis para madala ko kayo sa mas ligtas na lugar!"

"Pero ...."

"Wala na pong pero, tara na po! Kailangan na po nating umalis at baka maabutan nila tayo!"

Hindi na nakapagsalita pa si Lola dahil binuhat na sya ni Reah at maingat na inilabas ng silid.

Muli nitong sinara ang pinto.

Magsasalita pa sana si Lola pero nakita nya si Lemuel ng sumilip si Reah bago sila nagtungo sa balkonahe.

'Mukhang wala pa si Berto, baka nasa labas pa!'

Pagdating sa balkonahe sinenyasan nya ang isa sa mga kasama nya at dumating naman ito agad.

"Ikaw na ang bahala kay Lola, magiingat ka sa mga nagbabantay sa paligid!"

"Tara na po Lola!"

Sabi ng bodyguard na si Rex

Pero nagaalinlangan si Lola Inday.

Nagaalala na si Reah, kailangan na nyang makabalik para iligtas si Eunice bago may umakyat.

Pero paano nya gagawin yun kung hindi nya natitiyak na ligtas si Lola Inday. Tyak nyang hindi magugustuhan ni Eunice kapag may nangyari hindi maganda kay Lola Inday at hindi ito sasama hangga't hindi nya nagagawa ang utos sa kanya.

Kinakabahan na sya, paano kung may umakyat at makita sila?