Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 355 - Andito Na Po Ako

Chapter 355 - Andito Na Po Ako

Sa sobrang pag aalala ni Eunice dahil sa huling message na natanggap kay Lola Inday, nagmamadali nitong tinapos ang pamimili ng gamot at ilang groceries para sa matanda.

'Kailangan kong makarating agad ng Bulacan, traffic pa naman ngayon.'

Hindi na nya inantay ang bodyguard nyang si Reah at alam naman nyang susunod ito agad.

Habang magmamaneho papalabas ng parking, nagulat na lang sya ng biglang may isang babaeng humarang sa kanya.

Mabuti na lang at mabagal ang takbo nya, bigla syang prumeno para hindi nya mabangga ang babae pero napakunot ang noo nya ng makita kung sino ito.

'Miles?'

'Anong ginagawa nya rito, sinusundan ba nya ako?'

"Ano bang problema mo, Miles? Nagpapakamatay ka ba?"

Sigaw ni Eunice kay Miles.

"Hindi! Gusto ko lang guluhin ang buhay mo!"

Sarkastikong sagot ni Miles na nakapamewang pa.

"Miles pwede ba, nagmamadali ako, wala akong time sa mga drama mo! Please pwede ba umalis ka na dyan sa daraanan ko!"

"Ayoko nga, hindi pa ako tapos kaya hindi ako aalis dito!"

Nangiinis na sabi ni Miles.

Halatang sinasadya nyang inisin si Eunice.

Naiirita na si Eunice pero hindi nya pinahalata.

TOOT, TOOT

Bumusina sya pero hindi pa rin umaalis si Miles, talagang iniinis sya.

Binuksan nya ang sasakyan at bumaba.

"Ano bang kailangan mo sa akin Miles, bakit mo ginagawa ito?"

"Hoy, babaeng machuba, wala akong kailangan sa'yo! Napagutusan lang akong gawin ito!"

Naalarma si Eunice.

"Sino?"

"Ako!"

Napalingon si Eunice ng madinig ang boses ni Geraldine.

Pagtalikod nya, akmang susunggaban ni Miles si Eunice para sabunutan pero may pumigil sa kanya. Ang mga bodyguard ni Eunice.

"Bitiwan nyo ako!"

Nagpupumiglas si Miles.

Pati kay Geraldine ay may lumapit din.

Duon nya naunawaan na kaya bumusina si Eunice ay para tawagin ang mga bodyguards nya.

"Eunice please, gusto lang naman kitang makausap! Gusto ko lang naman malaman kung nasaan si AJ!"

Sinenyasan ni Eunice ang dalawang bodyguard dahil naririndi na sya sa paghihisterikal ni Miles.

"Pakiulit nga po ng sinabi nyo, may bangaw na maingay sa likod ko!"

"Hoy, sinong tinatawag mong bangaw?"

"Eunice, kailangan ko kasing makausap si AJ tungkol sa Papa ko, please sabihin mo naman kung nasan sya?"

"Bakit nyo po hinahanap si AJ? At anong pong kinalalaman nyo kay AJ?"

Tanong ni Eunice.

"Wala ka na dun! Ano bang pakialam mo, personal yun, tungkol lang sa kanilang dalawa!"

Sagot ni Miles.

Pero hindi sya pinansin ni Eunice, parang walang nadinig. Nakatingin lang kay Geraldine nagaantay ng sagot.

"Masyado kasing personal, hindi ko pwedeng sabihin sa'yo hangga't hindi ko nasasabi sa kanya! Alam mo ba kung nasan sya at makokontak mo ba sya?"

"Oh, kitam 'told you!"

Nakairap na sabi ni Miles.

"Hindi ko alam kung nasaan si AJ, pero kahit alam ko, hindi ko rin sasabihin sa'yo!"

Sabi ni Eunice kay Geraldine.

Kay Geraldine lang ito nakatingin na parang sila lang ang naroon at wala syang pakialam kay Miles.

Ngayon lang na realize ni Geraldine na hindi galit si Eunice kay Miles, wala lang talaga syang pakialam sa babaeng ito.

'It's the other way around. Si Miles ang nagtatanim ng galit Eunice.

"Nakikiusap ako sa'yo Eunice, please!"

Nagmamakaawang sabi ni Geraldine.

"Hoy Eunice huwag kang magfeeling important, si AJ ang ipinunta namin dito hindi ikaw! Kaya pwede ba sabihin mo na kung nasaan sya!"

Sumenyas si Eunice sa bodyguard at binitbit nito papalayo si Miles.

"Aba't ... teka lang! Bitiwan nyo nga ako!"

"Pasenya na Ms. Geraldine, pero hindi kita matutulungan dahil kahit ako, hindi ko rin alam kung nasaan si AJ!"

"Pero di ba kahit papaano kinokontak ka nya?"

"Oo minsan bago sya sumakay ng eroplano. Nagpaalam sya sa akin!"

"Alam mo ba kung saan ang punta nya?"

"Hindi! Hindi nya sinabi!"

Sagot ni Eunice.

Nalungkot si Geraldine.

'Ibig sabihin may posibilidad na wala sya dito!'

"Mauna na po ako Ms. Geraldine, may kailangan pa akong puntahan!"

Ibinigay na ni Eunice ang susi sa bodyguard nya at sya na ang pinagmaneho nito.

"Si Ate Reah po, nasaan?"

"Nasa likod na po natin Mam, nakasunod!"

"Sige tara na po at nagaalala na po ako kay Lola Inday!"

*****

Bulakan.

Nagmamadaling bumaba si Eunice ng sasakyan at kumatok ng gate.

"Lola! Lola! Andito na po ako!"

Tawag ni Eunice habang kumakatok sa gate.

Pero walang sumagot.

Kasunod nya ang bodyguard na nagmaneho sa kanya dala ang mga groceries. Plano nyang ipagluto ang matanda kaya namili sya ng gagamitin.

Nang walang sumasagot, lalong nagaalala si Eunice.

'Baka kung napano na si Lola!'

"Lola! Lola!"

Muli nyang tawag.

Maya maya may lumabas na isang lalaki at binuksan ang gate.

"Magandang araw po!"

Sabi ng lalaki sabay tungo.

May katandaan na ito pero ngayon lang nakita ni Eunice.

"Manong andito po ako dadalawin ko po sana si Lola Inday."

"Kayo po siguro ang ibinilin sa akin ni Manang Inday! Andun po sya sa taas, nagpapahinga! Tuloy na po kayo!"

"Manong, ngayon ko lang po kayo nakita dito, ano pong pangalan nyo?"

"Ako po si Berto ang hardinero ni Manang Inday. Isang beses lang po sa isang buwan ako nagpupunta dito para ayusin ang hardin."

"Sige po pasok na po kayo sa loob at mainit dito! Ako na lang po ang magdadala ng mga pinamili nyo!"

Sabay kuha ng mga groceries sa bodyguard dahilan para magpaiwan na ito.

Sanay na ang mga bodyguard ni Eunice na nagpapaiwan sa labas para hindi nila maistorbo ang bonding moments nila.

Saka ayaw din ni Eunice na nakikita silang umaalialigid dahil baka matakot ang matanda.

Pag pasok ni Eunice ng bahay, may iba syang naramdaman. Kinakabahan sya.

Pinagmasdan nya ang paligid.

Walang naiba sa paligid pero ramdam nyang may kulang.

Si Lola.

Sa tuwing darating sya nakangiti na itong sumasalubong sa kanya.

Maingat syang umakyat patungo sa silid ni Lola Inday.

Nakabukas ang silid ni Lola at nakita nya itong nakahiga sa kama.

"Lola andito na po ako..."

Agad syang lumapit sa matanda pero paglapit nya nagulat na lang sya ng hindi pala si Lola Inday ang nakahiga.

Bigla na lang may naramdaman syang nag spray sa mukha nya at nawalan sya ng malay.