"Pero Sir ...."
Ano bang iniisip mo at parang nag aalinlangan ka dyan?"
"Kasi po Sir, ayaw ko po sanang magkaroon ng anumang kinalalaman kay Miles baka po kasi ... magselos si Coffee!"
"Hahahaha!"
Hindi inaasahan ni AJ ang reaction ni Edmund.
"Ang anak ko, magseselos? Kay Miles? Hahaha! Mukhang hindi mo pa kilala si Eunice ko!
Hindi pagaaksayahan ni Eunice ng time ang isang tulad lang ni Miles! Saka hindi ko sinabing lapitan mo si Miles!"
"Sir bakit po parang inis si Coffee kay Miles?"
"Yun ba ang palagay mo?"
"Napansin ko lang po ang mga matatalim nyang tingin kanina ng magkita sila ni Miles!"
"Eh, si Miles, nakita mo rin ba kung paano nya tingnan si Eunice?"
"Sorry po pero hindi ko po sya tinitingnan."
"AJ, do you trust my daughter with all your heart?"
"Yes Sir, I do!"
"So you think basta na lang magagalit si Eunice kay Miles dahil lang sa nagseselos sya?
Napanood mo na ang nag viral na video ni Miles diba? Siguro naman may idea ka na what kind of person Miles is?"
Lumabas si AJ ng office ni Edmund na sumasakit na ang ulo sa assignment na ibinigay sa kanya.
Ang gusto ni Edmund gawin nya ito ng tahimik, yung walang makakaalam na sya ang kumikilos at isa pang gusto ni Edmund, huwag paabutin ito ng bukas.
'Jusko naman, ano bang gagawin ko?'
Pag hindi ko ito ginawa ng tama si Coffee ko ang tyak na mapapahamak!'
Pero sumunod pa rin si AJ kahit na wala naman syang alam sa pag ayos ng gusot gaya nito dahil hindi naman sa PR department ang work nya kundi sa engineering. Kahit pa wala rin syang resources na magagamit.
Ang tanging nasa isip lang nya ay hindi nya hahayaang mapahamak si Coffee. Hindi nya ito hahayaang masaktan, kaya gagawin nya ang lahat para maayos ang gusot na ito.
*****
6:00 pm.
[Huwag po kayong maniwala sa sinasabi ni Ms. Maria Leonilda Bernardino, ang president daw ng Front Agency, dahil wala pong katotohanan ang mga paratang ng Miles na yan!
Magkalapit po kami ni Ms. Eunice kahapon, dahil aksidente ko pong natapon ang kapeng hawak nya, hindi naman po sya nagalit sa akin. Pero bigla pong dumating si Ms. Miles na akala mo kung sino kung umasta! Sinigawan nya kami at sinabing "Alis dyan! Magsitabi kayo!" pero ang laki laki naman ng space sa lobby ng NicEd! Kasya pa nga ang trak! Kaya hindi ko po maintindihan kung bakit nya kami pinaalis!
Tapos ng tanungin ko bakit nya kami pinaaalis eh ang laki pa ng space na daraanan, ang sagot nya sa amin, nakahara raw kami sa daraanan nya at mga basura raw kami na pakalat kalat! Itinulak nya si Ms. Eunice na muntik ng ikahulog nito sa floor buti na lang nasalo ko!
Kaya hindi po totoong lahat ang pinagsasabi ng Miles na yan!]
Ito ang statement na inilabas ni Daisy bilang sagot sa mga sinabi ni Miles.
Nagkagulo ang mga ususero at ususera sa internet. Lalo na yung mga humusga kay Eunice.
"At bakit naman kami maniniwala sa'yo, may patunay ka ba sa mga pinagsasabi mo?"
Sabi ng mga humusga kay Eunice na tila napahiya sa post ni Daisy.
Sinagot naman ni Daisy ang tanong nila.
[Kung ebidensya ang gusto nyo, may security camera ang paligid ng lobby na magpapatunay sa totoong nangyari! Saka, bakit ako hinihingan nyo ng ebidensya, e si Miles, hiningan nyo ba ng ebidensya sa mga sinasabi nya?]
"Oonga naman may katwiran sya! Naniwala tayo agad sa pinagsasabi ng Miles na yun kahit na wala naman tayong ebidensya! So ano nga naman ang dahilan para hindi natin sya paniwalaan?"
"Well, sabi nya, president daw ng Front Agency si Miles, bakit naman sya nagsisinungaling, kung makakasira ito ng company nya?"
Maya maya nagbigay na rin ng pahayag ang Front Agency.
[Hindi po totoong presidente ng Front Agency si Ms. Maria Leonilda Bernardino. Isa po syang assistant ng president at may ari ng Front Agency at ako po ang asawa ng may ari.
Nasa malubhang kalagayan po ang asawa ko at inihabin lang pansamantala ang kompanya kay Miles dahil nagpapagaling pa ito.
Ang asawa ko pa rin po ang president ng company at wala pong kinalalaman ang Front Agency sa mga pinaggagawa ni Miles.]
Muling nagkagulo ang mga ususero at ususera sa internet at ang lahat ng mga galit at humuhusga kay Eunice ay kay Miles na ngayon naiinis.
Dahil sa post ni Daisy, luminaw na ang lahat at unti unti ng nawawala ang usap usapan.
Nagtagumpay si AJ na magawa ang assignment nya.
At si Raymond Rios, nanggagalaiti sa galit.
Buo ang tiwala nya na nasa tama ang pamangkin nya na si Miles ang biktima. Lahat ng sinabi nito pinaniwalaan nya at ramdam nyang may kinalalaman si Edmund sa lahat ng ito.
Galit na galit sya sa pangaaping ginawa ng NicEd sa pamangkin nya, hindi nya ito matatanggap.
Awang awa sya sa pobre nyang pamangkin na biktima ng kalupitan ni Edmund. Pakiramdam tuloy nya, pati sya inaapi din ng kompanya.
'Ang tagal kong nagtrabaho dito, tapos ganito lang ang mapapala ko?'
Kung wala rin lang naman silang pakialam sa isang katulad ko, ano pang dahilan para mag stay ako dito?'
Handa na sana nyang isubmit ang resignation nya ng mabasa ang post ni Daisy.
Syempre hindi sya naniwala pero ng mabanggit ni Daisy ang Security camera...
Tumayo sya at nagmamadaling bumaba sa CCTV room.
Hindi nya alam kung bakit pero somewhere in his mind, may nagsasabing hindi totoo ang lahat ng ito.
Ito siguro ang makakasagot sa mga agam agam sa puso nya.
Sa CCTV room.
Sa tulong ng isang kaibigang head ng HR department, nakakuha sya ng access para maipakita sa kanya ang video.
Hindi maintindihan ni Raymond ang mararamdaman habang pinanonood ang nangyari kahapon ng umaga.
Kahit na wala itong sound, kitang kita pa rin sa video ang nangyari.
'Totoo nga ang sinasabi nung Daisy!'
'Walanghiya ka Miles, nagsinungaling ka sa akin!'
'Muntik na akong magresign dahil naniwala ako sa'yo!'
Galit na galit ito sa pamangkin pero nakaramdam din sya ng tuwa ng marealize nyang mali pala ang iniisip nya sa kompanya lalo na kay Edmund.
'Kung tutuusin, madali itong maayos ni Sir Edmund. Ilalabas nya lang ang video na 'to maayos na ang lahat, pero hindi, hindi nya ginawa kahit na, involve dito ang anak nya!'
Dahil sa ginawa ni Edmund, lumaki ang respeto ni Raymond sa kanya at nangakong ibibigay nya ang buong puso sa kompanya.
At si Miles...