Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 332 - At Sino Na Naman Ito?

Chapter 332 - At Sino Na Naman Ito?

"M-Miss Eunice S-S-Sorry! Sorry po hindi ko sinasadya!"

Natatarantang sabi ni Daisy.

Syempre kilala na nya si Eunice at kinakabahan syang baka magalit ito sa kanya.

'Juskolord dami ko namang mabubunggo bakit sya pa?! Ano bang kamalasan ito?'

Pero hindi sya inintindi ni Eunice dahil busy itong pinupunasan ang kape sa kamay at ilang parte ng damit nya na natilamsikan.

'OMG! Galit ata, hindi ako sinagot!'

'Ano ng gagawin ko ngayon?'

Ibubuka na sana nya ang bibig para magsorry ulit ng biglang ...

"Excuse me! pwede bang tumabi kayo at dadaan ako!

Bakit kasi kakalat kalat kayo dyan!"

Mataray na sabi ng dumating.

Sabay na napatingin sila Daisy at Eunice sa kanya.

"Anong problema mo hindi naman kami nakahara ah, saka ang laki ng space noh?"

Mataray na sabi ni Daisy.

"Nakahara kayo sa daraanan ko, kaya ko kayo pinatatabi, masakit sa mata kayong tingnan! TABI!"

Sigaw nya sa dalawa.

Pero hindi natinag si Eunice kaya hindi rin gumalaw si Daisy sa likuran ni Eunice.

"Haaay ang daming basura dito!"

Sabi ng babaeng naiinis sabay tulak nya kay Eunice na muntik ng ika out balance nya. At pagkatapos ay dirediretso ito sa front dest ng receptionist.

Mabuti na lang at nasa likod nya si Daisy napigilan ang pagbagsak nya dahil nahawakan sya nito.

Hindi inaasahan ni Eunice na itutulak sya ng babae kaya hindi sya agad nakailag.

"Sino yung babaeng yun? Ang taray naman, akala mo kanya itong building kung umasta! Hmp!"

Sabi ni Daisy pero tahimik lang na pinagmasdan ni Eunice ang bawat kilos ng babaeng tumulak sa kanya.

"Ms. Eunice, ako na po ang bahala dyan, nagpatawag na po ako ng maglilinis."

Sabi ng isang receptionist na lumapit sa kanya.

"Salamat! Pupunta lang ako ng washroom!"

Sabi ni Eunice.

Sumunod na rin si Daisy kay Eunice, nagaalala pa rin syang baka galit pa rin ito sa pagkapaso nya.

"Ms. Eunice sorry po ulit! Napaso ko po kayo at natapon pa ang kape nyo!"

"Okey lang, aksidente yun, ikaw? parang nasaktan ka kanina? Pasensya nya."

Nainis man si Eunice sa pagkakatapon ng kape nya hindi naman ito galit.

Saka nakailang sorry na si Daisy magagawa pa ba naman nyang mainis?

At isa pa, mas nakakairita yung ginawa nung babae na tumulak sa kanya. Buti na lang nasalo sya ni Daisy.

"Okey na po ako Ms. Eunice hupa na po ang sakit!"

"Diba ikaw yung taga Shere IT? Anong ginagawa mo nga pala dito?"

Tanong ni Eunice.

"Uhm, kasi po gusto ko pong makausap si AJ."

Napataas ang kilay ni Eunice at pinakiramdaman si Daisy. Wala naman syang nararamdamang danger sa babaeng ito.

"Bakit mo sya hinahanap at paano mo sya nakilala?"

"Klasmeyt ko po sya nung college at hihingi sana ako ng tulong sa kanya. Kahapon ko pa nga sya inaantay pero hindi ko matyempuhan!"

"Ganun ba, don't worry pababa na yun!"

Natuwa naman si Daisy.

'Haay, salamat hindi galit sa akin si Ms. Eunice!'

Paglabas nila ng CR nakita nila yung babaeng humawi sa kanila na nakaupo sa waiting area.

***

Kanina.

[Coffee Honey wer na you, dito na me!]

~Milky

May kilig sa puso ni AJ ng binasa ang text bago i send.

Dala kasi ni Eunice ang car nya ngayon, ganito sila tuwing coding si AJ.

Gusto ni Eunice na hinahatid sya ni AJ paguwi syempre dahil meron sya parating pabaon na kiss bago bumaba, pero gusto rin nya ang magdrive.

Iba ang feeling pag sya ang nagda drive iba yung freedom na nadarama nya.

[Dito na me Milky Honey, sa lobby]

~Coffee

[Sige wait for me, bababa na ako]

~Milky

Ito ang ginagawa ni Eunice, sinasagot nya ang text ni AJ ng aksidenteng mabunggo sya ni Daisy.

"Annette, bababa lang ako sandali!"

"Po? Ay Sir meron nga po pa lang nagaantay sa inyo sa baba, classmate nyo raw po. Personal daw at napaka halaga ng pakay nya sa inyo!"

"Okey sige, salamat!"

Pagbaba ni AJ, hinanap nya si Eunice pero hindi nya nakita, kaya dumiretso ito sa receptionist.

Kalalabas lang ni Eunice ng CR kaya hindi nya ito napansin.

"Miss nakita mo ba si Ms. E?"

Tanong ni AJ sa receptionist.

"Sir, nagpunta lang po ng washroom!"

Naalala ni AJ ang babaeng naghahanap sa kanya

"Ay syanga pala Miss, sabi sa akin ng secretary ko may naghahanap daw sa akin?"

"Yes Sir, si ...."

"Hello AJ baby, ako yung naghahanap sa'yo! Kamusta ka na Mr. Serious?"

Tanong ng babaeng kanina lang nakaupo ngayon ay nasa harap na ni AJ at nakangiti.

Gustong magsalita ng receptionist at sabihing hindi ito ang babaeng gustong makipagusap sa kanya pero wala syang nagawa ng biglang lingkisin ng babae ang braso ni AJ at hatakin ito palayo sa receptionist.

Nakita iyon ni Eunice kaya matalim na ang mga tingin nito.

Samantala, nagngingitngit naman si Daisy sa inis dahil kung hindi sya umalis, nagkaroon sana sya ng pagkakataon makausap si AJ.

'Ako ang nauna sa kanya kaya bakit sya ang kausap ni AJ?'

"Miss E andyan na po pala kayo, hinahanap po kayo ni Sir AJ!"

"Ms. Daisy san po kayo nagpunta? Sayang po hinahanap din kayo ni Sir AJ pero naunahan kayo nun!"

"Bakit, sino ba yun?"

Tanong ni Eunice na hindi inaalis ang tingin sa babae.

Miss E, president daw po sya ng Front Company at gusto po nyang makausap si Sir AJ. Wala po syang appointment kaya pinaalis ko kanina, pero hindi po umalis at nagpumilit pong mag stay!"

Napansin ng receptionist na mas lalong tumalim ang mga tingin ni Eunice.

'Galit ba sya?'

'May nasabi ba ako?'

Kinakabahan sya.

Pero hindi sa sinabi ng receptionist galit si Eunice kungdi sa babaeng pilit na nililingkis ang kamay nya kay AJ.

Nagiinit ang pakiramdam ni Eunice at gusto nyang buntalin ang babae at putulin ang mga kamay nito na pilit na inililingkis sa braso ni Milky nya.

Para itong isang toro na umuusok ang ilong sa galit at naka focus ang tingin sa babae.

Maya maya nagmamadali itong sumugod na ikinagulat ng receptionist.

Naramdaman ni AJ ang nagbabadyang panganib kaya napalingon ito at nakita si Eunice na papalapit sa kanya.

Hindi nya alam ang gagawin.

Pagkalapit, agad na sinipa ni Eunice ang binti ng babae. Nakatalikod ito kaya sa likod ng binti tumama ang sipa ni Eunice.

Na out balance ang babae kaya napaupo ito. Samantalang si Eunice, sa sobrang lakas ng sipa gumewang ng kaunti ang katawan.

"Miss, Miss E, okey ka lang?"

Tanong ni AJ kay Eunice.

Hindi nya ito tinatawag na Coffee pag nasa kompanya pwera lang kung sila lang dalawa.

Bigla itong napunta sa side ni Eunice at inalalayan ito.

"May masakit ba sa'yo, ha?"

Nagaalalang tanong nito.

Hinayaan lang sya ni Eunice na hawakan ni AJ ang bewang nya.

"Aray aray ang sakit ng balakang ko!"

Sabi ng babaeng sinipa ni Eunice. Nakasalampak ito sa sahig dahil sa pagkakabagsak.

Ang akala nya sya ang tinatanong ni AJ at nagulat na lang sya ng makita si AJ sa tabi ni Eunice at inaalayan ito.

"Hoy AJ, ako ang sinipa nyan at ako ang na out of balance pero bakit sya ang inaalayan mo?!"

Pero hindi sya pinansin ni AJ.

"Buti pa dadalhin kita sa clinic!"

Sabi ni AJ kay Eunice tapos ay binuhat nya ito at umalis.

Pigil naman sa tawa ang mga tao duon na nakakita sa pangyayari maliban kay Daisy na hagalpak ng tawa.

"Hahaha! Ang bilis ng karma! Buti nga sa'yo!"

Malayo na sila AJ at Eunice ng maalala ni Daisy ang pakay nya.

"Ay oonga pala! AJ, AJ! Sandali lang!"

AJ: "Huh?"

'At sino na naman ito?'