Ngayong tapos na ang problema nila kay Jeremy, panahon na para umuwi ng San Miguel at sabihin sa kanila ang good news.
"Oh, AJ, iho nadalaw ka?"
Bati ni Nicole kay AJ na hindi man lang pinansin ang anak na si Eunice.
"Mommy, andito rin po ako, remember, yung napakagandang anak nyo na nagmana sa inyo?"
Bati ni Eunice sa ina.
"AJ, iho, halika nga at maupo ka! Bakit ba nangangayayat ka? Siguro binibigay mo lahat ng pagkain mo kay Eunice!
Tsk. Tsk. Tsk. Magtira ka naman para sa sarili mo huwag mong ipakain lahat kay Eunice!"
Sabi ni Nicole kay AJ na hindi pa rin pinapansin ng ina.
Nangiti na lang si AJ.
Hindi gaanong nakakauwi si Eunice ng Little Manor ngayon sa dami ng workload nya pero bakit hindi man lang sya pinapansin ng Mommy nya.
'Hindi ba nya ko na miss?'
"AJ andito ka pala! Bakit anong meron at napasyal ka?"
Buong ngiting tanong ni Edmund.
"Hi Daddy, meron po kasi kaming sasabihin ni AJ kaya po kami sabay ba nagpunta dito!"
Paliwanag ni Eunice na nagmano pa sa ama pero nginitian lang sya ng Daddy nya at lumapit na kay AJ
Halos araw araw syang pumapasok sa office pero hindi nya nakikita ang ama, masyado kasi itong busy saka madalas syang nasa labas at duon ginagawa ang work sa TAMBAYAN.
Mabuti pa iho, dito ka na mag lunch!"
Sabi ni Edmund
Eunice: "..... " (pout)
'Bakit ba feeling ko mas na miss nila si Milky kesa sa akin?'
"Ate!"
Bati ni Earl kay Eunice.
"Bakit?!"
"Wala pinapansin ka! Kawawa ka naman kasi walang pumapansin sa'yo!"
Pangungulit nito sa ate nya.
"Tigilan mo nga ako Earl, may kailangan ka na naman kaya ka nangungulit dyan anuh?"
"Grabe ka naman Ate, syempre na miss kita kaya nga kita pinapasin eh! Pero kung bibigyan mo akong money okey lang din!"
Sabay sahod ng palad nya.
Pero dahil nagtatampo hindi nya inabutan ng pera ang kapatid.
"Earl, wala kang patagong pera sa akin at hindi ako ATM! Bakit ba hindi mo subukan magtrabaho para may dudukutin ka kapag may gusto kang bilin!"
Napahiya si Earl.
Tumalikod ito at umalis ng hindi nagpapaalam.
Sa edad nyang disiotso para pa rin itong bata. Hindi pa ito nagseseryoso sa buhay kasi ang mga kaibigan nya puro ganun din.
Sapat naman ang allowance na binibigay ng parents nya pero kung minsan nanghihingi sya sa ate nya dahil naglalambing lang sya.
Naguilty si Eunice sa nasabi sa kapatid. Hindi nya sinasadyang pagsalitaan ng ganun si Earl.
Hindi nya tuloy alam kung anong gagawin, hinabol nya ang kapatid.
"Tita Nicole, Sir Edmund, sandali lang po susundan ko lang po yung magkapatid!"
Nadinig rin kasi nila ang sinabi ni Eunice kay Earl kaya alam nilang nagtatampo ito.
Naabutan ni Eunice ang kapatid nya sa may gate ng bahay nila.
"Earl, sandali lang!"
Pero hindi ito huminto sa paglakad. Nagtatampo talaga sya.
"Please Earl, huwag ka ng magtampo, sorry na! Huminto ka na please, magusap muna tayo!"
"Paano ako hindi magtatampo ang kurikuripot mo! Ako na nga lang ang pumapansin sa'yo, inaaway mo pa ako! Hmp!"
"Sorry na nga e! Hindi ko naman sinasadyang sabihin yun, naiinis lang ako kila Mommy at Daddy!"
"Hmp! Nakakainis ka Ate, minsan ka na nga lang umuwi, aawayin mo pa ko!"
"Earl, please!"
Pero hindi sya hinintuan ng kapatid, tuloy tuloy ito ng paglalakad palabas ng gate ng compound.
"Earl!"
Nagulat si Earl at bigla itong mapahinto ng harangan sya ni AJ.
"Bakit Bro AJ? Anong problema?"
"Huwag ka ng magtampo sa ate mo! Ako na lang ang magbibigay sa'yo! Magkano bang kailangan mo?"
Nagulat si Earl ng kunin ni AJ ang wallet nito at ibinigay lahat ng laman.
"Eto, sige na kunin mo na! Suhol ko yan sa'yo para hindi ka na magtampo sa ate mo!"
Hindi alam ni Earl ang gagawin.
"Bro AJ naman ang daming pera nito hindi ko ito matatanggap! Lagot ako kila Mommy at Daddy pag tinanggap ko ito!"
Kinakabahang sabi ni Earl.
"Pero, para sa'yo 'to!"
"Sorry Bro AJ, hindi ko talaga matatanggap yan, please, maawa ka sa pwet ko!"
"Hahaha! Huwag mo ng ipilit Milky, hindi nya talaga tatanggapin yan! Nung minsan inabutan din sya ng pera ni Jeremy, hindi nakaupo yan ng isang linggo!"
"Sorry, hindi ko alam! But if you need something Bro Earl, tell me okey! Pwede naman tayong maging friends diba Earl!"
"Oo naman Bro AJ! Saka hindi lang friends mas gusto kong maging KUYA ka!
Huwag kang magaalala hindi kami nagaaway ni Ate Eunice, namimiss ko lang naman yang ate ko kaya ako nagtatampo!"
"Ahhahh.... lika nga dito! Na miss din kita nuh!"
At inakap na sya ni Eunice saka pinupog ng halik.
"Eeewww Ate, ano bah!"
"Hahaha!"
Natatawa na lang si AJ sa kakulitan nila.
Siguro kung nagkaroon sya ng kapatid, mamahalin din nya ito ng ganito.
Hindi nila tuloy namamalayan ang isang matandang lalaking lumapit sa kanila.
"Hello, mga bata!"
Sabay sabay silang napalingon sa mayari ng boses.
Napahinto sila at nagulat ng makita si Lemuel na nakalapit sa kanila.
Nasa may guard house na sila ng biglang lumitaw si Lemuel.
"Kamusta kayo? Iho, ano nga palang pangalan mo? Pwede ba tayong magusap?"
Pero hindi sila sumagot.
Lumabas ang gwardya ng mapansin si Lemuel.
"Teka po Sir, bawal po kayo dito kaya umalis na po kayo?"
Blacklisted na kasi si Lemuel kaya hindi na ito maaring pumasok ng compound o kahit umalig man lang.
"Guard, nasa public property ako bakit mo ako binabawalan?"
"Sir pasensya na yun ang bilin sa akin ni Sir Edmund, hindi daw kayo pwede rito within 100 meters ng Little Manor kaya pakiusap po umalis na kayo, baka mapilitan pa akong tumawag ng pulis!"
"Tara bumalik na tayo sa bahay. Mas mabuting umalis na tayo!"
Sabi ni AJ sa magkapatid na parehong hindi nakakilos ng makita si Lemuel.
Pagkairita ang makikita sa mga mukha nila.
Walang nagawa si Lemuel ng tinataboy na sya ng mga guard. Pinagmasdan na lang nya ang papalayong si AJ.
'Huwag kang magalala, magkakausap din tayong dalawa ... apo!'