Masayang masaya si AJ ng bumaba ng sasakyan. Nakangiti nitong binabasa ang huling mensahe ng nobya.
Pasipol sipol pa ito habang patungo sa front door habang sinasagot si Eunice.
"Ehem!"
"AJ!"
Tawag ng isang lalaki na ikinabigla ni AJ.
Nilingon nya ang pinagmulan ng tinig at nagulat sya ng makilala nya kung sino ito.
'Paano nya nalaman kung saan ako nakatira?'
Siguro ay matagal na nya akong sinusundan?'
At nainis si AJ sa sarili ng maisip na may stalker na pala sya, hindi man lang nya namamalayan.
"Bakit po? Ano pong kailangan nyo sa akin?"
Tanong ni AJ.
"Gusto lang kitang makausap. Gusto kong magpakilala sa'yo."
Nakangiting sabi ni Lemuel.
"Pasensya na po pero, malalim na po ang gabi at napagod po ako sa buong maghapon kaya gusto ko na pong magpahinga. Saka .... kilala ko na po kayo, kayo po ang lolo ni Jeremy!
Sige po!"
At tumalikod na ito, tanda na ayaw nyang makipagusap.
Pero sadyang makulit si Lemuel, hindi ito titigil hangga't hindi nya nagagawa ang pakay nya.
"Tama ka iho, ako nga ang lolo ni Jeremy pero kaya ako naparito para sabihing ... ako rin ang lolo mo!"
Napatigil sa paghakbang si AJ ng madinig ang mga sinabi ni Lemuel.
'Anong pinagsasabi nya?'
Natuwa naman si Lemuel, nakuha na nya ang atensyon ni AJ, nagkaroon sya ng pagkakataon.
"Tama ang nadinig mo apo ko, ako ang lolo mo at ikaw si Allan ang anak ni Ames na nawala nuon!"
Hindi naniniwala si AJ sa sinabi ng matanda.
"AJ apo, kailangan nating magusap!"
Kailangan nilang magusap para maipaliwanag nya kay AJ kung paano nangyari na sya ang nawawala nyang apo kaya lumapit sya dito.
Pero ...
"Hindi! Wala po tayong dapat pagusapan! At nagkakamali po kayo, hindi po Allan ang pangalan ko at patay na pong pareho ang mga lolo ko! Kaya pwede po ba, umalis na po kayo dahil kung hindi ay tatawag na ko sa baranggay!"
Sabi ni AJ na hindi man lang hinarap si Lemuel.
Tapos ay hindi na nito pinansin ang matanda dumiretso na sa pinto para buksan ito.
Inaasahan na ni Lemuel ang reaction ni AJ pero hindi nya inaasahang paalisin sya nito ng hindi man lang pinakikinggan ang paliwanag nya.
Kaya wala syang choice. Kailangang malaman ni AJ ang nangyari.
"AJ apo, makinig ka! Nawala ka nun, kinidnap ka tapos nalaman na lang namin na ibinenta ka sa isang mayaman! Ikaw si Allan apo ko, ikaw ang pinalit sa sakiting anak nila Jaja nuon!"
Pero hindi na sya pinansin ni AJ, nagmamadali na nitong binuksan ang pinto.
"Umalis na kayo at huwag na huwag na kayong babalik dito!"
Sabay sara ng pinto.
Ayaw nyang maging bastos, lalo na sa matanda pero...
'Sobra na ang matandang yun! Gagawin nya talaga ang lahat makapasok lang sa Perdigoñez!'
"Kahit anong gawin mo, hindi mo matataksan ANG KATOTOHANAN!
Ang katotohanang, ikaw ang apo kong si Allan ang nawawalang anak ni Ames, at ako ang Lolo mo!"
Paliwanag ni Lemuel. Nilakasan pa nito ang boses nya kaya marami ng kapitbahay ang nakarinig.
Tumawag na ng tanod si AJ.
"Lolo, gabi na ho, nirereklamo na ho ang ingay nyo! Taga saan ba kayo at ihahatid na namin kayo?"
"Ako ang lolo ni AJ, gusto ko lang syang makausap!"
"Ho? Abay lolo, baka nagkakamali ho kayo! Kilala ho namin ang batang yan at alam ho namin na pareho na hong patay ang mga lolo ni AJ!"
"Baka ulyanin na yang matanda?"
"Buti pa ho lolo tara na at dumarami na ang naiistorbo nyo!"
Naguumpisa ng magbukasan ang mga ilaw ng kapitbahay kaya sapilitan na nilang binitbit ang matanda para dalhin sa baranggay.
'Hindi pa tayo tapos magusap apo ko, huwag kang magalala babalik ako at sa pagbabalik ko, maguusap tayo ng masinsinan sa ayaw at sa gusto mo!'
Nangisi na lang ito at sumama sa mga tanod.
Sa loob ng bahay.
Kanina nadidinig ni AJ ang mga message ni Eunice pero hindi nya ito matingnan.
Napupuno ng poot ang buo nyang pagkatao, gusto nyang isumpa ang matandang yun.
'Bakit ganun, bakit sya dumating sa oras na maganda na ang lahat sa amin?'
'Konti na lang at handa na akong magpropose kay Coffee pero nasira dahil sa bwisit na matandang yun!'
Gigil na gigil sa galit si AJ.
Sa tagal na hindi pagsagot ni AJ sa mga message ni Eunice, nagalala na ang kasintahan nya at tinawagan na sya.
'Hindi! Hindi maari ito. Hindi pwedeng malaman ni Coffee.'
Inayos nya ang sarili at saka sinagot si Eunice. Alam nyang nagaalala na ito kaya tumawag na.
"Hello Coffee? Bakit na miss mo na ba ako?"
"Haay salamat Milky! Nagaalala ako hindi ka sumasagot sa mga text ko, hindi ko tuloy alam kung nasa bahay ka na o nasa daan pa!"
Oonga pala, hindi nga pala nya na send ang huling message nya dahil sa biglang paglitaw ni Lemuel.
"Pasensya na meron kasing makulit na bangaw, pinaalis ko muna!"
Bangaw? Gabi na ah!
Pero hindi na sinabi ni Eunice ang nasa isip nya. Malalaman din naman nya ang ibig sabihin ng sinabi ni AJ ngayon sa susunod nilang pagkikita.
"Sige Milky Honey ko, goodnight na at sleepy na me! Pinagod mo kasi ako eh! Pero nag enjoy ako!"
Nag blush pa si Eunice ng maalala ang nangyari sa sinehan at hindi nya napansing, napahawak sya sa may dibdib nya ng maalala iyon at namula.
"Sige Coffee ko, good night and sweet dreams!"
"Love you much Milky ko!"
"Love you too much Coffee ko!"
Pagkababa ng phone, hindi na napigilang maluha ni AJ.
"Pasensya na Coffee ko, pero kailangang may gawin ako! Hindi ko hahayaang masira TAYO ng matandang yun!"