Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 348 - Kaya Pala!

Chapter 348 - Kaya Pala!

Pagkalabas ng office ni Eunice, ang unang ginawa ni Edmund ay tawagan si Ames.

Ito ang pinakamadaling paraan para malaman nya ang totoo pero sa kasamaang palad, hindi nya nakausap si Ames.

Hindi nya ito makontak at ng tingnan nya ang huling post nito sa socmed account nya ay 'Getting Ready!' and that is a month ago.

Knowing Ames, tyak nyang ang ibig sabihin ng 'Getting Ready!' ay magtatravel sya at kung saan, malamang kung saan nya pwedeng makita ang northern lights.

'But which country?'

Matagal ng sinasabi ni Ames sa kanya na guston nyang magtravel.

"Iiwan ko ang lahat dito sa Pinas at magtatravel ako!"

"Saan ka naman pupunta?"

"Not sure, Norway? Sweden? Iceland or Greenland? O baka sa Finland?"

"Ha? Bakit anlalamig naman ng lugar na pinili mo?"

"Gusto kong makita ang aurora borealis!"

"Ang northern lights? Talaga?"

"Bago namatay si Jethro, sabi nya dadalhin nya ako duon pati mga anak ko. Two weeks after his death, may tumawag sa kanya na isang travel agent, nuon ko lang nalaman pinaplano na pala ng asawa ko ang travel namin. Surprise pala nya ito sa amin ng mga anak nya ..... sayang hindi natuloy."

Malungkot na sabi ni Ames.

'Malamang kasama nya ang family nya pagpunta duon.'

Wala kasing sumasagot sa bahay nila sa Australia.

Hindi na sinubukan kontakin pa ni Edmund ang kaibigan, ayaw nyang maging sagabal sa bonding moments nila ng pamilya nya.

'Ngayon lang nagawang magpakasaya ni Ames. Good for her!'

'Marami pang paraan para malaman ko ang totoo!'

***

Sa baba, sa office ni Eunice.

"EARL??!!!"

Nanlilisik ang mga mata ni Eunice ng makita nya ang kapatid, hawak ang cake nya na nakalagay sa isang 'tin can'.

Namutla si Earl.

'Naman, bakit ang bilis nyang bumaba, hindi ko pa 'to natitikma?!'

"Hi Ate! Hehe!"

"Give me that!"

Sabay agaw ng cake sa mga kamay ni Earl.

"Ate, konti lang please, gusto ko lang syang matikman!"

Pagmamakaawa nya kay Eunice. Masarap talaga yung itsura ng cake ng mabuksan nya at tyak nyang masarap din ang lasa nito.

'Konti lang, kahit konti lang...'

Naglalaway na si Earl.

"NO!!!"

Sabay akap ng cake.

'Ito na lang ang huling cake na ginawa ni Milky ko para sa akin. Huhuhu! Miss na kita Milky Honey ko!'

Sabay akap ng mahigpit sa cake nya na parang baby.

"Ate naman, konti lang, hindi ko naman uubusin, titikman ko lang. Promise!"

"NO! N.! O.! .... NO!!!!

Pakialaman mo na lahat ng laman dyan sa snack drawer ko pero huwag na huwag ang cake ko!"

'Hmp! Anong konti lang? Pag natikman na nya ang cake ni Milky ko, tyak na hindi na nya ito titigilan.!'

Bigo si Earl kaya kinuha na lang nya lahat ng laman ng drawer at nagmamaktol na umalis.

Hindi sya pinigilan ni Eunice.

'Ginawa ni Milky ko 'to para sa 'kin, kaya akin lang 'to!'

Dahan dahan nyang binuksan ang tin can, at naiiyak sya habang pinagmamasdan ang cake. Nalilito sya, hindi nya alam ang gagawin.

'Juskolord ano pong dapat kong gawin? Gusto ko po syang tikman pero baka pag inumpisahan ko maubos ko sya agad!'

'Hindi! ... Hinding hindi ko sya titikman! Kailangan ko syang patagalin kahit ilang araw lang para hindi ko mamiss si Milky ko!'

'Waaaah! Milky ko miss na miss na kita!'

At hindi na nya nagawang pigilan ang sarili nya. Habang umaatungal, hindi nya namamalayang unti unti na pala nyang nilalantakan ang cake, hangang sa ....

"Waaaaaahhh! Milky Honey ko bumalik ka na dito! Naubos ko na ang cake mo! Waaaaaahhh!"

Sa may pinto, sinilip ni Earl, ang kapatid, baka sakaling masulyapan nya yung cake at makapingot kahit konti.

Narinig nya ang iyak ng Ate nya.

'Kaya pala ayaw mamigay, kay bayaw pala galing yung cake.'

*****

Samantala.

"Papa, nakipagkita po kayo kay AJ? Kelan po? At ano pong sabi nya sa inyo?"

Tanong ni Geraldine sa ama na kauuwi lang.

Noong biyernes pa ito wala at ngayon lang bumalik.

Masyado syang nagalala sa ama dahil matanda na ito bumabyahe pa ng magisa.

"Nagpakilala lang ako sa kanya, anak. Hindi nya kasi ako kilala. Hindi na ako umuwi dahil masyado ng gabi, mahirap magbyahe. Kaya nagtungo na lang ako sa isang tropa ko na malapit duon."

Sagot ng ama nito.

"Ibig pong sabihin nagtagumpay po kayo? Nakausap nyo po si AJ? Ano pong sabi nya?"

Excited na tanong ni Geraldine.

"Syempre, hindi makapaniwala! Kaya hinayaan ko na muna. Pero pasasaan ba at matatanggap na rin nya na sya ang nawawala kong apo na si Allan!"

Tuwang tuwa si Geraldine, finally, hindi na malulungkot ang Papa nya.

Lagi kasi itong umiiyak at binabanggit ang tungkol sa nawawala nyang apo kapag naguusap sila.

"Sa susunod po Papa, sabihin nyo po sa akin kung nasaan kayo at susunduin ko po kayo kahit saan pa yan!"

"Naku itong batang ito, masyadong nagaalala! Malakas pa kaya itong Papa mo! Saka kasi napasarap lang naman kami ng kwentuhan ng mga tropa ko. Kailangan ko din ng good time paminsan minsan! Hehe!"

"Eh kasi naman po Papa hindi man lang po kayo tumawag! Natakot po ako baka ...."

"Huwag ka ng magalalala anak ko, nadito na ako, hinding hindi na ako aalis sa buhay mo! Pangako!"

Nangiti si Geraldine kahit na ramdam nyang hindi totoo ang sinabi ng ama.

Ito lang ang nais nyang marinig, ang hindi sya nito iiwan kahit hindi nya nararamdaman na mula sa puso ang pagkakasabi ng ama, okey lang.

Ngayon lang nya naramdaman ang magkaroon ng isang ama, kaya gagawin nya ang lahat mapanatili lang nya ito sa piling nya.

Related Books

Popular novel hashtag