Nang takasan ni Lemuel ang mga bantay nya na magdadala sana sa kanya sa Australia, nagtungo ito sa isang taong alam nyang matutulungan sya, si Pancho Abellardo.
Si Pancho Abellardo ang dating gobernador ng bayan ng San Miguel.
Ito ang taong nagkakalat na sa kanya ang skwelahang pagaari ni Ames ang AMES ACADEMY.
Dahil sa sikat ang AMES ACADEMY, ginagamit nya ang school para madali syang makilala ng tao.
Ito ang dahilan kaya nya ikinakalat na ang totoong pangalan ng school ay ABELLARDO ACADEMY kahit na wala syang kinalalaman dito.
At kaya malakas ang loob ni dating Gob Pancho ay dahil iyon kay Lemuel. Si Lemuel ang nag suggest sa kanya ng idea na iyon.
Si Lemuel kasi ang sekretong tumutulong sa candidacy ni Pancho at malaki ang naitulong nito sa dating gobernador.
Ginawa ito ni Lemuel dahil gusto nyang hubugin na maging pulitiko ang apo nyang si Jeremy at alam nyang malaki ang maitutulong ni Pancho Abellardo dito.
Ito rin ang dahilan kaya pinilit nitong mag aral si Jeremy sa Harvard.
"Kaya pala pilit akong pinipigilan ng Papa nuon na naimbestigahan si Pancho Abellardo, yun pala close sila!"
Nasa kamay na ni Ames at kasalukuyang binabasa ang resulta ng imbestigasyon.
Katatapos lang nyang ihatid si Jeremy sa isla ng SAGAD. Hindi na nya ipinagpaalam sa pamilya nya ang pamangkin, idineretso na nya agad ito sa isla.
'Baka umatungal pa at mag inarte! Mas mabuting hindi ko na sila pinagkita, baka lalo pa akong maantala!'
Madami pa syang dapat gawin, mga personal na bagay na dapat nyang asikasuhin.
Gaya ng kanyang ama.
"Kailangan na naming magkita ng Papa, marami syang dapat ipaliwanag sa akin!"
Kaya dumiretso sya sa opisina ni Pancho Abellardo para tanungin ito.
"Sino kamo ang narito?"
Tanong ni Pancho sa assistant nya.
"Sir Pancho si Ms. Ames Rosales po, ang anak ni Sir Lemuel!"
Sagot ng assistant nya.
"Anong ginagawa nya dito?"
Nagtatakang tanong ni Pancho. Nakaramdam sya ng kaba.
"Hindi ko po alam Sir, pero kailangan nyo daw pong harapin sya kung hindi ay hindi nyo daw po magugustuhan ang gagawin nya! Ano pong gusto nyong gawin ko Sir Pancho?"
Nagisip ito.
'Alam na kaya nyang nasa poder ko ang ama nyang si Lemuel?'
Kinakabahan sya pero kilala nya si Ames at ang matataas na tao sa likod nito.
Kailangan nyang pumayag. Panahon ngayon ng eleksyon at tatakbo sya sa pagka congressman. Nagaalala sya baka anong gawin ni Ames na makakasira ng reputasyon nya.
Kilala na nya ngayon ang taong nagpabagsak sa kanya sa pagka gobernador, si Donya Isabel, ang asawa ni Don Miguel.
Si Isabel pala ang may ari ng kinatitirikan ng school at lahat ng nasa paligid nito.
"Sige, papasukin mo!"
***
"Ms. Ames, napasyal ka? Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"
"Hindi na ako magpapaliguy ligoy, dating gobernador, Pancho Abellardo, gusto kong makausap ang Papa ko at alam kong nasa pagiingat mo sya!"
Nakaramdam sya ng inis ng pinagdiinan pa ni Ames ang 'dating gobernador'.
"Teka, sandali lang Ames, aaminin kong nasa akin nga ang Papa mo pero nagmamagandang loob lang ako!"
Paliwanag ni Pancho.
"Napakbait mo naman para patirahin ang Papa ko ng libre sa bahay mo! Hindi mo man lang ba sya tinanong kung bakit sya nagtatago at sino ang tinataguan nya?"
Tanong ni Ames.
"Teka! Hindi ko sya tinatago! Ang sabi nya sa akin gusto mo raw syang dalhin sa home for the aged na labag sa kagustuhan nya kaya ka nya tinakasan!
Lumapit sya sa akin at humingi ng tulong kaya tinulungan ko! Sabi nya wala na raw syang matirhan dahil ibinenta mo na daw yung bahay nya sa Little Manor, nangako naman syang sandali lang ito, hangga't nagpapalakas pa sya!"
Depensa ni Pancho, napaghahalataan tuloy syang kinakabahan.
"Hindi ko naman sinabing tinatago mo sya! Ang sabi ko NAGTATAGO SYA! At hindi lang ako ang tinataguan nya pati mga pinagkakautangan nya at pati mga pinangakuan nya! Saka, hindi kanya yung bahay sa asawa ko yun at sa akin kaya may karapatan akong gawin ang gusto ko!"
Medyo napahiya si Pancho.
'Masyado ba akong obvious?'
May inilapag si Ames na envelop sa table nya.
"Ano 'to?"
"Basahin mo! Yan ang listahan ng mga taong tinataguan ng Papa! Maswerte ka at ako ang unang nakaalam kung nasaan sya, paano na lang kung isa dyan ang magpunta sa'yo at hanapin din sya, malamang masira ang iniingat ingatan mong pangalan at hindi ka na muling makatakbo sa kahit na anong posisyon!"
Nanlaki ang mga mata ni Pancho ng mabasa ang mga pangalan ng nakalagay sa listahan.
'Totoo ba 'to? Pati mga illegal lords pinaghahanap sya?'
'Bakit?'
At nagulat sya ng makita pati ang Perdigoñez clan ay hinahanap din sya.
'Bakit sya hinahanap ng mga Perdigoñez? Anong atraso nya dito?'
"Totoo ba 'to? Lahat ng nakalagay dito?"
Gulat na tanong nya kay Ames.
"Bakit, hindi mo pa ba kilala ang Papa ko, Pancho? Ambisyoso ang Papa ko at gagawin nya ang lahat matupad lang ang ambisyon nya! Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ka nya tinutulungan at isa pa, alam mo ba kung saan nanggagaling ang ibinibigay nyang tulong sa'yo? Definitely not from me!"
"Teka Ms. Ames, huwag mong sabihing involve sa illegal activities ang Papa mo at yun ang itinutulong nya sa candidacy ko?"
"Ayon sa report, kasama sya sa illegal gambling sa bayan na yan at duon nya nakilala ang ibang mga illegal lords na pinangakuan nya.
"Ano sa palagay mo Mr. Pancho Abellardo ang dahilan bakit ko sya sinubukan ialis dito sa Pilipinas?"
Natakot si Pancho. Hindi nya inaasahan na ang isang tao na katulad ni Lemuel ay maiinvolve sa mga illegal na bagay. Wala sa itsura nya.
Ang mas hindi nya matanggap, ang posibilidad na malagay sa alanganin ang pangalan nya sa pagkakaroon nya ng involvement sa mga illegal activities ng hindi nya nalalaman!
'Mabuti na lang at naisipan kong kausapin si Ms. Ames at nalaman ko ang mga ito!'
'Jusko, pano na lang kung makarating ito sa mga kalaban ko sa pulitika?'
Sa mga oras na ito isa lang ang gustong mangyari ni Pancho, ang mailayo ang sarili nya kay Lemuel.
"Ms. Ames, ano bang kailangan mo?"
"Mr. Pancho Abellardo, isa lang naman ang gusto ko, ang makausap ang Papa ko!
Pwede ko ba syang makausap?"