Samantala.
Nagkakagulo naman sa labas dahil kay Geraldine.
"Teka lang sandali mga pare, paano kung totoo ang sinasabi ng babaeng ito? Paano kung totoong anak yan ni boss?"
Sabi ng ikaapat na bantay sa mga kasama nya.
Lima ang bantay sa labas, apat ang nakapwesto sa apat na poste pang lima ang nasa gate.
"Ke totoong anak ni Boss ito o hindi, lagot pa rin tayo! Kabilin bilinan ni boss huwag tayong magpapasok at itataboy natin ang sino man, kaya pag nalaman nya na nagpapasok tayo, patay!"
Nairita ang dalawang may hawak kay Geraldine na kanina pa na aatat.
"Ano ba naman mga pare, sayang 'to, minsan lang ako makakatikim ng maganda at makinis! Kung ayaw nyo, sa amin na lang dalawa! Hehe!"
"Sira ba kayong dalawa, hindi ba kayo nakikinig? Paano kung totoong ngang anak ni boss yan? Gusto nyo bang malintinkan?"
"Eh ano ngang gagawin natin dito sa babaeng 'to?"
"Mabuti pa bitbitin nyo na at dalhin natin kay boss, hayaan natin na sya ang magpasya!"
Katatapos lang makausap ni Lemuel si AJ ng pumasok ang tatlo sa bantay nya kasama si ...
'Geraldine?'
'Anong ginagawa ng babaeng ito dito?'
Gulat ang nagtatakang si Lemuel.
"Boss pasenya na po, nakita namin itong babaeng ito dun sa labas, sumisilip silip dito, sinita namin at ang sabi, anak nyo raw po sya!"
"Papa! Papa, tulungan nyo po ako! Tulungan nyo po ako sa mga goons na 'to dahil gusto po nila akong pagsamantalahan!"
Mangiyak ngiyak na sabi ni Geraldine habang pinipilit na kumawala sa pagkakahawak ng dalawa.
"Geraldine, paano ka napunta dito?"
Hindi ito makapaniwala na nasa harap nya ngayon ang anak.
"Papa, gusto ko lang naman pong malaman kung anong pinagkakaabalahan nyo kaya sinundan ko po kayo!"
Paliwanag ni Geraldine.
Hindi makapaniwala si Lemuel. Akala nya pulido na ang mga plano nya tapos malalaman nyang hindi pala dahil andito sa harapan nya si Geraldine.
"Kelan mo pa ako sinusundan?"
Galit na tanong ni Lemuel.
"Ilang beses na rin po, sa tuwing umaalis kayo at ang paalam nyo ay hindi kayo makakauwi."
Sagot ni Geraldine.
Nanggigil sa inis si Lemuel. Hindi nya akalaing masundan sya ni Geraldine ng hindi man lang nya naramdaman.
"Hindi ko gusto ang ginawa mo! Hindi ko akalaing wala kang tiwala sa akin!"
Sabi ni Lemuel kay Geraldine, puno ng galit ang binitiwan nyang salita na nagdala ng sakit sa puso ni Geraldine.
"Papa sorry, natatakot lang naman po ako baka isang araw bigla na lang kayong umalis at iwan ako!"
Paliwanag ni Geraldine.
"Boss, to-totoo po bang anak nyo sya?"
Tanong ng isang bantay na biglang kinabahan dahil kanina, pinagisipan nya ito ng masama.
"Oo anak ko sya."
Sagot ni Lemuel na ikinagulat ng dalawa kaya bigla nilang binitiwan ang pagkakahawak kay Geraldine.
Pero hindi lang sila ang nagulat pati na rin si Eunice.
'Anak ni Ms. Suarez si Lemuel?'
Sa pwesto nya, hindi sya kita ni Geraldine dahil nakatagilid ito, pero tanaw ni Eunice ang tagiliran nya. Gayunpaman alam nyang si Ms. Suarez yun dahi sa boses nya.
Nang maramdaman ni Geraldine na nakawala na sya sa dalawang may hawak sa kanya kanina, agad itong lumapit sa ama pero nagulat sya ng paglapit sa ama natanaw nya si Eunice.
'Anong ginagawa ng anak ni Edmund dito?'
Nagtataka sya! Buong akala nya si Lola Inday lang ang makikita nya, hindi nya akalaing pati si Eunice hindi pinatawad ng ama.
"Papa ... "
"Geraldine, ano ang alam mo sa mga pinag gagawa ko?"
Tanong ni Lemuel.
"A-Ang alam ko po dahil sa kagustuhan nyong makita at makausap si AJ kaya nyo ginagawa ito, kaya nyo pinadukot ang lola ni AJ ..... pero Papa bakit pati po si Eunice? Papaano po kung malaman ito ni Edmund?"
Kinakabahan at nagaalalang tanong ni Geraldine.
Kinakabahan sya sa pinaggagawa ng ama.
"Wala ka talagang tiwala sa akin! Nakausap ko na si AJ at nangako akong ibabalik ko na sila. Inimbitahan ko lang naman sila kaya sila narito."
Sabi ni Lemuel.
Pero kinakabahan pa rin si Geraldine, isang Perdigoñez ang binabangga ng Papa nya, maniniwala ba si Edmund na inimbitahan nya lang ang anak nya?
Kita sa expression ng mukha ni Geraldine ang pagaalala nya.
"At ikaw Geraldine, hindi ko nagustuhan ang ginawa mong pakikialam!"
"Pasensya na po Papa!"
"Hoy kayong tatlo, kunin nyo na ang babaeng 'to at bahala na kayo sa kanya!"
"Ha? Ano yun boss?"
"Sabi ko, bahala na kayo sa kanya, regalo ko na sa inyo!"
Sabi ni Lemuel.
Nagulat ang lahat sa sinabi ng ama.
"PAPA?! Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Diba sinabi ko sa'yo na hindi ko nagustuhan ang ginawa mo? Bilang ama mo kailangan kitang disiplinahin at ito ang parusa mo! Boys, bahala na kayo, magpakasaya kayo! Yan ang regalo ko for a job well done!"
Sabi ni Lemuel.
"Seryoso, boss?"
Hindi makapaniwalang sabi ng mga bantay.
"Pero Papa, anak nyo po ako, bakit po basta nyo na lang ako ireregalo na parang isang kasangkapan?"
Mangiyak ngiyak na tanong ni Geraldine.
"Dahil pareho kayo ng nanay mo, gustong kontrolin ako, at sa lahat ng ayaw na ayaw ko yung pilit na kinokontrol ako! Boys sige na, ialis nyo na yan dito, be happy!"
"Papa, Papa ....."
Unti unti ng nawala ang boses ni Geraldine.
Shock naman sila Eunice, Lola Inday at Brenda sa nangyari.
'Anong klaseng ama ito, sarili nyang anak ipapapa ..... '
Hindi nila matuloy ang sasabihin. Kinikilabutan sila.
"Pasensya na sa mga nakita nyo! Buti pa ay maghanda na kayo at aalis na tayo! Berto, ihanda mo na ang sasakyan at kailangan na nating umalis dito!"
"Aalis?"
Nagtatakang tanong ni Eunice.