Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 335 - Ang Tanong

Chapter 335 - Ang Tanong

Kinabukasan.

Hindi na bumalik si Daisy sa NicEd building.

Wala din naman syang mapapala dahil alam na nya ang totoo, hindi kailangan ni Eunice ng IT.

Bigo man sya sa mission nya na makakuha ng appointment kay Eunice, masaya na rin ito at nagkausap sila ni AJ. Kahit papaano nagliwanag na ang isip nya.

"Siguro naman may maganda kang balita sa dalawang araw mong pamamalagi sa NicEd Corp.!"

Sabi sa kanya ni Tom pagkakita sa kanya.

Maaliwalas ang aura ni Daisy at masigla kaya natitiyak nilang may maganda itong balita.

"Good morning po Sir Tom!"

"Good morning din Daisy! So, ano na, kelan tayo babalik dun para makausap si Ms. Eunice?"

"Eh, Sir Tom, hindi po ako nakakuha ng appointment kay Ms. Eunice. Pero nakausap ko po si AJ!"

"Good! Anong sabi nung si AJ, matutulungan ba nya tayo?"

"Sorry po Sir, pero pinasasabi po ni AJ na huwag na daw tayong mag aksaya ng time dahil hindi daw

kailangan ng 2lips Gaming Company ng IT Specialist!"

"Ha? Sure ka? Pero yun ang sabi ni President Sim!"

"Tinatanong nga ako ni AJ kung saan daw nakuha ni President Sim ang balita na kailangan nila ng IT dahil wala naman daw silang inilalabas na ads!"

Paliwanag ni Daisy.

"Anong gagawin natin ngayon, inaasahan ni President Sim ang magandang balita? Sana kahit alam mong hindi kailangan ni Ms Eunice ang IT, kumuha ka pa rin ng appointment. Nakalimutan mo na bang nakasalalay dito ang trabaho mo? Kaya huwag kang aatungal dyan kung sisantehin ka nila!"

Inis na sabi ni Tom.

At gaya nga ng inaasahan nila, sinisante nga ng presidente si Daisy, pero kahit na nasisante ito, hindi mababanaag ang lungkot sa kanya, walang sama ng loob sa puso nya. In fact, para ngang masaya pa itong umalis at hindi dumating ang atungal na inaasahan ng mga tao duon.

Sa pagkakataong ito nawalan man sya ng trabaho, hindi sya nanghihinayang dahil mas alam na nya ngayon ang gagawin.

*****

Samantala sa NicEd Corp.

Gaya ng nakagawian, sinundo ni AJ si Eunice sa Old Mansion kaya sabay silang dumating sa NicEd building.

Nauna munang bumaba si Eunice sa coffee shop na malapit sa building dahil duon sila mag be breakfast ni AJ.

Mula sa coffee shop ay tanaw nila ang entrance ng NicEd building kaya habang nagbe breakfast sila ay pinanunuod nila ang isang babaeng akala mo kung sino.

Simula ng dumating ito, nagpumilit na syang makapasok pero hinarang sya ng security dahil wala naman syang appointment.

Nakalusot sya sa guard dahil mukhang may kakilala ito pero hindi sa mga security sa loob ng building, mas mahigpit ang mga ito dahil personal security ito ni Edmund.

Ngunit hindi pa rin umalis ang babae at mukhang gumagawa ito ng paraan para makapasok sya sa loob.

Ang babaeng ito ay ang presidente daw ng Front Company na sya ring tumulak kay Eunice kahapon.

Sya si Maria Leonilda Bernardino, ang bagong president daw ng Front Company.

"Bakit ganyan ka makatingin sa kanya? Naawa ka ba at gusto mo syang tulungan?"

Tanong ni Eunice kay AJ.

Halatang inis ito sa babae.

"Coffee Honey, na explain ko na sa'yo kung paano kami nagkakilala ni Miles. Sa isang seminar na inattendan ko sa Singapore. Pero yun lang yun! Hindi kami naging close, promise!"

"Good!"

"Haaay Coffee ko, nagseselos ka pa rin ba? Don't you trust me?"

"Of course I trust you Honey Milky ko pero sabi nga ni Mommy sa akin, 'don't put my trust to my man completely' dahil may sariling buhay daw yung below the belt ninyo especially kung makatabi daw ng kumarengkeng na girls!"

(cough, cough)

Muntik ng maibuga ni AJ ang kape na nasa bibig nya.

"At isa pa, wala akong tiwala sa babaeng yun! Isa syang hunyango!"

"Coffee, bakit ba ganyan katindi ang selos mo sa babaeng yun hindi ka naman ganyan sa ibang babaeng lumalapit sa akin gaya ni Daisy?"

"Well that's for me to know and for you to find out!"

Tumahimik na si AJ, halatang naiinis pa rin si Eunice sa mga nangyari kahapon pero ramdam nyang may ibang dahilan kung bakit ganun na lang kalaki ang galit nya kay Miles.

First time nya nakita ang side ni Eunice na ito at aminado syang nakakaramdam sya ng kaba. Pero ... nakakaramdam din sya ng tuwa.

*****

Ang Front Company ay isang maliit na advertisement Agency at narito sya para makausap ang president ng 2lips Gaming Company para mailagay ang mga ads nila sa mga games.

At ang babaeng nagpupumilit makapasok sa NicEd Corp. ay si Maria Leonilda Bernardino, ang acting president ng Front Company.

Naaksidente ang tunay na may ari ng Front Company na si Dante Españo at naroon sya ngayon sa ospital. Walang nagawa ang may ari kungdi ihabilin sa kanya ang pamamalakad ng kompanya.

Magaling, matalino at ambisyosa si Miles kaya nagustuhan ito agad ng boss nya.

Ibinili pa nya ito ng condo at ginawang 'other woman'.

Dahil sa alam ni Miles na malaki ang pagkagusto sa kanya ni Dante, ginamit nya ito para umangat ang pwesto nya sa kompanya, kaya sa maikling panahon ay naging assistant agad sya ng president ng company.

Pero kahit ganun, masipag naman si Miles at malakas ang kompiyansa sa sarili.

Pag may tinarget syang project, ginagawa nya ang lahat para makuha ito, sa kahit na anong paraan pa iyon.

At ngayon sa kanya iniwan ang pamamahala ng Front Company, gagawin nya ang lahat para magtagumpay sya upang ipakita sa lahat na nagmamaliit sa kanya na may kakayahan syang pamunuan ito.

Pero alam ng asawa ni Dante na si Miles ang other woman ng asawa nya kaya papayag ba ito na sya ang mamuno ng kompanya?

Kaya eto sya ngayon sa NicEd Corp. ginagawa ang lahat para makapasok at makakuha ng appointment sa president ng 2lips. Hindi sya pwedeng mabigo, kailangan nyang magtagumpay sa deal na ito para hindi sya mapaalis sa pwesto and worst baka mapatalsik pa sya sa kompanya.

Pero ang tanong, anong gagawin nya pag nalaman nyang si Eunice ang totoong may ari ng 2lips Gaming Company na tinatarget nya?

At sigurado ba syang mapapapayag nya si Eunice?

Related Books

Popular novel hashtag