Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 344 - Hindi Kayo Magka Level

Chapter 344 - Hindi Kayo Magka Level

Kung minalas si Miles, sinuwerte naman si Geraldine.

Napansin nyang papalabas sila AJ at Eunice at nagtago sya, tapos naghintay ng pagkakataon.

Pagkatapos alalayan ni AJ na makaupo si Eunice sa passenger seat duon na ito lumabas at nagpakita kay AJ bago nito mabuksan ang pinto ng driver seat.

"AJ, hello! Pasensya na, natuwa lang akong makita ka. Gusto ka kasing makausap ng Papa ko, matanda na sya at araw araw akong kinukulit! Nasarapan kasi sya ng matikman ang mga tinake out ko at sabi ng waiter, ikaw daw mismo ang nagluto niyon! Ako nga pala si Geraldine!"

Sabay abot ng kamay nya kay AJ para makipag kamay.

Tuloy tuloy ang pagsasalita nito at humarang pa sa pinto ng sasakyan kaya hindi makasakay si AJ.

"Maraming salamat Miss, pero ... busy kasi ako, next time na lang!"

Hindi ito nakipag kamay kay Geraldine

"Okey lang, naintindihan ko! Gusto ko lang malaman mo na happy ako that I finally met you! Sige maiwan ko na kayo!"

Kumaway din ito kay Eunice na parang close sila.

Hindi na sya binigyang pansin pa ng dalawa hindi naman sya naging makulit katulad ni Miles.

Isa lang naman ang gusto ni Geraldine, ang magpakilala ng personal kay AJ.

Speaking of Miles.

Binuhat sya palabas ng TAMBAYAN dahil hindi nya magawang makalakad, nanghina ang mga tuhod nya at nawalan ng lakas matapos marinig na si Eunice ang president ng 2lips Gaming Company na tinatarget nya. Alam na nyang wala na syang pag asa.

"Pasensya na Miss, pero hindi ka na pwedeng bumalik dito, ginugulo mo ang restaurant na ito!"

Sabi ng isang security sa kanya.

Shock pa rin si Miles, hindi nya nadidinig ang sinabi ng security at wala rin syang pakialam ng buhatin sya palabas ng TAMBAYAN.

'Bakit ganun, bakit si Eunice? Bakit napaka swerte nya?'

'Bakit palagi na lang sya?'

Nakita ni Geraldine na miserableng nakaupo sa may bench si Miles.

'Mabait pa rin ang mga guard at duon sya iniwan sa bench at hindi pinagtabuyan ng tuluyan sa kalye.'

Naawa naman ito kaya nilapitan nya.

"Miles, buti pa halika na, umalis na tayo rito at pinagtitinginan ka na ng mga tao!"

Inalalayan na nito patayo si Miles.

Paano ba nya iiwan ang taong ito kung nakikita nya ang dating sya sa babaeng ito.

Minsan sa buhay nya naging miserable rin sya ng ganito at wala ni isang tumulong sa kanya.

Pati lalaking minsan nyang minahal ay iniwan din sya ng walang dahilan.

Kaya simula nuon sinumpa nya sa sariling ayaw na nya muling maranasan na maging mahina.

Inakay nya si Miles papuntang sasakyan.

"Bakit ganun, Geraldine, bakit palagi na lang si Eunice?

Simula pag kabata sya na lang ang parating maswerte, maswerte sya kay Jeremy dahil walang ka effort effort pinapansin sya nito. Maswerte sya sa kaibigan nyang si Mel na yun, kahit na mukhang unggoy hindi sya iniiwan, hindi tulad ko na walang matatawag na tunay na kaibigan. Maswerte sya sa school dahil principal ang nanay nya at ngayon eto na naman ang swerte nya, maswerte na naman sya at sya ang presidente ng 2lips Gaming Company.

Bakit ganun, bakit lahat ng bagay na gusto ko lahat na kay Eunice? Bakit lahat umaayon sa kanya?

Bakit napakaganda ng buhay nya kahit na walang ka effort effort nyang nakukuha ang lahat ng magagandang bagay?

Hindi ba napaka unfair, lahat ng magandang bagay sa buhay nasa kanya na pero bakit sa akin WALA?

Ano bang kaya nyang gawin na hindi ko kaya, huh?

Ano bang meron sya na wala ako?!"

Puno ng hinagpis ang puso ni Miles.

Napataas ang kilay ni Geraldine.

'Nagtataka pa 'tong babaeng 'to eh, matapobre sya!'

'Well, wala siguro sa vocabulary nito na mas magaling si Eunice sa kanya kasi hindi nya matanggap!'

'Paano ko ba ito kakausapin na mag si sink in agad sa mind nya? Hmmm.'

Binuksan ni Geraldine ang pinto ng kotse nya para pasakayin si Miles pero hindi ito sumakay.

"Miles .... it's true that life is unfair, pero nasa sa'yo na yun kung papaano mo pagagandahin ang buhay mo, kaya tama na yan! Huwag ka ng makipag paligsahan kay Eunice dahil hindi mo sya matatalo kahit anong gawin mo! Hindi mo kailanman sya maabutan dahil isa syang Perdigoñez!

Hindi kayo magka level! Nasa start ka pa lang nasa level 50 na sya! Ganun ang agwat nyong dalawa! Kaya tigilan mo na si Eunice at tulungan mo na lang ang sarili mo para gumanda ang buhay mo at para mapabuti mo ang sarili mo!"

"Ha?

Si Eunice?

Perdigoñez?

Kaano ano nya yung may ari ng NicEd Corp.?"

Gulat na tanong ni Miles.

"I'm not sure, but I think Daddy nya!"

Hindi sure si Geraldine nung una pero ng malaman nitong siya ang presidente ng 2lips Company plus yung expression ni Edmund ng pumasok si Eunice sa loob ng office nya, tyak na related sila at malamang mag ama.

Lalo naman nawindang si Miles sa nadinig.

'Si Eunice ... Daddy nya ang owner ng NicEd Corp?'

'Hindi! Hindi ko ito matatanggap!'

"Hindi maari ito! Hindi ako makakapayag na magpatuloy ang swerte nya sa buhay!"

Tumakbo ito palayo si Miles, galit na galit ng umalis.

"Miles! Miles!"

Sigaw ni Geraldine pero nakalayo na ito at hindi na nya napigilan.

Kinagabihan, may lumabas na post tungkol sa 2lips company.

Title: The Licentious Heir.

A certain daughter of a very well known corporation is seems to have a licentious attitude.

This so called heir of a very wealthy family, is well known for her lacking of good moral discipline.

She's not ashamed for her lasciviousness act and always using her father's influence to get the men and the things that she likes.

She doesn't care about people's feeling as long as she get what she want.

Yes, she's a spoiled brat to the core and everyone knows that. But it seems that her father doesn't mind that her daughter is using her to get what she wants even though she doesn't deserve it. He even give her a company to manage!

So people, don't be fooled by this licentious heir and help me stop her by not patronizing her games. She's not worth it.

#EunicePerdigoñez

#woopwoop

#taratitat

#NicEd

°Miles°

Puro kabaligtaran ang lahat ng nakasulat sa post ni Miles at halatang ginawa nya lang ito para manira pero hindi nya binanggit ang pangalan ni Eunice naka tag lang siya.

Wala syang pakialam kung maraming maniniwala pero tyak marami ang magbabasa.

Hindi mahalaga sa kanya kung may mabuting maidudulot ito sa buhay nya, ang mahalaga, tyak nyang magdudulot ito ng kasiraan kay Eunice lalo na sa NicEd Corp.

Ganito naman kasi madalas ang mga tao, pag nakabasa ng tsismis pinaniniwalaan agad kahit walang evidence.

Nakangising pinindot ni Miles ang SEND button.

Natawa lang si Eunice ng mabasa nya ang post ni Miles, naka tag sya kaya na recieve nya pero title pa lang ang nabasa nya, nasuya na sya.

Obvious namang para sa kanya ang post dahil sa hashtags pero alam nyan paninira lang ito.

Kaya gaya ng dati, hindi nya ito pinansin, wala syang pakialam kay Miles at blinock nya ito.

Ngunit ang hindi alam ni Miles, bago pa sya nagpost may nauna na sa kanya ..... si Kate.