Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 338 - HINDI TAYO CLOSE!

Chapter 338 - HINDI TAYO CLOSE!

"Edmund, darling .... "

May lambing na tawag ni Geraldine kay Edmund.

Ubod ng tamis ng pagkakangiti nito na parang inaakit sya.

Kinilabutan si Edmund.

'Masyado na ba akong nagiging mabait kaya feeling nya close kami?'

Nailang naman ang dalawa na si Dave at AJ, hindi nila matingnan si Edmund kaya lingon sa kaliwa, lingon sa kanan, pati sa taas ang ginawa ng dalawa, samantalang si Janice ay para namang isang tigre, hindi maalis ang tingin kay Ms. Suarez, pinagmamasdan ang bawat kilos nya.

Nangiti naman si Geraldine, mukhang nakuha na nya ang atensyon ni Edmund.

"Edmund darling, can you please tell them to get out. May napaka halagang bagay akong kailangan sabihin sa'yo!"

Dahan dahan itong lumapit kay Edmund pero biglang humarang ulit si Janice sa harap nya.

'Hindi ko pwedeng hayaan syang makalapit kay Sir Edmund! Ito ang bilin sa akin ni Ms. E!'

"Sorry Mam, pero lampas na po kayo sa linya, hanggang duon lang po ang linya ng mga bisita!

Wala na nga po kayong appointment nag oover the line pa po kayo!"

Sabi ni Janice.

"Ano bang ginagawa mo bastos ka?! Hindi mo ba nakikitang naguusap kami ni Edmund!"

Galit na singhal nya kay Janice tapos ay tiningnan si Edmund.

"Edmund darling, tingnan mo, tingnan mo kung gaano kabastos ang secretary mong ipinalit kay Mina?! Asan ba kasi si Mina at bakit kukuha ka lang ng kapalit ito ganitong klase pa ang ipinalit mo? Walang modo!"

Sumbong ni Geraldine kay Edmund.

"Tama na yan!"

Sabi ni Edmund na hindi man lang tinitingnan si Geraldine.

Natuwa naman si Geraldine at sinuway ni Edmund si Janice.

"Narinig mo? Umalis ka na raw dyan kung ayaw mong masisante! Alis!"

Sabi ni Geraldine kay Janice na may halong yabang at pangiinis.

'Sabi ko na hindi ako matitiis ni Edmund! Hehe!'

"Pasensya na po Mam pero wala po akong narinig na sinabi ni Sir Edmund na umalis ako sa harapan nyo, kaya hindi po ako aalis!"

Sagot ni Janice.

"EDMUND??!!!"

Nanggigigil na sa inis si Geraldine kaya napasigaw na sya.

"SHUT UP!!!"

PAK!

Galit na hinampas ni Edmund ng hawak nyang dokumento ang mesa na ikinagulat ng lahat.

"Ayan pinatitigil ka na! Buti nga sa'yo!"

Nangiinis na sabi ni Geraldine kay Janice.

"Ikaw ang sinasabihan ko to SHUT UP, Ms. Suarez!"

"A-Ako?"

Nagtatakang tanong ni Geraldine.

Tumayo si Edmund.

"First of all Ms. Suarez, HINDI TAYO CLOSE, so who gave you the right to call me by my first name? You don't have the right at mas lalong wala kang karapatang tawagin akong darling! Naintindihan mo!

Second, your not a part of this company kaya huwag mong gawing park ito na pwede kang magpunta anytime you want!

Third, my people are not your people! Hindi ikaw ang nagpapasweldo sa kanila kaya wala kang karapatang utusan at sigawan sila!

And lastly get out of my face! Ayoko ng makikita ang pagmukuha mo, near me or near my company!"

Hindi makapaniwala si Geraldine, gusto nyang lapitan si Edmund pero nakaharang pa rin si Janice.

"Pero Edmund ano bang nagawa ko?"

"Hindi ka ba nakakaintindi? Ang sabi ko, huwag mo akong tawagin sa pangalan ko, kinikilabutan ako! Sa susunod na madinig ko pang tawagin mo ako sa pangalan ko, puputulin ko yang dila mo! Huwag mo akong subukan Ms. Suarez! UMAYOS KA!!!"

Nanlilisik ang mga mata ni Edmund, feeling ni Geraldine mukha syang papatay ng tao sa itsura nya.

Ngayon lang nya nakita ng ganito si Edmund. Natatakot sya.

"Ed.... I mean, Mr. Perdigoñez, pasensya na, pero mahalaga talaga ang pinunta ko dito. May nag hack ng company ko and I need your help!"

Takot na takot si Geraldine.

Pero walang pakialam si Edmund. Hindi naman nya kliyente ang company ni Ms. Suarez kaya anong pakialam nya kung ma hack ito?

"Dave, ano pang hinihintay mo, tumawag ka ng security! Much better tawagin mo na lang ang mga bodyguard ko at tanggalin ninyo ang kalat na 'to sa opisina ko!"

Sabay turo kay Geraldine.

Parang wala itong narinig sa sinabi ni Geraldine dahil pagkatapos magutos ay naupo na ito at muling bumalik sa ginagawa nya.

Natataranta si Geraldine lalo na ng magsipasok ang dalawa sa bodyguard ni Edmund at bitbitin sya.

"Teka, teka lang! Mr. Perdigoñez, please, listen to me, kahit sandali lang!"

Pero hindi narinig ni Edmund ang huling sinabi ni Geraldine dahil bitbit na ito ng mga bodyguard sa elevator na nagpupumiglas pa rin.

"Dave alam mo na ang gagawin!"

Sabi ni Edmund.

Kanina, bago pumasok si Geraldine, may iniuutos na ito kay Dave.

Tipunin ang lahat ng spy ni Geraldine at ibigay ang huling sweldo. Kilala na nya ang mga ito.

"Okey, ako ng bahala!"

Sabay tingin kay Janice.

"Good job, little girl! Akong bahala sa lunch mo! Halika na! Hahaha!"

Nakangiting sabi ni Dave kay Janice.

'Little girl?'

'Grabesya sa akin!'

"Thanks Janice!"

Nakangiting sabi ni Edmund.

"Your welcome po Sir!"

Pagkalabas ng dalawa saka lang hinarap ni Edmund si AJ.

"Sir Edmund bakit nyo po pala ako pinatawag?"

Tanong ni AJ.

"Nag viral ang nangyari kay Miles sa baba, alam mo na ba?"

"Hindi ko pa po nakikita, Sir!"

"May nag upload ng video sa ginawang pagpapalabas ng mga security kay Miles kanina at ngayon muling nagsalita si Miles at sinabi nyang inosente sya at si Eunice ang idinidiin nya sa lahat!"

"Po?"

Agad nitong kinuha ang phone at hinanap ang naturang video.

Sa videong nasabi, kinuwento ni Miles ang nangyari kung bakit daw sya kinaladkad sa labas at sinabi nyang sinaktan sya ni Eunice at sya rin ang nagutos sa mga security na kaladkarin sya palabas ng building.

Umiiyak ito habang nagkukwento.

"Bakit nya ginagawa ito?"

Bulalas ni AJ matapos mapanood ang video.

"For attention, what else!"

'Sa tono ng pananalita ni Sir Edmund, mukhang kilala nya si Miles.'

"Sir, kilala nyo po si Miles?"

"Oo, taga San Miguel din sya at same school sila ni Eunice. Balita ko magkakilala rin kayong dalawa?"

"Nagkasama lang po kami sa isang seminar!"

"AJ kayang kong ayusin ang gulong ginawa ni Miles pero alam kong may mga tao akong masasaktan gaya ni Raymond. Kaya kung pwede sana ikaw na ang umayos nito sa matahimik na paraan!"

Hindi alam ni AJ kung ano ang isasagot nya.

Papayag ba sya o tatangihan nya?

Napaisip tuloy si AJ.

'Sinusubukan din ba ako ni Sir Edmund?'