Pagkatapos ng ingay na ginawa ni Miles, eto na naman sya ngayon sa harapan ng NicEd building.
Pero sa pagkakataong ito hindi na sya nagpumilit makapasok.
Nasa isang coffee shop sya at naghihintay ng magandang pagkakataon na makausap si AJ ng sarilinan.
Galit ang Uncle Raymond nya sa kanya ng malamang nagsisinungaling sya at mas lalong tumindi ang galit nito ng malamang wala man lang plano itong linisin ang ginawa nyang ingay.
'Huli na sa akto hindi pa rin umaamin at patuloy pa ring idinidiin si Ms. Eunice.'
Hindi ito maintindihan ni Raymond.
Walang pakialam si Miles kung nakasakit sya o nakasira ng reputasyon. Ang tangi lang nyang iniisip ay ang sarili nya.
Hindi akalain ni Raymond na ganito kasama ang ugali ng pamangkin.
'Paano ba ito pinalaki ng mga magulang nya? Hindi man lang nya alam na nagdudulot ng kahihiyan ang pinag gagawa nya!'
"Mula ngayon huwag na huwag mo na akong tatawagan! Maliwanag!"
Sabi ni Raymond sa kanya.
"E, di 'wag!"
Mataray na sagot nito na parang pinakikita pa ang kagaspangan ng ugali nya.
Ngayong hindi na nya mapapakinabangan pa ang uncle nya, bakit pa sya magbabait baitan sa harapan ng uncle nya?
Ngunit kailangan pa rin nyang makakuha ng ads time sa 2lips company. Kailangan nyang makakuha ng magandang deal para matahimik ang mga shareholders ng Front Company na pinagiinitan sya.
Kung hindi lang magaling itong si Miles sa pagkuha ng deal, malamang napalayas na sya ng maaga sa Front Agency lalo na't wala duon ang may ari, wala syang magagawa kung iutos ng asawa ng may ari na paalisin sya.
Pero ipinangako ni Miles ang malaking deal na tinatrabaho nya kaya papaano nila sya matatanggal kung alam nilang malalagay sa alanganin ang kompanya kapag pinaalis sya? Si Miles pa naman ang nagpapasok ng malalaking deal sa kompanya at pag malaki ang deal, malaki din ang papasok na pera.
Ito ang dahilan kaya malakas ang loob ni Miles, alam nyang mga ganid sa pera ang mga shareholders at ang alam lang gawin ay humilata at magreklamo.
Kaya eto sya, muling gumagawa ng paraan para makakuha ng deal sa 2lips kahit na alam ng lahat na imposible ito dahil si Eunice ang president ng 2lips na magpahanggang ngayon hindi pa nya alam. Nakalimutan atang banggitin ng uncle nya.
Sa di kalayuan sa inuupuan nya, may isang babae na katulad din nya, itinaboy palabas at hindi na maaring makapasok sa NicEd dahil blacklisted rin.
Si Geraldine Suarez.
At kagaya rin ni Miles may iniintay rin sya.
Si AJ.
Pareho silang napatayo ng makitang bumababa si AJ ng kotse nya ngunit napahinto ng makitang pinagbubuksan ng pinto si Eunice.
Sabay silang napabuntung hininga at parehong nagulat sa ginawa ng bawat isa.
'Pareho ba kami ng inaantay?'
Tanong ng mga isip nila.
Lingid sa kaalaman ng dalawa, batid ni Eunice na nakamasid sila. Tumingin pa ito sa direksyon nila.
'Madaming asungot!'
"Milky Honey, sa taas na tayo mag breakfast. Ako na ang oorder!"
"Yes Coffee ko!"
*****
Ilang araw na ang nakalipas hindi pa rin nila nagawang malapitan si AJ.
"Ilang araw na kitang napapansin, anong kailangan mo kay AJ?
Tanong ni Geraldine kay Miles.
Hindi na ito nakatiis kaya sya na ang lumapit.
"Business! E, ikaw, anong kailangan mo sa kanya?"
Bawing tanong ni Miles.
"Personal! Kung ano man yun, huwag mo ng itanong dahil hindi ko rin naman sasabihin sa'yo!"
Magkaiba ang dahilan nila pero iisa lang tao ang pakay nila.
"Wala akong pakialam sa personal matters mo, purely business lang ang kailangan ko kay AJ!"
Sabi ni Miles.
'Purely business, sinong niloko nito? Baka monkey business!"
Sabi ng isip ni Geraldine.
'Yang tanda nyang yan may gusto pa rin sya kay AJ? Yuck di na nahiya!'
Sabi ng isip ni Miles.
"Kung gusto mo, bakit hindi tayo magtulungan?"
Sabi ni Geraldine.
"Deal!"
Sagot ni Miles.
*****
Simula ng magkasundo ang dalawa, madali na nilang nasundan si AJ.
Nasa TAMBAYAN restaurant sila ngayon at pinagmamasdan ang buong restaurant.
"Wow, hindi ko akalaing kay AJ ito!"
"Sigurado ka ba na kay AJ ito?"
"Oonga, ang kulit mo! Yun ang sabi nung waiter, Sir AJ ang tawag nya!"
Naupo sila at umorder.
"Andito raw ba sya?"
"Oo daw sa office!"
Nangiti ang dalawa.
"Finally, magkakaroon na ng magandang resulta ang pagod natin! Hehe!"
Sa di kalayuan, nakilala si Miles ng isang restaurant receptionist.
'Diba si Miles yun?'
'Ano kayang ginagawa nya dito?'
Hindi sya mapalagay kaya nagtungo sya sa taas para sabihin kay AJ.
"Mga Mam, mga Sir, pasensya na po, pero Sir AJ may gusto lang po akong sabihin!"
"Oh, Daisy, ikaw pala! Ano yun?"
Napatingin lang ang tatlo sa kanya at bumalik na ulit sa ginagawa.
"Sir si Miles po nandyan!"
Napatingin ulit ang tatlo kay Daisy.
"Sinong Miles?"
Tanong ni Mel.
"Si Maria Leonilda Bernardino po, Miles for short!"
Napatingin sila Mel at Kate kay Eunice.
Maya maya isang waiter naman ang dumating.
"Excuse me po! Sir AJ, may mga guest pong gusto kayong makausap!"
"Sino raw sila at anong kailangan nila?"
"Friends nyo raw po at gusto kayong icongratulate sa success daw po ng restaurant!"
"Sana sinabi mong busy si Sir AJ, baka magpapalibre lang yan?"
Sabat ni Daisy.
"Eh, ang kulit e! Ayaw akong tigilan!"
Sagot ng waiter.
"Ayaw kang tigilan o inabutan ka ng pera?"
"Hindi ah! Sir hindi ko po inabot, pilit po nilang nilalagay sa bulsa ko! Promise po, totoo po yun!"
Nagbibiro lang si Daisy pero namula ang waiter.
"Sino ba yung mga yun, Ano bang table?"
Tanong ni AJ. Gusto nyang tanawin mula sa taas bago sya bumaba.
Sir, sa table 15 po!"
"OMG! Table yun ni Miles at ng kasama nya!"
Bulalas ni Daisy.