Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 315 - Hindi Tayo Close

Chapter 315 - Hindi Tayo Close

'Hmmm, mukhang galit si Coffee ko dahil sa pagalis ko ng walang paalam!'

'Bwisit kasi itong si Jeremy!'

'Makapasok na nga ng matapos na ito para makabalik na ako kay Coffee ko!'

"Sir, Boss, Sarhento, maniwala po kayo, wala po akong kasalanan! Inutusan lang po talaga ako ni Eunice Perdigoñez!"

Umiiyak si Jeremy sa mga pulis habang kinukuha ang mga info nya.

"Hoy bata, manahimik ka nga muna dyan! Atungal ka ng atungal, nagsisimula pa lang akong alamin ang impormasyon mo, mamaya ka na umatungal dyan!"

Sabi ng officer na nagiimbestiga.

Humihikbing, tumahimik si Jeremy sa takot.

"Pangalan?"

"Po?"

"Tinatanong kita kung anong buong pangalan mo!"

"Je-Jeremy Alvarez po."

"Address?"

"Sir, mawalang galang po!"

Napahinto ang imbestigador ng madinig si AJ.

"Bakit iho?"

Tanong ng imbestigador.

"Anong ginagawa mo dito AJ?"

Iritang tanong ni Jeremy. Napatayo pa ito at napasibangot sa inis.

'Anong ginagawa ng lalaking ito dito?' Pinapunta ba sya ni Eunice?'

"Hoy bata, maupo ka nga dyan at manahimik! Ang kulit mo!"

Para naman asong nabahag ang buntot ni Jeremy. Naupo ito at nanahimik sa upuan.

"Officer, ako po ang may ari ng TAMBAYAN restaurant na nagreklamo sa taong iyan!

Nandito po ako para pormal na maghain ng reklamo laban kay Mr. Jeremy Alvarez!"

Nagulat si Jeremy.

'Sya ang may ari ng restaurant na iyon?'

'Magkasosyo kaya sila ni Eunice?'

"Officer, narito po ako copy ng CCTV ng restaurant para malinawan ang kaso!"

Kinuha ng imbestigador ang dalang USB at pinanuod.

Kitang kita sa video na hindi man lang sila dinapuan ng pansin ni Eunice, sila lang ang salita ng salita.

Saka, hindi rin naman nagtagal at umalis din agad ito.

"Bata, kelan ka inutusan ni Ms. Perdigoñez na umorder? Ni hindi ka man lang nya kinausap o sinulyapan man lang!"

"Sir, magkababata po kami ni Eunice, kahit itanong nyo pa po sa taong yan! Pareho po kaming lumaki sa bayan ng San Miguel!"

Paliwanag ni Jeremy.

"Eh ano naman ngayon kung magkababata kayo? Sapat na bang dahilan iyon para ilibre nya kayo ng ganyang kalaking halaga?

Siguro gawain mo talaga ito! Ilan na ba ang nabiktima mo?

Umamin ka!"

"PO? Hindi po! Ngayon lang po! Ang ibig kong sabihin... ngayon lang po ako nasangkot sa ganito!"

Pagkasabi nito tumahimik na si Jeremy at baka kung ano pa ang masabi nya.

Nangiti na lang si AJ.

"Officer, ang totoo nyan, hindi lang ito ang unang beses na ginawa nya yan! Much better po kung magiimbestiga pa kayo! Eto po, ang name ng exclusive restaurant!"

"Salamat sa information iho! Mabuti at itinuloy mo ang demanda!"

"Opo Officer, itutuloy ko po! Kailangan po syang maturuan ng leksyon! Nasaid po ang laman ng freezer ko dahil sa mga inorder nya tapos wala naman pala syang pambayad!

Nagsisimula pa lang po kami sa restaurant na ito kaya malaki po ang natalo sa amin sa araw na ito, halos kalahati po ng kapital namin, pinaluto nya! Hindi ko pa po alam kung magoopen kami bukas dahil wala po kaming pambili ng mga bagong supplies!"

"Te-Teka, Pre! Please huwag mo naman akong ipakulong! Maawa ka naman sa akin! Para naman wala tayong pinagsamahan eh!"

Pakiusap ni Jeremy kay AJ.

"Bakit Jeremy, kelan tayo naging CLOSE? Hindi tayo close! Never tayong naging close!

Diba, kaya mo lang naman ako kinaibigan para magkaroon ka ng prospect client?"

"Wala tayong pinagsamahan Jeremy dahil ginamit mo lang din ako para sa personal mong kapakanan, gaya ng pag gamit mo kay Eunice!"

*****

Samantala.

Sa presinto na nagtuloy ang mag ina upang mahabol si AJ para mapakiusapan.

Malapit na sila sa presinto ng mapansin ni Elaine ang papalabas na si AJ.

Kilala sya ni Elaine, may crush sya dito ever since na ipinakilala sya ni Jeremy sa kanya, nakaramdam sya ng tuwa ng muli nya itong makita.

Alam nyang wala pa itong girlfriend at ngayon ay may ari pa ng isang restaurant. Nakaramdam sya ng pagnanasa na maging boyfriend si AJ.

Pero bigla syang nahiya ng maalala ang ginawa ng Kuya nya sa restaurant nito.

"Oh, anong nangyayari sa'yo dyan, bakit namumula ka? May sakit ka ba?"

Tanong ni Elsa sa anak ng mapansing bigla itong mapahinto at ng lingunin nya ay pulang pula.

"Eh, Mama si AJ po! Ayun!"

Sabay turo sa direksyon ni AJ na kasalukuyang tinitext si Eunice para sabihing pabalik na sya ng restaurant.

"Sigurado ka? Tara lapitan natin!"

At hinatak nito si Elaine na lalong namula sa gustong gawin ng ina.

[Hi Coffee ko, pabalik na me! Me gusto ka bang ipabili?]

~Milky

[Wala naman, basta bumalik ka agad and ingat sa pagdadrive!]

~Coffee

[Sige magiingat ako! Love you much! (heart, heart, heart)]

~Milky

'Haaay salamat hindi na galit si Coffee ko!'

"Hello po, mawalang galang na po! Kayo po ba si Sir AJ, yung may ari ng TAMBAYAN restaurant?"

Tanong ni Elsa na ikinagulat ni AJ.

Napansin ni AJ ang nakatungong si Elaine kaya natiyak nyang mother nya ang kasama nya. Me hawig sila ni Jeremy.

Hindi na nagtaka si AJ kung bakit bigla sya nilapitan ng mag ina, marahil ay gusto nilang kausapin sya tungkol kay Jeremy.

"Opo Mam ako nga po! Magandang araw po! Hi, Elaine!"

Nangiti si Elaine ng batiin sya ni AJ. Kinikilig ito pero nahihiya.

"Sir AJ, pwede ko po ba kayong makausap?"

Sabi ni Elsa.

"Mam, AJ na lang po! Kayo po siguro ang mother ni Elaine at Jeremy?"

"Tama ka iho ako nga, at nandito ako para sana pakiusapan ka, pwede bang iurong mo ang reklamo sa anak kong si Jeremy? Nakikiusap ako sa'yo, please, huwag mo syang ipakulong!"

"Mam naintindihan ko po ang concern ninyo sa anak nyo, pero, masyado na pong naiispoiled ang anak nyo to the point na hindi na nya alam kung ano ang tama at mali! Gustuhin ko man po na pagbigyan kayo pero, paano kung gawin nya ulit ito? Kailangan na pong matuto ng anak ninyo! Kailangan nya na pong ma realize na marami na po syang nasasaktan sa mga pinag gagawa nya!

Pasensya na po Mam, pero hindi ko po kayo mapagbibigyan!"

Sumakay na ito ng kotse at umalis.

Naiyak na lang si Elsa. Hiyang hiya siya dahil hindi nya napalaki ng tama ang anak nya.

Totoo lahat ang sinabi ni AJ pero matitiis ba nya ang anak kung makikita nya sa ganito kalagayan na nasa likod ng rehas?