"Anong ibig mong sabihin Sir Dave? Hindi ko maintindihan? Bakit mo ako tinatawag na espiya?'
Tanong ni Mina.
"Hindi mo maintindihan?"
Napataas ang kilay ni Dave, hindi makapaniwala.
'Nanggigil na ako sa babaeng ito! Wala ba talaga syang alam o umaarte lang?'
"Mina, sino ang nagpapasok kay Ms. Suarez sa office ni Sir Edmund?"
"Ako po Sir Dave... pero sabi po ni Ms. Suarez may appointment sya kay Sir Edmund at kanina pa raw sya nito inaantay kaya pinapasok ko na!"
"At hindi mo man lang chineck kay Sir Edmund kung totoo yun o hindi? Hindi ba yun ang trabaho mo bilang sekretarya?"
"Eh kasi Sir Dave, every time na nagpupunta dito si Ms. Suarez dumidiretso na sya dyan sa office, nandyan man si Sir Edmund o wala. Sabi ni Ms. Suarez, iniexpect naman daw sya ni Sir!"
Paliwanag ni Mina
"At hinahayaan mo lang sya na gawin ang gusto nya? Kelan pa nagsimula ito?"
"Siguro mga isang taon na!"
Sagot ni Daisy
"Isang taon na na paulit ulit na ginagawa ito ni Ms. Suarez, pero hindi mo man lang naisip na banggitin kay Sir Edmund o kahit man lang sa akin?"
"Pero Sir Dave, hindi naman po nagrereklamo si Sir pag pumapasok si Ms. Suarez sa office nya, hindi naman nya ako sinusuway!"
"Paano mo nasisiguro na okey lang kay Sir Edmund na pumupunta punta dito si Ms. Suarez, bakit sinabi ba mismo sa'yo ni Sir Edmund?"
"Hindi ... si Ms. Suarez ang nagsabi sa akin na tuwang tuwa si Sir Edmund pag dinadalaw nya, kaya inassume ko na may special relationship sila ni Sir!"
"Yan ba ang dahilan kaya mo pinipigilang pumasok si Ms. Eunice kanina?"
"Opo Sir Dave, baka po kasi magalit si Sir Edmund pag pinapasok ko si Ms. Eunice.
Saka sabi ni Ms. Suarez huwag daw silang istorbohing dalawa ni Sir Edmund dahil may importante daw silang gagawin."
"Hindi mo man lang ba tinanong kung ano yung importante nilang gagawin?"
"Minsan ko na pong natanong si Ms. Suarez pero sabi nya mas mabuti daw na huwag ko ng malaman."
"Mina matanong kita, sino ba ang boss mo, si Sir Edmund o si Ms. Suarez, bakit sya palagi ang pinakikinggan at sinusunod mo?"
"Ha ...?"
"Walang iniuutos sa'yo si Sir Edmund puro si Ms. Suarez ang naguutos sa'yo.
Hindi mo ba alam ng dahil sa ginawa mong pagsunod sa kanya nalagay sa alanganin ang boss mo at ang kompanyang ito?"
"Ha? Paano ko ..."
"May espiya sa kompanya na kumukuha ng mga napakahalagang impormasyon at sumasabotahe sa mga mahahalagang transaksyon ng kompanya! At dahil sa sinabi mo mukhang isa kang espiya!"
Napakagat labi si Mina, ngayon lang nya na realize ang mali nya.
"Ibig sabihin ako ang dahilan kaya humina ang kompanya?!"
Namutla si Mina.
"Jusko, Sir Dave hindi ko ito sinasadya! Ano ba ang dapat kong gawin? Gusto kong itama ang pagkakamali ko!
Hindi na mahalaga sa akin kung mawala ang posisyon ko, ang mahalaga ay malinis ko ang pangalan ko!"
"Kung ganun, kailangan mong aminin ang lahat ng nalalaman mo!"
***
Sa loob ng office.
Hindi pa rin gumagalaw si Eunice sa kinatatayuan nya, nabigla talaga sya sa nakita nya. Ilang beses na rin nyang nakikita ang babaeng iyon building, pero hindi nya akalaing makikita nya sa opisina ng Daddy nya! At sa araw pa na ito na hindi maganda ang araw nya.
"Eunice, maupo ka!"
Utos ni Edmund pero hindi ito sumunod.
"Bakit nyo po kailangan sisantehin si Ms Mina?"
"Dahil hindi na sya pwedeng magtrabaho dito."
"Ano pong dahilan ninyo bakit nyo hinayaang makalapit sya sa inyo?"
Ang tinutukoy ni Eunice ay ang babaeng nakita nya kanina.
"Dahil dito!"
At ipinakita ni Edmund ang kuha ng secret camera nya.
"Sa itsura mo hindi ka nagulat, mukhang alam mo nang pinasok ng taong ito ang office mo kagabi. Yan ba ang dahilan kaya ka biglang umakyat dito sa opisina ko?"
"Yes Dad, pero ano pong dahilan at hinayaan nyong lumapit sa inyo ang tuko na yun?"
Napataas ang kilay ni Edmund.
'Tuko? Si Ms. Suarez, tuko?'
"Nagiging garapal na ang mga pagkilos nila at kailangan ko ng tanggalin ang mga maskara nila!"
"Dad, ano pong plano nyong gawin ngayon?"
"Oras na para bunutin ang tinik na nagpapahirap sa kompanya!"
Seryosong sabi ni Edmund.
"Dad, ang ibig ko pong sabihin, ano pong plano nyo sa hinayupak na taong yan na pumasok sa office ko at ninakaw yung 3 chocolate bar ko at halos maubos yung cake ko?"
Napatingin sya sa anak.
'Grabe 'tong anak ko, akala ko worried sya dahil sa mga espiya na nagkalat sa kompanya, yun pala galit sya dahil pinakialaman ng lalaking ito ang food nya!'
"Eunice, hindi pa ako pwedeng kumilos, so please wait!"
"Kaya ko pong mag wait Dad, pero ... pag pumasok po ulit yang hinayupak na yan sa office ko at pinakialaman na naman ang food ko, titirisin ko na yan at hindi nyo po ako mapiligilan!"