"Wala akong tiwala sa'yo kaya bakit ko naman sasabihin sa'yo?"
Sarkastikong sabi ni Miles kay Daisy.
"Huwag po kayong magaalala Ms. Miles, pareho lang po tayo ng nararamdaman!"
Sagot ni Daisy na nakangiti pa. Kinuha nito ang bayad nila at umalis.
"Aba't...."
Napipikon si Miles.
"Ano ba Miles, baka mamaya magsumbong yan kay AJ lalong kang hindi kakausapin nun. Buti pa tara na, umalis na tayo dito!"
Awat ni Geraldine.
"Bakit naman tayo aalis, hindi pa natin nakakausap si AJ, saka diba may sukli ka pa?"
"Hayaan mo na yung sukli, saka pwede naman tayong bumalik bukas o sa ibang araw!"
At nagmamadali ito tumayo at hinatak si Miles para umalis.
"Pero .... "
"Wala ng pero, pero, Miles, tara na!"
Nagaalala na si Geraldine baka pati sya madamay sa pinaggagawa ni Miles, mas mahihirapan syang magkaroon ng pagkakataong makausap si AJ.
"Teka lang sabi, hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakakausap si AJ! Akala ko ba tutulungan mo ako?"
"Miles, hindi mo ba pwedeng ipagpabukas ito? Ang dami pang araw para gawin ito!"
"Pero wala na akong panahon, binigyan na ako ng ultimatum ng asawa ng may ari ng kompanya at ng mga shareholders, kailangan na nilang makakita ng results today, or else .... wala na akong work next week! Hindi ko rin magawang lapitan ang presidente ng company dahil pinagbawalan ako, family lang daw ang pwedeng dumalaw!
Kaya please Geraldine, huwag mo akong pigilan, kailangan kong makakuha ng appointment at makapag close ng deal sa 2lips company today sa kahit na anong paraan!"
Paliwanag ni Miles
"Mam, excuse me po, eto na po ang change nyo!"
Sabat ni Daisy.
"Naku Miss sa'yo na yang change, tip ko!"
Sabi ni Geraldine.
"Hindi po Mam, hindi ko po matatanggap yan, baka po kasi isumbat pa sa amin ni Ms. Miles yan mag viral pa po kami!"
Tumaas ang dugo ni Miles sa nadinig.
"Aba't ... hoy mahaderang frog, nakakarami ka na ah, nanadya ka ba?"
"Hindi po Mam, nagiingat lang po, mahirap na baka magawan ng kwento!"
"Ikaw .... "
"Saka po Mam, hindi ko po sinasadya pero narinig ko po ang usapan nyo, kung ako po sa inyo, huwag na po kayong umasa na makakuha ng appointment kay Ms. E.!"
"At bakit naman ako hihingi ng appointment sa kanya, sino ba sya, hindi ko sya kailangan anuh!"
"Ay sorry, naman po, mali ata ang dinig ko, akala ko po kasi nadinig kong kailangan nyo ng appointment sa 2lips company!"
"At bakit ka naman nakikinig sa usapan ng may usapan? Bastos ka ha! Tawagin mo nga ang manager nyo!"
"Sorry po ulit, hindi ko po kasi sinasadyang marinig ang usapan nyo, ang lakas po kasi ng boses nyo parang sinasadya nyong iparinig ang usapan nyo!"
"Bwisit ka! Tawagan mo ang manager mo, dali!"
"Pasensya na po Mam, busy po sila at wala po silang time sa mga taong mapag gawa ng kwento!"
Napikon si Miles.
'Lintek na babaeng 'to, kanina pa ako binabastos!'
Pero si Geraldine biglang natahimik.
'Tama naman ang nadinig nyang pinaguusapan namin, pero anong kinalalaman nito kay Eunice?'
"Teka lang sandali Miss... ?"
"Daisy po Mam, Daisy po ang name ko! Bakit po Mam?"
"Teka lang Daisy, may gusto lang akong itanong, nabanggit mo kasi si Ms. Eunice, nasabi mo kasi na huwag na syang umasa, bakit?"
"Ay Mam sasabihin ko po sa inyo, since ang bait bait nyo po, at hindi ninyo ako tinatawag na mahaderang frog!
Kasi po Mam kaya ko po nasabi yun na huwag na syang umasa na mabigyan ng appointment, kasi po si Ms. Eunice po ang presidente ng 2lips Company!"
"Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Si Eunice? Presidente ng Company? Hahaha!"
Bumalahaw sa pagtawa si Miles.
"Mam bakit po sya tumatawa? May tililing po ba sya?"
Tanong ni Daisy kay Geraldine.
"Hindi ko alam, hindi kami close, nagkasabay lang kami dyan sa labasan!"
Nahihiyang sabi ni Geraldine. Pinagsisihan na nyang nakipag tulungan sya kay Miles.
"Bakit anong problema rito?"
Tanong ni Mel ng hindi matapos tapos ang tawa ni Miles.
Natahimik si Miles ng makita Mel.
"At ano naman ang ginagawa mo dito unggoy ka?"
"Pasensya na Miles, ito kasing unggoy na 'to na nasa harapan mo ang may ari ng restaurant na 'to at magsasabi sa 'yong makakaalis ka na at huwag ka ng babalik sa restaurant ko dahil hindi ka welcome dito!"
"Ikaw? May ari nitong restaurant? Sinong pinagloloko mo, unggoy ka? Huwag ka ngang mag ilusyon dyan! Kilala ko ang may ari ng restaurant na 'to at si AJ yun, hindi ikaw!"
"Daisy, pakitawag ang security at alisin nyo ang mga kalat na 'to!"
"Opo Sir!"
Si Geraldine, lihim ng umalis at iniwan si Miles.
'Haaay ang kulit nya kasi, kanina ko pa inaaya .... bahala ka na sa buhay mo, Miles!'
Sa loob ng restaurant.
Nagwawala na si Miles. Dalawang guard ang nakahawak sa magkabilang braso nya at pinipilit syang inalis para makakain na ng maayos ang mga customer.
Nakakagulo na sya sa mga kumakain kaya pwersahan na nila itong inilalabas.
Habang papalabas, nakita nyang pababa mula second floor si AJ kasama si Eunice.
"Teka! Teka! AJ, AJ!"
Sigaw ni Miles.
"Andito ka pa? Bakit? Kanina pa kita pinaalis!"
Nakasibangot na tanong ni AJ.
"Gusto lang kitang makausap .... ng personal!"
Sabay tingin kay Eunice.
"Pero ayaw kong makipagusap sa'yo! Busy ako and your wasting my time!"
At muli na itong lumakad hawak ang kamay ni Eunice.
Napansin ito ni Miles at kahit na hindi sya naniniwala na may relasyon ang dalawa, hindi ito maitatanggi ng mga kilos nila.
'Bwisit na babaeng 'to, ang manhid, sinabi ng gusto kong makausap si AJ, hindi man lang umalis, nagfefeeling jowa, ang kapal ng face kasing kapal ng mga fats nya!'
'Malamang ginayuma nito si AJ!'
"Te-Teka, sandali lang please!"
Hinarang sya ni Miles.
"Ms. Miles kung gusto mo akong makausap pwede bang kumuha ng appointment hindi yang inaabala mo ako!"
"Teka lang please, AJ, gusto ko lang naman humiling sa'yo na sana tulungan mo akong makakuha ng appointment sa 2lips Gaming Company, yun lang! Pagkatapos nito hindi na kita gagambalain pang muli, promise!"
Nagsusumamong sabi ni Miles.
"Sa 2lips Company?"
Napataas ang kilay ni AJ at Eunice.
"Oo! Kailangan ko kasing makakuha ng ads time!"
Napatingin si AJ kay Eunice na seryoso lang ang mukha.
"Pasensya na Ms. Miles pero wala akong maitutulong sa'yo, hindi naman ako taga 2lips."
Tila gumuho ang pagasa ni Miles pero nanlumo sya sa susunod na sinabi ni AJ.
"Bakit hindi mo tanungin si Eunice kung papayag sya?"
"Si Eunice? Ba-kit?"
"Sya ang presidente ng 2lips Company!"
Na shock si Miles sa sinabi ni AJ!
'Totoo ba 'to?'
"Sorry, wala akong time sa mga walang modong tao!"
Umalis na sila at iniwan si Miles.
Nanghina ang mga tuhod ni Miles at tuluyan na itong bumagsak.