Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 347 - I Need To Find .... ME!

Chapter 347 - I Need To Find .... ME!

Lunes.

"Ate, did you know?"

Tanong ni Earl kay Eunice pag pasok ng office nito.

"Tungkol saan na naman yan Earl?"

Tinatamad na tanong nya sa bunsong kapatid.

Madalas itong magtungo sa office kapag may nasasagap na tsismis sa paligid.

Alam nyang paraan lang ito ng kapatid para kulitin sya.

Mas gusto kasi ni Earl sa loob ng office ng kapatid dahil maraming food, kaya alam ni Eunice na narito na naman ang kapatid para manghingi ng snacks nya.

"Tungkol kay Bro AJ! Nasa taas sya ngayon sa office ni Daddy to resign!"

"What?!"

Nagulat si Eunice.

"Totoo ba yang sinasabi mo o nagbibiro ka lang? Huwag mo akong umpisahan Earl, lunes na lunes!"

Pikon na sabi ni Eunice.

"Totoo Ate! Magkasabay kaming umakyat ni Daddy sa office nya at nadatnan namin duon si Bro AJ! Pinalabas ako ni Daddy but before I left I heard na andun sya para ibigay ang letter of resignation, yung dala ni AJ!"

Kinabahan si Eunice.

Kahapon hindi sila nagkausap gaano dahil sabi nya gusto nyang magbonding sila ng Lola Inday nya kaya hinayaan nya sila. Tapos ngayon ....

'Bakit? Anong dahilan?'

Kinukutuban sya.

Tumayo si Eunice at nagmamadaling umakyat sa office ni Edmund.

"Ate sama ko!"

Habol ni Earl.

"Huwag, dito ka lang, bantayan mo ang office ko!"

"Can I have some of your snacks?"

Maamong tupa na tanong ni Earl.

Tumango lang si Eunice. Nagmamadali sya, kailangan na nyang makaakyat sa taas, baka hindi nya maabutan si Milky Honey nya.

"Ms. E!"

Gulat na bati ni Janice sa kanya.

Andito pa rin ito, bilang secretary ni Edmund kaya si Eunice, pansamantalang walang assistant.

Tumango lang si Eunice bilang pag bati kay Janice at dumiretso na sa office ni Edmund.

Hindi sya pinigilan ni Janice, may idea na sya sa dahilan kung bakit napaakyat ito na hindi naman nya madalas gawin.

Pag bukas ni Eunice ng office, nagulat ang mga nasa loob at sabay na napatingin sa kanya.

"Milky, is it true?"

Agad na lumapit si Eunice kay AJ. Gusto nyang malaman ang totoo from his mouth.

'Lintek na batang ito, nasasanay ng hindi kumakatok! Babatukan ko na 'to sa susunod!'

Inis na sabi ng isip ni Edmund.

"Eunice, sitdown and calm down!"

Naupo si Eunice sa tabi ni AJ.

"AJ, I think you owe my daughter an explanation!"

Nasabi na ni AJ ang lahat at inexplain na rin nya kung bakit kailangan nyang mag resign. Pero sinong mag eexplain nito kay Eunice, alangan naman sya?

Minsan ng nasabi ni Edmund sa kanya na kapag nilapitan sya at kinausap ni Lemuel, sabihin nya agad sa kanya.

'Pero hindi ko naman sinabing mag resign sya!'

Huminga ng malalim si AJ.

Ang plan nya, umalis ng tahimik pero kaduwagan ang gagawin nya kaya hinarap nya si Edmund.

Naintindihan naman ni Edmund ang dahilan nya.

"Coffee, kailangan kong umalis pansamantala."

"Pero bakit? Anong dahilan?"

Mangiyak ngiyak na tanong ni Eunice.

"Last Saturday, pagkahatid ko sa'yo, nadatnan ko ang lolo ni Lemuel sa harap ng apartment ko."

"What? Bakit anong kailangan nya sa'yo?"

"He said something about his lost apo and he thinks that it's me!"

"WHAT???!!!"

Na shock si Eunice, hindi sya makapaniwala. Napatingin sya sa ama, naghahanap ng sagot, pero parehong question mark ang mukha nila. Pareho silang walang alam.

"Sorry Coffee ... Honey... Ayokong malayo sa'yo pero kailangan kong gawin ito! Kailangan kong makilala ang sarili ko, bagay na dapat nuon ko pa ginawa!

"I need to do this for myself, I need to find ME!"

Hindi na napigilan ni Eunice ang maiyak, maisip lang na hindi na malalayo ang mahal nya ay parang tinutusok ang puso nya.

Pero alam nyang kailangan gawin ng nobyo nya ito para maging buo ang pagkatao nya.

Tumango lang si Eunice dahil hindi nya kayang magsalita.

Inakap sya ng mahigpit ni AJ. Matagal. Hanggang sa maramdaman nitong kalmado na sya at hindi na umiiyak.

At ng alisin na ng binata ang pagkakayakap, naramdaman nya agad na may kulang. Ang init ng katawan ni AJ na bumabalot sa kanya kanina.

Hinalikan sya ni Eunice.

"I love you so much!"

Sabi ni Eunice.

"I love you too much!"

Sagot ni AJ.

At tumayo na ito, humarap kay Edmund, nagpasalamat at nagpaalam.

Pero bago sya umalis.

"AJ, hindi ko matatanggap ang resignation mo. Gawin mo ang gusto mo at bumalik dito, ano man ang matuklasan mo! Maliwanag!"

Umaliwalas ang pakiramdam ni AJ.

At least alam nyang may babalikan sya.

Puno ng lungkot ang paligid.

"Dad, paano po kung hindi nya magustuhan ang katotohanan sa sarili nya? Paano po kung yun ang dahilan at hindi na sya bumalik?"

'Yan din ang tanong ko kay Ames nuon, paano ko ba sasagutin ang anak ko ngayon?'

"Anak, dyan masusukat kung gaano katatag si AJ. Mahirap isipin na ang nakagisnan mong pagkatao ay hindi pala sa'yo at hiniram mo lang. Pero kung totoo man iyon o hindi, may halaga pa ba?

Natural lang na alamin natin ang nakaraan dahil ito ang maghuhubog sa ating pagkatao, but we shouldn't live with the past!

Sana, kung ano man ang maging resulta ng gagawin nyang paghahanap sa sarili nya, matutunan nyang tanggapin ito and move forward!"

"... and that goes to you too!"

"Opo Dad!"

Tumayo na ito para umalis.

'Tama si Daddy, kailangan kong lakasan ang loob ko! Mahal ko si Milky pero kailangan kong mag move forward!'

"Sige po Daddy!"

"Teka sandali Eunice!"

"Bakit po Daddy?"

"Pwede bang sa susunod, kumatok ka naman!"

Sabay hampas ni Edmund ng hawak nyang dokumento sa table.

PAK!

At kumaripas na ng takbo si Eunice pababa.