Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 359 - Si Daddy Ko Yun!

Chapter 359 - Si Daddy Ko Yun!

Hindi sigurado ni Eunice kung anong ibig sabihin ng utos ni Lemuel sa mga tauhan nya, tungkol kay Geraldine. Inilayo na kasi sila ni Berto papuntang sasakyan kaya hindi na nila nakita at nadinig pa ang huling bilin nito sa mga tauhan bago sila sinundan.

"Hoy damuho kang matandang hukluban ka, anong gagawin mo sa babaeng yun? Anak mo ba talaga yun?"

Tanong ni Lola Inday na halatang naiirita pa rin.

"Tanda, huwag kang makialam, tinuturuan ko lang ng leksyon ang anak ko!"

Sagot ni Lemuel.

"Bakit iba ang pagkakaintindi ko sa sinasabi mong leksyon? Nasisiraan ka na ba ng ulo, matandang hukluban?"

Sabi ni Lola Inday.

"Hoy tanda, tumigil ka na! Wala kang pakialam kung paano ko disiplinahin ang anak ko!"

Pero hindi magawang manahimik ni Lola Inday, lalo na't pakiramdam nyang mapapahamak ang babaeng iyon.

'Pero kung iisipin nga naman, magkaroon ka ng ganitong klaseng ama na isang walang kwenta, tyak mapapakamak ka talaga!'

"Isa ka talagang walang kwentang tao, matandang hukluban! Ang mga kagaya mo dapat lang iwanan at layasan ng mga anak at pamilya nya dahil WALA. KANG. KWENTA!!!"

Sabi ni Lola Inday.

Mukhang nasaktan ang ego ni Lemuel sa nadinig kay Lola Inday, nag init ang ulo nito at lulusubin na nya si Lola Inday para bigyan ng suntok para manahimik, pero humarang si Eunice.

"Huwag nyong sasaktan si Lola dahil kahit matanda po kayo, papatulan ko kayo!"

Galit na sabi ni Eunice.

"Eunice, tumabi ka dyan! Huwag kang makialam sa aming matatanda kung hindi .... "

"Kung hindi po ano, Lolo Lemuel? Sasaktan nyo ako? Bakit kaya nyo po ba akong saktan?"

Mataray na tanong ni Eunice.

Napatigil si Lemuel.

Hindi nya kayang saktan si Eunice dahil alam nyang hindi nya kaya ang galit ng mga Perdigoñez.

Gusto pa rin naman nyang mabuhay kaya pinilit nyang huminahon.

"Berto, ano pang hinihintay mo, isakay nyo na yan at aalis na tayo!"

Isinakay na ni Berto at mga tauhan nya sila Lola Inday, Eunice at Brenda sa van.

Kung ano man ang ibig sabihin ni Lemuel sa utos nya sa mga tauhan para kay Geraldine at kung bakit nya kailangan gawin yun, wala na silang pakialam dun ang mahalaga makaalis na sila dito.

May kutob si Lemuel ng malamang nasundan sya ni Geraldine kaya naniniguro lang sya, kailangan mailipat nya ang mga bihag.

Pero bago pinasakay ni Berto ang tatlong bihag sa van, namataan ni Eunice si Reah na palusob na para iligtas sya pero pinigilan sya nito.

Delikado para kila Lola Inday.

Mukhang magisa lang si Reah dahil pinakiramdaman nito ang paligid. Wala ang mga ibang bodyguard nya.

'Tyak na maililigtas ako ni Reah pero paano sila Lola Inday at Brenda?'

Hindi nya ipagsasapalaran ang kaligtasan ng dalawa.

Naintindihan ito ni Reah, ang mahalaga ay alam ni Eunice na naroon sya at isa pa, papunta na rin naman si Edmund kasama ang mga personal security nya.

Alam nya rin na hindi nya makakayang iligtas ang tatlo kaya hinayaan ni Reah na makaalis ang van na sinasakyan nila saka nya ito sinundan na hindi nila napapansin.

Nawala ang agam agam ni Lemuel ng makaalis na sila ng hideout pero hindi pa sila gaanong nakakalayo ng mapansin nya ang paparating na sasakyan.

Pamilyar ang parating na sasakyan at mabilis ang takbo nito na may kasunod na dalawang van.

'Nalintikan na, kotse ni Edmund yun!'

Kinabahan sya ng makita ang plate number ng kotse ng magkasalubong sila, tyak nyang kay Edmund nga ang kotse sa unahan.

'Ngunit paano...?'

Napatingin sya kay Eunice na nakaakap at inaalalayan si Lola Inday, medyo tensyunado pa ito dahil sa dami ng ganap.

'Hindi nito napansin ang sasakyan ni Edmund dahil busy sya kay tanda, kung nakita nya yun, baka gumawa na ito ng eksena para malaman ni Edmund na sakay sya ng van na 'to!'

'Anak ng .... kung nagkataon, kung naantala pa kami ng kaunti, malamang naabutan kami ni Edmund!'

Inisip ng inisip ni Lemuel kung paano agad nalaman ni Edmund ang nangyari.

'Hindi kaya ... '

Tumawag sya sa mga tauhan nya sa bahay ni Lola Inday.

"Kamusta dyan?"

Tanong ni Lemuel sa isa sa mga tauhan.

"Okey pa rin po boss, wala pa rin po silang alam na wala na rito si Eunice. Tahimik pong nakaupo ang mga bodyguard nya sa labas!"

'Kung wala pa ring alam ang mga bodyguard ni Eunice sa bahay ni AJ, paano nalaman ni Edmund?'

Kinuha nito ang cellphone ni Eunice.

'Si Kate!'

'Malamang si Kate ang nagsabi at na trace nila ang cellphone ni Eunice ng tumawag sya.'

'Kailangan maitapon ko agad itong phone ni Eunice, ito ang magdadala sa akin sa kapahamakan!'

Pero paano nya gagawin yun kung ito ang numerong kokontakin ni AJ pagdating nya?

Hindi na nagisip pa si Lemuel, nagiwan ito ng message kay AJ na magtungo na lang sa bahay ni Geraldine, duon sila magkikita. Inilagay din nya ang address nito. Pagkatapos nuon ay tinapon na ni Lemuel ang cellphone ni Eunice.

"Bilisan mo!"

Utos nya kay Berto.

Pero kahit hindi nakatingin, napansin iyon ni Eunice.

Napansin ni Eunice ang paparating na kotse ng Daddy nya kahit hindi nya nakita ang plate number nito.

'Si Daddy yun! Natitiyak kong si Daddy ko yun!'

Napansin din nya ang pagtapon ni Lemuel sa cellphone nya kaya natitiyak nyang alam na ni Lemuel na nakarating na kay Edmund ang nangyari.

Napangiti na lang si Eunice.

Batid nyang natataranta na ngayon si Lemuel.

*****

Samantala.

Malapit na si Edmund sa hideout ng maka receive sya ng message.

Una kay Reah

[Sir Edmund, they're moving mukhang mag change ng hideout]

~Reah

At kay Kate

[Tito Ninong, they are moving and this is the last message na naintercept ko sa phone ni Eunie:

"AJ sa bahay ni Geraldine tayo magkita, 78 Rosal st. SQ subd."]

[Lastly, mukhang itinapon na ang phone ni Eunie, but I still have other Eunie's signal]

~Kate.

Ang tinutukoy ni Kate ay ang relo ni Eunice, inactivate nya ito pagkasakay nila van.

SCHRRREEEEECH!.

Napahinto bigla si Edmund kaya napahinto rin ang dalawang van na kasunod nito na puno ng personal security nya.

Pagkahinto nya nakita nya ang mabilis na takbo ni Reah sakay ng motorcycle na napayuko pa ng lumagpas sa kanya bilang pagbati.

'Kung si Reah yun, ibig sabihin yung itim na van ang sinasakyan nila Eunice?'

Susunod na sana si Edmund pero nakita nya ang mga shadow guard ni Eunice na sinusundan si Reah. Mukhang naabisuhan na rin sila ni Reah at katulad nya kararating lang din nila.

[Kate, monitor their every moves!]

[Ikaw na rin ang bahala kay AJ, see to it na makarating sya dito agad]

~Tito Ninong

[Yes, po!]

~Kate

Dahil magpahanggang ngayon, hindi pa rin alam ni AJ kung papaano sya lilipad para makarating sya agad agad ng Maynila.

Related Books

Popular novel hashtag