Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 356 - Isang Pindot Lang

Chapter 356 - Isang Pindot Lang

Nagtagumpay ang plano ni Lemuel, nasa mga kamay na nya ngayon si Eunice.

Inaasahan na nyang magiging maayos ang plano. Ilang beses nila itong prinaktis kaya tyak nyang walang palya.

Patutulugin nila si Eunice sa pamamagitan ng pag spray ng pampatulog. Mas delikado kung paamuyin sya kaya napagkasunduan nilang ispray na lang.

Tapos may magpapanggap na Eunice na matatanaw ng mga bodyguard nya sa malayo.

Hindi naman kasi napasok ang mga bodyguard sa loob ng bahay kaya papaano nila masasabi na si Eunice pa rin ang natatanaw nila?

Tapos ay ilalagay nila sa isang kahon na yari sa kahoy si Eunice.

Gamit ang lumang trak ni Mang Berto, dadalhin nila sa hideout si Eunice kung saan naroon si Lola Inday at ang kasambahay nitong si Brenda.

Gusto sanang pagbukurin ni Lemuel ng hideout ang dalawa pero mas malaki ang gastos. Nahihirapan na kasi syang humingi ng pera kay Geraldine at sariling pera na nga nya ang ginagamit nya ngayon.

'Pagkatapos ng lahat ng ito, kay AJ ko babawiin ang lahat ng nagastos ko.'

'Lintek ka kasing bata ka AJ, kung tinanggap mo ng maayos na maglolo tayo hindi ako gagawa ng ganito!'

Pagkatapos ....

'Kailangan kong mapilit si Eunice na kontakin si AJ sa ayaw nya at sa gusto! Hehehe!'

Simple lang ang gusto nya ang makita at makausap si AJ para makumbinsi nya ito.

'Kailangan kong mahawakan sya sa leeg, kailangan ko syang makontrol at may plano na ako para makontrol sya!'

Pero kailangan nyang tapusin ang lahat ng ito sa lalong madaling panahon.

Inaasahan nyang mag reresponse agad si AJ bago makarating kay Edmund ang balita na dinukot ang anak nya.

"Hayup kang matandang hukluban ka, anong ginawa mo kay Eunice?!"

Singhal ni Lola Inday.

"Wala akong ginagawa dyan. Kita mo naman sleeping beauty ang magiging grand daughter in law ko! Hehe!"

"Anong grand daughter in law ka dyan? Neknek mo! Ibalik mo na 'tong si Eunice, damuhong matanda ka! Kung hindi .... "

Kinuha nito ang walis na malapit duon at hahambalusin si Lemuel pero napigilan sya ng isa sa mga tauhan ni Lemuel.

"Hoy tanda, kung ako sa'yo tulungan mo na lang akong kumbinsihin yang si Eunice para makontak nya agad si AJ para makauwi na kayo! Dahil yun lang ang gusto ko, si AJ! Maliwanag?!

Pagdating ni AJ dito, pangako, pakakawalan ko na kayo!"

'Kailangan makarating dito si AJ bago mag 24 oras, dahil kung hindi ... '

Ayaw isipin ni Lemuel pero tyak nyang kikilos na agad si Edmund at iyon ang iniiwasan nyang mangyari. Gusto nya naibalik na nya ito agad bago kumilos si Edmund.

Hindi nya gustong galawin si Eunice at baka magalit si Edmund, ayaw nyang magkaroon ng dahilan si Edmund para hadlangan ang relasyon nila pero, ito lang ang paraan para mapalabas nya si AJ.

Hindi nya naisip na sapat na si Lola Inday para palabasin si AJ. Sa tingin ni Lemuel walang gaanong halaga si Lola Inday kay AJ dahil hindi naman talaga sila magkadugo.

Kanina, bago umalis si Berto sa bahay ni AJ kinausap nya ang bodyguard ni Eunice na nagdrive sa kanya.

"Pare, pinasasabi ni Ms. Eunice na dito na sya matutulog!"

Kasama ito sa plano para walang silang mapansing kakaiba at baka maisipan pa ng mga bodyguard na pasukin ang bahay.

'Oras na para gisingin si Eunice, naghahabol ako sa oras, kailangan namin syang maibalik bago makatunog ang mga bodyguard at baka magsumbong agad ang mga iyon kay Edmund!'

Ang hindi inaasahan ni Lemuel ay ang personal bodyguard ni Eunice na si Reah.

The moment na may kakaibang naramdaman si Eunice pagpasok nya sa bahay, kinontak nya agad si Reah.

Isang pindot lang ang kailangan para maiparating kay Reah na kailangan sya nito.

Pagkatanggap ng mensahe, pasikretong pinasok ni Reah ang bahay. Agad nya itong pinaalam kay Edmund.

"Sir, huwag po kayong magalala ililigtas ko po si Ms. E!"

"Huwag! Huwag mo muna syang iligtas! Hayaan mo munang isipin nila na nagtagumpay sila!

Gusto kong malaman kung sino ang may lakas ng loob na kalabanin ako!"

Kaya hinayaan ni Reah na madala nila si Eunice sa hideout para malaman nya kung sino ang mastermind ng pagdukot.

Walang alam si Lemuel na alam na ni Edmund ang nangyari.

[Sir, kilala ko na po ang mastermind, si Lemuel Alvarez po!]

~ Reah.

Naginit agad ang ulo ni Edmund ng madinig ang pangalan ni Lemuel.

"Ang lakas ng loob ng matandang yun! Pero paano? Sinong tumutulong sa kanya?"

Batid nyang wala ng mapagkukunan ng pera si Lemuel kaya tyak nyang may tumutulong dito.

[Sir, meron pa po kayong dapat malaman! Dinukot din po nila si Lola Inday at si Brenda]

~ Reah

Naintindihan na ni Edmund.

'Si AJ ang target nya!'

[Reah, be sure na safe si Eunice.]

~Edmund

[Yes Sir!]

~Reah.

Pero pagkatapos ni Reah na magbigay ng mensahe kay Edmund may natanaw syang padating pero hindi ito pumasok, nagmasid lang.

'Teka, pamilyar sa akin ang babaeng yun ah!'

'Si Ms. Suarez?'

Napansin si Geraldine ng isa sa mga tauhan ni Lemuel na nagbabantay.

"Hoy anong ginagawa mo dito? At anong sinisilip silip mo dyan?"

Sabi ng bantay.

"Umalis ka na rito!"

Sabi pa ng isang bantay

"Teka, baka may nakita ang isang yan, magsumbong pa sa pulis, yari tayo!"

Bulong ng ikatlo sa mga kasama nya.

"Pasensya na, aalis na ako!"

Sabi ni Geraldine.

"Oops teka lang Miss Beautiful, hindi ka pwedeng umalis na lang basta basta."

Nilapitan nila si Geraldine, kinabahan ito.

"Teka, bakit kayo ganyan makatingin? Anong balak nyong gawin sa akin?"

"Wala naman tuturuan ka lang naman namin ng leksyon! Hehehe!"

"Hoy! Magsitigil nga kayo! Napansin ko lang naman ang Papa ko kaya ako sumisilip!"

"Pwede ba huwag ka ng magdahilan! Halika doon tayo at paligayahin mo kami!"

"Hindi ako nagbibiro! Anak ako ni Lemuel!"

Sigaw ni Geraldine na lubos na kinakabahan.

Inaasahan nyang titigil sa pagiisip ng kahuyapan ang mga ito pag nalaman nilang mag ama sila ni Lemuel.

Pero si Reah na nasa taas ng isang puno, hindi makapaniwala sa nadinig.

'ANO? Totoo ba 'to, tatay ni Ms. Suarez si Lemuel Alvarez?'