Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 361 - Makapal Ang Mukha

Chapter 361 - Makapal Ang Mukha

Isa si Lemuel sa masipag at masunuring staff ni Mayor Gilberto Perdigoñez, ang ama ni Belen.

Kaya maganda ang pakikitungo ni Belen kay Lemuel.

Pero hindi ganito si Belen sa ibang kalalakihan.

Mataray at masungit ito kaya kahit na maraming nagkakagusto sa kanya, walang maglakas ng loob na ligawan sya.

Kaya nagtataka si Lemuel kung bakit iba ang trato ni Belen sa kanya.

Malaki ang agwat nila sa isa't isa at si Lemuel, may asawa at anak na.

Ang nasa isip ni Lemuel na dahilan, may gusto si Belen sa kanya at ikinatuwa nya ito.

'Sayang bata pa si Jericho, bagay sana sila!'

'Kung wala akong asawa papatulan ko itong batang 'to!'

At si Belen, wala syang kamalay malay na binibigyan pala ng ibang kahulugan ni Lemuel ang kabaitan nyang yun.

Madalas umaasta ito at nagpapakilalang boyfriend ni Belen na hindi alam nito, inaaway pa ang mga gustong pumorma kay Belen.

At nung mamatay ang asawa ni Lemuel naroon si Belen para damayan sya. Ikinatuwa ni Lemuel ang ginawa ni Belen at doon nabuo ang sa isip nya na aayain nya na itong pakasal.

"Masarap sa pakiramdam yung may kapangyarihan ka!

Eh, ano kung 15 years ang agwat namin, age doesn't matter sa love at sa power, hehe!"

Kaya sa araw ng debut ni Belen, plano na nyang magpropose dito, natitiyak naman nyang papayag ito.

'Pag nakasal kami ni Belen magiging parte na ako ng Perdigoñez, magkakaroon na rin ako ng kapangyarihang tulad nila!'

"Hehehehe!"

Hindi maubos ang ngiti ni Lemuel pagnaiisip iyon.

Bilang staff ni Mayor Gilberto, marami ang nakakakilala sa kanya at marami din ang lumalapit at paminsan minsan nagbibigay sa kanya at tinatanggap nya ito bagay na hindi nya ipinaaalam kay Mayor.

'Ipinapangako ko Belen, pagnaging asawa ba kita, paliligayahin kita! Hehehe!'

Pero ng dumating ang debut ni Belen may ibang nangyari dahil dumating si Wilhelmino.

Election time nuon at si Will ang napili ni Mayor Gilberto na maging vice mayor nya.

Unang kita pa lang ni Belen kay Will, na in love na ito kay Will kahit na sampung taon ang agwat nila.

Binata pa ito pero sa murang edad ay isang magaling na abogado na.

At maging si Will ay na in love din kay Belen.

Si Belen ang dahilan kaya napapayag sya ni Mayor Gilberto na tumakbo bilang running mate nya sa eleksyon.

At si Lemuel, syempre hindi natuloy ang balak nya. Sinubukan naman nya pero walang pumapansin sa kanya dahil lahat ng naroon ay nakila Belen at Will ang atensyon.

Sino ba naman sya, isang hamak na staff lang na hindi naman dapat naroon at nakikihalubilo sa mga guest dahil hindi naman sya imbitado. Walang nakakakilala sa kanya roon, kaya walang pumapansin sa kanya.

Pero makapal lang talaga ang mukha ni Lemuel, pinilit nitong lumapit at sumunod sa dalawa ngunit binawalan sya ni Belen kaya sa huli, wala syang nagawa.

Simula noon bihira na nyang makita si Belen dahil lagi na itong sinusundo ni Will at pag nakita nya ay hindi na sya pinapansin dahil laging nagmamadaling umalis.

"May date kasi sila ni Sir Will kaya nagmamadali, hehe!"

Paliwanag ng yaya ni Belen.

Pero hindi pa rin sumuko si Lemuel.

"Hindi ako makakapayag na mawala sa akin ang babaeng magbibigay sa akin ng kapangyarihan!"

Isang araw hinarang ni Lemuel si Will.

"Pwede ba layuan mo ang girlfriend ko! Tigilan mo na ang kakasunod kay Belen dahil akin lang sya!

Hindi ako makakapayag na mawala sa akin si Belen! She's my precious!"

Sabi ni Lemuel kay Will.

"Nagpapatawa ka ba? Anong karapatan mong pagbawalan ako sa fianceé ko?"

Sabi ni Will

Nagpintig ang tenga ni Lemuel sa nadinig kaya nasuntok nya si Will.

Sinuntok nya ito ng sinuntok at pinagpapapalo ng dos por dos kaya ito naospital.

Hindi nagdemanda si Will sa nangyari, pero galit si Belen kaya hiniling nito sa ama na ayaw na nyang makita pa si Lemuel.

"Belen, bakit hinahayaan mong mangyari ito, akala ko ba mahal mo ako?"

Tanong ni Lemuel kay Belen.

"Anong pinagsasabi mo Kuya Lemuel? Kelan ko sinabi sa'yo ang mga salitang yan?"

Mataray na tanong ni Belen.

"Pwede ba Belen, huwag ka ngang magmaang maangan dyan! Mabait ka sa akin at lagi kang andyan at dinadamayan mo ako, ano ba ang ibig sabihin nito, kungdi may gusto ka sa akin!"

"Malisyoso ka pala! Hindi ko akalaing binibigyan mo ng masamang kahulugan ang kabaitan ko sa'yo!"

Mataray na sabi ni Belen.

Maging si Mayor Gilberto ay hindi makapaniwala na ganito pala magisip si Lemuel. Nasira ang paghanga nya rito.

Kilala nya ang anak nyang si Belen, sadyang mabait ito sa mas nakakatanda sa kanya at masungit lang ito sa mga manliligaw nya.

"Mayor, maniwala po kayo, may gusto sa akin ang anak nyo! Hindi nya gagawin yun, hindi sya magiging mabait sa akin kung wala!"

"Lemuel, hindi lang sa'yo mabait si Belen. Mabait din sya sa hardinero naming si Mang Berting, pati kay Oca at kay Alonso mabait din. Ibig bang sabihin nun, may gusto din ang anak ko sa kanila?"

"Kuya Lemuel, mabait ako sa inyo dahil mas matanda kayo sa akin! Yan ang turo ng Papang ko, maging magalang sa mas matanda kaya mabait ako sa inyo! Pero hindi ibig sabihin, type ko kayo! Mahiya ka naman balat mo!"

Mataray na sabi ni Belen.

Sa huli, tinanggal sya bilang staff ni Mayor, hindi nya ito matanggap dahil batid nyang pag nawala sya sa poder ni Mayor, mawawalan na rin sya ng kapangyarihan.

Kumalat ang balita pero hindi sya nahihiya. Ipinagkakalat pa nya na naging sila talaga ni Belen.

Pero sino ba ang maniniwala sa kanya?

"Sige, tumawa lang kayo ng tumawa dyan, balang araw magiging parte rin ako ng Perdigoñez at pag nangyari yun ako naman ang tatatawa sa inyo!

Tingnan natin kung nakanino ang huling halakhak!"

*****

Back to the present.

Sa hideout.

Nang makita ni Edmund si Reah at mga iba pang shadow guard na naka sunod sa van na itim na get away vehicle, hindi na sya sumunod.

Baka maalarma si Lemuel. Tyak nyang nakita sya nito ng magkasalubong ang sasakyan nila kanina.

Hahayaan na muna nyang isipin na ligtas na sila.

Huminto si Edmund sa mismong bahay na ginawa nilang hideout.

Huminto din ang mga kasunod nya.

"Sir, dito po ba?"

"Oo pero wala na sila dyan! Babalik na tayo!"

Bubwelta na sana si Edmund ng biglang may lumapit sa kanya at hinablot ang mga bisig sya. Puro galos ito at sira sira ang kasuotan.

"Tu-Tulong ... "

Halos pabulong nasabi nito.

BLAG!

Bumagsak ito at nawalan ng malay.