Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 333 - Sino Sya?

Chapter 333 - Sino Sya?

"Sya si Daisy, classmate mo daw at kahapon ka pa raw nya gustong makausap!"

Mukhang nabasa ni Eunice ang isip ni AJ.

"Mabuti pa Milky, ibaba mo na ako! Okey na naman ako eh, hindi mo na ako kailangan dalhin sa clinic. Kausapin mo na muna sya, mukhang mahalaga ang pakay nya!"

Sabi ni Eunice.

Walang nakikitang anumang pangamba si Eunice kay Daisy kaya hinayaan nya itong makalapit.

"Sige, Mr. AJ antayin na lang kita sa taas!"

Sabi ni Eunice sabay sakay sa elevator.

"AJ, pasensya na pero pwede ba kitang makausap!"

Humihingal na sabi ni Daisy.

"Sino ka nga ulet?"

Hinarap ni AJ si Daisy para kausapin.

"Ako si Daisy classmate mo nung freshman tayo!"

Pero kahit anong gawin isip hindi nya ito maalala.

'Bakit hindi ko man lang sya nakikita sa campus?'

"First sem lang tayo naging magka klase?"

Tanong ni AJ

"Oo, kasi bumagsak ako nung first sem kaya nagdecide ang parents ko na ienrol na lang ako sa ibang school at pinakuha na lang ako ng 2 year programming course! Mahina daw kasi ang ulo ko sayang ang tuition.

Kaya pala hindi na nya maalala, hindi na rin nya napagkikita ito pagkatapos ng first sem.

"Ano nga palang kailangan mo sa akin, bakit gusto mo raw akong makausap?"

"Kasi AJ, ikaw lang ang kakilala ko dito kaya kakapalan ko na ang mukha ko, gusto ko sanang hingin ang tulong mo kay Ms. Eunice."

"Kay Ms. E? Tungkol saan?"

"Gusto kasi ng company na pinapasukan ko na makausap si Ms. Eunice, nadinig kasi ng presidente namin na nangangailangan daw si Ms. Eunice ng IT Specialist."

"Pero ang alam ko hindi naman nangangailangan ng IT Specialist ang company ni si Ms. E."

"Ha? sigurado ka? San nakuha ng presidente namin ang news na yun?"

Nagtatakang tanong ni Daisy.

"Oo sure ako! Kasi kung kailangan nya nag post na yun ng ads!"

"Paano na yan, anong gagawin ko ngayon? Baka mawalan ako ng trabaho pag hindi nagkaroon ng magandang resulta itong pagpunta ko dito."

Malungkot na pahayag ni Daisy na ipinagtaka ni AJ.

"Bakit naman nila idedepende sa'yo ang lahat? Ano bang klaseng kompanya yang napasukan mo? Kung ganyan rin lang lang pinapasukan mo mas mabuti pang maghanap ka na ng ibang trabaho!"

"Hindi naman ganun kadaling maghanap ng trabaho eh!"

*****

Samantala.

Pagbukas pa lang ni Eunice ng pinto ng office nya, may iba na syang naramdaman.

'Bakit parang may naamoy akong kakaiba?'

"Janice, may pumasok ba sa office ko?"

"Mam wala po, kahit po ako hindi pa napasok dyan. Bakit po?"

"May ibang amoy sa loob eh! Masangsang, masakit sa ilong!"

'Grabe itong boss ko ang lakas ng pangamoy!'

Tumayo si Janice at sabay silang pumasok ni Eunice.

Nakakailang hakbang pa lang sila naamoy na rin ni Janice ang sinasabi nya.

"Hmmmp! Masangsang nga amoy alimuom!"

Sabi ni Janice.

Agad na nagtungo si Janice sa bintana para buksan.

At si Eunice naiwan at pinagmamasdan ang paligid.

'Sabi ko na may nakapasok dito ng walang paalam!'

Kinabahan sya.

Dumiretso sya agad sa table at may hinanap.

Ang susi ng pinakibabang drawer.

Kinuha nya ito at agad binuksan.

Nanlaki ang mga mata nya ng mapansing magulo ang pagkakaayos ng mga snacks nya.

Waaaaah!"

Nagulat si Janice.

"Bakit po Ms. E? Ano pong nangyari?"

Hindi sya sinagot ni Eunice. Tumalikod ito at patakbong umalis ng office nya para magtungo sa taas, sa Daddy nya.

Pagdating sa taas dirediretso itong pumasok sa office ng Daddy nya pero pilit syang pinipigilan ng secretary ni Edmund na si Mina.

"Ms. Eunice, sandali lang po, may kausap po si Sir!"

Pero hindi nagpapigil si Eunice. Galit sya at kailangan nyang makausap agad ang ama. Wala syang pakialam kung sino ang nasa loob dahil emergency ito at hindi makakapaghintay.

Hindi sya napigilan ng secretary, nakapasok ito.

"Oh, anong nangyayari?"

Tanong ng assistant ni Edmund na si Dave kay Mina.

"Si Miss Eunice kasi, hindi ko napigilang pumasok sa loob!"

"Bakit ano bang meron sa loob?"

***

Sa loob.

"Da..?"

Napataas ang kilay ni Eunice.

Naabutan nya ang ama na may kasamang babae at nasa tabi ng upuan nito ang napaka seksing babae.

Maganda ito at eleganteng tingan sa suot nyang business attire. May pagka bossing at ...

'Bakit sya nasa tabi ng Daddy ko? Sino sya?'

Kumulo ang dugo ni Eunice sa nakita.

"Eunice, anong ginagawa mo dito sa taas?"

Nagtatakang sabi ni Edmund.

Bihira itong umakyat sa taas maliban na lang kung ipatawag nya kaya nagulat sya ng bigla itong sumulpot.

Nakita rin nya kung paano sya pinigilan ng secretary nya.

Biglang pasok ni Dave para makiramdam. Pagpasok pa lang nakita na nya agad ang problema.

"Bakit Dave ano bang ingay yun?"

"Wala Sir, si Mina lang yun. Pinipigilang makapasok kanina si Eunice! Nagaalala ako kaya pumasok ako!"

Tiningnan ni Edmund ang anak na tila napako sa pwesto nya at nakatingin ng matalim sa babae sa tabi nya.

Mula sa pwesto nya, ramdam nyang galit ito.

"Ms. Suarez, pasensya pero masyado akong busy."

Sabi ni Edmund na hindi tinitingnan ang babae.

Nagngingitngit naman sa inis si Ms. Suarez pero hindi nya pinahahalata, tila nakaplaster na ang mga ngiti nya sa labi. Nakakalilang tuloy tingnan.

'Bwisit na babaeng 'to, kungdi dahil sa kanya malamang naakit ko na itong si Edmund!'

'Wala pang lalaking hindi nagayuma sa akin!'

"Okey Edmund, I'll be in touch!"

At sinubukan pa nyang hawakan ang mga balikat ni Edmund pero bigla nitong inikot ang inuupan nya sa kabila at saka tumayo.

"Dave pakitawag si Mina!"

Napahiya si Ms. Suarez sa ginawa ni Edmund na pagiwas sa kanya pero inayos lang nito ang sarili at taas noong umalis na parang wala lang.

"Sir pinapatawag nyo po ako?"

"Ito na ang huling araw mo dito, makakaalis ka na?"

"S-Sir?"

"Edmund!"

Hindi makapaniwala si Dave sa biglang desisyon ni Edmund. May limang taon na ang secretary nyang ito sa kanya pero malaki talaga ang pagkakamali ni Mina.

Hindi nya akalaing magdedesisyon agad si Edmund na tanggalin si Mina, ang akala ni Dave ililipat nya lang ito ng ibang departamento.

"Nadinig mo ba ang sinabi ko? Makakaalis ka na!"

Mataas na ang boses ni Edmund.

Umiiyak na umalis si Mina sa office at nagtungo sa table nya. Sinundan sya ni Dave.

"Bakit mo kasi ginawa yun?"

Tanong ni Dave

"Hindi ko naman kasi kayang pigilan si Ms. Eunice, ang lakas kasi nya! Huhuhu!"

"Tanga ka ba? Hindi mo alam ang kasalanan mo?"

Sabi ni Dave.

Nadismaya sya kay Mina, hindi nya akalain na may kahinaan pala ito at hindi nababagay sa posisyon nyang Secretary ng CEO.

"Bakit ano bang naging kasalanan ko Sir Dave?"

"Anak nya si Eunice bakit pinipigilan mong makapasok, pero yung si Ms. Suarez hindi mo pinigilan?! Bakit espiya ka ba ng babaeng yun?"

Related Books

Popular novel hashtag