Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 317 - Pananahon Na Para Tapusin Ito

Chapter 317 - Pananahon Na Para Tapusin Ito

Nakarating kay Ames ang nangyari sa pamangkin nyang si Jeremy dahil sa kapatid nitong si Jericho na agad lumapit sa kanya para humingi ng tulong.

"Ate Ames naman, maawa ka, please! Tulungan mo naman makalabas ng kulungan ang anak kong si Jeremy!"

Humahagulgol na pakiusap ni Jericho sa kapatid.

Araw araw itong pabalik balik sa bahay ni Ames para kulitin ito.

Hindi naman sa ayaw nyang tulungan ni Ames si Jeremy, busy lang sya sa paghahanap sa ama at obvious naman na hindi pa natututo ang pamangkin nya kaya ayaw muna nyang bigyan ng pansin.

"Ano pa ba ang gusto mo Jeric, nagbigay na ako ng abogado kay Jeremy! Hayaan mong gawin ng abogado nya ang trabaho nya!"

"Pero Ate Ames, kung makikita mo lang ang anak kong si Jeremy, nakaawa sya. Hindi sya nababagay sa lugar na iyon kaya sige na, gumawa ka na ng paraan para makalabas ang anak ko!"

"Jeric, araw araw kang nandito pero ni minsan natanong mo man lang ba ako kung kamusta na ako? Baka kasi may problema ako o baka may pinagdadaanan?"

Walang alam ang pamilya ni Ames sa ginagawa nyang pagiimbestiga sa nangyari sa nawawala nyang anak.

Hindi dahil sa ayaw nyang sabihin, wala lang talagang nagtatanong, bagay na minsan ikinasasama ng loob ni Ames. Kaya si Edmund at Nicole na lang ang lagi nitong kausap.

"Ate, alam ko naman na okey ka hindi katulad ko na nahihirapan na sa kalagayan ng anak ko!"

'Grabe 'tong kapatid ko, walang pakialam sa akin, hindi man lang nahalatang may pinoproblema ako!'

"So anong gusto mong gawin ko, Jeric, palabasin ng kulungan si Jeremy para gumawa na naman sya ng kabulastugan?"

"Ate naman bakit ganyan ka? Ang tigas naman ng puso mo para sa anak ko! Wala ka ba talagang pakialam sa hirap na dinaranas nya ngayon?!"

Naginit ang ulo ni Ames sa nadinig.

Simula pagkabata ni Jeremy sya na ang nagpaaral dito. Ngayon nagkaroon sya ng kaso sya pa rin ang nagbigay ng abogado, tapos ganito pa ang madidinig nya sa kapatid!

"Hindi mo alam ang hirap na pinagdadaan ko ngayon, Jeric! Hindi mo alam dahil never kang nakialam. Kasi ever since wala kang pakialam!

Ang tanging mahalaga lang sayo ay ang gago mong anak!"

Nangingilid ang mga luha ni Ames, hindi na nya mapigil ang nagpupuyos nyang damdamin.

"Ate ..."

Buti na lang tumunog ang phone ni Ames.

"Umalis ka na Jeric, may kailangan pa akong gawin!"

"Pero ate paano si Jeremy?"

"Tutulungan ko syang makalabas pero sa isang kundisyon!"

"Ano yun Ate? Kahit ano, palabasin mo lang sa kulungan ang anak ko! Ito lang ang magbibigay ng kapayapaan sa amin ng asawa ko!"

"Palalabasin ko sya pero ipangako mong hindi mo pakikialaman ang gagawin ko sa kanya!"

"Pangako Ate!"

Tuwang tuwang umalis si Jericho. Hindi na mahalaga kung ano yung gustong gawin ni Ames kay Jeremy basta makalabas lang ito.

Pagkaalis ng kapatid, saka lang nito sinagot ang tumatawag.

"Ms. Ames, nakita na po namin ang Papa nyo, alam na po namin kung nasaan sya!"

Sabi ng kabilang linya.

Ito ang isa sa mga tauhan ni Don Miguel na hiniram nya para hanapin ang ama.

"Sigurado ka?"

"Opo Ms. Ames! Ipapadala ko po ang mga pics sa inyo!"

"Salamat!"

Nagulat si Ames. Naroon ang kanyang ama sa lugar na hindi nya inaasahan.

Sa kampo ng dating Gobernador ng San Miguel na si Pancho Abellardo.

'Anong ginagawa mo sa lugar na iyon Papa? At anong kinalalaman mo kay Pancho?'

*****

Gusto mang pumunta ni Ames ng San Miguel kinailangan muna nyang ipagpaliban.

Panahon na para magharap sila ng bwisit nyang pamangkin.

Nagtungo ito ng presinto.

"Anong masasabi mo ngayon Jeremy, masaya ba dito sa loob ng kulungan?"

Ilang araw pa lang ito pero kita na ang pagkamiserable sa mukha ni Jeremy.

"Tita Ames, please po, ilabas nyo ako dito, wala po akong kasalanan!Pangako po magbabago na ako!"

Pakiusap ni Jeremy

"Magbabago? Nadidinig mo ba ang sarili mo? Ni hindi mo maamin ang pagkakamali mo! Kasasabi mo lang, wala kang kasalanan, eh bakit ka narito kung wala kang kasalanan?"

"Tita Ames, hindi po ako, si Eunice po! Pinagiinitan lang po nya ako kaya nya po ako pinakulong!"

"Pinagiinitan? Bakit ka naman pagiinitan nun anong dahilan? Ha?"

"Kasi ... kasi po ... kasama ko po kasi ang asawa kong si Bea kaya siguro nagalit sya kaya ginawa nya po ito para makulong ako! Tita please maniwala ka, wala po akong kasalanan!"

"Tsk! Tsk! Tsk! Jeremy subukan mo kayang gumising dyan! Sa tingin mo ba hindi ako nagimbistiga sa kung anong nangyari?

Hindi ako TANGA!

Saka, mismong si Bea na ang nagsabi sa akin ng totoong nangyari at humingi na rin sya ng tawad sa may ari ng restaurant pati na rin kay Eunice! Nangako na rin syang hindi na nya guguluhin pa si Eunice, kahit kelan!"

Natakot na kasi si Bea na baka pati ang lisensya nya mawala pa pag muli nyang ginulo si Eunice.

Ito na lang pagiging duktor nya ang inaasahan nya para makabawi sya at ayaw nyang mawala ito.

Saan na sya pupulutin pag pati ang pagiging duktor nya ay mawala sa kanya?

Hindi naman makapaniwala si Jeremy.

Hindi sya makapaniwalang ipinagkanulo sya ng asawa nya.

'Bakit nya ginawa yun? Hindi kaya tinakot lang sya ni Eunice?'

"Tita Ames, hindi po ako naniniwalang magagawa ng asawa kong si Bea ang sinasabi nyo! Baka ... baka po tinakot sya ni Eunice kaya nya ginawa yun!"

Paliwanag ni Jeremy sa tiyahin.

Hindi makapaniwala si Ames sa nadinig na paliwanag ng pamangkin.

"Napakataas naman ng tingin mo sa sarili mo Jeremy! Bakit, akala mo ba may pakialam pa sa'yo si Eunice? Mahiya ka naman! Kinikilabutan ako sa kung paano ka magisip! Bakit hindi mo kaya subukang magpakumbaba gaya ng ginawa ng asawa mo, kesa pinaninindigan mong TAMA ang ginawa mo kahit hindi naman!"

Gigil na gigil na sa inis si Ames sa pamangkin.

"Ayusin mo ang sarili mo, mamya maghaharap harap kayo!"

"Panahon na para tapusin itong kahibangan mo!"