Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 360 - Ano Yun?!

Chapter 360 - Ano Yun?!

"Juskolord ano po bang gagawin ko, papaano ako makakarating agad sa Maynila nito?"

Sigaw ni AJ na sumasakit na ang ulo sa kakaisip.

Makailang beses na nyang sinubukan umuwi nuon para sunduin si Lola Inday at isama na sa farm pero hindi nya magawa dahil baka hindi nya matitiis na muling iwan si Eunice.

Miss na miss na nya ito.

Kung nagawa sana nyang madala dito sa farm si Lola Inday, baka hindi ito nadukot ni Lemuel at hindi rin nya ito magagamit para madukot si Eunice.

Natataranta na sya dahil nalagay sa alanganin si Lola Inday at si Eunice pati na rin si Brenda ng dahil sa kanya.

"Hindi kita mapapatawad, pag may nangyari sa kanila!"

Galit na sabi ni AJ kanina ng kausapin nya si Lemuel sa phone.

Pero kahit na nadala ni AJ ng mas maaga si Lola Inday sa farm gagawa at gagawa pa rin ng paraan si Lemuel na magamit si Eunice para mapilitan syang magpakita.

'Hindi ko akalaing may ganito pa lang klaseng tao, gagawin ang lahat masunod lang ang gusto!'

'Kaya pala ako pinagiingat ni Sir Edmund sa kanya!'

"Kailangan kong makabalik ng Maynila, pero paano?"

Mula sa farm, aabutin ng tatlong hanggang apat na oras bago sya makarating ng airport.

Tapos pagdating ng airport chance passenger lang sya dahil fully booked lahat ng airlines.

Malamang bukas pa sya makasakay ng airplane kung papalarin.

Pero kabilin bilinan ni Lemuel na apat na oras lang ang palugit na ibinibigay nya, kung hindi ...

"Juskolord bigyan nyo po ako ng pakpak!"

Sigaw ni AJ na natataranta dahil walang magawa sa sitwasyon.

Maya maya, nagulat na lang si AJ ng may marinig na ingay.

"Ano yun?!"

"Ano yun?!"

Takot na takot ang mga trabahador nya sa narinig na ingay na parating madilim pa naman ang paligid.

"Sir, Sir! Meron pong bumababa mula sa langit!"

Natatarantang sabi ni Mang Andoy na nagkandarapa na sa pagakyat para sabihin kay AJ ang nakita.

Kasalukuyang namang nasa taas ng balkonahe si AJ at tinitingnan ang paparating na helicopter.

"Nakikita ko po Mang Andoy! Hehehe! Thank you Lord!"

Tuwang tuwang sigaw ni AJ habang pinagmamasdan ang pagbaba ng chopper sa matigas na parte ng lupain.

"Saan po galing yun Sir Arun, kilala nyo po ba yung dumating?"

Tanong ni Mang Andoy.

'Eto talagang si Mang Andoy, sabi ng tawagin akong Aaron hindi Arun!'

Aaron ang first name ni AJ. Ayaw nyang gamitin ang AJ at baka malaman nilang anak sya ni Jaja. Hindi pa oras.

"Opo Mang Andoy! Tara po salubungin natin sila!"

Kinuha nito ang bag at bumaba kasunod si Mang Andoy.

"T-Teka po Sir Arun, aalis po ba kayo?"

Nagtataka ito ng makitang may dalang bag si AJ.

"Opo Mang Andoy, susunduin ko po ang lola ko at magisa lang po sya sa Maynila. Kayo na muna po ang bahala dito sa farm, babalik po ako agad!"

Sagot ni AJ.

Sakay ng owner jeep, inihatid sya ni Mang Andoy kung saan naroon ang chopper.

"Dude, bilisan mo!"

Sigaw ni Mel.

"Magandang gabi po General!"

Bati niya kay Gene.

Agad na sumakay si AJ at pinagmasdan ang napinsalang mga tanim.

"AJ Dude pasensya na nasira ata namin ang mga tanim mo!"

Sabi ni Mel.

"Sa susunod kasi maglagay ka ng helipad!"

Mataray na sabi ni Kate.

"Hmmm, magandang idea nga yun!"

Sagot ni AJ

***

Ang helicopter na dumating ay pagaari ni Luis, ang Papa ni Edmund at isa na minana nya sa ama.

Kanina pagkatapos matanggap ni Kate ang message ni Edmund, nagmamadali itong nagtungo sa Tandang Mansion para itakas, este, hiramin ang chopper ni Luis.

Marunong magpaandar ng helicopter sila Kate at Eunice pero wala silang lisensya.

Ginagamit ni Belen ang chopper na ito pag umuuwi sya ng San Roque dahil nahihirapan na sya sa sobrang haba ng byahe at si Gene ang nagpapalipad nito.

Kasama si Mel, nailabas nila ang chopper pero nahuli agad sila. Sayang muntik na sanang magtagumpay si Kate.

Itinawag agad nila kay Belen ang nangyari.

"Madam, nahuli po namin sila Ms. Kate inilalabas sa garahe ang chopper."

"Ha? Anong sabi mo? Bakit nya inilabas?"

Hindi makapaniwala si Belen sa sinabi ng security na tumawag.

"Hihiramin daw po nila ang chopper!"

Sagot ng security.

"WHAT?!"

Hindi pa rin makapaniwala si Belen.

"Giliw, bakit anong problema?"

Nataranta si Gene ng makita ang itsura ni Belen.

"Ang apo mo gustong itakas ang chopper! Lintek ka Gene ano bang itinuturo mo dyan sa apo mong si Kate?!"

Galit na sabi ni Belen sabay suntok nito sa balikat ni Gene.

"Teka Giliw ko, ba't sa akin ka galit?"

Tanong ni Gene.

"Natural apo mo yun! Kanino pa ba magmamana ng kalokohan yang apo mo, kundi sa'yo! Hmp!"

Napakamot na lang sa ulo si Gene.

"Halika na at puntahan natin dun sa garahe!"

Nagmamadali nilang pinuntahan ang garahe ng chopper.

Nailabas na nga nila ang chopper at mukhang ready ng lumipad, mabuti at may nakakita sa kanila bago ito napalipad.

"Kate, anong ibig sabihin nito, bakit mo gustong itakas ang chopper? Wala kang lisensya diba? At kahit may lisensya ka hindi kita papayagan!"

Galit na sabi ni Gene pagbabang pagbaba ng sasakyan.

'Lintek na batang ito napatigil tuloy ang aming exercise ni Giliw ko!'

'Pag na outside d kulambo ako mamaya dahil sa kalokohan ng batang 'to matsitsinelas ko talaga 'to!'

"General Grampa huwag po kayong magalit kay Kate MyLabs, kasi ... this is a matter of life and death po!"

Sabi ni Mel.

Kinakabahan syang baka mapagalitan si Kate dahil sa ginawa nila.

"Anong life and death at kaninong life and death?"

Tanong ni Belen na sadyang naiinis.

"Kay Sissy Eunice po saka po kay Lola Inday ni AJ Dude saka dun sa alalay po ni Lola Inday!"

Paliwanag ni Mel.

"Yes po Granny, Grampy, sorry na po kung hindi po kami nakapag paalam ng maayos pero yun po ang utos ni Ninong ang gawin ang lahat para makarating agad dito si AJ sa Maynila!"

Paliwanag ni Kate

"Ha? Hindi ko maintindihan, ano naman ang kinalalaman dito ni Edmund?"

Naguguluhang tanong ni Belen.

Tinawagan ni Belen si Edmund para syang magpaliwanag kung anong nangyari.

"Still, ano man ang reasons nyo, hindi tama 'tong ginagawa ninyo! Hindi kayo nagiisip! Bakit hindi nyo sinabi sa amin? Bakit hindi kayo nagpaalam ng maayos? Delikadong magpalipad ng gabi at isa pa wala ka pang lisensya!"

Singhal ni Gene sa apo.

'Masyado ko na bang naiispoiled ang batang ito?'

Hindi na nakapagsalita si Kate. Alam nyang mali sya at ngayon lang sya napagalitan ng lolo nya ng ganito.

"Anong sabi ni Edmund, Giliw?"

Tanong ni Gene kay Belen.

"Dinukot daw ng damuhong Lemuel na yun ang apo kong si Eunice at yung Lola Inday ni AJ kasama yung kasambahay para lumabas si AJ!

Bwisit talaga yang Lemuel na yan kahit kailan!"

Sagot ni Belen.

"Nasaan si AJ?"

Tanong ni Gene kay Kate

"Nasa Cebu po!"

"Amina yan!"

Sabay kuha kay Kate ng susi.

"Ako na ang sasama sa kanila, Giliw ko, mas kailangan ka dito ng pamilya ni Edmund!"

"Okey sige magiingat kayo!"

Sabi ni Belen.

Pagkaalis nila hindi na napigilan ni Belen ang inis kay Lemuel.

'Lintek talagang Lemuel yun, magpa hanggang ngayon ayaw pa ring tantanan ang pamilya ko!'

Umuusok sa galit si Belen dahil SYA ang pinagmulan ng lahat kung bakit nagkaganun si Lemuel.

"Nanahimik ako Lemuel pero oras na para makialam ako! Bwisit ka!"