Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 341 - Tama, Ikaw Nga!

Chapter 341 - Tama, Ikaw Nga!

Tahimik lang si Eunice, parang walang narinig. Busy sya sa ginagawa nya. Walang bahid ng kahit ano ang mukha nya kahit alam nyang tinitingnan sya nila Mel at Kate, nakikiramdam.

At si AJ, yamot na yamot na sya!

"Sir, ano pong sasabihin ko?"

Tanong ng waiter.

"Wala! Bumalik ka na sa trabaho mo at huwag mo na ulit silang lalapitan!

At tandaan mo, sa susunod, huwag mong basta basta ipapaalam kahit na kanino na nandito kami, kahit magkano pa ang isuhol nila sa iyo! Maliwanag!"

Utos ni Mel. Galit ito.

"Opo Sir."

Napahiya ang waiter, natataranta tuloy itong umalis.

"Daisy, pwede bang ikaw na ang humarap sa kanila, at bahala ka na ring magdahilan, basta ayaw ko silang makaharap!"

Sabi ni AJ kay Daisy.

Ayaw nyang babain ang dalawa. Ayaw nyang bigyan ang mga ito ng kahit na katiting na atensyon.

Baka pag hinarap nya ang mga ito, biglang magkaroon ng kwento. Magagaling pa naman magtahi ng kwento si Miles.

"Yes, Sir! Masusunod!"

Agad na tumalima si Daisy.

Nakangiti itong bumaba para gawin ang inuutos ni AJ.

Pagkatapos ng lahat ng naitulong ni AJ sa kanya, hindi sya mangingiming sundin ang kahit anong utos nya.

Pero hindi lang si Daisy ang napangiti, pati si Eunice napangiti ng kaunti pero inalis nya agad.

Ayaw nyang mapansin nilang nangiti ito sa desisyon ni AJ.

Minsan nasabi sa kanya ng Daddy nya, kailangan matutunan ni AJ maging matapang at matatag, lalo na sa mga taong mapagsamantala. Baka gamitin lang sya kapag naging mahina sya! Alalahanin mo, isa kang Perdigoñez, at marami ang mga taong gustong sumabit sa pangalan natin. Kaya kailangan din itong maintindihan ni AJ!"

Ito ang dahilan kaya tahimik lang si Eunice, ayaw nyang makialam sa mga desisyon ni AJ.

Kaya sya nangingiti.

She knows na sa lahat ng desisyon ni Milky, lagi nyang inuuna ang kapakanan niya.

'Gusto ko syang bigyang ng kiss, pero ... mamaya na lang! Hehe!'

Pagkaalis ni Daisy, hindi na naitago ni AJ ang inis nya.

"Bakit ba ako ang pinupuntirya nila ngayon, wala naman akong kinalalaman sa kanila?"

"It's because they find you vulnerable kaya gusto ka nilang lapitan. Feeling siguro nila madali kang utuin! Ikaw na ngayon ang nakikita nilang way para makapasok muli sa NicEd.

Sagot ni Kate.

"Masyado ka kasing mabait at napaka gentleman AJ Dude! Wala namang masama maging ganyan, kaya lang di ba dapat naglalagay ka ng boundaries or else ang mga mahal mo sa buhay ang masasaktan!"

"Tama si Melabs, AJ, pag hindi mo ipinakita sa kanila that they are nobody to you, baka sagpangin ka ng mga yan, lalo na si Miles! Siguro naman kilala mo na si Miles."

Naikuwento na nila kay AJ ang lahat ng ginawa ni Miles hindi lang kay Eunice pati sa kanilang dalawa.

"Saka AJ kapag nagpa sagpang ka kay Miles, tsk tsk tsk! Malamang katapusan na ng relasyon nyo ni Coffee mo! Dahil natitiyak ko sa 'yong iiwan ka ni Eunie!

Ayaw ng pinsan ko sa boyfriend na tumitingin pa rin sa ibang babae maliban sa kanya! Kaya ako pinili ko si Melabs, sure ako hindi ako ipagpapalit sa babae nyan!"

"Kate MyLabs, wala akong kahilig hilig sa mga babae, kaya nga kita nagustuhan eh, siga ka kasi! Hehe!"

"Ah, ganon!"

Sabay sagpang sa mga labi ni Mel.

Nawala ang yamot ni AJ ng makitang naghahalikan ang dalawa.

'Ito talagang dalawang 'to, nakalimutan na namang nandito kami ni Coffee!'

Sabay tingin nya Eunice na nakatingin sa ginagawa pero parang natulala naman. At nakangiti pa ito.

'Ano na naman kayang iniisip nya? Iniisip kaya nya ako?'

Napatingin sa kanya si Eunice at nanlaki ang mga nito.

"Oh, bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"

Nako conscious na tanong ni Eunice.

"Wala naman, gusto rin ng kiss!"

Sabay lapit sa mukha ni Eunice na nakanguso na.

Namula si Eunice.

Pero nawala rin ito ng lumapat na ang mga labi ni AJ sa labi nya.

Sandali lang iyon pero masayang masaya ang mga puso nila.

*****

"Ehem!"

"Excuse mo po mga Mam, kamusta po ang food?"

Tanong ni Daisy kila Miles at Geraldine.

"Masarap, grabe mapapabalik ako dito! Diba Geraldine?"

"Oo naman, saka ipagsasabi ko ito sa mga clients ko para dito na rin kumain o di kaya makipag meet sa client, maganda rin kasi ang ambience!"

"E, yung food po ba kamusta po?"

Tanong ulit ni Daisy.

"Superb!"

"Thumbs up!"

"Mam, kung okey lang po sa inyo, meron po kasi kaming mga questionnaire, lamnyo na para po ma improve pa namin ang restaurant. Pwede po ba namin kayong pasagutin sa survey?"

Muling tanong ni Daisy.

"Sure, sure, sure!"

"Actually, perfect na sya, wala na kayong kailangan iimprove! Hehe!"

"Paki sulat na rin po ang mga comments nyo! Salamat po!"

Masaya namang sinulatan ng dalawa ang survey form at ng matapos ay ibinalik kay Daisy.

"Miss, syanga pala, si AJ ba hindi pa bababa dito?"

Tanong ni Geraldine.

"Sino po?"

"Si AJ, yung may ari nitong restaurant! Kasi kanina sabi nung waiter nandyan daw at ipapaalam daw nya na narito kami, pero hindi na bumalik yung waiter."

"Eh, Mam ano nga pong name nyo?"

"Ako si Geraldine, tita nya ako at ito naman si Miles kaibigan nya. Pwede bang pakitawag naman si AJ, please!"

"Sandali lang po Mam!"

Nagtungo si Daisy sa reception para kunwaring tinatawagan si AJ.

"Alam mo, mukhang pamilyar sa akin ang babaeng iyon. Parang nakita ko na pero hindi ko lang maalala kung saan!"

Bulong ni Miles kay Geraldine.

Maya maya bumalik na si Daisy.

"Eh, Mam, pasensya na po pero pinasasabi po ni Sir AJ na wala daw po syang tita na Geraldine ang pangalan at wala din daw syang kaibigan na Miles ang pangalan kaya hindi daw nya kayo mabababa."

"Alam ko na! Nakikilala na kita! Tama ikaw nga!"

Bulalas ni Miles kay Daisy.

"Ikaw yung katabi ng machubang Eunice na yun sa lobby ng NicEd di ba?!"