Napahiya ang mag ina ng malaman nila ang ginawa ni Jeremy, lalo na si Elaine na nakapagbitiw ng hindi magandang salita kay Eunice.
Imposible ngang iutos ni Eunice kay Jeremy ang umorder ng ganun kadami e dadalawa lang naman sila. Obvious na may binabalak nga ito kaya nya ginawa iyon, bagay na napansin agad ni AJ.
'Si Milky... Bakit kaya wala syang sinabi sa akin tungkol dito?'
'Ano kayang iniisip nya?'
Unti unti namang luminaw na sa mag ina ang lahat.
Hindi na makatingin sa hiya si Elaine. Yun kasi ang nadinig nya sa Kuya nya na si Eunice ang may gustong magpakulong sa kanya, hindi nya akalaing si AJ pala. Malay ba nyang magkakilala sila ni AJ at kay AJ pala itong restaurant.
At si Eunice na kanina pa nagtitimpi hinarap si Elsa.
"Tita Elsa, malaki po ang respeto ko sa inyong dalawa ni Tito Jericho kaya wala po kayong nadinig sa akin matapos ang ginawa sa akin ng anak nyong si Jeremy at ni Lolo Lemuel! Kahit ang Daddy ko ay hindi rin kumilos at ipinaubaya na lang ang lahat kay Tita Ames. Pero..."
Napabuntung hininga si Eunice, halatang galit at pinipigilan ang sarili.
"... hindi na po ito tama! Wala na po kami ng anak nyo matagal na! May asawa na po sya at naka move on na po ako sa buhay ko! Wala na po akong pakialam sa kanya kaya pwede po ba, paki sabi sa kanya na tantanan na nya po ako! Hindi po nakakatuwa ang ginagawa nya!
And Elaine, ..... for your information, hindi ko kailangan ng lalaki para mabuhay ako sa mundo lalo na kung katulad rin lang ng Kuya mong bano! Kaya pwede ba huwag mo akong pagbintangan na parang ang laki ng kasalanan ko sa kuya mo! Mahiya ka naman!"
Mariing sabi ni Eunice.
Napa 'Ohhh...' na lang si Dexter. 'Kaya pala! Now I understand, isang malaking EX ni Ms. Eunice si Mr. Jeremy!'
'E, bakit naman kaya matindi ang hugot ni Sir Mel kanina na parang sya ang 'ex'?'
Napatingin ito kay Mel na nakakunot ang noo sa kanya, parang binabasa ang isip nya.
Ibinuka ni Mel ang bibig nya na walang tunog.
'Umayos ka!'
Sumagot na lang sya ng ngiti kay Mel at tumahimik na nakinig.
"Pa-Pasensya ka na Eunice hindi ko alam, iyon kasi ang nadinig ko sa Kuya ko!"
Hiyang hiya na sabi ni Elaine.
"Yun nga Elaine hindi mo alam, pero kung maka panumbat ka dyan WAGAS! Imbis na alamin mo muna ang katotohanan basta ka na lang nagbibintang! Bakit ba hindi yung kuya mong sobrang yabang na feeling nya superhero sya na kaya nya ang lahat pero nuknukan naman ng duwag, ang kulitin nyo at tanungin kung bakit ganito syang magisip? Gagawa gawa sya ng bagay na mali pa lang sa umpisa tapos aasa sya ng magandang resulta pero pag hindi maganda ang results mag fefeeling victim!
Kasalanan na ng lahat maliban sa kanya!"
Litanya ni Kate na kanina pa rin nagpupuyos sa galit.
Kung hindi lang kay Elsa malamang tinadyakan na ni Kate si Elaine.
Napahiya si Elaine, hindi nya alam kung ano ang gagawin. Gusto na nyang makaalis sa lugar na ito.
Kilala nya ang kuya nya, mataas talaga ang pride nito kaya madalas mali ang mga desisyon at hindi rin ito basta basta tumatanggap ng pagkakamali kahit alam nyang sya talaga ang may kasalan.
'Grabe, ganun pala si Mr. Jeremy masyadong PAASA! Kawawa naman si Duktora! Buti na lang hindi ko sya ipinasama sa presinto!'
Sabi ng isip ni Dexter habang nakikinig pero muli nyang nakita ang mga mata ni Mel na nakatingin sa kanya.
'Jusmiyo, ano bang problema nitong si Sir Mel sa akin at ayaw akong tantanan? Nakikisagap lang naman ako ng tsismis!'
"Tita Elsa, pasensya na po, pero hindi ko po kayo matutulungan! Customer lang din po ako dito! Nadinig nyo naman po, hindi po ako ang nagpakulong kay Jeremy kungdi si Mi ... I mean si AJ!
Sya po ang isa sa may ari ng restaurant na ito!
Mas mabuti pa po sa kanya na lang po kayo makiusap!"
Mahinahong sabi ni Eunice.
'Mabait talaga itong si Ms. Eunice, mahinahon pa rin nya kausapin ang nanay ng ex nya kahit galit na galit na!'
Nagulat tuloy si Dexter ng bigla syang tinawag at tanungin ni Mel.
"Dexter, nasaan ba si AJ?"
"Ay si Sir AJ po? Ano po, kwan po ... teka po! Hindi po ako sure, pero malamang sumunod sya sa presinto! Kasi yun po ang sabi nya, sya po ang haharap sa mga pulis kaya malamang po andun na yun sa mga oras na ito!"
Kinuha ni Eunice ang phone at dinayal ang number ni AJ.
"Yes Coffee ko, bakit ka tumawag?"
Buong pagaalalang tanong ni AJ.
"Nasaan ka ngayon?"
Tanong ni Eunice.
"Bakit, na mi miss mo na ba ako agad?"
Panunukso ni AJ.
"Bigla ka kasing umalis sa meeting na hindi pa tapos! Saan ka ba nagpunta?"
Gusto pa sanang kulitin ni AJ si Eunice pero iba ang feeling nya sa boses nito, mukhang seryoso, feeling nya tuloy may ginawa syang kasalanan at nahuli sya.
'Hmmm, bakit kaya ganito ang pakiramdam ko?'
"Pasensya na Coffee, nagmamadali kasi ako kanina kaya hindi ako nakapagpaalam! Kinakailangan ko kasing magpunta agad ng presinto, meron kasing customer na kailangan kong turuan ng leksyon!
Huwag ka ng magalit, promise, mamaya pagbalik ko ipapaliwanag ko sa'yo!"
Nagtataka naman si Eunice.
'Bakit ang haba ng paliwanag nya, tinatanong ko lang naman kung nasaan sya?'
"Okey!"
Simpleng sagot ni Eunice.
Nahimasmasan naman ng kaunti si AJ ng madinig ang 'okey' ni Eunice.
"Sige bye muna Coffee ko! Love you much!"
At ibinaba na nito agad ang phone para pumasok ng presinto.
"Nasa presinto na raw po sya Tita Elsa!"
"Eunice, humihingi ako ng tawad sa lahat, kasalanan ko ito!"
"Tita, hindi nyo po kailangan humingi ng tawad sa tuwing may ginagawang kasalanan ang mga anak nyo! Ang kasalanan po nila ay hindi ninyo kasalanan!
Malalaki na po sila at nasa tamang edad na para maging responsable sa mga aksyon nila! At Tita Elsa, huwag nyo rin po sanang isipin na nagkulang kayo sa anak nyo, dahil alam ko po kung gaano kalaki ang hirap at sakripisyo nyo para sa pamilya nyo!"
Sabi ni Eunice.
Napaluha na lang si Elsa sa mga sinabi ni Eunice.
"Salamat, Eunice!"
Tumalikod na ito pero patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ni Elsa.
'Napakabuti mo Eunice! Marunong kang magpahalaga sa kapwa mo, maswerte ang mga magulang mo! Sana kahit konti makuha sa'yo ni Jeremy o kahit si Elaine ang kabutihan mo!'
Nakatungong bumaba at lumabas ng resto ang mag inang Elsa at Elaine dahil hiyang hiya sila. Feeling kasi nila pinagtitinginan sila ng mga customer.