Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 318 - Tutuldukan

Chapter 318 - Tutuldukan

Sa office ng judge nagharap ang apat.

Si Ames at si Jeremy sa kaliwa, sila AJ at Eunice naman sa kanan. Present din ang mga abogado nila.

Nakasibangot si Jeremy habang nakatingin sa magkasalop na kamay ng dalawa.

Dahil sa nauna silang dumating ng tiyahin niya, nakita nya ang pagpasok nila Eunice at AJ na masayang nagkukulitan habang magkahawak ang mga kamay.

At kahit ngayong nakaupo na ang mga ito ay hindi pa rin nagbibitiw.

'Hmp! Anong ibig nilang palabasin? Na mag jowa na sila at kaya sila magholding hands dahil gusto nilang ipagyabang sa akin na masaya sila, ganun?'

Naiirita si Jeremy pero hindi nya alam kung ang dahilan ay nakikita nyang parang naka lock na mga kamay nila Eunice at AJ, o sa dahilang na nakalimutan na sya agad at mukhang pinagpalit na ni Eunice.

O baka naman pareho. Sobrang taas kasi ng pride ni Jeremy kaya ayaw tanggapin ng isip nya ang katotohanan.

Pero walang pakialam si Coffee at Milky kay Jeremy. Ni hindi nga nila ito binati o pinapansin man lang.

Sa judge lang at kay Ames sila nagbigay galang. Kahit ang abogado ni Jeremy binati rin nila pero hindi si Jeremy.

"Pinagharap, harap ko kayo dahil sa kahilingan ni Ms. Ames Rosales. Meron syang gustong imungkahi para sa inyo!"

Pagsisimula ni Judge.

Ms. Ames ... "

"Mr. AJ, pwede ba kitang tawaging AJ?"

"Opo!"

Tumango pa si AJ.

"Batid kong malaki ang halaga na nawala sa'yo dahil sa katarantaduhan ng pamangkin ko! Handa akong bayaran iyon kasama na ang gastos mo sa abogado at sa lahat ng mga nagastos mo sa kasong ito!"

Nagulat si AJ.

"At Eunice, alam kong malaki na ang naging atraso ni Jeremy sa'yo! Hindi sapat ang pera para mabayaran lahat ng kasalanan nya! Kaya nangangako at sisiguraduhin kong pagbabayaran nya ang lahat ng kasalan nya sa'yo!"

Napatingin si Jeremy, gustong magprotesta sa sinabi ng tiyahin pero siniko nya ito.

Naalala nya ang sinabi ni Ames bago sila humarap sa judge...

"Huwag kang magsasalita, kahit anong mangyari huwag kang magsasalita! Hayaan mo ako ang makipag usap kung gusto mong makalabas ng kulungan. Maliwanag?!"

"Opo Tita Ames!"

Sagot ni Jeremy.

Kaya gustuhin man nyang mag react, nanahimik na lang sya.

Si AJ ang unang sumagot

"Ms. Ames ..."

"Tita!"

"Po?"

"Gusto kong Tita na lang ang itawag mo sa akin, iho!"

Nangingilid ang luha ni Ames pero pilit nyang pinipigilan sa pagpatak.

Kanina pa nya pinipigilan ang sarili nyang akapin ang batang ito.

Si Jeremy, na kanina pa naka focus ang tingin sa magkasalop na kamay nila AJ at Eunice biglang nagtaka sa sinabi ng tiyahin, napatingin ito kay Ames.

"Pasensya na po Ms. Ames pero ..."

"I insist!"

Pinisil ni Eunice ang mga kamay ni AJ na parang sinasabing, 'pumayag ka na!'

"Sige po! Tita Ames. Kasi po ang gusto ko lang naman po ay matuto ng leksyon nya si Jeremy para po hindi na nya ulitin pa ang ginawa nya! At sana mag sorry na sya at aminin nya lahat ng ginawa nyang kasalanan kay Coffee ko!"

Lalong nagpuyos ang damdamin ni Jeremy.

Una dahil pumayag ito na tawaging Tita ang tiyahin nya at pangalawa dahil pinakikialaman nya si Eunice.

May pagka teritorial si Jeremy kaya ang kanya ay kanya at ang naging kanya walang dapat makialam, SYA LANG!

'At may pa tawag, tawag pa sya ng 'Coffee ko', hmp!'

"Huwag kang magaalala AJ, naintindihan ko ang gusto mong mangyari! Maging ako ay gusto ko ring matuto ng leksyon nya itong gunggong kong pamangkin na si Jeremy dahil kung hindi, baka marami syang masaktan!

Kaya ako mismo ang mangangako sa inyo, sisiguraduhin kong matututo sya ng leksyon dahil pag inulit nya pa ito, ako na mismo ang magbabalik sa kanya sa kulungan!"

Sabay tingin ni Ames ng matalim sa pamangkin para masigurong naiintindihan nito ang sinabi nya.

Kinabahan naman si Jeremy. Nangilabot ang buo nyang katawan sa sinabi ng tiyahin.

'Juskolord, totoo kaya ang sinasabi ni Tita Ames?'

'Gagawin nya talaga yon?'

'Hindi! Hindi ako maniniwalang magagawa ng tiyahin ko yun! Marahi ay sinasakyan nya lang ang dalawang ito!'

'Tama! Pinasasakay nya lang ang dalawang ito para maiurong ang demanda!'

Lihim na nangisi si Jeremy.

"Judge I want this black and white! Lahat ng pinagusapan natin dito gusto ko lahat nakasulat at naka notaryo!"

Pahabol pa ni Ames.

"Naintindihan ko Ms. Rosales!"

"Tita Ames, pwede ba akong magsalita?"

Tanong ni Eunice.

"Oo naman Eunice! Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin! Sa'yo may pinakamatinding kasalanan si Jeremy, kaya marapat lang na magsalita ka!"

Sabi ni Ames.

Bago nagsalita si Eunice, tiningnan nya si Jeremy na may halong inis at pagkadismaya.

"Ang problema mo kasi Jeremy, you don't care! you NEVER cared, kahit na kanino, maliban sa sarili mo.

Kaya nga wala kang friends na nag stay sa side mo dahil ikaw mismo ang naglalayo ng sarili mo sa kanila!

Hindi ka kasi marunong magbigay ng pagpapahalga sa mga tao sa paligid mo, kahit na sa pamilya mo!

Pero ang mas nakakainis sa'yo Jeremy, kahit na ikaw ang may pagkukulang, nag eexpect ka na dapat binibigyan ka namin ng halaga!

"But let me tell you straight Jeremy,

hindi umiikot ang mundo ko sa'yo, gaya ng inaasahan mo! Sino ka ba sa akala mo sa buhay ko?

YOU'RE JUST A WORTHLESS JERK!

Nasaktan si Jeremy sa sinabi ni Eunice, hindi sya makapaniwala.

Paano ba nya matatanggap na isa na pala syang basura sa paningin ni Eunice ngayon.

"Sana.... ito na ang huling beses na gagamitin mo ako o ang pangalan ko sa mga katarantaduhan mo! Wala na tayong ugnayan sa isa't isa kaya dapat lang na TULDUKAN ko na ang mga kahibangan mo!

Dugtong pa ni Eunice.

Sa susunod na gamitin mo ulit ako o ang pangalan ko, o kahit na sino sa mga mahal ko, hindi na ako mananahimik Jeremy!

Hindi porket hinayaan ka namin nung una ibig sabihin nalimutan na namin ang mga atraso mo at ng Lolo Lemuel mo!"

At hinarap nito si Ames.

"Tita Ames, pwede po ba, ayoko ng makikita ang lalaking yan kahit anino nya!"

"Masusunod Eunice! Paglabas na paglabas nya ng bilangguan, idederetso ko sya sa SAGAD! Duon sya magtatrabaho para mabayaran nya sa akin ang mga ibabayad ko sa inyo!"

Alam ni Eunice ang lugar na tinutukoy ni Ames. Si Lolo Miggy nya ang may ari ng lugar na iyon.

Isa iyong isla kung saan nag tetraining ang personal security group ni Don Miguel at makikita yun sa dulo ng Pilipinas.

Nagkasundo ang bawat isa. Bibigyan ni Ames ng halagang 5M si AJ sobra sobra sa inaasahan nya. Sinubukan humindi ni AJ pero pinigilan sya ni Eunice at binulungan.

'Hayaan mo lang! Ang lahat ng ito ay parte ng pagdidisiplina nya kay Jeremy!'

Malaki ang tiwala nya kay Eunice kaya pumayag na rin sya.

".... At para naman kay Eunice, ibibigay ko sa'yo ang 25M na ipapamana ko sana kay Jeremy pag namatay ako! Sa dami ng katarantaduhang ginawa niya, alam kong kulang pa yang kabayaran!"

Nagulat ang lahat lalo na si Jeremy.

'Ibibigay nya kay Eunice ang mana ko?'

"Pero Tita Ames, bakit???!!!"

"Tumahik ka dyan! Simula pagkabata mo winarningan na kita na huwag mong gagaguhin si Eunice, pero hindi ka nakinig! Kaya huwag ka ng umasang pamamanahan kita!"

Nanahimik na lang si Jeremy.

Buong akala nito sinasakyan lang ng Tita Ames nya ang mga request ng dalawa, hindi nya akalaing pag gising nya kinabukasan naroon na sya sa isla.