Kinabukasan.
Maagang maaga si Daisy sa NicEd building at mas ready na sya ngayon. May baon na syang pagkain at may dala na ring maliit na upuan para hindi mapagod kakatayo. Pero this time sa entrance ng parking ng basement sya nag antay para mas makita nya ang pagdating ni AJ.
'Sabi ng guard kahapon sa likod daw pumaparada si AJ kaya dito ako magaantay para kita ko ang pagdating nya!'
'Hehe! Ang galing ko talaga!'
'Kahit anong mangyari, hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nakakausap, AJ!'
May guard sa entrance gate ng basement kaya hindi sya makapasok. Nanatili na lang sya sa isang sulok nagaantay.
'Dibale may upuan naman akong dala, kahit maliit okey lang!'
Ang hindi alam ni Daisy, coding si AJ, kaya nag taxi ito.
Saka, sa harap talaga ito parati dumaraan kasi exclusive lang kay Edmund at sa family nya ang elevator sa likod, ginagamitan ito ng special card na si Edmund at Nicole lang ang meron pero ipinagamit ni Nicole ang sa kanya kay Eunice.
Mula sa pwesto ni Daisy, hindi nya kita ang entrance door pero kita nya ang mga sasakyang dumarating.
"Teka, si AJ ba yung nakasakay sa taxi? Bakit sya naka taxi? Akala ko may car sya?"
Nang masigurong si AJ, nagtatakbo sya.
"AJ! AJ! Teka lang!"
Pero medyo may kalayuan sya at malalaki ang hakbang ni AJ dahil nasa 6 feet ang height nito, saka maingay kaya hindi narinig ni AJ ang tawag nya.
"Teka sandali! AJ!"
Tawag nito pero hindi man lang sya nilingon ni AJ.
Pagdating nya sa entrance, pasakay na si AJ ng elevator.
"Teka Mam, may appointment po ba kayo? Hindi ho pwedeng pumasok ang walang appointment dito!"
"Mamang guard, gusto ko lang pong makausap si AJ, kahit sandali lang po! Sige na pagbigyan nyo na po ako!"
"Pero Mam, hindi ho talaga pwede! Diba kayo din yung kahapon na naghihintay sa kanya?"
"Opo Mamang guard ako nga po yun, kaya papasukin nyo na po ako, please! Kakausapin ko lang naman sya eh!"
Pakiusap ni Daisy.
"Mam pasensya na po at hindi ko kayo mapapayagan. Kung gusto ninyo syang makausap mas makakabuting kumuha kayo ng appointment!"
"Eh, Mamang Guard, papaano po ba ako kukuha ng appointment!"
Napakamot sa ulo ang guard.
'Bakit ako ang tinatanong nito?
Malay ko din sa pagkuha ng appointment.'
"Mam buti pa po ganito, ayun po ang receptionist, papasukin ko po kayo pero dun lang po kayo tumuloy. Baka matulungan kayo ng mga yun sa problema nyo, pero, hanggang receptionist lang kayo huwag kayong lalagpas dahil bawal po ang gumala gala ng walang ID sa loob, baka po masita kayo ng mga security dyan sa loob, mas mahigit sila!"
"Salamat po, Mamang guard!"
Nakangiti nitong sabi. Tila nabuhayan sya ng loob sa itinuro ng guard.
"Hello po Mam, how may I help you?"
Napangiti si Daisy sa bati ng receptionist.
'Nakakatuwa ang mga receptionist na ito, sobrang galang nila at parang ang gaan kausap!'
"Miss, kasi, gusto ko sanang makausap si AJ! Importante lang kasi, may napaka halaga akong kailangan sabihin sa kanya!"
"Mam may appointment po ba kayo kay Sir AJ?"
"Miss wala eh at hindi ko rin alam kung saan at papaano kukunin yun, kaya ako lumapit sa'yo! Pwede mo ba akong tulungan Miss?"
Pagmamakaawa ni Daisy
Halatang desperado na itong makausap si AJ.
'Kaano ano kaya ito ni Sir AJ? Bakit kaya ganito na lang sya kadesperadong makausap si Sir?'
"Mam ano po ang reason nyo sa paghingi ng appointment? Personal po ba?"
Nakaramdam sya ng awa kay Daisy.
"Oo Miss, personal!"
Kitang kita ang determinasyon sa mata nito na kailangan nyang makausap si AJ.
'Mukhang napakalaki ng problema nya?'
"Pwede ko po bang malaman kung kaano ano nyo si Sir AJ?"
"Uhm, kasi, kasi ... kaibigan ko sya at ..."
Hindi nito alam ang sasabihin napakagat labi na lang at napatungo sa sobrang kaba.
'Bakit kaya? Mukhang napakalaki ng problema nya, ano kayang relasyon ni Sir AJ sa babaeng ito?'
'Hindi kaya.... girlfriend sya ni Sir AJ?'
Iilan lang ang nakakaalam na mag kasintahan sila Coffee at Milky, hindi kasi sila madalas makita saka wala naman nagtatanong. At iilan din lang ang nakakaalam na mag ama si Edmund at Eunice dahil wala rin naman nagtatanong. Kaya madalas haka haka lang ang alam ng karamihan.
"Mam kasi, ang maitutulong ko lang po sa'yo ay ang tawagan ang secretary ni Sir AJ at sabihin ang pakay nyo pero hindi po ako nakakasiguro na mabibigyan kayo ng appointment depende po kasi sa schedule ni Sir AJ at kung gaano kahalaga ang pakay nyo."
"Miss, mahalaga po ang pakay ko tungkol po sa ....
Basta po importanteng importante na makausap ko sya! Sya na lang ang malalapitan ko at makakatulong sa akin ngayon, so please, pakiusap tulungan mo naman akong makausap sya!"
"Sige po Mam, magantay po muna kayo sandali, tatawagan ko ang office ni Sir AJ!"
"Hello?"
"Ms. Annette meron po kasing gustong makipagusap kay Sir AJ dito sa baba!"
"Sino at anong sadya nya kay Sir AJ?"
"Daisy daw po. Importante daw po saka personal!"
"Sige sasabihin ko pero busy sya ngayon dami nyang tinatapos!"
"Ms. Annette sabi po nya maghihintay daw po sya gusto nga pong humingi ng appointment makausap lang si Sir AJ!"
"Puno talaga ang sched niya pero sasabihin ko!"
"Mam puno daw po sched ni Sir AJ pero sasabihin daw nya, maupo muna kayo and wait po kayo sa reply ni Sir AJ."
"Salamat, salamat ng marami Miss!"
Masayang masaya si Daisy.
'Finally magkakausap din kami ni AJ!'
Sa sobrang saya, pagtalikod nya, hindi nya napansin ang padating na si Eunice at nabunggo nya ito ng hindi sinasadya.
Busy si Eunice sa phone kaya hindi rin nya nakita ang biglang pagtalikod ni Daisy na tamang tama sa kanya, nakailag naman sya pero hindi ang kamay na may hawak ng kape nya.
Tumapon ang kapeng kabibili lang nya na mainit init pa sa kamay nya at napaso sya kaya nabitawan nya ang hawak na kape at tumapon ang natitirang laman sa binti ni Daisy.
"Ahhh! Ahhh! Ang init! Ang init!"
Hinaplos haplos ni Daisy ang napasong binti nya at hinipan hipan pa.
"Hoofff! Hoofff!"
Nang humupa ang naramdamang init, naiinis itong tumayo at pagagalitan sana ang may ari ng kape na tumilapon pero naumid ang dila nya ng makitang si Eunice pala ang taong yun.
'Jusko! Anong nagawa ko?'
"M-Miss Eunice, S-S-Sorry! Sorry po hindi ko sinasadya!"